2

2753 Words
Daig ko pang nawawala sa sarili habang naglalakad ako dito sa corridor pabalik sa classroom. Yakap-yakap ko ang libro na hiniram ko sa Library. Hanggang ngayon, nagtataka pa rin ako sa mga kinikilos at mga salita na binitawan ni Spencer Ho. Hindi na talaga normal. Tumigil ako sa paglalakad saka umiling para mabura sa isipan ko ang mga bagay na iyon. Bakit kasi apektado ako sa mga pinagsasabi niya? Lalo na kung walang kwentang bagay? Nagiging abnormal na din ang pakiramdam ko kapag nasa paligid ko lang siya. Hindi na tama ito. Pilit kong maging normal ang araw na ito pati ng mga araw na nagdaan. Gumawa ako ng paraan para hindi ulit magkrus ang mga landas namin ni Spencer. Kapag nahahagip ng mga mata ko na makakasalubong ko siya, lumiliko ako ng daan. Gumagawa ako ng paraan para hindi niya ako makita. Kapag uwian naman, sa likod ako ng school dumaan, hindi sa main gate ng University. Hindi bale na malalayuan ako bago man ako makarating sa abandonadong pabrika. Lumipat na din ako ng matutulugan. Nagsabi ako kay Calla na hihiwalay ako sa kaniya sa pagtulog. Paniguradong alam kasi ng lalaking iyon kung nasaan kami natutulog ng kapatid ko. Matatanaw naman niya ang loob ng silid namin. Malalaman naman niya kung naroon ako o kung wala. Tanging kandila lang ang ilaw ko dito sa ginawa kong kuwarto. Nagbabasa ako ng english novel ni Jane Austen. Sabado naman bukas at walang pasok. Hiniram ko din ito sa Library nitong nakaraang araw lang. Mabuti nalang ay may kopya iyon ng libro niya dahil matagal ko nang gustong basahin ito, lalo na kapag wala naman akong assignment. Tulad ng nakakagawian ng aking ama, wala sila ngayong gabi. Paniguradong may nanakawin na naman silang jewelry shop, o bangko. Minsan pa nga ay mga convenience store sa bayan. Hindi ko na namalayan ang oras. Bumaling ako sa maliit na orasan na nasa tabi ko. Pasado alas dose na pala. Huminga ako ng malalim. Nawili ako sa pagbabasa. Nilakip ko ng bookmark ang libro at pahina kung saan ako tumigil. Ipinatong ko iyon sa gilid ng mesa na katabi lang ng lumang sofa na hihigaan ko. Hinipan ko ang kandila at humiga na. Nakipagtitigan ako sa kisame. Kahit na pinatay ko na ang kandila, naaninag ko pa rin kahit papaano ang silid na ito dahil sa liwanag ng buwan na pumapasok dito. Gustuhin ko mang matulog ay hindi ko naman magawa dahil gising pa rin ang aking diwa. Ngunit biglang may narinig akong tunog, kusang kumunot ang aking noo at bumangon. Napatingin ako sa bintana ng silid na ito. Baka may pusa na nakapasok dito, hindi kaya? Maingat akong umalis sa sofa. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa bintana. Hanggang sa nakahawak ako sa semento na tuntungan ng binata. Sinilip ko kung guni-guni ko ba 'yon o hindi. "Iniiwasan mo ba ako?" Halos mapatalon ako sa gulat. Napasinghap ako't napasapo sa aking dibdib. Nanlalaki ang mga mata ko dahil isang pamilyar na boses ang narinig ko. Lalo na't siya na naman ang lumitaw sa aking paningin nag tinagilid ko ang aking ulo! Bakit parang galit ang mukha niya? Galit na may halong pagkalungkot... "I'm asking you, Miss Defamente, are you avoiding me?" ulit niyang tanong. Hindi ko magawang sumagot. Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kung ano ba ang dapat kong isagot. Ilang saglit pa ay binawi ko na ang aking tingin. "You should go home. You should get outta here..." "I won't," he muttered. "S-Spencer..." may halong saway iyon nang banggitin ko ang kaniyang pangalan. "Masyadong delikado ang lugar na ito kung madalas kang naririto." "Kung gaanoon, tayo ang umalis dito.  I know a safe place. I will take you there and let's talk—" "Wala tayong dapat pag-usapan—" "Meron. I need your explanation. I want to know why you keep avoiding me. I just want to date you, I want to know you better..." "Hindi magandang ideya na mas lalo ka pa lumalapit sa akin—" hindi na maituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hinawakan ang batok ko at napatahimik niya ako sa pamamagitan ng paghalik niya sa aking mga labi! Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya! Nanigas ako ng kusa sa aking kinakatayuan. Bakit ganito na naman ang pakiramdam ko? Gustuhin ko man siya itulak ay hindi ko magawa. Sa oras na ginawa ko 'yon, mapapamahak siya... Hindi kaya sinadya niya iyon para mabitbit ko ang konsensya ko sa oras na talagang gagawin ko ang pagtulak ko sa kaniya kung sakali?! Hindi ko siya lubusang kilala pero ang mas hindi ko maitindihan kung bakit mas bumibilis ang kabog ng aking dibdib? Anumang oras ay sasabog na ang aking puso, ramdam ko din ang pagwawala na kung ano sa aking tyan. Bakit ganito ang pakiramdam ko kapag mas lalo siya lumalapit sa akin? Kapag nasa paligid ko na siya? Bakit... Bakit nagwawala ang sistema ko sa presensya niya? Nang nakahiwalay na ang mga labi namin ay isinandal niya ang kaniyang noo sa noo ko. "This is what I want to do with you for the first time I met you." namamaos niyang sabi. "I was like... You driving me crazy and wild, my baby doll..." "Is that a confession...?" "Not really, I just want to let you know my feelings for you how sad am I since the day you're avoiding me." mahina niyang sambit. "Hindi mo ako kilala, Spencer... Sa oras na malaman mo kung ano ako.... Kung ano ang pinanggalingan ko. Pagsisisihan mo sa huli, kung bakit ka lumapit sa akin." "I'm ready to take some risk. Yeah, I'm reckless but I love it. Kung magiging pangit man ang kalalabasan na paglapit ko sa iyo, hindi ko pagsisisihan iyon." Pagbibigyan ko ba? Hahayaan ko nalang ba ang lalaking ito na pumasok sa mundo ko? Hahayaan ko ba na makilala niya kung sino talaga ako? Sasabihin ko ba sa kaniya ang mga dahilan kung bakit ako lumalayo sa mga taong nakakahalubilo ko? Kung ano ang matindi kong sikreto? "Spencer...." hindi ko na maituloy ang sasabihin ko nang may narinig akong tunog ng mga mga sasakyan. Napaawang ang bibig ko. Nakabalik na sila! Muli akong bumaling sa kaniya. "Umalis ka na." "B-but..." alam kong nagtataka na siya sa kinikilos ko. "Pagbibigyan kita. Tomorrow. 7 PM. Hintayin mo ako sa entrance ng perya sa Bayan." Gumuhit ang kasiyahan sa kaniyang mukha. "T-talaga? Pagbibigyan mo ako na maka-date ka?" "Oo, kaya please lang, umalis ka na." Hindi mawala ang mga ngiti sa kaniyang mga labi. Tumango siya at sinunod niya tulad ng gusto ko. Maingat siyang umalis sa lugar na ito. Napasapo ako sa aking dibdib. Mariin akong pumikit. Mukhang mapapasubo na talaga ako. Kailangan ko na nga siya pagbigyan. Dahil matatagalan lang kami sa usapin na ito kung patuloy pa rin ako tatanggi sa gusto niya. Sa pagdilat ko ay hinatid ko ng tingin si Spencer habang ito'y papalayo. Gumuhit ang pag-aalala sa aking mukha ng mga oras na ito. Bakit ba hindi nasuko ang isang ito? Bakit sa tuwing tinutulak ko siya papalayo ay siya naman ang paglapit pa niya lalo? Mas inilalapit niya ang sarili niya sa akin? Mas lumalapit siya sa disgrasya... Hindi ako ang tipong pupwedeng maging kaibigan. Lumaki ako na puro kasamaan ang nasa paligid ko. Lumaki ako na sarili ko lang ang masasandalan ko. Oo, maraming beses na akong nagtatangkang umalis sa poder ng aming ama pero ang tanging iniisip ko, saan ako pupunta? Bukod sa mga demonyong nasa paligid ko, sino ang mga kakilala ko? Wala akong kaibigan... At higit pa doon, hangga't maaari, ayokong may madamay. Ayokong may magtatanggol sa akin. Ayokong may dadanak ng dugo para sa akin. Ayokong may mapapahamak... Tahimik akong bumalik sa lumang sofa. Humiga ako doon saka tinakpan ko ang sarili ko ng kumot. Tumitig ako sa kisame ng ilang segundo bago ko man ipinikit ang aking mga mata. Dahil sa walang pasok ay wala akong rason para umalis ng kuta. Maliban nalang mamayang gabi dahil sa ipinangako ko kay Spencer na magkikita kami. Na pagbibigyan ko siya sa gusto niyang date.  Para magawa ko 'yon, tatakas ako tulad ng ginagawa ko. Dahil alam ng ama namin na wala kaming pasok, hindi niya kami pinapalabas. Tuwing araw din iyon gumagawa din kami ng mga gawaing bahay. Si Calla ang mamalengke at ako ang magluluto ng makakain namin. Si Belor ang magbibigay sa kaniya ang pera. Kung minsan pa nga ay binibigyan pa niya ang kapatid ko nang sobrang pera sa hindi ko malaman na dahilan. Binabalewala ko nalang 'yon. Habang nagluluto ako ay doon ako nagkakape. Kasabay na naririnig ko ang malalakas na ungol na naririnig ko mula sa mga babae na dinala nila—ibang mga babae na naman ang mga dala nila. Nandidiri ako sa mga pinanggagawa nila. Hindi nahihiya na narito pa kami ng mga kapatid ko. Minsan sumasagi na isipan ko, hindi malayo na kami naman ng kapatid ko ang gagalawin dahil tumitikim din sila m*******a. Ang alam ko, ang epekto n'on ay mawawala sila sa kani-kanilang sarili. Wala silang pakialam sa kanilang paligid. Oo, nakakakilabot pero pilit ko pa rin tatagan ang sarili ko. Pero ang alam ko, sa oras naman na kami ang gagalawin ng mga kasamahan ng aming ama, patay sila dito. Walang sinasanto si Belor, kahit sino ay kaya niyang patayin... Kahit mga kasamahan o kaibigan niya. Oo, delikado nga ako sa lugar na ito. Minsan hinahatak na ako ng dilim pero ilang beses akong lumalabas. Pilit kong iahon ang sarili ko. Pagkatapos kong magluto ay nagpasya na akong lumabas ng silid na ginawa naming Kusina. Kumunot ang noo ko nang makita kong nag-uusap sina Belor at si Calla sa isang silid. Nakaawang ng kaunti ang pinto. Hindi ako nagdalawang-isip na pakinggan ang kanilang pag-uusap. Sumandal ako sa pader na katabi lang ng pinto. "Dahil wala akong napapala sa ate mo, ikaw ang isasama ko sa pagpatay sa mayor. Kapag sumama ka, mas lalakihan ko ang allowance mo." rinig kong seryosong sabi ni Belor kay Calla na dahilan para manlaki nang bahagya ang aking mga mata. "P-pwede po bang watcher nalang po ako...? K-kahit kayo nalang ang pumatay..." rinig ko sambit ni Calla na dahilan para kumunot ang noo ko. "Oh, sige. Walang problema sa akin. Pero mas lalaki ang magiging balato mo kapag ikaw mismo ang pumatay sa target natin." Kinagat ko ang aking labi. Bumuhay ang galit sa aking sistema ko. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Nagagalit ako dahil pati ang kapatid ko ay idadamay niya sa katarantaduhan niya. Hindi bale na saktan niya kami, huwag na huwag lang namin gawin kung anong mga pinangaggawa niya! Umalis ako mula sa sinasandalan kong pader. Dumiretso ako sa kuwarto niya. Doon ay hihintayin ko siya. Ilang minuto pang nakalipas ay bumukas ang pinto. Nakita niya ako dito sa loob na may pagkagulat sa kaniyang mga mata. "Oh ayaw mo na ba sa bago mong kuwarto?" kaswal niyang tanong sa akin. Sinara niya ang pinto at dumiretso siya sa katre at umupo sa gilid nito. "Tinanggap mo ba?" sa wakas ay nagawa kong tanungin iyon. Natigilan siya. Kunot-noo siyang lumingon sa akin. "Narinig mo?" Nilapitan ko siya hanggang sa harap na niya ako. "Tinatanong kita, tinanggap mo ba?" mas naging matigas kong tanong. Padabog siyang tumayo. Bakas na rin sa mukha niya ang inis. "Ano naman ngayon kung tinanggap ko? Madali lang naman siguro iyon, ang patayin ang mayor." "Bakit? Ang mas importante ba sa iyo ay pera? Hindi ba bale na madungisan mo ang mga kamay mo? Papaano kapag nakulong ka? Parang tinapon mo na din ang mga pangarap mo, Calla." hindi ko na mapigilan ang sarili kong magalit kaya nagawa kong bitawan ang mga salita na iyon. "Oo, importante sa akin ang pera! Hindi ako katulad mo na magtitiyaga at magtitiis nang matagal para makapagtapos ng pag-aaral!" singhal pa niya. Bakas sa mukha niya na galit na siya. Kinuyom ko ang mga kamao ko. Pakiramdam ko ay piniga ang puso ko dahil sa mga pinagsasabi niya. "Oo, kaya kong magtiyaga... Kaya kong magtiis kahit ilang beses na akong balak patayin... Pero hindi ako sumusuko. Alam mo kung bakit? Dahil may pangarap ako. Hindi lang para sa akin. Para din sa iyo. Dahil ayokong habambuhay, nanatili tayong ganito. Ipapakita ko sa mundo na hindi tayo katulad ng ating ama. Oo, anak tayo ng kriminal pero papatunayan ko na hindi rin tayo tulad niya. Na hindi tayo kriminal." Kita ko ang namumuo niyang mga luha. Walang sabi na tinulak niya ako. Nilagpasan niya ako at lumabas siya ng kuwarto. Tumingala ako't bumuga ng isang malalim na hininga. Kinagat ko ang aking labi. Dumapo ang tingin ko sa sahig. May mali ba sa sinabi ko? May mali ba na mangarap ako? Ramdam ko ang galit ni Calla sa akin dahil sa ginawa ko. Alam ko. Pero alam kong nasa tama ako. Hinayaan ko lang siya na magtampo siya sa akin. Mas maigi na ang ganito. Para mapagtanto niya na tama ang sinasabi ko. Na hindi ang pagsama kay Belor ang paraan para umahon ka sa buhay. Naghihintay lang ako ng oras at tyempo para makaalis ay bigla ako nakarinig ng malakas na tunog mula sa ibaba. Hindi ako nagdalawang-isip na lumabas sa aking kuwarto at bumaba. Sinilip ko kung anong kaganapan. "Putang ina kang bata! Hindi ba ang sabi ko sa iyo, patayin mo na, ha?! Hindi mo ba alam dahil sa katangahan mo, ipinahamak mo lang kami!" rinig kong sigaw ni Belor. Rinig kong hagulhol ni Calla. Natigilan ako nang pagmasdan ko ang aking kapatid. May pasa ang mukha pati sa ilang parte ng kaniyang katawan. Sugat din sa kaniyang sentido! Umiiling-iling siya. "H-hindi ko po kaya... Hindi ko po kayang pumatay, pa..." garagal niyang sagot. "Huwag na huwag mo akong tatawaging tatay dahil wala akong anak na tanga! De puta ka!" sigaw ni Belor saka malakas na naman niyang sinampal ang aking kapatid. Kusang gumalaw ang aking katawan. Hinarang ko ang sarili ko para sa kapatid ko. "Umalis ka d'yan, MC. Isa ka pa! Wala akong panahon para bugbugin ka!" galit na galit niyang sabi. Hindi pa rin ako umalis. Dahil d'yan ay nakatikim din ako ng sampal at ilang sipa sa katawan. Pilit kong hindi uminda o dumaing man lang. Pilit kong maging manhid. - "Magpahinga ka na," malamig kong sabi kay Calla nang magamot ko ang mga sugat niya. "Papaano ka...?" naiiyak na naman niyang tanong. "Kaya kong gamutin ang sarili ko." maingat akong tumayo. "Matulog ka na." huli kong sabi sinabi at lumabas na ako sa kaniyang kuwarto. Natigilan ako nang may sumagi sa aking isipan. Si Spencer! Nawala sa isipan ko na magkikita pala kami ngayong gabi! Tiyak maghihintay iyon sa harap ng perya tulad ng usapan namin. Alas nuwebe akong umalis ng kuta. Tumakas na ako sa kabila nang masakit na katawan at ilang pasa at sugat na natamo ko mula sa aming ama. Gamit ko ang bisikleta para mas lalo ako mapadali sa pagpunta sa bayan. Bente minutos pa bago man ako makarating doon pero ang akala ko pa ay mas mapapadali ang punta ko dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan habang nasa daan ako. Napangiwi ako. Pilit kong nilinawan ang aking paningin. Nakasumbrero naman ako kaya medyo ayos lang. Pero... Wala ni bakas ni Spencer Hochengco nang nakarating ako sa tapat ng perya. Dahil sa maulan ay kaunti na ang mga tao sa paligid. Dumapo sa lupa ang aking tingin. Huminga ako ng malalim at mapait na ngumiti. Mag-aalas diez na ng gabi, ang usapan namin alas syete kami magkikita pero hindi ako sumunod sa usapan namin. Maiitindihan ko kung bakit hindi niya ako magawang hintayin. Pinaghintay ko siya nang matagal. Hindi ako sumipot agad.  Kasalanan ko... Kahit ganoon, nalungkot ako. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng pag-asa sa puntong ito. Unti-unti nawawala ang pagtulo ng tubig ulan sa aking katawan. Umangat ang aking tingin. Nasisilungan ako ng payong? Agad akong tumingin sa tabi ko para malaman kung sino ang nagmamay-ari n'on. Gumuhit ang pagkamangha sa aking mukha nang masilayan ko kung sino ang nagmamay-ari ng payong na iyon. Hindi ko man maitindihan kung anong nararamdaman ko ay ramdam ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata. Bumuhay ang sigla at saya ng aking puso. "Spencer..." mahina kong tawag sa kaniyang pangalan. Ngumiti siya. "Bumili ako ng payong kasi umulan. Hindi pa naman sarado ang perya kaya alam ko dadating ka pa rin." tumingala siya. "If waiting for you will be too long, well, I don't mind. But waiting for you while under the rain? Isn't that romantic for you?" marahan niya akong niyakap. Hindi ko magawang pumalag pero ramdam ko ang sakit ng katawan na inabot ko. Ayokong masira ang magandang nangyayari. "But thank God. Hindi napunta sa wala ang paghihintay ko."  Marahan kong ipinikit ang aking mga mata. Yumakap ako pabalik. Hindi ko mapigilan ang sariling mapangiti, kasabay na tumulo ang ilang butil ng luha mula sa aking mga mata...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD