Chapter 3

2878 Words
3 hours before I met Ms. Janine Perez.. Pinuntahan ko ang Tita ko sa Makati. Kapatid ni daddy si tita Annabelle. Inutusan ako ni daddy na personal na ibigay kay tita ang invitation card para sa kaarawan ni daddy sa katapusan. “Hi tita, how are you? You’re getting younger..” I told tita Annabelle. “ Hi Alex, uhm..ikaw talagang bata ka bolero ka pa rin..” tugon ni tita..”No tita, it’s true..” at sabay kong hinalikan si tita sa pisngi. Tinitingnan niya ako mula taas at pababa. “Look at you Alex..mas gumwapo ka ngayon..” pasimpleng ganti sa akin ni tita. Napakamot naman ako sa ulo. “By the way tita..where’s tito Rafael? Si Gwen?..” tanong ko sa tita ko and she sighed.. “ Wala dito ang tito Rafael mo nasa business trip sa Hongkong. si Gwen naman lumabas kasama ang mga kaibigan niya. Ewan ko ba jan sa pinsan mo di ko na alam kung anong gagawin ko sa batang yan..” Gwen is a spoiled kid. laging nasusunod ang gusto dahil nag-iisang anak lang siya nila tita Annabelle at tito Rafael. She’s a party girl. minsan ay nagiging sakit na ng ulo ng mga magulang niya but she’s already 24 kaya di na siya makontrol nila tita. “Bakit ka nga pala napadpad dito hijo?..” tanong sa akin ni tita . “ Well.. inutusan ako ni dad na personal na i-abot daw sa maganda niyang kapatid ang invitation niya sa birthday niya sa katapusan..” i said while smiling. “Naku! Pareho talaga kayo ng daddy mo, Bolero..”. At sabay kaming tumawa ni tita. Marami din kaming napagkwentuhan ni tita. Inabot din kami ng tatlong oras sa pag uusap. “Alex..how’s kuya Romano?..” tanong naman nito. “He’s fine tita. Masyadong lang busy sa business lalo na sa company nila kaya madalang na lang din silang magkita ni daddy..” Tugon ko. “What about Lance? Is he here in the philippines now?..” tita asked .. “Yes tita, he just got back yesterday from England..” si Lance ang pinsan kong sikat na model sa ibang bansa. He is the only son of tito Romano. my dad’s older brother, si tito Fred naman ang sumunod kay tito romano and tita Annabelle is their youngest. May Adopted brother din sila daddy. si tito Anton but he's now in U.S. “So, he’s ready to take over his dads business..” pangiting sabi ni tita. "Siguro tita..alam mo naman si lance. Actually sobrang magiging busy ang buhay ni Lance ngayong andito na siya sa pilipinas.” Tumango-tango lang si tita at bigla kong nasulyapan ang wrist watch ko. “It’s getting late tita.. i have to go! Babalik pa ako ng QC..”. Tumayo na rin kaming dalawa ni tita at inihatid ako sa labas ng gate kung saan naroroon ang sasakyan ko. “Mag-iingat ka sa biyahe hijo.. ikamusta mo na lang ako sa mommy mo..” hinalikan ko na si tita sa pisngi at nagpaalam na rin. “Makakarating po tita.. see you on dad’s birthday tita..”.sabi ko bago pumasok sa kotse. Bumusina muna ako bago umalis hudyat ng muling paalam ko kay tita. Habang nasa biyahe ay nakikinig ako ng music sa loob ng kotse nang bigla kong nakita ang karatulang may nakasulat na CLOSED ROAD. What the hell! mura ko.. kanina lang ako dumaan dito ah tapos ngayon ay sarado na. Curfew na ba? parang hindi pa naman dahil may nakikita pa naman akong mga taong naglalakad. Nakita ko ang isang matandang lalake na naglalakad binuksan ko ang bintana ng kotse ko at nagtanong sa matanda. “Excuse me po manong..magtatanong lang po sana. Bakit po biglang closed road na po itong daan? Kanina po ay nakadaan pa ako dito.” Tumingin muna sa likuran ang matanda “Naku hijo, hindi ka na makakadaan jan ngayon dahil may natumbang puno ng narra na nakaharang sa daan kaya ipinasara muna ng kapitan ang daan..” sagot ng matanda. “May ibang daanan pa po ba palabas dito?.” Tanong ko uli. “Lumiko ka na lang dito sa kaliwang kanto pagdating mo sa dulo ay may makikita kang kulay itim na gate lumiko ka ulit ng kanan pagdating mo sa dulo may makikitang malaking tindahan sa unahan pagkatapos ay makikita mo na ang labasan papunta sa highway” turo sa akin ng matanda.. “Ah sige po maraming salamat po manong..” at umalis na rin ang matanda at lumiko nga ako sa kantong itinuro niya sa akin. Makipot ang daan dito kaya binagalan ko lang ang takbo ng kotse ko. Sinunod ko ang sinabi ng matanda at saktong natanaw ko na ang highway. Pero biglang natuon ang pansin ko sa mga nagtutumpukang lalake mukhang mga lasing ito at.. may pinagtitripang babae. Nanatili muna ako sa loob ng kotse at sinuri ang ginagawa nila. Nakita ko ang isang babaeng umiilag sa mga lasing para hindi siya nito mahawakan. Bigla akong napatuwid ng upo ng makita ko ang mukha ng babae. Mukha itong anghel sa kanyang kagandahan. maputi, mahaba ang buhok at sexy ang katawan, may katangkaran din at sa tingin ko ay 5’7. Nang makita kong hinawakan siya ng isa sa mga lasing na lalake at binusina ko ang kotse ko. Agad naman silang natigilan sa kinatatayuan nila at nilingon ako. At agad din akong bumaba at lumapit sa kanila. Tinitigan ko muna ang bababeng pinagtitripan nila na para bang di natatakot sa mga lasing na lalake. Napakaamo ng mukha niya, para siyang anghel. Pero hindi ko nakikitang natatakot siya. Siguro ay talagang may angking tapang ang babaeng ito. ”at sino ka naman ha?..” tanong ng mga isa sa mga lasing na lalake. Bago ako sumagot ay hinatak ko muna papunta sa akin ang babaeng mala-anghel ang kagandahan at saka ko binalingan ang mga lasing na lalake. “hindi mo gugustuhing makilala ako..” sagot ko. ”Mukhang naghahanap ata ng sakit sa katawan ang lalakeng ito..” sabi ng isang lasing. Bumuntong hininga at halos parang gusto ko ng sapakin ang mga lasing na ito nang bigla may dumating na mga tanod. Nagkukumahog naman ang mga itong umalis at tumakbo. Dala na rin siguro ng takot na mahuli ng mga tanod. Tiningnan ko ulit ang babaeng katabi ko. “Are you OK miss? Tanong ko.. “Yeah! I’m ok. thank you..” sabat naman nito. she smiled at me. “By the way..Im Alex..” sabay lahad naman ng binata sa kanyang  kamay. Inabot naman ito ng dalaga. ”Janine.. Janine Perez..” and i smiled at him. Ang guapo niya.. ang kanyang magagandang mata na dumagdag sa kaguapohan niya.. “Saan ka ba umuuwi? ihahatid na kita..” tanong sa akin ng binata. “Aah wag na.. salamat! diyan lang sa kabilang kanto maglalakad na lang ako malapit lang naman dito.” Tugon ko. Nakapamulsa naman siya at ngumiti sa akin. “Pa’no mauna na ako..salamat sa tulong kung hindi dahil sayo baka nasaktan na ako nung mga lasinggerong yun..” sabi ko sa kanya habang nakangiti. Ngumiti naman siya sa akin at lumabas ang mapuputi at pantay-pantay niyang ngipin. “You’re welcome janine.. sige ingat ka..”. At tumalikod na ako at nagpatuloy na sa paglalakad. nilingon ko pa siya ng isang beses at nakita kong nakatayo pa rin siya at nakatingin sa akin at nakangiti pa rin. itinaas pa ng binata ang isang kamay niya para kumaway. yumuko na naman ang dalaga ng konti para gantihan siya. Nakatingin lang ako sa magandang dalaga .Nang lumiko na siya sa isang kanto ay hindi ko na siya natanaw pa. bumalik na rin ako sa loob ng kotse na may ngiti sa labi. Ini’start ko na ang sasakyan at umalis na rin. Habang nasa biyahe ay hindi mawala sa isip ko si janine. Napakaganda niya para siyang modelo. Ang maamo niyang mukha, ang mapupungay niyang mata, ang matangos niyang ilong na parang ang sarap kurutin, ang labi niyang natural ang pula. God! Tinamaan ata ako ni kupido. Magkikita pa tayong muli Janine Perez.  Ilang sandali lang ay narating na rin ni janine ang gate ng kanilang bahay at hindi ko na rin natanaw pa ang sasakyan ng lalake. Pumasok ako sa bahay at nadatnan ko si ate sa kusina na kumukuha ng tubig. “O janine. Dumating ka na pala” si ate habang naglalagay ng tubig. “Opo ate, kakarating ko lang” umupo muna ako sa sala para makapagpahinga. Bumuntong hininga ako kung kaya’t napansin ni ate yun.. “ May problema ka ba? Ang lalim ng buntong hininga mo e” nilingon ko si ate. “ Wala naman ate, napagod lang ako sa trabaho. Papasok na ako sa kuwarto ate.” Tumayo na ako at tumungo na sa kwarto ko. “kumain ka na ba?..” habol na tanong ni ate sa akin. “Opo ate..kumain na kami sa restaurant bago kami umuwi..” sagot ko habang paakyat sa kwarto. Agad akong humiga sa kama ko at nakatingin sa kisame. Guapo na, mabait pa. Naiisip ko ang guapong mukha ng lalake nang biglang tumunog ang cellphone ko. Text galing kay Julie. Julie: bes diyan ako matutulog sa inyo bukas, ok lang ba? Wala kasi dito si angie bukas uuwi muna sa kanila. Ako: Oo naman bes bukas ang pinto namin para sa’yo. Julie: thank you bes. Sige matulog na tayo maaga pa tayo bukas sa trabaho. Goodnight beautiful.  Ako: Beautiful ka jan.. sige goodnight. See you tomorrow. para nang kapatid ang turing ko kay julie. siya ang nakakaalam sa mga hinaing ko sa buhay ayoko naman kasi malaman pa ni ate ang mga sarili kong problema kasi ayoko nang dumagdag sa mga iniisip niya. At nag desisyon na rin akong tumayo at maligo sa banyo para makatulog na rin. Pagkatapos kong maligo ay tinuyo ko na ang buhok ko sa blower at nang natapos na ako ay tinungo ko na ang kama ko at kinuha ko ang isang kahon sa drawer sa gilid ng kama ko at binuksan. Doon ko nilagay ang necklace na binigay sa akin ng batang lalake 10 yrs.ago. asan na kaya siya ngayon? Naaalala niya pa kaya ako hanggang ngayon? tiningnan ko lang sandali at ibinalik ko rin sa kahon ang necklace at napagpasyahan ko ng humiga na. Agad naman akong nakatulog dala na rin ng sobrang pagod kanina sa trabaho. Kinaumagahan ay nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, ina-alarm ko yun araw-araw ng 7 o’clock. Agad akong bumangon at nag inat. “aaahhhh! Good morning Mommy, Daddy!..” araw-araw kong ginagawa ang pagbati sa mga magulang namin para mapawi ang pangungulila ko sa kanila. Nakatingin ako sa kawalan ng biglang kumatok si ate sa pintuan. Toktoktok “ Janine! Gising ka na ba?” si ate.. “Opo ate..” sagot ko. “ lumabas ka na jan at sumabay ka na sa amin ni Sky mag breakfast..” agad kong itinali ang buhok ko at nagmugmug sa banyo at agad na lumabas ng kwarto. Tumungo ako sa kusina at nakita ko si sky na nakaupo na at umiinom ng gatas. “ Good morning baby boy!..” bati ko kay paul na umiinom ng gatas at hinalikan ko ang pamangkin ko. Nag smile ito at gumanti ng bati “moning tita..”. Napaka cute na bata at ang sarap kurutin ang pisngi. Gustong-gusto kong pinipisil ang matambok niyang pisngi. “Umupo ka na jan janine at magbreakfast na tayo..” sabi ni ate na naghahanda ng pagkain. Umupo na rin ako pati si ate. “ate dito matutulog si julie mamayang gabi wala daw kasi siyang kasama sa bahay nila kasi umuwi si anggie sa kanila..”  nilingon naman ako ni ate habang sinusubuan niya si sky. “Sige..mabuti na rin ‘yon matagal ko na rin di nakikita si julie, saka delikado mag isa ngayon lalo pa’t dalaga pa naman siya.” Tugon naman ni ate. Di rin ako nagtagal sa pagkain at agad ko din tinapos dahil kailangan ko pang maligo at baka mahuli na naman ako sa trabaho. tumayo na ako at nagpaalam kay ate. “Ate aakyat na ako at maliligo..” tumango naman si ate at bumalik na rin sa pagpapakain sa anak niya. Pagpasok ko sa kwarto ay agad na rin akong naligo. Pagkatapos ng trabaho namin ay umuwi na rin kami ni julie sa bahay dahil doon muna ito matutulog ngayon. Pagdating namin sa bahay ay nadatnan pa namin si ate na papalabas ng kwarto niya. 10:30 na kami nakarating ni julie sa bahay.”Uy julie, matagal ka na ring hindi nakapunta dito sa bahay, kamusta ka na?.."  Salubong ni ate at nagyakapan naman silang dalawa. “Oo nga ate..busy kasi sa trabaho..” sagot ni julie. “kumain na ba kayo?..” tanong ni ate habang pinagtitimpla ng gatas si sky.. “Opo ate..” sabay naming sagot. “Mabuti naman. sige na..umakyat na kayo sa kwarto at nang makapagpahinga kayo”. Utos ni ate.. at agad din kaming umakyat sa kwarto ko. Bago kami natulog ni julie at nagkwentuhan muna kami ng mga pangyayari sa buhay namin. Pero hindi ko na rin binanggit sa kanya ang lalakeng si Alex. Lumipas ang dalawang linggo simula ng makilala ko si Alex. Paulit-ulit lang ang routine ko sa nagdaang dalawang linggo, bahay at trabaho lang. Minsan ay tinutukso din ako ni julie kasi boring daw ang lovelife ko. Lagi niya akong tinutukso sa mga kakilala niyang mga lalake kaya lang ay wala naman akong magustuhan. Kung hindi bastos, mahangin naman. Isa pa wala naman ako panahong makipag relasyon, mas inaaalala ko ang ate ko. Nakita ko na kong pa’no nasaktan ang ate ko dahil sa sobrang pagmamahal niya sa nobyo niya. Kaya inisip ko na lahat ng lalake ay katulad ni anton. Paiibigin ka at iiwan ka rin. At ayokong maranasan yun. Pero sa kabilang parte ng puso ko ay naroon siya ang batang nakilala ko 10yrs.ago. Lumipas ang dalawang linggo.. habang nasa trabaho ay natutulala ako sa mga iniisip ko nang biglang may pumasok na tatlong lalaking naka black suit. Umupo na sila agad sa table at agad akong lumapit para i-abot ang menu. Kinuha naman nila agad ang menu nang hindi nila inaangat ang ulo at namili nang oorderin. Lihim kong pinasadahan ang dalawang magkatabing lalaki pareho silang guapo at matitipuno ang katawan, matatangos din ang mga ilong at makikinis ang balat lalo na ang pisngi nila. Mas makinis pa ata ang mga lalakeng ito kesa sa akin Habang ini-eksamina ko ang dalawang lalake ay bigla naman akong napapitlag ng magsalita ang lalakeng kaharap ng dalawang lalake. “Janine?..” nakangiti at nakatingin sa akin. Nag-angat naman ng ulo ang dalawang lalake para tingnan ang kasama nila na nagsalita saka nila binaling sa akin ang paningin nila. Nagulat naman ako ng makilala ko ang lalake “Alex?..” tanong ko na nakataas ang dalawang kilay ko. He smiled at me widely. “Its nice to see you again Miss perez.. dito ka pala nagtatrabaho?..” nakangiti pa rin siya sa akin. Naalala niya pa ang family name ko. ngiting tipid lang ang ginawa ko at tumango ako. Nakatitig pa rin ang dalawang kasama niya sa akin. Para akong nahuhubaran sa pagtitig nila kaya kinuha ko na lang agad ang order nila para makaalis na ako. Pagkakuha ko ay nagpaalam na ako para ipahanda ang orders nila at tumalikod na agad. “Who is she?..” Peter asked habang nakanguso sa babaeng waitress. ”Her name is Janine.. i met her accidentally 2weeks ago habang pauwi galing kila tita annabelle..” sagot ko at nilingon ko siya na busy sa pagbibigay ng order. Ipinatong naman ni Peter ang dalawang kamay niya sa lamesa at nilagay sa baba niya at tumingin ulit kay janine. “She’s pretty!. “ sambit nito. “Mukhang Artista kamo..” dugtong naman ni Jay. Nilingon ko ulit si janine at binalik din agad sa mga kasama ko ang tingin ko. ”Yeah!..” may ngiti sa labi kong sambit ko. Ilang minuto lang ang lumipas at handa na ng inorder ng grupo ng binata nakita ko sila na parang may seryosong pinang-uusapan. Lumakad na ako papunta sa table nila para ihatid ang order nila. “Excuse me sir.. here’s your orders..” at isa-isa ko nang nilapag ang mga inorder nilang pagkain. Medyo naiiliang ako sa ginagawa nilang pagtingin sa akin. pa-minsan minsan ay nakikita ko sa gilid ng mata ko. Ano ba naman yan! kung makatingin naman ang mga ito sa akin. Mabilis ko ng tinapos ang paglalagay ko at aalis na sana ng biglang hawakan ni Alex ang kamay ko “Wait janine!.. “ napatingin naman ako sa kamay kong hawak niya pati ang dalawang kasama niya. “Bakit po sir?..” tanong ko na nagtataka sa kanya. may dinukot siya na maliit na papel sa wallet niya at inabot sa akin. ”Her.. If you need help you can call me anytime..” sabay ngiti sa akin. Tiningnan ko naman ang papel na hawak niya at inabot ko.. binasa ko ang nakasulat ALEXANDER CORPUZ Of Queens Real State Company..Queens real state?.. Familiar sa akin ang pangalan na yon. Napatingin ako agad kay Alex na nakangiti pa rin sa akin. Nagpasalamat ako at bumalik na rin sa kusina. Inilagay ko muna ang maliit na papel sa bag ko at nagpatuloy sa trabaho. Isang oras din ang lumipas at tapos na rin silang kumain at umalis na. Nakita kong isang sasakyan lang ang sinakyan nilang tatlo. “Hey Alex.. mukhang tinamaan ka sa pretty babe ah?..” sambit ni Peter na nakangisi. “She’s extraordinary Pete. I mean I never met a woman like her. I can’t explain..” sabi ko habang nakahawak ako sa manibela..tinapik naman ako ni jay sa braso ko.”Why don’t you court her?..” bigla naman akong natigilan sa sinabi Jay. “I think she’s the one that you’re looking for Alex..”. Napaisip naman ako sa mga sinabi ng mga kaibigan ko. Ilang saglit lang ay ini-start ko na rin ang sasakyan at bumalik na kami sa company.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD