Chapter 2

1285 Words
Madaling araw pa lang na lumabas si Ash sa hotel room ni Cielo. He couldn't sleep anyway, wala ring rason upang manatili pa siya sa tabi ng dalaga. Ganito naman palagi ang ginagawa niya sa tuwing may kasiping siya na babae. Iiwan niya ang mga ito matapos ang mainit na tagpo. Pero iba ngayon sa kaso ni Cielo, iiwan niya ito dahil baka paggising nito sa umaga at siya ang mabungaran nitong katabi, hindi kaya makakatikim siya nito ng mag-asawang sampal o flying kick? But last night, who'd have guessed such a prim-and-proper lady would be such a wildcat after a few shots of whiskey? Hindi rin kasi niya makontrol ang s****l urge niya kay Cielo. Oo, marami ng babaeng dumaan sa buhay niya, but he'd never met one quite like Cielo Homer, all sweet and virginal. Tumawid siya ngayon sa kalsada kung saan muntik ng masagasaan ng SUV si Cielo. Sa tingin niya kasi intensyon talaga ng sasakyan na bungguin ang babae base sa nakikita niya. Pero sino naman ang magtangka sa buhay ng isang simpleng auditor? Frowning, he returned to his own suite in the club ultimax hotel where the wedding had been held. Pagmamay-ari kasi ng pamilya niya ang hotel. At lahat ng gamit niya sa naturang suite ay talagang mamahalin at dekalidad. Nag-iisang anak lang kasi siya at tagapagmana. Kung kaya lahat ng luho ay ibinigay sa kanya ng mga magulang. Pero hinding-hindi siya papayag na siya ang mag-mamanage ng kanilang mga chains of hotel pagdating ng panahon. NBI agent siya at hindi niya ipagpalit ang tungkulin niya sa bayan. Wala rin siyang plano na magmukmuk sa hotel kung wala siyang trabaho, kundi ginugol niya ang libreng oras sa pag su-surfboarding. And frankly, mas gusto pa niyang tumira sa isang remote areas. People were more real there, and had a better sense of what really mattered in life. Sa katunayan nga, pangalawang buhay na niya ito. Being diagnosed with his illness in his second year of college had put everything in perspective for him. Life is too short, so you have to live life to the fullest, yan na kasi ang naging motto niya simula nong mabigyan siya ng pangalawang tsansa na mabuhay. Pumasok na si Ash ngayon sa loob ng kanyang banyo, naligo, nag shaved, at saka agad nagbihis pagkatapos. Then he sat down at the walnut desk in the corner and made a phone call to their headquarter. As always the duty controller, a computer genius named Jazzper Dimatinag, ang sumagot sa kanyang tawag. "Si Ash to. I need you to run a quick background check for me on Cieolo Homer." "Si Cielo? yong kapatid ba ni Kelly?" gulat na tanong ni Jazz. "Sa tingin ko, may nagtangka sa buhay niya kagabi." "Seryoso ka, bro?" untag ni Jazz. "Yes, serious as a heart attack." "Ah ok. So, kung may nagtangka sa buhay niya. Ibig sabihin may kaaway siya." saad ni Jazz at narinig niya ang pagtitipa nito sa keyboard. "How's the wedding pala?" "Great party, dude." sagot naman ni Ash. "Unang beses ko nga nakita si Vin na ganon kasaya. He's a lucky man." "Maghanap ka na rin kasi ng aasawahin, bro." He laughed. "Aba, nagsalita ang magaling. Alam mo naman ang tipo ko dude, hindi ako basta-basta nalang magpapatali sa isang babae." "Yeah, but when you least expect it, one's gonna come along and trip you all up, bro." Naalala naman ni Ash ang mainit na tagpo na pinagsaluhan nila ni Cielo kagabi. "Nah," sagot nito. "Ibahin mo ako. Alam niyo naman na hindi na normal ang pagkatao ko." Damn, he couldn't even promise to give a girl children. Nang dahil sa eksperimento naapektohan yata pati genes niya. "Okay, bro. May preliminary report na ako tungkol sa kapatid ni Kelly. She's a certified public accountant. Nagtatrabaho siya ngayon sa isang malaking kumpanya na ang pangalan ay Peridot. Isang uri ng investment firm ang kasalukuyang kumpanya na pinagtatrabahoan niya bilang internal auditor." She'd said she was a freelance auditor, nagsisinungaling pala ito. Konektado pala ito sa isang malaking investment firm sa bansa. "Where this Peridot company headquartered?" "Ang nakalagay lang dito, nasa Metro Manila. Walang naka indicate dito na satellite offices. Bakit ano pa ba ang gusto mong malaman, Ash?" "Muntik kasing mabunggo si Cielo ng isang SUV kagabi, at sa tingin ko parang may intensyon talaga ang driver na bunggoin siya." "At sa tingin mo, ano kaya ang atraso niya?" tanong ni Jazz. Jazzper's question made Ashton's blood run cold. Iyang bagay na yan kasi ang iniiwasan niya, kung bibigyan kasi niya ng kahulugan ang muntik na pagkabunggo ni Cielo sa SUV, nagbibigay lang ito ng sakit sa kanyang ulo. "Hindi ko alam. Just keep digging and let's see what you come up with before we go there." "Roger that." Pagkababa ni Ash sa telepono. Panay naman ang pabalik-balik ng lakad niya sa loob ng kanyang malawak na suite. Simula kasi ng eksperimentohan siya ay tila wala siyang kapaguran. At dahil pilit niyang hindi mag-alala sa nangyari kay Cielo kagabi, kaya naisipan niyang tumakbo sa umaga na yon. He changed out his clothes into running gear only seconds. Ganon talaga siya kabilis. Segundo lang ang mga galaw niya. He jogged down the stairs, at hindi na siya nag abala na gumamit pa ng elevator kahit nasa 31st floor pa siya. Nagpalinga-linga naman si Ash pagkalabas niya sa hotel kung may tao ba sa malapitan, at nang wala siyang makita, he exploded into motion, sprinting down the street and faster with every step. Nakukuha nga lang niya ang twenty-five miles per hour, dahil ganon nga siya kabilis. God, it felt so good. Sa tuwing tatakbo kasi siya ng ganon kabilis, nalilimotan niya ang kanyang sakit at lahat ng pangamba. Umabot kasi ng isang taon ang diagnosis niya hanggang sa eksperimentohan siya sa ibang bansa dahil iyon lang daw ang tanging paraan upang maisalba ang buhay niya sa malubhang sakit. A delivery truck backed out of an alley in front of him and he dodged around it with a lightning-fast moved like a professional football player. Hindi na kasi normal ang mga galaw niya simula non. It was highly experimental and had side effects, of course. He ran for nearly an hour, hininaan lang niya ang pagtakbo nang makarating siya sa busy street, baka magtaka kasi ang mga tao at isipin pa ng mga ito na isang kababalaghan ang malakas na hangin na dumaan. Pabalik na sana siya sa hotel nang mag vibrate ang kanyang cellphone na inilagay niya sa kanyang breast pocket. He slowed to a walk to take the call. Pagtingin niya sa screen, si Xevier pala ang tumawag, ang kanyang boss at isa sa pinagkatiwalaan niyang kaibigan. "Hey, Ruiz. What's up?" "Alam kong nag jo-jogging ka sa mga oras na to, bro. Humingal ka naman kahit papano oh?" anito na may halong pagbibiro. Hindi gaya ng normal na tao na kung tumakbo ay humihingal, si Ash naman ay hindi makakaramdam ng ganon. "Sorry, bro. Pero sa kama lang ata ako humihingal eh." ganting biro niya sa kaibigan. "Anyway, what can I do for you? Ba't ang aga mo yatang tumawag?" "I need you here at the headquarter ASAP. At hindi ibig sabihin na tumakbo ka papunta rito, gumamit ka ng sasakyan." "Pwede naman akong makapunta diyan agad-agad bro, kung gugustohin mong mas mapadali ako." "Wag mo munang gamitin ang abilidad mo sa pagtakbo Ash, ang importante na makarating ka dito ngayong araw." kalmadong turan ni Xevier. "What's going on, Ruiz?" Na alarma talaga siya sa biglang pagpapunta sa kanya ni Xevier kahit alam naman nito na off-duty siya. "Saka ko na sasabihin sayo pag makarating ka na dito." Pagkakita ni Ash na may paparating na taxi, agad niya itong pinara. Sumakay siya at nagpahatid siya sa kanilang tanggapan. Hindi na kasi siya makapaghintay pa sa kung anuman ang sasabihin ng kaibigan. Ano kaya ang sasabihin sa kanya ni Xevier? What on earth could it be? *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD