Chapter 1

1871 Words
Please do Comment and Vote :) KamijoMican -Savage Temptation- INIP na inip na si Feliza na nag-aantay sa isang fastfood chain sa kaibigan niyang si Yvonne, sabi kasi nito magkita sila sa fastfood chain na iyon at may ipapadala ito sa kanya pag uwi niya sa Pampanga, kung saan nakatira ang mga magulang ni Yvonne. Pero isang oras na siyang nag-aantay doon ay wala pa ring Yvonne na dumating at pudpod na ang daliri niya kakapindot sa cellphone niya dahil tini-text at tinatawagan niya ito na hindi naman nito sinasagot. "Ano ba naman! Namumuti na ang mata ko kaantay rito!" naghihimutok na reklamo niya. Naiinis na siya at ngali-ngali na siyang umalis pero ayaw naman niyang gawin dahil alam niya na inaasahan din ng mga magulang ni Yvonne ang ipapadala ng anak nila sa kanila. Kaya hindi na muna siya umalis at inantay pa ang kaibigan. Si Yvonne ay matalik na kaibigan niya, na kasama niyang lumuwas din dito sa Maynila upang makipagsapalaran nang makatapos sila pareho ng kolehiyo. Noong unang dating nila rito pareho sila nang pinasukang trabaho na admin office sa isang mall pero hindi nagtagal nag-resign si Yvonne at naghanap ng ibang trabaho, hanggang sa pati ng matitirhan ay humiwalay ito. Matagal-tagal na rin na hindi sila nagkikita laging sa tawag, text or chat lang sila nagkakausap kaya nang tawagan siya nito at nakiusap na magkita sila dahil may ipapadala raw ito sa magulang ay agad siyang pumayag. Para na rin sana makasama ito dahil miss na rin kasi niya ang kaibigan. Mayamaya ay napatayo siya at napabuntong hininga nang makita na ang kaibigan na papasok na sa fastfood chain na kinaroroonan niya at luminga-luminga pa ito. Nang makita siya nito agad itong lumapit sa kanya. "Oh, bakit ngayon ka lang?" tanong niya kaagad sa kaibigan. May inabot itong makapal na sobre sa kanya at luminga-linga na naman ito."Paki-bigay mo na lang iyan kila Inay at Itay, malaki-laki iyan. Sabihin mo bayaran na ang lupa at bahay na nakasanla at magtayo sila ng maliit na tindahan sa matitira diyan," bilin sa kanya ni Yvonne at muling luminga-linga na naman na ipinagtataka niya. "Bakit ba linga ka nang linga?" "Baka kasi may mang-holdap sa akin dito. Ang laki kasi ng pera na ibinigay ko sa'yo," katwiran ni Yvonne. May kinuha ito sa bulsa at lilibuhin iyon saka ibinigay sa kanya,"sa'yo iyan para sa pamasahe at pang-budget mo na rin." Inabot nito ang pera na ikinalaki ng mata niya. Parang ang laki kasi ng ibinibigay nitong pera saka bakit ang dami nitong pera ngayon. "Hindi na, may pera naman ako- "Huwag ka nang tumanggi pa! Bigay ko talaga ito sa'yo," putol ni Yvonne sa sasabihin niya sana. "Sige na, aalis na ako. Mag iingat ka, sabihin mo kila Inay at Itay na ayos lang ako at pakisabi, mahal na mahal ko sila," bilin na naman nito saka siya tinalikuran at umalis. "Yvonne, teka- Hindi na lumingon pa si Yvonne, dire-diretso itong lumakad hanggang sa makalabas ito ng fastfood chain, kinuha niya ang bag niya at inilagay ang mga perang ibinigay sa kanya ni Yvonne at nagmamadaling sinundan ito. Ang bilis maglakad ni Yvonne dahil nakalayo na talaga ito kaagad sa kanya kaya lakad-takbo na siya para sundan ito. Nakadama rin kasi siya nang pag-aalala sa kaibigan, kung bakit ang dami nitong pera at bakit ganoon na lang ito makapagsalita. "Yvonne!" tawag niya dito pero hindi ito lumingon, hawak nito ang cellphone at nasa tenga nito iyon. Nagtatakbo na siya para habulin ang kaibigan at nakita niya na lumiko ito sa isang madilim na lugar. Kaya mas nagmadali siyang sundan ito pero hindi pa siya nakakaliko nang may marinig siyang malakas na tili na ikinagulat niya at napahinto siya sa paglalakad. "Ang boses na iyon. Si Yvonne iyon! Lalakad na sana siya pasaklolo sa kaibigan nang makarinig siya ng sunod sunod na putok na ngayon ay ikinagilalas niya. Dahil hndi basta isang putok lang iyon ng paputok, kundi putok ng baril ang narinig niya at sunod sunod na putok pa iyon na malapit lang sa kanya. "Yvonne! Dahan-dahan siyang naglakad at sumilip sa lugar na kinaroroona ni Yvonne at lalo siyang nahintakutan at nanlaki ang mga mata niya, nang makita niya ang taong nakahandusay sa semento na parang wala nang buhay. May lalaking may hawak ng baril sa harap ng katawan at nakatutok ang baril na iyon sa nakahigang katawan, marahil siya ang bumaril at pumatay sa taong nakahandusay sa harapan nito. Inaaninag niya ang katawan ng nakahiga sa semento, inaalam kung ang kaibigan niya ba iyon dahil ito lang ang pumunta sa lugar na iyon at narinig din niya ang pagsigaw ng kaibigan niya. Inaaninag pa niya iyon nang maigi dahil medyo madilim doon pero nagulat na naman siya nang pumutok na naman ang baril ng lalaking nasa harap ng katawan at ilang ulit na binaril ito mismo sa mukha ng taong nakahandusay. "Yvonne!" bulalas niya sa sobrang pag-aalala, na pinagsisihan niyang hindi niya napigilan ang bugso ng damdamin niya dahil napalakas iyon. Napatingin sa kanya ang lalaking may hawak ng baril. Tinakpan niya ang bibig sa pagpipigil huminga at mabilis tumalikod. "Huli ka! Napasigaw si Feliza sa gumulat sa kanya nang pagtalikod niya ay may tao na at nakangisi itong nakatingin sa kanya. "Saan naman ito nanggaling?" naguguluhang tanong niya sa sarili dahil ni hindi man lang niya naramdaman na may tao na pala sa likod niya. Nakakatakot ang tingin ng lalaki sa kanya, na may ngisi pa at mukha itong hindi gagawa nang matino. "Anong ginagawa mo rito sa madilim na lugar binibini at sa ganitong dis-oras pa ng gabi?" nakakaloko pang tanong nito sa kanya. "M-may sinundan lang po ako, kasi pumunta siya rito eh," tugon niya sa lalaking nasa harapan niya. "Kaso mali ang pinuntahan mo at mukhang may nakita ka." "She saw everything I did," nagulat at nangilabot siya sa malamig at baritonong boses na iyon mula sa likod niya. "s**t! Nasa likod ko na ang mamatay tao! "Eh, anong gagawin ko sa kanya boss?" tanong ng lalaki na nasa harap niya. "Get rid of her with that dead body," tugon nang nasa likod niya, na lalong ikinakilabot niya. Pati siya ipapapatay ng taong nasa likod niya. Hinarap niya ito para makita ang mukha ng taong pumatay sa kaibigan niya, gusto niya itong makita kahit alam niyang delikado talaga. Hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na mabubuhay siya at sa oras na makaligtas siya, ipapasuplong niya ang mamamatay taong ito, na pumatay sa kaibigan niya. Subalit hindi ang mukha nito ang kanyang nakita kundi ang dibdib nito ang agad niyang nasilayan sa paglingon niya dahil matangkad pala ito, kaya agad niya itong itiningala. Napanganga siya nang makita niya ang taong pumatay sa kaibigan niya, dahil ang inaasahan niyang mukhang nakakatakot na mukha, ay hindi iyon ang tumambad sa kanya. He was a handsome with a dark pair of eyes, luscious lips and perfectly built of body kung maituturing para itong hollywood actor sa ibang bansa dahil sa gandang lalaki nito at hindi mo masasabing pure Filipino ang lalaking nasa harapan niya, wala sa itsura nito ang pagiging kreminal at masamang tao. Nakasuot ito ng leather jacket na kulay black at fit na fit ito sa magandang katawan nito at matangkad talaga ito, kaya itiningala niya pa ito upang matitigan pa muli ang magandang mukha. "Hindi talaga lahat ng gwapo mapagkakatiwalaan," bulalas ng isip niya. Nakita niya na kahit ito ay tumitig sa kanya at ang blangkong mukha nito ay biglang nagbago, na parang may nakitang kakaiba sa mukha niya. Nagulat siya at napatili nang may humawak sa balikat niya. "Boss ako ng bahala rito, wala na ang mga basurang ito mamaya," sabi ng lalaking nasa likod niya na ngayon ay hawak na ang balikat niya. "Basura? Siya at ang kaibigan niya basura?" hindi makapaniwalang bulalas niya sa sarili, "hindi ako basura! Kahit ang kaibigan ko na pinatay na nila ibabasura pa! Agad niyang hinarap ang lalaking tumawag sa kanilang basura at malakas na sinampal ito sa mukha sa sobrang galit at hinagpis sa nangyari sa kaibigan niya. "Kayo ang basura! Mga halimaw kayo!" sigaw niya at sinipa niya sa maselang bahagi ng katawan ang lalaking tumawag sa kanya ng basura at mabilis na tumakbo. Kahit alam niya na hahabulin siya ng mga ito, sinubukan pa rin niyang tumakbo para iligtas ang buhay niya, inaantay na lang niyang makarinig siya ng putok ng baril at barilin siya sa likod dahil ang lalaking pumatay kay Yvonne, ay may dalang baril at alam niya na kung nagawa nitong patayin si Yvonne, magagawa rin nitong walang-awa siyang patayin. Pero walang putok ng baril siyang narinig ni pagsunod ng sinuman ay hindi na niya narinig kaya mas binilisan niya pa ang pagtakbo para makatakas sa mga taong iyon. Nang nasa highway na siya agad niyang pinara ang jeep na dumating at ni hindi inaalam kung saan ba ito patungo. Basta sumakay na lang siya para mas makalayo sa lugar na iyon. Pagsampa ng pang-upo niya sa upuan ng jeep sumilip siya sa labas at wala na ngang nakasunod sa kanya. Doon tuluyang tumulo ang mga luha niya at hindi napigilan ang pag hikbi. Nakaligtas siya sa kamatayan, nakatakas siya sa masasamang taong iyon pero ang kaibigan niyang si Yvonne ay napatay. Ang matalik niyang kaibigan na dumamay sa kanya bata pa lang sila, ang taong nasa tabi niya lagi sa panahong nawala ang lahat sa kanya. Paano niya sasabihin sa mga magulang nito ang kalunos-lunos na nangyari sa anak nila? Siguradong hindi nila iyon makakaya. Pero bakit ba umabot sa ganoong kamatayan si Yvonne? Sino ba talaga ang mga lalaking iyon? "Miss ayos ka lang?" untag na tanong sa kanya ng isa sa mga pasaherong babae, na kaharap niya. May pag aalala sa mga mata nito na nakatingin sa kanya, kahit ang ilan na pasahero doon ay sa kanya na nakatingin. Tumango siya sa nagtanong. "Ayos lang po ako," tugon niya at pinahid ang mga luha. Nawalan na naman siya ng taong minamahal at iyon ang matalik niyang kaibigan. Sobrang sakit n'on, dahil napakahalaga na ni Yvonne sa kanya at nasaktan na naman siya kagaya ng sakit nang pagkawala ng kanyang Mama at Papa. Ulilang lubos na siya at labing dalawang taon gulang pa lang siya nang mamatay ang Mama niya dahil na rin sa masasamang tao na pumatay dito. Hindi iyon nakayanan ng kanyang Papa, kaya nagpakamatay ito sa sobrang sakit na dinanas sa nangyari sa Mama niya. Naiwan siyang mag-isa sa buhay at kung saan-saan na siya pinagpapasa-pasahan ipaalaga sa mga kamag anak. Hanggang sa napunta siya sa Pampanga, labing limang taon gulang na siya doon niya nakilala si Yvonne at naging kaibigan. Sobrang naging mabuti si Yvonne sa kanya, kahit ang mga magulang nito dahil sila ang nagpuno nang pagmamahal ng magulang na wala siya, nang mamatay ang lola niya na nag-alaga sa kanya sa Pampanga pinatira na siya ng magulang at ni Yvonne sa bahay ng mga ito. Graduating na rin kasi siya ng College noon, kaya hindi na siya umalis pa at doon muna tumira kila Yvonne, mabuti rin ang mga magulang ni Yvonne at lumaking mabuti ang kaibigan niya kaya nakapagtataka na nadawit ito sa ganoong gulo na may pumatay pa sa kaibigan niya na ganoon na lang. Hindi siya makapaniwala na nangyari ito sa kaibigan niya at hindi rin siya papayag na basta na lang magbuwis ng buhay si Yvonne, na hindi nito nakukuha ang katarungan. Kailangan masuplong ang gumawa nun sa kaibigan niya. Hindi siya papayag na maulit kay Yvonne, ang nangyari sa Mama niya noon, na hindi napahuli ang pumatay sa Mama niya dahil walang tumestigo, nakita niya ang pangyayari at gagawa siya ng paraan para makuha ni Yvonne ang katarungan niya.  "Yvonne, hindi ko hahayaang walang managot sa pagpatay sa'yo. Hindi pwedeng manahimik lang ako."  A/N Umpisa pa lang gulo na haha :D Humanda na kayo sa magulo at madugong kwento na ito at mag-comment kau haha :D pangpagana kasi iyon eh...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD