bc

Forget Me Not

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
drama
sweet
like
intro-logo
Blurb

Lauren's dream guy is sweet, caring at may pangarap sa buhay which is the opposite of Emmanuel Altamirano, a cold-hearted, motorcycle rider wannabe, arrogant guy na daig pa ang patay sa kawalan nito ng emosyon. Wala yata itong pangarap sa buhay at puro race lang ang inaatupag. Hindi yata siya mauubusan ng negative adjectives para i describe ito.

She will never fall inlove with him. Never.

Pero bakit siya nagseselos when Emman smiled at her bestfriend Shaina at lihim na humiling na sana ngitian rin siya nang ganoon ni Emman? Why did she feel insecure nang si Shaina ang kunin nitong muse sa motorcross race at hindi siya?

Hindi niya maintindihan kung bakit malamig ang pagtrato nito sa kanya at hindi niya rin maintindihan kung bakit sa kabila ng lahat, she's still secretly inllove with him.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Dad, totoo ba?" wala sa sariling tanong ni Lauren sa kararating na ama. Based on his worried look, hindi maganda ang dala nitong balita. Hindi siya makapaniwala na kayang gawin iyon ng kasintahan. "Calm down, Lauren," Rodell smiled kahit halatang pilit iyon. "Alam mong hindi iyon kayang gawin ni Emman." "Pero sabi sa balita malakas daw ang ebidensya laban sa kanya." "Siya ang huling kausap ni Mr. Northwood," pag-amin ni Rodell. "Pero sa ngayon ay iniimbestigahan pa ang kaso." "M-makukulong ba siya?" halata ang takot sa mukha ni Lauren. "He's missing. Tumakas si Emman." Tuluyan nang napaiyak si Lauren. Paano na lang kung may mangyaring masama rito? Paano kung mabaril ito habang tinutugis ng mga pulis? "Magpapahinga na muna ako," paalam ni Rodell. "Don't worry, hindi siya pababayaan ng mga kapatid niya. Be strong. Kailangan ka ni Emman." Wala na ang ama pero nanatiling tulala si Lauren. Kailangang mahanap si Emman. Sinubukan niyang tawagan ang mga kapatid nito pero walang sumasagot. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng takot. Dati kasi ay sumasagot agad ang mga kapatid nito. Sa maikling panahon ng pagiging magkasintahan nila ni Emman ay itinuring na siya ng mga itong kapatid kahit pa naging lihim ang relasyon nila dahil napagbintangan din itong nagtangka sa buhay ng ama niya. Pero alam ng lahat na iba ang may pakana noon. Not Emman. Not her Emman. ‌Hatinggabi na ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Lauren. She sat in her bed at sinubukang buksan ang T.V. Kasalukuyan siyang nanonood ng koreandrama nang marinig niya ang tunog ng motorsiklo sa 'di kalayuan kaya biglang bumilis ang t***k ng puso niya at napasilip sa bintana. Agad niya ring isinara iyon nang marinig na tahimik sa labas. Maybe, she was being paranoid. Emman loves riding motorcycle. Muli siyang bumalik sa kama at inabala ang sarili sa panonood. Makalipas lang ang ilang minuto ay tumunog ang cellphone niya. Private number ang tumawag pero malakas ang kutob niyang si Emman iyon. Nanginginig ang kamay niya nang sagutin iyon. "H..hello." "I'm in your terrace." Agad na binuksan ni Lauren ang pinto sa maliit na terrace ng kwarto. He was there. "Emman," umiiyak na niyakap ni Lauren ang lalaki. "Shhh. Huwag kang maingay," bulong ni Emman pero bakas ang tuwa sa mga mata. "C-can we go inside?" Tumango si Lauren. If it was a normal day,malamang na hindi siya papayag. But she missed him at alam niyang nasa panganib ang buhay nito. "Kumusta ka na?" he casually asked na tila ba  wala itong malaking problema. He looks disheveled but he was smiling. Enough to melt her heart. "I miss you." "I-I miss you too," naiiyak na sagot ni Lauren. "Don't leave. Itatago kita rito." "Lauren..." "I won't ask you to surrender. I'll hide you kahit pa makasuhan din ako." Kahit na problemado ay hindi maiwasang matawa ni Emman. Lauren is so different now unlike before na takot sa lahat ng bagay. Hindi niya tuloy maiwasang isipin na bad influence talaga siya. "Let's not talk about it. Gusto ko lang makasama ka kaya ako nagpunta rito," he sat on the empty bed at bahagyang napangiti nang makitang nanonood ng koreandrama si Lauren. He didn't like watching them before pero nagustuhan na rin niya kalaunan. "What are you watching?" Emman asked. "Bagong koreandrama," Lauren sat beside him. Mahabang katahimikan ang namagitan sa dalawa. "Saranghae." Narinig niyang sabi ni Emman kaya natawa si Lauren. Emman is a serious guy at madalang lang magpatawa. "Puro ka kalokohan." Ngumiti rin si Emman at itinuon ulit ang atensyon sa pinapanood habang nakayakap sa kanya. "Emman." Napatingin ang lalaki. "Alam kong wala kang kasalanan. I won't let you leave." Hindi nakasagot si Emman. Lauren kissed him na bahagyang ikinagulat ng lalaki. Never kasi siyang nag initiate noon dahil may pagka conservative siya. Pero desperada na siya nung mga oras na iyon at gagawin niya ang lahat, huwag lang itong umalis. Emman kissed her back na tila iyon na ang huli. "Mangako kang hindi ka aalis." Hindi nakasagot ang lalaki. "Emman..." Tumango si Emman, "Promise." Isang pangako na hindi na natupad ng lalaki dahil wala na ito pagising niya. Hindi na nagpakita kahit kanino si Emman at basta na lang itong nawala.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
699.8K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
685.3K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
81.9K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
832.4K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

Just A Taste (SPG)

read
895.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook