CHAPTER 3

973 Words
  "SIS? OKAY KA LANG?" tanong ng kaibigan ko. Hindi ako makapagsalita at bigla nalang tumulo ang luha ko. Sumisikip ang dibdib ko, parang isang papel na pinunit punit sa sobrang sakit. Damang dama sa kaibuturan ng buto ko ang kirot. "Sugurin na ba natin?" Anang kaibigan ko na akmang lalabas na sa pinagtataguan namin sa di kalayuan. Hinawakan ko ito para pigilan. Nakuha pang maghalikan ng mga taksil. Gumuho ang mundo ko ang nakapaligid na gusali sa paningin ko ay parang isa isang nagbabagsakan, kasama pa ang tiyan kong mala bulkang nag aalburoto dahil sa gutom. "Umuwi na tayo," nasabi ko nalang kay Ava. "What? ganern nalang? ‘Di mo susugurin?" tanong nito.   Bumuntong hininga ako at nagsalita. "Hindi ko sasayangin ang pinag aralan ko para sa mga walang kwentang taong katulad nila, mabuti nang nalaman ko ngayon kung anong klaseng tao siya," pagkasabi ko ay lumabas ako sa posteng pinagtataguan namin, kahit ayaw kong magpakita ay nakita parin talaga ako ni Jeric. Nagulat naman ito nang makita ako.   "Kirsten?"   At nakuha pa talaga nitong bumalikwas sa kapit-tuko nitong kasama kahit huli naman na sila. Akmang Lalapit ito pero pinigilan ko ito. "Diyan ka lang!"   "I can explain."   "You don't have to, malinaw ang nakita ko," pagkasabi ko ay nag walk-out narin ako.   Sumunod naman ang kaibigan kong si Ava na inirapan pa si Jeric. Narinig ko pa itong tinawang si Jeric na "asshole!" Naglakad ako nang sobrang bilis papalayo sa kanila. Hingal namang sumusunod si Ava. "Sis! Antayin mo naman ako! ang bilis mong maglakad nahihingal na ko," pagrereklamo nito. Tumigil naman ako at hinintay siya. "Sorry, na carried away lang ako." "Sissy, hindi ko talaga inexpect na nandoon sila." "Ano ka ba! Buti nalang talaga tinawagan mo ko kundi, aba! dakilang tanga ko forever! Loko pala 'yon! Dito pa talaga sa QC, para ano?para diko malaman? Well sorry siya! Sobra akong mahal ng Diyos kasi hinayaan niya na malaman ko ang totoo!" litanya ko pa habang nanginginig at pinipigil ang luha. "Teacher pa man din siya, kapal ng mukha!" sabi naman ni Ava. Nakaka imbyerna talaga. Niyakap naman ako ng kaibigan ko. "Lika nga! Yaan mo na yun! Di ka deserve non! Ganda ganda mo kaya!" pagcocomfort nito sa'kin. Magkahalong lungkot at galit ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko matanggap ang ginawa ni Jeric sa'kin. Tuliro, tulala, name it all, Pakiramdam ko ay sinakluban ako ng langit at lupa. Dumerecho na ako ng uwi.         Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko ang Mama ko na nakikipag inuman sa kaibigan nito. "Oh kiddo andiyan kana pala! Si tita Merly mo, classmate ko nung highschool," pagpapakilala nito sa kanyang kainuman. "Hi po," bati ko rito na nakangiti. Bagama't nagdurugo ang puso ko ngayon ay pilit ko itong tinatago iyon kay Mama. "ito na ba anak mo Madel? Ang ganda ah, manang mana sa Tatay," ani ng bisita namin. "Grabe naman! Tatay agad? ‘Diba pwedeng sa’kin? Ganda ko kaya!" sagot naman ng Mama ko.   Napangiti lang ako habang nagtatawanan sila. Hindi na bago sa'kin ang ganoon, kahit sinong kakilala ng Mama ko na makikita ako ay palaging sinasabing kamukha ko talaga si papa. Minsan hindi ko maiwasang ma curious sa itsura nito, kung kamukha ko ba talaga ito? Hanggang sa parati ang nagiging ending ay ang kagustuhan kong hanapin ito, sabi ni Mama patay na raw ito. Pero ‘di parin maalis sa isip kong kilalanin ang isang bahagi ng pagkatao ko, kahit manlang puntod o kung anong impormasyon tungkol dito. Kung hindi lang masasaktan ang kalooban ni Mama, isa ‘yan sa goal ko sa buhay. Nagpaalam na rin ako sa kanilang dalawa at dumeretso na sa kwarto ko. Windang parin ako sa pangyayari. wala akong balak sabihin muna kay Mama ang nangyari sa araw na to. Hindi lang muna ako magpapahalata. umiyak ako nang umiyak. Sa mga oras na ito ay napapatanong ako, kasing malas ko ba ang Mama ko pagdating sa love life? Kasi akala ko ang perfect na, pero bakit ganoon? Papa! Sana hindi mo iniwan si Mama! Sana bago ka pa namatay ay tumakas nalang kayo ni Mama at namuhay sa Pilipinas. Kaya naman ‘diba? I cried until I fell asleep.   UMAGA na nang magising ako, narinig ko si Mama na panay katok sa pinto. "Kiddo! Bangon na diyan, kain na tayo, magsisimba pa tayo," sigaw nito. Saka ko lang napagtantong Linggo na pala ngayon. Bumangon ako at pinagbuksan si Mama. "Ano ba 'yang itsura mo? Bakit mugto yang mata mo?" Napansin nito ang mata kong parang kinagat ng bubuyog sa sobrang maga. Tumunog naman ang tiyan kong gutom, kahapon pa pala ako hindi kumakain. "Pambihira! ‘di ka naman ba kumain kagabi? Sinasabi ko sa’yo Kirsten Mutya! Ano bang problema mo?" Sermon sa'kin ng Mama. Bumaba naman kami papuntang hapag kainan. Kinwento ko kay Mama ang nangyari kahapon. "Naku! Mabuti nalang at nakita mo nang mas maaga! Hayaan mo na! Marami pang iba diyan. Move on kiddo! Hindi siya kawalan. Ikaw ang ang kawalan sa kanya. Ang m******s ng loko!" Panggagalaiti nito. "Marami pang iba diyan." Hirit pa nito. "Eh kayo ba ma? di niyo ba naisip palitan si papa?" Out of the blue ay napatanong ako. Napatigil naman si Mama sa pagsubo sa kinakain nitong pandesal na may hotdog. Tumahimik ito na tila naghahagilap ng sagot. "Eh..." "Hindi na ano! kuntento na ko sa buhay ‘di ko na kailangan ng lalaki. Masaya na ko na tayo lang magkasama," paliwanag ni Mama. "Hooo! Ang amards lang natin eh!" Sabi niya pa. "Alam mo ma, hindi ko kailangan ng lalaki, tayo lang sapat na!" Taas noo kong sabi. Kinotongan ako ni Mama sa ulo at hinimas koi yon dahil medyo masakit"Loka loka! Hindi ka pwedeng gumaya sakin no! Dapat mag asawa ka. Syempre gusto kong magka apo," nagtawanan at nagkulitan kaming dalawa.   "Saka bata ka pa para sabihin ‘yan, Siguro hindi mo pa nakikilala ‘yong taong para talaga sa’yo. The right person is the best," huling sabi ni Mama. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Sabi nga nila, Mothers knows best. And it’s true, I just haven't met you yet. MR. RIGHT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD