Chapter 2- Deal

1497 Words
Bumaba agad ako ng kotse para ipamukha doon sa nagdi-drive na ako lang naman ang may-ari nung parking space na pinarkingan niya. Nginitian ko ng hilaw sila Kimberly para ipaalam sa kanila na hindi ako ang taya ngayon at magdudusa ang credit card ni Rachel mamaya. It’s payback time. Bwahaha! After 2 minutes, nagsi-babaan na sila. Oo, SILA.Lima sila pero hindi pa bumababa yung nasa driver’s seat so I guess, anim sila? Mga nagsisi-tawanan at naga-apiran sila paglabas ng kotse. Akala mo mga nanalo sa lotto kung makapag-saya. Pakiramdam ko, yung ulo ko ay puwede nang paglutuan ng itlog sa sobrang init. Nung lumabas na yung nasa driver’s seat. Dali dali ko siyang nilapitan at hinarap. Magtutuos pa kami neto. Kaaga-aga, pinapainit ang ulo ko. “Move.” Hinawakan niya ang balikat ko at tinulak ako palayo sa dinadaanan niya. “Can’t you read? Can’t you see that someone already owns this parking slot?” Nakapamewang with poise kong sinabi. Kung sa totoo lang, nakaka-walang poise yung ginawa niya. Naka-combo siya sakin ah. Double kill! Huminto siya sa paglalakad niya at humarap ulit sakin “Obviously, I can.” Napataas ang kilay ko sa sinabi niya habang siya naman ay naka-poker face lang. Cool na cool lang siya. Tumingin siya sa mga kasama niya at tumawa pa sabay naglakad ulit  palayo. Aba! Nangaasar ‘to ah. Konting kembot nalang, hahamunin ko na’to ng suntukan. Nako! Hindi na ako makakapag-pigil! Hinubad ko na yung heels ko at ready for take off na siya papapunta dun sa guwapong lalaki na walang manners. Boom! Sapul! Headshot! Strike! Humarap siya sakin na may matalim na tingin sakin. Naglakad siya pabalik sakin at kinorner ako sa may pader. Nilapit niya sakin yung mukha niya na namumula sa galit. “You don’t know who I’am and what I can do to make your life miserable.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. “Who are you?” “Natatakot ka ba? I’m Ethan Hernandez and no one dares to mess up with me.” “I can, huwag mo akong hamunin.” Ngumiti ako at tinulak siya palayo sakin. Mukha naman siyang natigilan at nagulat. Aba! Wag niya akong sinusubukan. “Now, alisin mo na yang bulok mong kotse sa parking space ko kung ayaw mong sipain ko pa yan papuntang Mars. I’m Elle Gomez and no one dares to mess up with me, even you.” Nagpalakpakan yung mga estudyanteng naka-tambay lang sa tabi tabi na para bang may pinapanood silang action movie na konti nalang ay mag-gigilitan na ng leeg. Napa-tss nalang siya at umiling sabay pumasok na sa kotse niya at umalis sa parking space ko. And the winner for knockout... Tentenenen! *drum roll* Elle Gomez! May biglang lumapit sakin na lalaking kasama niya. Ohmaygash din siya pero badtrip na ako sa aura nila. Chupi na sila sakin. “Sorry for Ethan’s actions. I’m Chase” Sabi niya. Wow ang gwapo. Nakatitig siya sakin habang humihingi ng sorry, ang lakas tuloy maka-uto tapos nakangiti pa. Nakakasilaw naman ‘tong nilalang na’to. Mukhang angel na bumaba sa langit. Nakakapag-taka lang, pano niya naging kaibigan yung Ethan na yun kung magkaiba sila ng ugali? Pano sila nagkasundo? “Miss? Hello?” Winagayway niya pa yung kamay niya sa harap ng mukha ko. Napa-kurap kurap ako sa sobrang hiya dahil pinagpantasyahan ko siya sa harap niya. “Ah-eh. He-he-he. O-okay lang yun. I’m Elle.” Inoffer niya yung kamay niya for shake hands kaya naman tinanggap ko ito. Mukha namang wala siyang hidden desire eh. Mas mukha pa nga akong may hidden desire. “Brah, tara na. Nakahanap na ng sarili niyang parking space si Ethan.” Sabi nung isang kasama nila Sino kaya ang nabiktima niya at nakuhanan ng parking space. Nagwave ng hand sakin si Chase. Nagpapa-alam. Wooh! Sana mag-krus pa ulit ang landas natin. Small world nga daw diba? Hihihi! “Ethan! Parking space ko yun!” Sigaw ng isang nerdy sa malayo kila Ethan. Kawawa naman. Dapat talaga pinupuksa na yung mga ganyang tao tapos ang tinitira nalang, yung mga katulad ni Chase. Hehehe! “Finders keepers, losers are shits.” Sigaw ni Ethan habang naglalakad sila papasok ng campus. Yabang talaga! Nakakainis! Pero hindi talaga siya uubra sakin. “No one dares to mess up with me.” I mocked him habang papunta sa F5. What a relief. Hindi ako ang taya ngayon. Hindi nga ako manlilibre, nasira naman ang buong araw ko. Wala bang fairygodmother na pwede mag-magic at pagandahin ang mood ko. Oh ayan nanaman, nagpapaka-prinsesa nanaman ako. In a far far away land, there’s a princess whose mood is ruined just because of that stupid guy who took her parking space but in the other hand she also met a oh-so-hot-prince-charming. Kamuntik na akong mabilaukan kaka-isip kung pano ko ita-translate sa mala-fairytale na way yung nangyari sakin ngayong umaga. -Ethan Hernandez’s Point of View- Papunta na sana kami sa asigned room namin kaso I’ve changed my mind. Tinatamad ako tapos hinaluan pa ng pagka-badtrip ko. Ayoko na pumasok. Tutal naman at paniguradong question and answer lang yan between you and the teacher. “Let’s ditch our classes today. Badtrip na’ko.” Hindi ako nagyayaya, I’m demanding them not to attend our classes. “Brah, first day na first day natin ngayon tapos hindi papasok?” I just gave him a cold stare Elle. Elle. Err. She’s getting into my nerves! Ang tapang niya para sagutin ako ng ganun. I can’t accept the fact that I lose to that girl. Siya ang kauna-unahan sa balat ng lupa na sumagot sakin ng ganun sa harap ng madaming tao! “Pre, chill ka lang. Oh eto, coke.” Binato sakin ni Dylan ang isang can ng coke. Pampalamig din ng ulo. Kapag naalala ko yung nangyari kanina, sumasakit ang ulo ko. “San tayo ngayon?” Tanong ni Kevin habang nagpapacute sa mga babaeng nasa cafeteria ngayon. “Sa earth, tol” Babatukan ko na talaga ‘tong si Xavier. Dinadagdagan pa yung init ng ulo ko. Hindi ilagay sa tamang timing ang pagka-kengkoy niya. “San tayo ngayon? Kinakausap ko kayo maliban si Xavier.” Tumayo si Kevin at hinarangan si Xavier para hindi makasama sa usapan, “Haggang dito lang ang usapan” lumingon siya kay Xavier, “hindi ka kasama” Mga kalokohan talaga netong mga ‘to. Matatawa ka nalang kahit badtrip ka. “Condo ko nalang, madami akong stocks ngayon dun.” Tumayo na si Chase habang naglalaro padin ng iPad niya. Tumayo nadin ako para maka-alis na dito sa lugar na’to. Habang andito ako, nababadtrip ako. Habang naglalakad ako, inakbayan ako ni Xavier, “Pre, alam mo bang mukhang natamaan ang parekoy nating si Chase dun sa babaeng matapang kanina. Yung mahaba yung buhok na sexy tapos matangkad. Witwiw! Chicks na chicks talaga lalo na nung sinagot ka niya. Ang cool, bro.” Inalis ko ang pagkaka-akbay niya sakin at hinilot ang mga temples ko. Lalong sumakit ang ulo ko. Pinaalala niya pa. Teka, may naisip akong paraan para makaganti. Kung eto lang ang magagawa ko para makaganti, I have no choice but to do it. I really don’t care sa mga mangyayari. I’m going to get my revenge. I’m Ethan Hernandez, model and my family owns the biggest company in Asia and Europe, mayroon din kaming mga firms sa Australia, here in Philippines and US. Hindi talaga ako close sa parents ko, lalo na sa matandang uugod-ugod na yun. Lagi niya nalang pinapakielaman lahat ng gusto ko. He’s treating me like a 3 years old child. Since elementary, mga kaibigan ko na ang palagi kong kasama. Di ko nga alam na makakatagal pala ako sa kanila. Hindi na sila nag-matured pero masaya naman sila kasama kaya okay naman. Pagdating namin sa condo ni Chase, umupo agad siya sa sofa samantalang kami, nangalkal sa ref niya. He got loads of yeah. Pagkatapos ko kumuha ng iinumin ko, tumabi agad ako sa kanya. Man to man talk. “Brah, I have a question.” Tumingin lang siya sakin saglit at pinatuloy na yung paglalaro niya sa iPad. Si Chase ang pinaka-bestfriend ko sa lahat. Ang bakla pakinggan pero totoo. Pangalawa kasi siya sa pinaka-matured samin. Siyempre, ako ang una. “Ano?” “May tama ka ba dun sa Elle na yun?” Pinause niya yung nilalaro niya at tumingin sakin. I don’t want to compliment Xav pero tumatalino na yata siya. “Bakit, pre? Pano kung oo? Na-love at first sight ata ako” Tinapik niya ang balikat ko na mukhang tinamaan nga siya ng pana ni kupido. Nakakasuka ‘tong si Chase. Parang bakla, may nalalaman pang “na-love at first sight ata ako” Anak ng. “Ikaw?” “Asa.” Tss, ako? Magkakagusto dun? Asa. “Nga pala, I have a deal for you. Let’s court that girl. Kapag ako ang sinagot, you have to give your Lamborghini to me pero kung ikaw ang sinagot, ibibigay ko sayo ang condo ko.” Dagdag ko Itataya ko ang condo ko, para lang makapaghiganti sa kanya. Bwiset. Wala na kasi akong maisip na iba pang paraan. Paniguradong hindi magpapatalo yun kung pagtri-tripan ko lang siya sa school. Baka ako pa ang mapahiya ulit. Humawak pa si Chase sa baba niya na parang nagiisip siya ng solusyon sa napaka-hirap na problema. Yung iba naghihintay ng sagot niya habang kumakain, nag-order pa ng pizza. Mukang mga hindi naka-kain ng isang linggo. “Deal.” Napangiti ako sa sagot niya. Let the games begin. Makikita mo lang, Ms. Skandalosa, iiyak ka din nang dahil sakin. Hindi mo kilala ang binangga mo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD