CHAPTER 2

1145 Words
  KINABUKASAN ay binisita ko ang estudyante kong si Gene. Base sa nakalagay na address nito sa enrollment form ay sa Wonderful Subdivision ito nakatira. Malaki ang bahay nito at sa tingin ko ay may kaya naman ang pamilya ng bata. Sa mahal ba naman ng Tuition sa St. Andrews, malamang ay mayroong magagandang trabaho ang mga magulang nito. Nag doorbell na ako sa bahay. Makalipas ang ilang minuto ay pinagbuksan ako ng isang babae na nakasuot ng damit pang kasambahay. "Good Morning po Ate," bati ko sa kasambahay. "Good morning po Ma’am," bati naman nito. "Ako po pala si Ms. Rodriguez, ang teacher ni Gene. Pwede ko po bang makausap ‘yong bata? Kasi ilang araw nang hindi pumapasok eh." "Ay opo! Pasok po kayo nandito si Ma’am at Sir," anito habang ginigiya ako papasok sa bahay. Sinalubong naman kami ng mga magulang ng bata. "Miss Rodriguez, mabuti po at bumisita kayo," ani Mrs Reyes. "Good morning po Ma’am and Sir, gusto ko lang po sanang makausap ang anak ninyo dahil nag aalala po ako, ilang araw na kasing hindi pumapasok," pagsisimula ko.   "Iyon na nga po ang problema Maam, ilang araw nang nagmumokmok sa kwarto ang bata ayaw kaming kausapin, nag aalala na rin kami," tugon naman ni Mr Reyes.   "Ganoon po ba? Baka pwede pong kausapin ko siya Sir? Baka sakali pong makinig siya sa’kin," mungkahi ko naman. Sumang ayon naman ang mag-asawa at iginiya ako sa kwarto ng bata. Kinatok ko naman iyon.   "Gene?" Tawag ko sa bata. Ilang segundo lamang ay narinig ko ang tunog ng lock ng pinto, wari'y ito ay binuksan ng bata. Pinihit ko ito at nabuksan nga. Nilingon ko ang mag asawa at sinenyasan na ako lang muna ang papasok. Pagpasok ko ay nakita kong nakaupo ang bata. Umiiyak at tila hapong hapo. "Gene? Ayos ka lang ba?" Tanong ko. Lumingon ito at nang makita ako nito ay umiyak ito. Nilapitan ko naman ito at niyakap. "Anong problema? Sabihin mo sa'kin Gene." "Na bully po kasi ako sa school Ma’am kaya po ayaw ko nang pumasok," kwento nito. "Kinukuha po nila baon ko, tapos inuutusan ng kung anu-ano, minsan pinapahiya nila ako." "Bakit naman hindi mo sinasabi sa parents mo Gene?" Tanong ko naman.   Umiyak naman lalo ang bata, kita sa mga mata niya ang lungkot. "Kasi po hindi naman nila ako pinapansin, minsan po gabi na umuuwi, pag nasa bahay naman palaging may kausap sa cellphone at pag gusto ko po mag share nagagalit sila sinasabi busy daw po sila," kwento muli ng bata. Nalungkot ako para sa bata. Salat pala ito sa atensiyon, bagay na never pinaramdam ng mama ko sa akin. Hindi rin pala ibig sabihin na marangya ang buhay mo ay masaya kana, minsan ang malulungkot na tao ay nakatira sa malalaking bahay. Kinalma ko naman ang bata. "Hayaan mo, kakausapin ko ang parents mo, at huwag kang mag-alala kakausapin ko rin ang mga nambully sa’yo. Sana pumasok ka na sa lunes ha?" Sabi ko sa bata. Tumango naman ito bilang pag sang ayon. Pagkatapos kong kausapin ang bata ay sinamahan ko muna ito ng ilang oras, kinausap at pinasaya sa pamamagitan ng mga kwento at kung anu ano. Kinausap ko naman ang mga magulang nito kalaunan.   "Hmm... Ma’am and Sir, pwede ko po ba kayong kausapin?" Magalang kong sabi sa nga magulang ni Gene.   "Ano po iyon maam?" Tugon naman ni Mr Reyes.   "Na kwento po kasi ng bata na kulang po siya sa atensiyon galing sa inyo. Eh ang mapapayo ko lang po, sana ay bigyan niyo po ng kaunting oras ang anak ninyo sa isang araw. Para alam niyo rin po ang nangyayari sa kanya."   Medyo nahihiya ang mga ito na sumagot.   "Ah. Eh, aminado po kami doon ma’am, masyadong busy sa trabaho. Pag uwi pagod na kaya hindi na namin na momonitor yung anak namin."   Ngumiti ako sa kanila. "Ayon po, minsan lang po sila bata kaya habang may panahon pa, magbigay po tayo ng oras at atensiyon sa kanila."   "Thank you Ma’am, gagawin po naming lahat ng makakaya namin para mabigyan ng oras ang anak namin." Ngumiti ako at nagpaalam na sa kanila.     PAGKATAPOS kong bisitahin ang estudyante ko ay nagpasya na akong umuwi, gutom na ako dahil tanghaling tapat na ngayon, pero biglang nag ring ang cellphone ko at nang tiningnan ko ay nag appear ang pangalan ng kaibigan kong si Ava. "Hello Sis?" Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Ano? Saan ka? QC? Anong ginagawa mo diyan? S’an banda? Seryoso? Oh sige sige punta na ‘ko, malapit lang ako diyan bye!" sabi ko sabay drop ng call.   Sumakay ako ng jeep papunta sa NICE HOTEL kung saan naroon ang kaibigan ko. Huhulihin daw nito ang boyfriend na seaman na may kasamang ibang babae. Tinawagan ko naman ito pagkarating ko. "Hello? Ava? Nandito na ko sa Nice san ka na banda?" "Nandito ako sa likod ng poste," tugon nito. Lumingon-lingon ako sa paligid at nakita ko nga itong kumakaway at nakatago sa likod ng poste sa di kalayuan. Nilapitan ko ito at nakitago na rin ako. Sabay naming sinisilip ang labasan ng hotel, mga kalahating oras din kaming naghintay at sa wakas ay may akmang lalabas na.   "Ayan na sis! Humanda na tayo! Gegyerahin ko talaga sila pag nahuli ko!" ani Ava na pomopormang itaas ang sleeve ng t-shirt nito at akmang manununtok ang posisyon ng kamay. "Naku pinaghandaan ko to kaya nga nag rugged ako ngayon para maka flying kick ako sa mga pagmumukha nila!" anitong gigil na gigil. Natatawa naman ako nang bahagya. "Go girl!" pagchi-cheer ko. Sa wakas ay may akmang papalabas na ng hotel. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.   NAKAKAKABA. Bagama't hindi ko naman boyfriend ang hinuhuli.   NAKAKALUNGKOT. Dahil meron palang mga taong kayang manloko sa mga partners nila.   At NAKAKAGULAT! Dahil hindi ko inaasahan ang nakita ko…         Si Jeric!       Jeric Maniago na boyfriend ko! My first ever boyfriend, and I was hoping that he will be my last. He was my College Classmate, my first crush. The first person who gave butterflies in my stomach. Niligawan ako nito since first year, pero sinagot ko lang ito after we graduated. Iyon kasi ang kundisyon ng mama. Hindi din naman nagkaproblema si mama sa amin dahil pareho kaming nakapasa sa board exam at naging teacher sa isang magandang School.   Sa loob ng 5 years naming magkarelasyon, masasabi kong mabait si Jeric, sweet, thoughtful bonus pa ang pagiging gwapo nito.   Binabansagan itong Sir Pogi sa School at madami ding estudyante ang nagkaka crush sa kanya.   And he always respected me sa loob ng mga taong iyon na magka relasyon kami.   Pero nirespeto nga ba? Anyare at ngayon ay nagpaparaos siya sa ibang babae?       Araw-araw pagkakatapos ng klase ay sabay kaming umuuwi, minsan pa nga ay nag di dinner date kami, lalo na pag monthsary, anniversary o di kaya ay may birthday or achievement ang isa sa amin, pero lately, naging busy ito sa family, minsan nauuna itong umuuwi. Madalang nalang din kaming mag-dinner o lumabas. Inintindi ko nalang dahil baka may pinagdadaanan.     Kaya pala ganoon ang kinikilos nito.   Kasi may kinakalantari na palang iba!   Nabuwal ako nang bahagya at inalalayan naman ako ni Ava.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD