Chapter One

3411 Words
If there is one person who believes in miracle, it will be Lauren. She was considered a miracle baby dahil hindi akalain ng lahat na magkakaanak pa ang nanay niya. She survived nang taningan ng doctor sa hospital na hindi magtatagal ang buhay. And according to her brother and sister, it was a miracle na nagkabalikan ang mga magulang kaya siya naisilang sa mundo. It was probably the greatest miracle that happened to her. But according to her best friend, Sorell, ang pinakamalaking milagrong mangyayari sa kanya ay kung magkaka boyfriend siya. Sorell is her best friend and nephew. Anak ito ng kuya niya na dahil nga late na siya pinanganak ay halos kasing-edad niya. Maaga rin kasi nag-asawa ang kuya bukod pa sa maaga ring nag-asawa ang mga magulang kaya sabay pang nagkaroon ng anak. It may seemed impossible pero miracles do happen everyday. Hindi nga lang siguro sa love life niya. "Hi, Lauren," nakangiting tumabi sa kanya ang kaklaseng si Harvey. Matagal na itong nagpapa-charming sa kanya pero hindi niya pinapansin. Unang-una, gusto niyang mag-concentrate sa pag-aaral. Pangalawa, hindi niya ito type. Matalino naman si Harvey kaya nga magkasama sila sa star section pero sana mag-aral na lang itong mabuti lalo na sa GMRC at mabawasan ang pagiging mahangin. "Hi," seryosong bati niya. Ayaw niya naman itong bastusin. "How was your summer?" He asked which irritated her more. May pagka conyo kasi itong magsalita ng English. "I was gonna invite you sana in Subic because I went there with my cousins pero you were not answering your phone. It was so fun. The place is really nice and my dad is planning nga to buy a house there." "Good for him," tipid na sagot ni Lauren. "Where did you go nga pala?" pangungulit pa rin nito. "Wala. Sa bahay lang." "That's sucks. Sana talaga tinawagan kita." Hindi na kumibo si Lauren. Hindi niya na lang sinabi na she spent her vacation sa bahay bakasyunan nila sa Davao and it has its own private beach. Binuksan niya ang libro at nagkunwaring nagbabasa. Nagpasalamat naman siya at nakaramdam si Harvey at nagpaalam na itong umalis. Dumating naman si Sorell at halatang wala sa mood ang lalaki. "Hindi mo man lang ako hinintay," reklamo nito. Daig pa ang babae kung magpa importante. Natawa si Lauren. Siguradong hinarang na naman ito ng mga babaeng nagpapacute rito. Cute naman talaga ang mga nahuhumaling dito. Hindi niya alam kung bakit kahit isa ay wala itong magustuhan. Gusto niya na tuloy magduda kung babae ba talaga ang hanap nito. "Ilang babae na naman ba ang humarang sa'yo?" "Wala naman," napapailing na sabi nito. "Grabe lang makatingin, para akong hinuhubaran." "Mamili ka, ang mga babaeng hanggang tanaw lang o si Rosette?" Napasimangot si Sorell nang maalala ang babaeng tinutukoy niya. Rosette is the daughter of the school owner na patay na patay sa kaibigan. Dahil may-ari ito ng school, sobrang spoiled nito at walang magawa ang mga estudyante kung hindi pagpasensyahan. Including her and Sorell. Bago pa nakasagot si Sorell ay dumating na ang adviser nila. "By the way, class, we have a new student. Come in front to introduce yourself, miss." tawag ni Bb. Lopez sa babaeng nakaupo sa harap niya. Tila nahihiya pa ang bago nilang kaklase nang magpakilala ito. "My name is Shaina Angela Montelibano from Mary St. Claire College. I'm sixteen years old and I'm happy to be here. I hope to be friends with you all." "Welcome, Ms. Montelibano," nakangiting bati ng guro. "I hope you would enjoy your stay here." Naupo na si Shaina at nagsimula na rin ang klase. Napansin ni Lauren na panay ang tingin ni Sorell sa bagong classmate. Sabay silang nag lunch ni Sorell sa malaking canteen ng school. Hindi sinasadyang mapatingin ni Sorell sa upuan ng bagong estudyante at nakita niya itong hawak ang baunan na tila pinag-iisipan kung bubuksan at kakain mag-isa sa loob ng room o lalabas. "Mukhang mahiyain 'yung bago nating kaklase," puna ni Lauren. "Oo nga," bulong ni Sorell. "Mabuti pa ayain mong sumama sa atin." Isang pilyang ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lauren, "Bakit crush mo?" "Hindi ah. Naaawa lang ako dahil walang kumakausap," mabilis na tanggi ni Sorell. Bahagya pa itong namula. "Ikaw na. Nahihiya ako e." "Ikaw na lang. Baka kung ano pa isipin kapag ako e. Ililibre kita ng lunch." "Sabi mo 'yan ha?"  Lumapit si Lauren sa babae. She's a good friend at ayaw niyang tumandang binata si Sorell. "Hi." "Hello," nahihiyang bati ni Shaina. "Wala ka bang kasabay?" tanong ni Lauren, "Mabuti pa sumama ka na lang sa amin." "Ha?" napatingin si Shaina kay Sorell. "Hindi ba ako nakakaistorbo?" "Hindi. Kaming bahala sa'yo." Iniligpit na ni Shaina ang baunan at tumayo, "Sige. Sabay na ako sa inyo. Salamat ha." "No problem. Ako nga pala si Lauren," bahagyang nilingon ni Lauren ang kaibigang nahihiyang lumapit, "And that guy over there, that's Sorell." Nilingon ni Shaina si Sorell at ngumiti.  "Hindi ba sasabay si Rosette?" naalalang itanong ni Lauren habang naglalakad sila papunta sa garden. "Hayaan mo na iyon. Siya lang naman ang laging gustong sumasabay sa atin." Hanggang sa natapos ang lunch ay hindi naman ito nagpakita. "Naku, huwag kang magdiwang agad. Mamaya lang nandyan na iyon." natatawang sabi ni Lauren. Si Shaina ay tahimik lang na nakikinig. True enough, naghihintay na nga sa kanila si Rosette sa favorite spot nila sa garden. Doon sila madalas kumain kaya alam na ng babae kung saan siya pupuntahan. May dala pa itong isang pumpon ng red roses at dalawang box ng pizza. Isang matamis na ngiti ang ibinigay nito kay Sorell at walang pasabing isinukbit ang mga kamay nito sa braso ng lalaki. Hindi man lang nito pinansin si Lauren at inirapan pa si Shaina. "Hi, Sorell loves, na miss kita. Kumusta ang summer?" maarteng tanong nito. "Sobrang saya," sarkastikong sagot ni Sorell. "Kasi wala ka." Tinawanan lang ni Rosette ang sinabi niya, "Sus! I'm sure naman na-miss mo ako. Siya nga pala, I bought you flowers. Alam mo na, to express my love for you." Lihim na natawa si Lauren. Ibang klase ring magmahal ang babaeng ito. "Anyway, kasya naman siguro sa atin itong isang pizza. I'll give the other one to Lauren and her new friend para umalis na sila at makapag-solo tayo," nakangiting saad nito at iniabot ang isang pizza kay Lauren. "Here you go, Lauren. You can leave now, Thanks." Tahimik na tinanggap lang ni Lauren ang pizza at alanganing tumingin kay Sorell. Pero sa huli ay nanaig ang pagmamahal niya sa pizza at inaya na si Shaina. Nakahinga nang maluwang si Lauren nang makalayo sa mga ito. Sana lang naging kasing confident siya ni Rosette. 'Yung tipong kaya niyang maghabol sa lalaki. Natawa na lang siya. Nasa Korea kasi ang imaginary boyfriend niya. Mag-aaral muna siya ng korean language. Dalawang araw nagkasakit si Lauren kaya hindi siya nakapasok sa school. Mukha namang nag-enjoy si Sorell na wala siya dahil kapansin-pansin ang pagiging close nito sa bago nilang kaibigan. Okay na rin na lagi nilang kasama si Shaina. Atleast, may kausap na siyang babae. Kahit naman marami silang bagay na napagkakasunduan ni Sorell ay iba pa rin ang kaibigang babae. Lalo pa at hindi naman ito nanonood ng asiandrama at pinagtatawanan lang siya kapag ikwinelwento ang mga paborito niyang artista. Atleast, si Shaina, magkasundo sila pagdating sa pagiging fan girl. Sa pagdaan ng mga araw ay napansin ni Lauren ang kakaibang kilos ni Sorell. Halata na ang malaking pagkagusto nito kay Shaina. She's happy for him dahil first time niyang nakitang ganito ang bestfriend and Shaina is a nice girl. Atleast, ngayon sigurado siyang totoong lalaki ito.  Iyon nga lang mukhang mahihirapan si Sorell dahil kay Rosette. Isang araw bigla silang sinugod ng step-brother ni Rosette dahil sa ginawang kalokohan ni Sorell na hindi naman niya alam kung ano dahil absent siya. Kinuryente pala nito ang babae gamit ang electric circuit na project nila para matakasan. Dahil sa takot kay Leigh ay hinimatay si Shaina kaya dinala nila sa clinic. Lalong lumakas ang kutob ni Lauren na may gusto nga ang pamangkin sa kaibigan dahil kitang-kita ang pag-aalala nito at ito pa ang bumuhat sa babae. Hindi na yata nadala si Rosette at patuloy pa rin sa pangungulit kay Sorell. Nagkaroon lang siya ng nervous breakdown." sabi ng nurse sa clinic habang nakahiga si Shaina sa kama. Nasa tabi naman nito ang dalawang kaibigan na bakas sa mukha ang pag-aalala habang nakabusangot namang naghihintay malapit sa pinto si Rosette. "Sige, maiwan ko na kayo. Pinatawag ko na ang magulang niya kaya may susundo na sa kanya." paalam ng school doctor at nagtungo na sa office nito. "Tara na, Sorell. Darating na naman pala ang sundo niya," naiinip nang aya ni Rosette. "Mauna ka na." tila walang pakialam na sabi naman ni Sorell. "I'm not leaving without you," sabi pa nito at walang pakialam na kumandong sa lalaki. Napatingin si Sorell kay Shaina na tahimik lang habang pinagmamasdan sila. Halata sa itsura nito na gusto na nitong tumawa. "Rosette, mabuti pa, mauna ka na. May concert for a cause mamaya. Pupunta doon si Sorell, hindi ba?" singit ni Lauren sabay siko sa pamangkin. Nanggigigil na napatingin si Sorell kay Lauren. "Paano ako nakakasigurong pupunta nga siya?" nakataas ang kilay na tanong ni Rosette kay Lauren. "Pupunta 'yan. If you want sunduin mo sa kanila." suhestyon ni Lauren na lalong ikinainis ni Sorell. Tiningnan nito nang masama ang tiyahin na nag-iwas lang ng tingin. Ngumiti na si Rosette, "Good idea. So paano, Sorell. See you later. Ipapasundo kita sa driver ko mamaya." Hinalikan pa siya nito sa pisngi bago umalis, "I love you, babe." Gigil na tiningnan nang masama ni Sorell si Lauren nang makaalis si Rosette. "Seriously?" "What?" natawa lang ang babae, "Kung hindi ko iyon sinabi, hindi iyon aalis." Malalim na napabuntong-hininga si Sorell. Bahagyang lumambot ang ekspresyon nito nang makitang tumatawa si Shaina. "Kumusta na ang pakiramdam mo?" bakas ang pag-aalala sa boses ni Sorell na ikinatawa ni Lauren. "Naks naman, concern," tudyo ng babae. Hindi na lang iyon pinansin ni Sorell. Talagang mananagot sa kanya ang tyahin mamaya. "Maayos na ako. Salamat nga pala sa inyong dalawa. Medyo natakot lang ako kay Leigh. Alam ko kasi kung paano magalit iyon." Napabuntong-hininga si Sorell, "Kaya pala. Huwag kang mag-alala, sa susunod, hindi ka na niya pwedeng sigawan." Napabunghalit ng tawa si Lauren sa narinig, "Hindi nga? Kay Rosette nga hindi ka makapalag e." Lalong natawa si Shaina nang pabirong sakalin ni Sorell ang tyahin. "Ang cute niyong dalawa. Alam niyo ba, gusto ko ring magkaroon ng bestfriend na lalaki noon. Madalas kasi akong binubully. Swerte kayo sa isa't-isa." "Ikaw na lang bestfriend ko, Shaina. Ayaw ko na kay Lauren." pabirong sabi ni Sorell. Nawala ang ngiti sa labi ni Lauren kaya si Sorell naman ang natawa at ginulo ang buhok ng kaibigan. "Joke lang. Ito naman, hindi na mabiro." "Joke lang ba talaga. Parang totoo e." kunwa'y nagtatampong sabi ni Lauren. Deep inside, nagtampo talaga siya. Mukhang magiging kaagaw niya pa si Shaina sa bestfriend. "Biro lang talaga iyon. Tsaka ayokong maging bestfriend si Shaina. Ikaw lang ang nag-iisa kong bestfriend," sabi nito na bahagya pang kumindat. Dahil nakatalikod si Shaina ay hindi iyon napansin ng babae. Natawa na rin si Lauren dahil kahit hindi nito sabihin, alam naman niya na may lihim itong pagtingin sa bago nilang kaibigan. Maya-maya pa ay dumating na ang katulong nila Shaina para sunduin ang babae. Sabay na ring umuwi ang dalawa dahil sa iisang subdivision lang sila nakatira. Halatang malaki ang problema ni Sorell nung gabing nagkita sila sa concert dahil naglalasing ito na never nitong ginawa noon. Nagkaroon kasi ito ng problema sa bahay which involves his younger sister. Nararamdaman ni Lauren na malapit na itong mapuno kay Rosette na as usual ay wala pa ring tigil sa pagpapapansin. She needs to do something bago pa mawalan ng kontrol si Sorell at masapak ito. Never niyang nakitang nagalit ito at ayaw niyang mangyari iyon. Dahil busy si Rosette sa pagpapapansin kay Sorell, hindi nito napansin nang ilagay ni Lauren ang dinikdik na sleeping pills sa iniinom ng babae. Mukhang effective naman ang plano dahil wala pang ilang shot ay inaantok na ito. Nag-umpisa na ang concert pero alam ni Sorell na hindi niya naman ma-eenjoy ang gabi kaya nagpasiya siyang umuwi na lang. Binulungan niya si Lauren at sinabing aalis na siya. Nagpasiya na ring umuwi si Lauren. Nakayukyok si Rosette sa bar at halatang hilung-hilo na kaya dahan-dahan na tumakbo papuntang comfort room ang magkaibigan. Tawa sila nang tawa at nag-high five pa nang makalayo doon. Nagpaalam muna si Lauren na gagamit ng cr kaya naghintay sa hallway si Sorell. Bahagya itong kinabahan nang lumabas mula sa c.r. ng lalaki si Leigh kasama ang lima pang lalaki na naka-itim na jacket. Isang masamang tingin ang ipinukol ni Leigh kay Sorell. Nakahinga naman ito nang maluwag nang makaalis ang lalaki. Nakarating na sila kung saan nakaparada ang kotse ni Sorell pero ganoon na lang ang pagkagulat nila nang bumulaga sa kanila ang isang babaeng nakahiga sa tabi ng driver's seat. "Babe.. uuwi na ba tayo?" namumungay ang matang tanong ni Rosette. "What the f**k are you doing here?" galit na tanong ni Sorell, "Paano ka nakapasok?" Never nagmura si Sorell. Mukhang sagad na talaga ang pasensya ng kaibigan. "Y-you left the..the door open..." nakangiting sagot nito pero halatang kaunti na lang at babagsak na naman. Napailing na lang si Lauren at pinigil ang pagtawa. Talagang hindi makakatakas ang kaibigan niya kahit anong gawin nito. "Leave my car now," galit na utos ni Sorell sa babae. "Come on... I want to spend the night with you," wala sa sariling sabi nito. Nanggigigil na hinila ni Sorell ang babae palabas ng kotse, "Get out." Napahandusay sa gitna ng kalsada si Rosette pero tila balewala lang ito sa babae. Gumegewang itong tumayo habang tumatawa. Napailing na lang si Sorell maging si Lauren. Paano ba rerespetuhin ang babaeng ito? "Pasok na sa loob, Lauren. Hayaan na natin siya dyan." Alanganing pumasok sa loob ng kotse si Lauren. Kahit naman naiinis na rin siya kay Rosette ay ayaw niyang mapahamak ito sa daan. "Sorell, babe. Don't leave me..." habol pa din ng babae habang parang lintang nakakapit sa braso ni Sorell. Marahas na binawi ni Sorell ang braso at muling binuksan ang pinto ng kotse. Pero bago pa ito makapasok ay pinigilan ito ng 'di kilalang lalaki. Isang malakas na suntok ang isinalubong ng lalaki nang harapin ito ni Sorell. "L-leigh..." sinubukang awatin ni Lauren si Leigh pero isang masamang tingin lang ang ipinukol nito kaya napaatras ang dalagita. "Hindi ka ba marunong gumalang sa babae?" maangas na tanong ni Leigh habang nakatingin kay Sorell na sapo ang dumudugong ilong. Mabilis na dinaluhan ni Lauren ang pamangkin at tinulungang makatayo. Pero bago pa tuluyang makatayo ang lalaki ay binigyan agad ito ng isa pang suntok na muling nagpatumba dito. "Sorell!" sigaw ni Lauren. Napaiyak na siya sa sobrang pag-aalala. Alam niyang maraming nakakakita sa kanila pero walang gustong tumulong marahil ay dahil na rin sa takot kay Leigh. Isang tango lang ang ginawa ni Leigh para magsilapit ang mga kasama nito kay Sorell at walang takot na pinagtulungan ang lalaki. Napaiyak na lang si Lauren sa isang tabi. Isang babae ang dumating para saklolohan sila. She's really good in martial arts at nagawa nitong patumbahin ang mga kalaban kahit mag-isa. Kahit takot ay napahanga si Lauren. Sana katulad din siya ng babae. Nagulat na lang siya nang maglabas ng baril si Leigh at tutukan ang kalaban. Yet, she managed to get away from him at muli nitong napatumba si Leigh. But the next event was unexpected, isa sa kasamahan ni Leigh ang lumapit at sumakal sa kanya. Halos kapusin ng hininga si Lauren. Katapusan na yata niya. Another miracle happened in her life nang isang grupo ng kalalakihan ang dumating. Halatang mga gangster ang mga ito dahil nakaitim na jacket at mga siga kung magsikilos. Agad na nagsisugod ang mga bagong dating kaya nagkagulo. Nakabawi naman sa pagkagulat ang dalaga na sumaklolo sa kanila kanina at agad na tinulungan ang mga ito. Isang lalaking nakaitim din pero nakasuot ng makapal na shades ang lumapit kay Rosette at tinulungang makabangon ang halos wala ng malay na dalaga. "Saan mo siya dadalhin?" kinakabahang tanong ni Lauren. "Ihahatid ko na siya sa kanila," kaswal na sagot ng lalaki, "Sabihin mo dyan sa kasama mo, sa susunod, matuto siyang gumalang sa babae." Pinilit bumangon ni Sorell kahit sumasakit ang buo niyang katawan. "Let's go, Lauren." "Sorell, we can't leave Rosette. Baka mapahamak siya sa mga lalaking iyon." kinakabahang sabi ni Lauren. "Kasalanan niya 'yan. Kung hindi siya nagpakalasing, makakauwi sana s'ya." galit na sabi ni Sorell. "H-hindi pa s'ya lasing, Sorell." pagtatapat ni Lauren. Sa susunod hindi na siya gagawa ng kalokohan, "Nilagyan ko ng pampatulog 'yung iniinom n'ya." "Ano?!" galit na tanong ni Sorell. Siguradong si Lauren ang mananagot kapag may nangyaring masama sa engot na babaeng iyon. "Please, bestfriend, tayo na lang ang maghatid kay Rosette." Napabuntong-hininga si Sorell at mabilis na tinawag ang lalaki. Napalingon ito nang lumapit si Lauren. "Kami na ang maghahatid sa kanya." Muli siyang tinalikuran nito, "Hindi na. Umuwi na kayo." "Please..." paki-usap ni Lauren at napilitan itong magsinungaling, "S-she's my friend. Hindi ko s'ya kayang iwan mag-isa." Napabuntong-hininga ang lalaki, "Sasama akong maghatid." Tulog na tulog si Rosette at Sorell sa likod habang tahimik sila ng estranghero. Ito ang nagmamaneho ng kotse ni Sorell. Kinakabahan naman si Lauren dahil baka carnapin ang kotse ng pamangkin. Hindi niya naman kilala nang lubos ang kasama. Paano kaya ito nakilala ni Rosette? Baka naman ex ito ng babae. Nagtanggal ng shades ang lalaki at lalo siyang kinabahan nang mahuli nitong nakatingin siya. He has beautiful eyes sa kabila ng gangster look nito. Agad na nagbawi ng tingin si Lauren. Mukhang suplado ang isang ito at kakainin siya nang buhay. Napansin niya ang tattoo sa kanang bahagi ng braso nito at tahimik na pinagmasdan iyon. A golden dragon. EA. "What are you staring at?" pormal na tanong nito. "Ha?" hindi agad nakasagot si Lauren, "W-wala. 'Yung tattoo mo kasi ang astig." Sa unang pagkakataon ay nakita niyang ngumiti ang lalaki. Tipid na ngiti lang iyon pero lalo itong gumwapo sa paningin niya. Actually, hindi nga ngiti iyon. More on, ngumisi ito and look at her as if she was a moron. Maya-maya ay naglakas loob na magtanong si Lauren, "Kaanu-ano mo si Rosette?" "She's a friend." sagot nito na ikinagulat ni Lauren. Hindi niya akalaing may kaibigan si Rosette. Well, marami itong utusan dahil karamihan ng estudyante sa school ay takot rito pero hindi niya akalaing may magmamalasakit dito na katulad ng lalaking kasama niya ngayon. Hindi na ulit siya nagtanong pa kaya hindi na rin nagsalita pa ang lalaki. Nakarating na sila sa isang exclusive na subdivision at makalipas lang ng ilang minuto ay nasa tapat na sila ng isang mansyon. Napakalaki noon at halatang bilyonaryo ang nakatira. Dalawa pa ang guard na nandoon. "Samahan mo kami, baka tanungin ako ng mga magulang niya," utos ng lalaki na ipinagtaka ni Lauren. "Ha? Akala ko ba magkaibigan kayo." "Huwag nang maraming tanong," pabalang na sagot nito. Hindi na kumibo si Lauren na tinulungan na lang ang kasama na akayin ang lasing pa ring si Rosette. Kaunti na lang at mabubulyawan niya na ito. Akala mo kung sinong gwapo. "Gwapo naman talaga," tudyo ng isip niya. "Kamuka niya nga 'yung crush mong korean actor, 'di ba?" Hindi na sila pinapasok ng guard at ito na ang nagdala kay Rosette sa loob ng malaking mansyon. Nalula si Lauren sa laki noon. Kahit naman malaki rin ang bahay nila ay halos triple ang laki ng bahay nila Rosette. Nagulat siya nang hindi na pumasok sa loob ng kotse ni Sorell ang lalaki. Si Sorell naman ay tulog na tulog pa rin. "You can go now," pormal na utos nito. "Paano ka?" nagtatakang tanong niya. "I can take care of myself," sagot naman nito na tila gustong-gusto na silang itaboy. Napabuntong-hininga na lang si Lauren. "I don't know how to drive," nahihiyang pag-amin niya at napatingin sa naghihilik na pamangkin. "Ano?" halata ang inis sa boses ng lalaki, "What the hell? Ilang taon ka na ba?" Gusto sana niyang sabihin na may personal driver siya pero ayaw naman niyang lumabas na mayabang. "Seventeen. Tsaka strict ang parents ko. Ngayon nga lang ako nakalabas nang walang kasamang driver at bodyguards." Napailing na lang ito at muling bumalik sa sasakyan. Namumula ang pisngi sa pagkapahiya na napasunod na lang si Lauren sa lalaki. "Just tell me kung saan ko kayo ihahatid," malamig na sabi nito. "Sa Royal Park." Wala silang imikan hanggang sa makarating sa exclusive subdivision kung saan nakatira sila Lauren at Sorell. "Salamat," tanging nasabi ni Lauren. Hindi na nagpaunlak ang lalaki nang ayain niya itong magkape muna. Nagkibit-balikat lang ang lalaki, "I'm leaving. Hinihintay na ako ng mga kasamahan ko." "Ano nga pa lang pangalan mo?" Tumingin lang ito sa kanya na tila ayaw naman talagang magpakilala pero wala nang nagawa kung hindi sagutin ang tanong niya. "Emman," tipid na sagot nito. "Salamat, Emman." Tumango lang ito at umalis na. Hindi man lang tinanong ang pangalan niya. "I only asked his name para alam ko ang pangalan ng taong kailangan kong iwasan." inis na bulong niya sa sarili. Nakalayo na ito pero nakatulala pa rin si Lauren. Hanggang sa tinawag na siya ng mga magulang at inalalayan na rin ng daddy niya si Sorell palabas ng sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD