Chapter 2

1494 Words
 Papuntang baguio sila daddy at mommy para dumalo sa isang business meeting nang may isang malagim na aksidente ang nangyari sa kanila habang nasa biyahe. Nabangga ng isang delivery truck ang sinasakyan nila daddy at tumaob ito. Hindi na umabot sa hospital ang mga magulang namin. Idineklara na silang dead on arrival ng Doktor. Halos hindi ako nagsasalita habang nakatingin lang sa kabaong nila mommy at daddy. Hindi rin ako umiiyak dahil na rin siguro sa ayokong tanggapin na wala na ang mga magulang namin. Lumapit sa akin si ate “Bea, kumain ka na muna. kahapon ka pa di kumakain..” sabay tapik ni ate sa balikat ko pero hindi ako nagsalita. “Bea kailangan natin maging malakas. Tayo na lang dalawa ang magkasama kailangan nating maging matatag..” sabay hilig niya sa ulo ko. Nang dahil sa sinabing yon ng ate ko ay pumatak ang luha ko. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ang hirap tanggapin na wala na ang mga magulang namin. Pagkatapos naming ilibing sina mommy at daddy ay sa bahay na muna tumira si lola. sa loob ng dalawang taon ay sinubukan namin ni ate na mabuhay ng normal pero hindi ganoon kadali. halos gabi-gabi akong umiiyak dahil sa pangungulila sa mga magulang namin. hirap na rin si ate na isalba ang resort. pagkalipas ng dalawang taon ay namatay din si lola elsie. hindi pa naghihilom ang sakit ng pagkamatay ng mga magulang namin ay sumunod namang nawala sa amin ang lola. nasa 3rd yr.college na ako sa kursong Mass Communication nang pag desisyunan kong tumigil muna sa pag aaral dahil nahihirapan na si ate na paaralin ako kaya naghanap na lang muna ako ng trabaho para matulungan si ate. Ngunit sa hindi inaasahan ay nabuntis si ate ng kanyang nobyong si Anton. Huli na ng nalaman ni ate na buntis siya kay anton. hiwalay na sila ni ate dahil ayaw sa kanya ng kapatid ng nobyo niya. Hindi na niya ito ipinaalam kay anton na nagdadalang tao siya. 3 yrs.after. Nagising ako sa tiktilaok ng manok sa kapitbahay namin at agad akong napabalikwas nang makita ko aking orasan sa gilid ng aking kama, alas otso na pala ng umaga. Agad akong tumayo at nagtungo sa banyo para maligo sandali lang akong naligo at dali-daling akong nagsuot ng damit at inayos ang sarili ko. Naglagay lamang ako ng kaunting kolorete sa aking mukha at kaunting lipstick. sinuklay ko na rin ang buhok ko na hanggang beywang ko. “Ang ganda mo ateng!..” sabi ko sa sarili ko bago ako umalis sa salamin. Agad akong bumaba at nagmamadaling lumabas ng kuwarto. Nakita ko si ate na naghahanda ng breakfast sa kusina ngunit bago pa ako makalabas ng bahay ay agad niya akong tinawag ” Bea kumain ka muna bago ka pumasok sa trabaho..” yaya ni ate.. “Wag na ate..male-late na ako sa trabaho ko..” sabi ko..wala na rin nagawa si ate jade dahil patuloy pa din ako sa pagtakbo palabas sa aming bahay. Sa isang boutique nagtatrabaho si ate  kasama niya  sina  Ate Ruby at Dyosa. isinasama na rin ni ate ang anak niyang si sky sa trabaho niya dahil walang nagbabantay dito. sa ngayon ay 3yrs.old na si sky..sina Ruby at Dyosa ang una naming naging kaibigan nang lumipat kami dito sa makati. lagi namin silang nakakasama sa bahay. madalas ay doon sila natutulog para samahan kami ni ate. Magkaedad lang si ate at si ate ruby, 31 yrs.old. si dyosa naman ay 20 yrs.old matanda ako sa kanya ng 2 taon. Sa kasalukuyan ay 22 na ako. Itinuring na rin namin silang parang mga kapatid. Habang naglalakad ay hinahanap ko sa aking bag ang aking wallet at swerte naman na may natanaw akong jeep. Agad akong sumakay. Makalipas ang 30 mins. Ay nakarating din ako sa isang Mall malapit lang doon ang pinagtatrabahuan kong restaurant “Manong, para po!..” agad akong nag-abot ng bayad at bumama sa jeep. Agad kong nakita ang kaibigan kong si julie. ”juls..” tawag ko sa aking kaibigan. Sabay kaming natanggap at katulad ko ay hindi rin nakapagtapos si julie sa kursong Hotel and Restaurant manangement . “Uy janine maaga ka ata ngayon?” ani julie..”kailangan e baka mapaglitan na naman ako ni boss..”.sabi ko at sabay na kaming lumapit sa restaurant na sakto namang bubuksan pa lamang ng amin guwardya. alas dyes kasi nagbubukas ang restaurant.halos lahat ng kumakain dito sa restaurant ay mayayaman at businessman. pagpasok sa loob ay dumiretso na kami sa locker room para makapagpalit na ng uniporme namin sa trabaho. Habang nagpapalit kami ng damit ay sinasabayan ko ang kanta sa aking cellphone na pinatunog ko. “Janine..Wala ka bang balak na i-share ang boses mo?..” tanong ni julie. “i-share? What do you mean?..” tanong ko.” I mean sa ganda ng boses mo bakit di ka kaya sumali sa mga singing contest kesa itago mo yang talentong binigay sayo..” matagal na akong pinipilit ni julie na sumali sa mga singing contest dahil sigurado daw siya na papatok ang boses ko pero di ko pinapansin ang suhistiyon sa akin ng kaibigan ko dahil wala naman akong lakas ng loob. “hindi na bes, wala naman sinabi ang boses ko sa mga ibang singers,mapapahiya lang ako..” sagot ko. “Ano ka ba, ang ganda kaya ng boses mo. Ang lamig sa tenga pakinggan para kang anghel sa langit na kumakanta. I’m sure kahit sinong makarinig sa boses mo ay maiinlove sayo..” biglang naputol ang usapan namin ng marinig namin na dumating na ang boss namin at dali-dali na kaming lumabas sa locker room at dumiretso sa counter. Buong araw kaming abala ni julie sa pagse-serve ng mga pagkain dahil saturday ay maraming customer sa restaurant. Ni hindi na nga kami magkandaugaga ni julie sa dami ng order. Hanggang sa sumapit na ang alas nuebe ng gabi, sa wakas ay uwian na. Sa locker room ay nagpalit na kami ni julie ng suot para makauwi na rin.” Hay salamat at makakauwi na rin. ang sakit ng katawan ko..” ani julie. “kaya nga, ang daming tao kanina sabagay saturday kasi ngayon..” sabi ko naman...”bilisan na natin para makauwi na tayo baka maiwan pa tayo ng huling jeep..” pagmamadali ni julie.. agad nga kaming lumabas ng restaurant at nag-abang ng jeep. Habang naghihintay ay nagbukas ako ng social media account ko at biglang dumaan ang mukha ng isang lalaking modelo. Lance Corpuz. Famous Model and the only son of the owner of RC Corp. Guapo, maganda ang hubog ng katawan, samahan mo pa ng magagandang hurmang abs, matangos ang ilong, magandang mga mata, mapulang labi at mahahabang pilikmata. he’s perfect actually! Every girls dream boy. Tinitigan ko siya ng mabuti at magaganda niyang mga mata.”Bes andito na ang jeep..” Pasigaw ni julie at agad ko din itinigil ang pagtitig ko sa larawan ni Lance Corpuz at agad na kaming sumakay. Hindi na ako ulit nagbukas ng social media ko. Habang nasa biyahe ay nakatulog ako sa sobrang pagod. nagising lang ako ng gisingin ako ni julie at sabihing nasa kanto na daw ako. kaya agad akong tumayo at agad na nagpaalam sa aking kaibigan. “O pa’no bes mauna na ako. kita na lang tayo bukas..” sabi ko ky julie at tumango naman siya at ngumiti. “ingat ka bes..” sabi niya. “ikaw din bes..” tugon ko naman habang pababa ako. Kaya ng makababa ako ay naglakad na ako papasok sa kanto papunta sa inuukupahan naming bahay lakarin pa kasi simula sa kanto pero di naman masyadong kalayuan dalawang kanto lang naman ang madadaanan ko. Nang dumating ako sa unang kanto ay nakita ko ang mga lasenggo sa may tindahan. gabi-gabi na nila yang ginagawa kaya kung minsan pag dumadaan ako dito ay sumasabay ako sa mga napapadaan din na mga tao, ayoko rin kasi na mapagtripan ako. Pero ngayon ay walang ibang dumadaan na ibang tao maliban sa akin. Binilisan ko ang lakad ko pero biglang sumipol ang isang lasing na lalake papalapit sa akin. ”Witweew! Hi miss beautiful..anong pangalan mo?..” umiwas ako ng akmang hahawakan niya ako. ”h’wag mo akong hahawakan..” inis kong sabi. “Suplada naman neto..halika sabayan mo muna kami dito..” sambit nito. “Ayoko..” pero biglang humarang ang tatlong lalakeng kasama niya sa dindaanan ko. Nakaramdam ako ng takot sa pagharang nila pero di ako nagpatinag. tinuloy ko pa rin ang lakad pero hinawakan ako ng isa sa kanila sa braso. “Sandali lang naman miss beautiful.. pagbigyan mo na kami..” sa sobrang takot ko ay nasampal ko ang lalakeng humawak sa braso ko. Pero bigla itong nagalit at akmang sasampalin din sana niya ako ng biglang may bumusinang sasakyan sa likod namin at hindi na natuloy ng lalake ang gagawin niya sanang pagsampal sa akin at naiwan sa iri ang kamay niya. Natigilan din ako sa pagbusina ng sasakyan. yakap ko ang bag ko ng lingunin ko ang bumusina. biglang bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang isang lalaking naka black polo shirt na nakatiklop sa kanyang siko ang manggas. Guapo, matangkad at  matipuno rin ang katawan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD