Working Student

1001 Words
By Michael Juha getmybox@hotmail.com ------------------------- Matalik kong kaibigan si Marbin. Actually, naging mag-close friend lang kami simula noong first year college. Transferee kasi ako sa school na iyon. Noong gumraduate ako bilang valedictorian sa high school, binigyan ako ng full scholarship ng unibersidad. At dahil hindi ko kabisado ang mga pasikot-sikot sa enrolment, naligaw ako at napunta sa isang building. Inakyat ko ang second floor nito. At bagamat wala akong nakitang mga estudyante, nagbakasakali pa rin ako na baka nandoon ang pakay kong opisina at nasa itaas ang mga tao. “S-saan ang punta mo?” ang tanong sa akin ng akala ko ay janitor. Habol-habol pa ang kanyang hininga, hininto niya ang kanyang pagpo-floor mop. Nabigla ako nang bahagya, napahinto nang nakita kong ang bahaging iyon ng hallway na dadaanan ko sana ay siya ring nililinis niya. Hindi ko akalain na wala pala talagang tao ang building maliban sa kanya. Kitang-kita ko sa kanyang porma na nasa kalagitnaan siya sa kanyang pagtatrabaho. Naka-jeans lang siya, walang sinturon at sa hubad niyang pang-itaas na katawan ay bumabalisbis ang ang mga malalaking butil ng pawis, ang kanyang t-shirt ay ipinulupot at nakalaylay mula sa kanyang likurang bulsa. Basang-basa rin ng pawis ang kanyang mukha. “D-di ba dito ang Guidance Department? Trasferee kasi ako pre… hindi ko alam kung saan ang building ng Guidance. Ang sabi kasi noong isang estudyanteng napagtanungan ko ay dito...” ang tanong ko. “Ay hindi… sa isang building pa.” sabay tumbok niya sa may gilid ng hallway at itinuro ang isang katabing building. “D’yan ang  Guidance. Nakita mo iyang may maliit na pathwalk? Baybayin mo lang iyan. Doon mismo ang tumbok ng dulo niyan.” Sambit niya. “S-saan ba d’yan?” tanong ko uli. Tatlong pathwalk kasi ang nakita ko at hindi ko alam kung saan doon ang itinuro niya. “Ah… sige, samahan na lang kita sa baba” ang pagboluntaryo din niya noong napansing hindi ko nakuha ang gusto niyang pathwalk na tutumbukin ko. “Huwag na pre.. huwag na! Nakakahiya. S-sige, ako na ang bababa, hanapin ko na lang.” “Huwag… samahan na kita. Sa baba lang naman, ituro ko kung aling pathwalk” ang paggiit pa niya. Wala akong nagawa kundi ang magpaubaya. Sa ginawang pagtulong na iyon ni Marbin, alam kong isa siyang mabait na tao. Doon pa lamang ay may naramdaman na akong paghanga sa kanya. Habang nakabuntot ako sa kanya, doon ko na rin napansin ang kanyang porma. Nasa 5’10 ang kanyang height, matipuno ang kanyang katawan at wala kang mapansing taba kahit sa anong bahagi ng kanyang pang-itaas na katawan. At bagamat sunog ang kanyang balat, makinis ito at malinis siyang tingnan kahit basa sa pawis. “O hayan... ito iyong pathwalak na sinabi ko. Tumbukin mo lang ang dulo niyan, may makikita ka nang mga estudyanteng nag-uumpukan. Makikita mo na rin ang karatula ng Guidance Office.” Sambit niya noong natumbok na namin ang sinabi niyang pathwalk. “S-sige pre... Maraming-maraming salamat.” Ang sabi ko. “Marbin. Marbin Daria.” Ang sagot niya sabay abot ng kanyang kamay at bitiw ng isang ngiti. Lumantad sa aking paningin ang kanyang mapuputi at pantay na mga ngipin. Tinanggap ko ang pakikipagkamay niya. “Benedict Belarmino” ang sagot ko. “Isang working student ako pre. Kapag may problema ka dito sa school, hanapin mo lang ako.” “S-sige. Salamat Marbin” at kinawayan ko sya sabay tumbok na sa Guidance office. Natagalan ako sa Guidance. Wala pa kasi ang head nito kung kaya ay naghintay ako kasama ang mga estudyanteng mas nauna pa kaysa sa akin. Kailangan daw kasing isa-isang makausap kami ng Guidance Councilor. “O… nandito ka pa?” ang bigla kong narinig na boses galing sa aking likuran. Bigla akong napalingon. Si Marbin pala. “Oo… hindi pa raw dumating ang head ng Guidance Department, eh.” “E, di kain muna tayo! Kadalasan after lunch pa si Sir dumarating.” “G-ganoon ba?” ang pag-aalangan kong sagot. Nahinto ako sandal. “S-sige. Mukhang wala akong choice” dugtong ko. Kumain kami sa canteen. Kanya-kanyang bayad. Ililibre niya sana ako, ngunit noong nag-insist naman ako na ako na ang manlibre sa kanya dahil ako naman itong tinulungan niya, ayaw naman niyang pumayag. Kaya, hayun, kaya kanya-kanya kami. Sa pag-uusap naming iyon ni Marbin ay nalaman ko ang iilang bagay sa buhay niya. Nasa second year siya sa kursong Education, 17 taong gulang, mas matanda lang sa akin ng isang taon. Sa Mindanao daw ang roots nila, napadayo lang doon ang mga magulang niya dahil sa paghahanap ng trabaho. Ngunit doon na rin sila namatay. Kaya ulila na siya sa mga magulang. Wala siyang kapatid, at nakitira na lamang sa kanyang tita na isang-kahig isang tuka rin. Kaya napilitan siyang mag working student dahil sa kahirapan at upang makamit ang minimithing pangarap na makapagturo sa paaralan ding iyon. Kapag week-days, sa dormitoryo ng mga working students siya nakatira at kapag week-ends naman, umuuwi siya sa kanilang probinsya. Ramdam ko ang lungkot sa kanyang mga mata sa pagkukuwento niya sa akin tungkol sa kanyang buhay. Doon pa lang, may awa na akong naramdaman para sa kanya. Halos pareho rin ang buhay namin; nanggaling din kasi ako sa isang mahirap na pamilya, nagsumikap din na makatapos ng pag-aaral. Ang kaibahan lang ay scholastic scholar ako samantalang siya ay kailangan pang kumayod upang makapag-aral. Isa pa, may kumpleto akong mga magulang, may dalawang kapatid samantalang siya ay wala. Kaya kung pagmamahal ng pamilya ang pag-uusapan, nakakalamang pa rin ako. Kahit papaano, masasabi ko pa rin sa aking sarili na maswerte ako sa kabila ng kahirapan. Ngunit kung gaano kahirap ang buhay niya, hanga naman ako sa ipinamalas niyang tatag, disiplina sa sarili, pagpakumbaba, at determinasyon na makatapos ng pag-aaral. Higit sa lahat, hanga ako sa kanyang kabaitan. Kahit ganyan ang klaseng buhay niya, wala akong reklamong narinig sa kanya. (Itutuloy)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD