Chapter 1- F5

1360 Words
“California girls we're unforgettable. Daisy Dukes, Bikinis on top, Sun-kissed skin so hot will melt your popsicle. Oooooh Oh Oooooh” Nakapikit akong kumakanta habang nakapasak ang earphones sa magkabila ‘kong tenga “Hoy Elle, manahimik ka nga! Ang sakit mo sa tainga!” Binato ako ng unan ni Michelle. Inalis ko ang nakapasak na earphones sa’kin at tinignan siya ng masama. “Bakit ba? Mag-earphones ka nalang kung gusto mo.” Singhal ko. Binato ko sa kaniya yung binato niyang unan sa’kin.Humalakhak naman siya kaya lalo akong nainis. Tatlong araw na kaming F5 dito sa Boracay. VIP suite ang kinuha namin para sa aming lahat. May isang king sized bed kung saan kami magkakatabing nakahiga, flatscreen TV, sofa at may balcony din ang kwarto. Maganda at maaliwalas ang itsura nito, kasyang kasya kaming lima. Last minute vacation bago magpasukan bukas. “Anong oras flight natin pabalik ng Manila?” Tanong ni Kimberly “Mamaya pang 6pm.” Sagot sa kaniya ni Rachel. “Swimming na tayo, hindi naman na masyadong mainit tsaka ‘wag kayong umangal na mainit kasi nasa beach po kaya tayo.” Angal ni Jaimie. Isa isa niyang kinuha ang mga cellphone namin at pinatay ang TV. Napakunot ako ng noo habang pinapaulanan na siya ng sandamakmak na death threats sa utak ko. “Ano ba yan!” Sabay sabay naming angal “Sayang plane tickets! Sayang yung bayad natin sa hotel! Sayang yung time! ‘Ba yan! Wala na tayong ginawa kundi mag-stay nalang dito.” Sigaw niya samin Nagka-tinginan kaming apat sa sinabi niya. Problema nito? “Ang sabihin mo, sayang yung binili mong swimsuit.” Tinaasan ko siya ng kilay “Ihahagis ko ‘tong mga phones niyo sa labas para lumabas kayo o lalabas kayo ng kusa? Kailangan pa ba kayo i-blackmail?” Naiinis na sabi ni Jaime habang naka-dekwatro at nakaupo sa malapit sa may bintana. Pinapakitang ready to go na yung mga cellphone namin. Winawagay-wagayway niya pa. “Oo na! Oo na! Lalabas na tayo, maususot mo na yung swimsuit mo!” Tumatawang sagot ko “Akin na nga ‘yang phone ko!” Lumapit sa kanya si Michelle at hinablot sa kanya yung isang balot na may laman ng phones namin. Wala kaming nagawa kundi bumaba ng hotel at maglibot sa may beach. If I know, gusto lang irampa ni Jaime yung pinaghirapan niyang bilhin na swimsuit dahil limited edition. Pati ba naman swimsuit, may limited edition na’din?  Ang daming tao ngayon kasi peak season, mabuti nga at nakapagpa-book kami ng maaga sa hotel kasi talagang ubusan kapag summer. “Ang daming pawisang abs. Woooh!” Nagpaypay gamit ang kamay niya si Rachel “At ang mga v-line! Jusko!” Yung mata ni Kimberly parang nagiging heart na. Napa-balik ako ng tingin doon sa nakabangga sakin. Mapapa-paypay na’dn yata ako sa sobrang init.  Feeling ko may glitters at sparks sa paligid niya at parang nasa movie kami na inii-slow motion. Tinanggal niya ang kaniyang wayferers at ngumiti sakin. “Elle!” Napatingin ako kila Kimberly na malayo na sa’kin. “A-ah! Wa-wait lang!” Tumingin ulit ako sa kanya at ngumiti pabalik sa kaniya “Elle!” Tawag muli nila na mukang naiirita na  “Elle! Huy! Tara na!” Hinawakan ako ni Jaime sa magkabilang balikat ko at inalog-alog. “Ah- Ha? Ah! Oo.” Inirapan lang nila ako at nagpatuloy na sila sa paglalakad s***h pagbo-boy hunting s***h pagrarampa “Anyare?” Tanong ni Michelle “Anong anong nangyari? Walang nangyari!” Nagkibit balikat lang siya. Tumakbo kami para makahabol kila Kimberly May narinig akong katok na galing sa kwarto ko. Di ko nalang pinansin. Baka guni-guni ko lang. Sana guni-guni ko lang talaga. SANA LANG TALAGA! “Princess, gising na po.” Ayan na si ateng alarm. Tinakpan ko ng unan yung tenga ko at nagtalukbong ng kumot. “Ate! Huhuhu! Ang sakit ng katawan ko dahil sa trip namin kahapon. Ang dami naming activities na ginawa. Nag-banana boat kami tapos flying fish tapos nag-island hopping tapos ang dami pa! Basta! Pass muna ako ngayon. Absent muna.” Yung boses ko nagsasakit-sakitan. May pahawak-hawak pa ako sa likod ko na parang nirarayuma pero mukhang effective naman dahil tumahimik. Wala nang kumakatok at nangi-gising. Bwahahaha! “Elle! Get up. Anong activities ang pinagsasabi mo diyan? Tignan mo nga ‘tong mga pinagpo-post mo sa **, parang pajama party lang.” Sigaw niya “Siyempre, Ate. We can’t bring our phones naman while doing our activities. Mababasa yun.” Nagtago na ako sa ilalim ng kumot ko dahil may malakas na ugong akong narinig. End of the world na yata pero siyempre, joke joke lang yun. Umaalingawngaw lang  yung boses ni Ate Ella. Wala talaga akong takas lagi! “Ha-ha-ha. Wala, ate. Sabi ko, maliligo na ako kasi mala-late na’ko.” Dahan dahan akong lumabas ng kumot at tinignan ang mukha ni ate na sinusundan ang bawat galaw ko ng tingin. Agad akong tumayo at dumiretso sa banyo. Magalit na ang lahat, wag lang si ate. Parang butiking nagiging dragon ‘yan kapag nagalit. Magiging endangered species na ako kung sakali. Naligo at nag-ayos na ako pero yung mata ko nakalawlaw parin sa antok. Kung puwede ko lang lagyan ng toothpick yung talukap ng mata ko para di bumaksak, ginawa ko na. Torture talaga lagi yung first day of school. Yung feeling na buong bakasyon kang tulog at pumepetiks lang tapos biglang kailangan ko na gumising ng magaa dahil… Hello! Grade 12 ka na, kapag pumetiks ka pa, hello Grade 12 ka ulit next year. Paglabas ko ng kuwarto, nakaabang na yung mga maids namin sa may hagdanan. ‘Yan kasi ang habilin ng parents namin sa kanila, treat me like a princess daw. Noong bata daw kasi ako, gustong gusto ko maging prinsesa. Minsan pa nga daw, iniiwan ko kung saan saan yung sapatos ko, baka sakaling may makapulot na prince charming. Kaya ayun, Princess ang tawag nila sa’kin dito sa bahay pero ang totoong pangalan ko talaga ay Elle. Elle Gomez. Ike-kwento ko muna sa inyo yung talambuhay ko habang bumababa ako ng hagdan. Kapag may lubak, sabihin niyo sakin para hindi ako masubsob. I belong to one of the well-known family kaya nung 5 years old palang ako, umalis na yung parents ko papuntang ibang bansa para i-handle yung mga business namin doon. We own an airline and a rubber plantation. Meron din kaming five star hotels sa iba’t ibang bansa kaya busy talaga yung parents ko. Si Ate Ella lang ang kasama ko dito sa palasyo namin este bahay namin tapos tumatawag-tawag nalang sila sa’min para kamustahin kami. Minsan minsan nalang sila umuwi dito, siguro mga once every 4 years. Nami-miss ko sila, yes pero kailangan ko silang intindihin kasi alam ‘kong para din naman sa’min ni Ate yun. “Princess, ready na po yung breakfast niyo.” “Hindi na muna ako kakain. Wala pa po akong gana eh.” Nagbow lang siya tapos umalis na. Umupo muna ako sa couch para magmuni-muni, kumurap-kurap at pumikit. 5 minutes lang! Iidlip muna ako. Inaantok pa talaga ako e. “Princess, anong kotse nga po pala gagamitin niyo?” Napatalon ako sa gulat nung biglang nagsalita si ate. “Ferrari, ate.” May tatlo akong kotse. Ferrari is my only lux car at walang puwedeng mag-drive nito maliban sakin tapos yung isa ay Elantra at Fortuner para service ko kung sakaling tinatamad akong mag-drive. Ngayon ko lang naalala yung sinabi kahapon ni Rachel “Huling dumating bukas, manlilibre ah.” dahilan kung bakit ko pinapaharurot  ‘tong kotse. Naalala ko noong nanlibre ako dahil ako pinaka-huling dumating, halos lahat yata ng nasa menu ay inorder nila tapos hindi naman nila inubos. Talagang sinadya lang nila na pahirapan ang credit card ko. Tatawa-tawa pa sila paglabas ng restaurant. Mukha silang mga taga Monsters University para sakin nun. True friends nga naman. Hays. Pagdating ko sa parking lot ng school, naaninag ko na agad sila. One. Kimberly Sy, half chinese-half filipino. Her family owns the biggest Chinese restaurant in China and also here in the Philippines. Two. Michelle Ortiz, napaka-straight forward niya kung magsalita. Her family owns one of the most popular recording company in US of A Three.Jaime Ramos, sensitive and they own a spa kaya kapag haggard mode kami, diyan lang kami dume-deretso. Siyempre, may discount. Hehehe! Shoot! ‘Di pa ako ang last. Wala pa si Rachel Sanchez, ang pinaka-matured samin and they own a mall. Siyempre, may discount din kami dun kapag nagsho-shopping kami. Ipa-park ko na sana yung kotse ko sa sariling parking space ko na may nakasulat ng pangalan ko. Sabi ko, i-capslock para cute at intense. ELLE GOMEZ nang biglang may nakipag-unahan sa’king mag-park. Kapal ng mukha. Ang sarap sipain ng kotse niya papuntang Mars. Sama mo nadin yung nakasakay.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD