Chapter 3

736 Words
The first thing Cielo became aware of was that her brain felt twice its normal size inside her skull. Pakiramdam niya ang bigat-bigat kasi ng ulo niya. Every beat of her heart sent throbbing pain through her head. Akmang babangon na sana siya nang mapansin niya na tanging kumot lang pala ang nakatakip sa katawan niya. Naalarma siya dahil kailanman hindi siya natutulog na nakahubad. She rolled over onto her back and groaned as her entire body protested, sore. God, para siyang nasagasaan ng sasakyan sa kundisyon niya. Tuloy bigla niyang naalala ang muntik niyang pagkabunggo sa sasakyan kagabi. Naalala naman niya pati ang lalaki. Ang maharot na lalaking iyon. Naku! Nasaan na kaya ang kumag? Inilibot niya ang paningin sa buong silid. Wala na talaga roon ang mapagsamantala na lalaki. He and his sexy tuxedo and blue eyes were gone. Matapos makuha nito ang kanyang iniingat-ingatang puri ay iniwan lang siya nito. Ang saklap! Napabuntong-hininga siya. Hahabulin talaga niya ng samurai ang lalaking iyon pag mag krus ulit ang mga landas nila. Ganon naman palagi ang buhay niya, siya ang laging naiiwan. Every time she took a chance on caring about someone, she ended up all alone. Wala siyang kilala na tatay. Hindi rin siya lumaki sa mama niya. Iba kasi ang sitwasyon nila ni Kelly. Nakatira na ito sa kanyang ama na politiko simula ng maliit pa ito. Ito naman talaga ang buhay niya, palagi nalang siyang nag-iisa. Tuloy pakiramdam niya parang gusto niyang maiyak. Sa panahon ngayon mahirap ba talagang makakita ng matinong lalaki? Yong tapat at magmamahal sayo ng tunay? Mahirap ba? O sadyang hindi lang talaga siya binayayaan ng kagandahan kaya hindi man lang siya nagkakaboyfie sa edad niyang ito? Kaya hayun, sa kakaisip niya sumakit tuloy ang tiyan niya kaya napatakbo siya sa banyo. Matapos niyang makapagbawas, gumaan naman ang pakiramdam niya. Pero hindi totally na gumaan. Hindi na rin niya matandaan kung kailan ang huling hang-over niya, pero sigurado siyang wala ng titindi pa sa hang-over niya ngayon. Ang bigat-bigat rin pati mga talukap niya. Parang gusto niyang matulog nalang buong araw. Kaya humiga siya ulit at ipinikit ang mga mata. Ngunit napadilat na lamang siya nang tumunog ang kanyang cellphone. Matamlay na inabot niya ito sa bedside table at tiningnan muna kung sino ang caller bago niya ito sinagot. "Lo," matamlay niyang sagot. "Hey sis! Ba't ba ang aga mong umalis kagabi?" Gosh! Ang sigla ng gising ng kapatid niya, hindi katulad niya. "Sorry, sis. Nalasing kasi ako kagabi, napadami yata ang nainom kong champagne. Nahilo ako kaya napaaga ang pag-alis ko." "Akala ko kasi may tumangay na sayo na lalaki kagabi." birada pa ni Kelly. Naalala naman niya ang gwapo at mapangahas na lalaking pinagsukoan niya ng bataan. At sa kwarto pa niya ginawa nila ang milagro. Siya din mismo ang nagdala sa di kilalang lalaki sa loob ng kanyang suite. Mukha tuloy ang cheap niya. "Sis? Are you still there?" Napukaw lamang ang kanyang magulong utak nang magsalita ulit si Kelly. "Uhh, yeah. I'm here. Bakit ka nga napatawag? Di ba dapat nasa honeymoon stage ka ngayon?" "Of course, papunta na nga kami ni Vin sa aiport. Kaya lang hindi niya sinasabi sakin kung saan kami pupunta. Sekreto raw. Gusto ko lang sana magpaalam sayo, sis. Sinabi kasi ni Vin na wala raw signal sa pupuntahan namin para walang istorbo." anang kapatid niya at napahagikhik ito ng tawa. "Wow naman. Pa suspense ang epek. Okay, mag-enjoy kayo." Eh nauna pa nga siyang mag honeymoon kay sa kapatid niya. "Yeah right, papagurin ko talaga ng todo si Vin." hagikhik nito ulit. Pinaikot-ikot na lamang ni Cielo ang mga mata. Iba kasi pag hinspired ang isang tao. "Oh siya sige, have a safe trip, baby sis. Love you. Mwah!" "Love you more, big sis. Mwah! Mwah!" Grrrr... ang sakit ng ulo niya. Cielo groaned as she disconnected the call and turned her cell phone completely off. Matutulog talaga siya buong araw para bukas aalis na siya patungong Antipolo. Ang ipinagdasal nalang niya na sana hindi na sila magkikita pa ng lalaki kailanman. Nahihiya kasi siya sa ginawa niyang pagpapaubaya rito. May pangako rin siya sa sarili, na hindi na siya iinom ng kahit anong alak kailanman. The idea of losing all her inhibitions like that again made her positively ill. Sino ba namang mag-aakala na sa kaunting nainom niya ay naisuko agad-agad niya ang bataan? Groaning in pain and embarrassment, she pulled the sheet up over her head and prayed for sleep. A long deep sleep. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD