3

1454 Words
Ramdam ko ang sinag ng araw na tumama sa aking mukha na dahilan para magising ako. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Ilang saglit pa ay bumangon na ako. Napasapo ako sa aking noo, kasabay na natigilan ako dahil napagtanto ako—nasa isang kuwarto ako! Lumapat ang tingin ko sa aking sarili, iba na ang aking damit na suot! Simpleng tshirt at sweat pants ang suot ko! N-nasaan ako?! Nakuha ang aking atensyon nang may nagbukas ng pinto. Inaabangan ko kung sino ang papasok sa silid na ito. Nang nagbukas iyon ay parang nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita ko ang mukha ni Spencer na siyang maging bungad ng umaga ko! Sa pagpasok niya dito sa kuwarto ay may dala siyang tray. Isang matamis na ngiti ang iginawad niya sa akin habang nilalapitan niya ako. Ipinatong niya ang hawak niyang tray na may lamang pagkain sa side table na katabi lang ng kaniyang kama. Umupo siya sa gilid ng kama. "Glad you're finally awake." panimula niya. Pakurap-kurap akong tumingin sa kaniya. May bakas pa ring pagtataka sa aking mukha. "N-nasaan ako?" iyon ang agad na naitanong ko. "Nasa kuwarto ko." kaswal niyang sagot sa akin. "Bigla kang hinimatay. Naudlot tuloy ang date natin," saka nagkibit-balikat siya. "N-nasaan ang mga damit ko?" sunod kong tanong. "Nabasa ng tubig-ulan ang damit mo. Kaya pinalaba ko muna sa maid ang mga iyon. Ang suot mo ngayong damit ay pagmamay-ari ni atsi Laisa. Kaya walang problema. Don't worry, ang maid ang nagbihis sa iyo." Kumunot ang noo ko. "Atsi Laisa?" ulit ko pa. "Yeah, she's my elder sister." inilipat na niya ang tray sa aking harap. "Here, kumain ka na. Kagabi ka pa yatang walang kain the after, uminom ka na ng gamot." kaya pala may gamot din sa tray. "Nilagnat ka na din kagabi." Wala na akong magawa kungdi kumain. Medyo nakaramdam na din ako ng gutom. Tama siya, sinadya ko talaga na hindi kumain kagabi dahil tingin ko ay makakain din naman ako para sa date namin pero imposible. Dahil tulad ng kwento niya ay hinimatay ako. Pero sandali, nakita kaya nila ang mga pasa sa aking balat? Pati ang mga sugat na natamo ko? Sana naman ay hindi. Kahit na naiilang ako dahil pinapanood niya akong kumain ay pilit ko pa rin ubusin ang pagkain na dala niya. Nagiging conscious tuloy ako sa ginagawa niya! "Magstay ka muna dito sa bahay habang nagpapagaling ka." bigla sumeryoso ang kaniyang boses nang sambitin niya ang mga bagay na iyon. Napatingin ako sa kaniya pagkatapos kong uminom ng gamot. Muli bumuhay ang pagtataka sa akin. Bakit parang galit ang isang ito? "Hindi ka pa safe kapag bumalik ka pa sa lugar na iyon." "S-Spencer..." Wala na akong makuha pang sagot mula sa kaniya. Sa halip ay tahimik siyang umalis sa kuwarto habang dala niya palabas ang tray. Tahimik ko lang siyang pinapanood habang papalabas. Bakit umiba ang pakiramdam ko? Tila may ginawa akong napakalaking kasalanan dahil sa tono ng kaniyang boses... - Hindi ko alam kung bakit puro tulog ako buong maghapon. Gustong-gusto kong umuwi para matingnan ko na din si Calla sa kuta pero parang pinipigilan ako ng katawan ko. Hindi ko malaman kung dahil ba sa gamot o sobrang pagod kaya nagiging antukin ako. Medyo bumaba na din ang lagnat ko kinagabihan na ding iyon. Nagtanong ako sa maid kung saan ko makikita si Spencer, nasabi nito ay nasa Veranda ang lalaking hinahanap ko. Pinigilan pa ako ng maid dahil pinagbabawal pa akong gumalaw dahil may sakit pa daw ako pero nagpumilit ako. Kaya sa huli ay wala na siyang magawa. Pupuntahan ko si Spencer para magpaalam na aalis na ako. Nag-aalala na din kasi ako sa kapatid ko. Tumigil ako sa paglalakad nang matanaw siya sa Veranda, abala nagbabasa ng makapal na libro. Hindi ko lang matukoy o pamilyar kung anong libro 'yon. Lumunok ako. Pareho naman kaming nasa Senior High, kung hindi ako nagkakamali ay magkasing-edad lang naman kami. Pareho kaming seventeen. Pero sa lagay niyang at base sa obserbasyon ko, he's almost a gentleman-a-like. Kung tumuntong na siya sa twenty's, paniguradong ganoon na talaga ang tingin sa kaniya ng mga babaeng nasa paligid niya. Hindi rin ako magtataka kung bakit nagkakandarapa sa kaniya sa eksuwelahan namin kahit na ipinakilala na siya sa mga schoolmates namin. Ano pa bang hahanapin sa kaniya? Guwapo, matangkad, matalino, at mabait pa... I shook my head. Ano na naman ba itong pinag-iisip ko? "MC?" Tumingin ako sa kaniyang direksyon. Nagtama ang mga tingin namin kahit may distansya sa pagitan naming dalawa. Tumayo ako ng tuwid. Itiniklop niya ang hawak niyang libro. Tumayo siya't agad niya akong dinaluhan na may pag-aalala sa kaniyang mukha. "Bakit ka umalis sa kuwarto? Dapat ay nagpapahinga ka pa..." Napangiwi ako. "Ano kasi..." napakamot ako sa aking batok. "Magpapaalam sana ako... Uuwi na..." Tahimik lang siya. Parang may gusto pa siyang marinig sa akin. Huminga ako ng malalim. "Nag-aalala na ako para sa kapatid ko. M-may sakit kasi iyon." hindi ko mapigilang sambitin iyon. "Pinaghahanap ko na ang kapatid mo kagabi pero nakatanggap ako ng balita na wala na sa bahay ninyo ang tatay mo pati ang mga kasamahan niya. Kasama na din nila ang kapatid mo. Kasalukuyan silang nagtatago dahil sa pagtangka sa pagpatay nila sa Mayor ng bayan na ito." seryosong pahayag niya. Natigilan ako. Umaawang ang bibig ko sa sinabi niya. "A-ano..." gumuhit ang pagkabigla sa aking mukha. "N-nasaan daw sila n-ngayon?" "Unfortunately, kasalakuyan pa rin silang pinaghahanap ng batas. Pati ng mga nahired kong bodyguards para hanapin ang kapatid mo para mailigtas na din nila ito." diretso siyang tumingin sa aking mga mata. Mas lumapit pa siya sa akin. Mas bumilis ang kabog ng aking dibdib sa awra niya. Bakit parang natatakot ako? "Tell me, MC. Ang tatay mo ba ang may gawa sa iyo kung bakit ka may mga sugat at pasa sa katawan? Kung bakit may sugat ka din sa labi?" "S-Spencer..." ang tanging pangalan lang niya ang lumabas sa aking bibig. "Tell me..." masuyo pero bakas ang galit sa kaniyang mga mata. "Siya ba ang may gawa sa iyo nito? Siya din ba ang dahilan kung bakit may sugat ka noong binisita kita sa inyo bago man ang date natin?" Nanatili akong tahimik. Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Simpleng tanong lang naman, pero hindi ko magawang aminin. Mabilis na gumapang ang takot sa aking sistema. Ito ang kinakatakutan ko. Na malaman ng iba kung ano talaga ko. Na anak ako ng isang kriminal... Na anak ako ni Belor Defamente. Ang isa sa mga most wanted dito sa Cavite. "MC," may halong pagsusumao na tawag sa akin ni Spencer. Lakas-loob ko siyang tiningan nang diretso sa kaniyang mga mata. Kasabay na pinipiga ang puso ko. Ramdam ko ang pamumuo ng mga luha sa aking mga mata. "Oo," isang salita pero punong-puno ng hinanakit at pasakit nang pakawalan ko ang salita na iyon. Mas inilapit pa niya ang sarili niya sa akin. Marahan niya akong binigyan ang yakap. "Bakit hindi ka nagsumbong?" "N-natatakot ako sa dalawang bagay," tugon ko saka marahan na pumikit. "Natatakot ako na baka patayin ako nang tuluyan ng sarili kong ama, pangalawa, natatakot ako na, ganoon din ang tingin sa aking mga tao... Porque anak ako ng kriminal ay kriminal na din ako." Mas humigpit ang pagkayakap niya sa akin. Kinuyom ko ang aking kamao. "Hindi naman ako ganoon, eh. Kaya nga ako nag-aaral, kasi... Gusto kong ipakita na hindi ako ganoon. Hindi ako katulad niya. Pero... Hiindi ko maiwasan na makain na naman ng takot. Kaya panay layo ko sa iba, dahil pakiramdam ko habang dumadaloy ang dugo niya sa aking mga ugat, nakakulong ako. Napipigilan ako na makuha ang mga gusto ko..." kumawala na ang mga luha ko. Marahan iyon umagos sa aking pisngi na hindi ko namamalayan. "May pangarap din ako, Spencer. Pangarap kong maging malaya. Pangarap kong mamili kung anong gusto kong buhay... Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit panay layo ko sa iyo. Because I'm dangerous. Mapapahamak ka kapag ipinagpatuloy mo ang paglapit mo sa akin—" Kumalas siya ng yakap mula sa akin. Ikinulong niya ang mukha ko sa pamamagitan ng mga palad niya. "I don't care. I've already told you, I'm reckless. I don't care what people will think about us. I just want you. I don't care if you're sad, even if you trying to push me away so many times. I still want to be that person who will remind you how much I love you... That you are the worth it and good enough. I'm staying right here to love you." idinikit niya ang noo niya sa noo ko. Marahan siyang pumikit. "S-Spencer..." halos wala na akong boses. "The first day I met you, you got me distracted, that made me fall inlove with you, my baby doll..." ipinagpatuloy pa niya. Nanatili siyang nakapikit. "You are the reason why I transferred. I want to be with you and know you more..." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD