bc

Saving Grace

book_age16+
706
FOLLOW
3.0K
READ
kidnap
family
opposites attract
badboy
goodgirl
gangster
sweet
Writing Challenge
small town
secrets
like
intro-logo
Blurb

How can you be with Mr. Right if you like Mr. Wrong?

Grace always wanted to serve the Lord. Well, not really. Feeling niya lang kasi iyon ang daan na gusto ni Lord na tahakin niya dahil walang nagkakagusto sa kanya.

Little did she know na may humaharang sa mga possible suitors niya. A very protective member of a gang who wants her for himself.

chap-preview
Free preview
I
                   Papuntang Guardians of Angels House si Grace. Sakay ng kanyang scooter- na bininyagan niya sa pangalang Gang-dala-dala niya ang pinamiling supplies na ipinangako niya kay Mother Superior. Itinabi niya ang sasakyan nang mapadaan sa Central Park. Kanina pa siya naiihi at hindi na talaga niya  mahihintay ang orphanage. Palabas na siya ng women's cr nang may pumasok na lalaki. Sisigaw pa sana siya nang sumenyas ito na manahimik. Nanlalaki ang mga matang nakulong ang sigaw sa lalamunan niya. Itiniom niya ang mga labi dahil na rin sa takot nang makita ang hawak nitong baril. Napasandal siya sa isang tabi. Pakiramdam niya, nagsialisan ang lahat ng oxygen sa cr dahil sa pagdating ng lalaki. "Juskolord," mahina niyang bulong at nag-umpisang manalangin. "Our father..." Sabay silang napatingin sa labas nang makarinig nang takbuhan. "Sige, tingnan nyo, pati sa mga babae, kung kinakailangan." "Pero boss, baka mamaya may sumigaw. Hindi ba easy lang dapat ang pagsunod  sa lalaking iyon?" "Pasabugin ko na lang kaya yang utak mo, ano? Hindi naman nagagamit e." "Ah e, boss naman, eto na... magdadahilan na lang po..." Unti-unting lumapit sa kanya ang lalaki, ang kamay nito ay nakasenyas pa rin na manatili siyang tahimik. Pero kung ganitong naghuhubad ito ng suot na polo, hindi niya maipapangako. Bakit ba kailangan pa nitong maghubad? Juskolord! Umingit ang pinto. Pero wala doon ang tingin niya. Nakapikit kasi siya, mahirap na at baka magkasala siya. Gusto na niyang pagsisihan bigla ang pagdaan sa Central Park. Sana pala tiniis na lang niya. Hindi na baelng basa ng ihi ang suot niyang jeans pagdating sa orphanage Hindi na baling kantyawan siya ng mga bata.  Kaysa naman masangkot sa trouble ng lalaki... Siguradong namumutla na siya nang tumapat ang lalaki sa kanya. "Hush, I'm not going to harm you," sabi nung lalaki sa baritonong boses. "I just need you to keep really quiet." Napatango na lang siya, at tinitigan ang mukha ng lalaki na ngayon ay natapat sa liwanag. Hindi niya maiwasang mapanganga. Bakla siguro ang mga humahabol dito. Hindi niya masisisi ang mga iyon kung sakali. Ang pogi e. May suot itong cap kung kaya hindi niya matukoy ang gupit o kulay ng buhok nito. May  kakapalan ang salubong nitong mga kilay pero bumagay naman sa light brown nitong mga mata, matangos na ilong, manipis ang labi nitong tila nakaarko sa gilid, and his jaw...bumagay sa mukha nito ang pagkapangahan nito. Naamoy din niya ang pabango nitong halatang mamahalin at pati iyon ang sarap amuyin. Bumaba ang tingin niya sa leeg nito, hindi niya maiwasang hindi pansinin ang pagtaas-baba ng adams apple nito. Mukhang hiningal at nauhaw ang lalaki sa pagtakbo. Napansin niya ang tela sa balikat nito. Nakahinga siya nang maluwag nang mapansing may suot naman palang sando ang lalaki. Ang polo nito ay isinuksok nito sa bulsa ng pantalon. Gayunpaman, hapit iang sando at halos pumutok na sa mga muscles nito. Kaya siguro ayaw itong pakawalan. 100% Papable material e. Ibinalik niya ang mata sa mukha nito para lang makitang nakatitig sa kanya ang lalaki. Kagaya niya ay tila hindi ito makapaniwala na nasa ganoon silang sitwasyon. Lumapit ang mga yabag sa pwesto nila. Kasabay ng paghapit ng lalaki sa baywang niya, at pagpasok nito sa kanilang dalawa sa isang cubicle na naroon. "A-anong ginagawa mo? Bitawan mo ako," bulong niyang nanlalaki ang mga mata. "I can kill them, you know..." Napasinghap siya. "But it's too troublesome to kill in public. So I won't." Nakahinga siya ng maluwag. "That is, if you can make them leave." Muli niyang nahigit ang paghinga. Iginala niya ang tingin sa maliit na espasyong naroon. "Ano? Paano ko naman gagawin iyon? Ikaw ngang may baril, hindi sila mapaalis e."  Napakagat-labi siya. Para na rin niyang inutusang pumatay ang lalaki. And he can't. Forgive me po, Dear Lord. Tumaas ang sulok ng labi nito. "Why do you think I stopped you from leaving? Why do you think I hugged you and bring you here?" Juskolord! Oo nga pala, yakap nga siya ng lalaki at kulang na lang ay halikan siya nito... Natigilan siya at napasulyap sa pinto ng cubicle. Tama ba siya ng naiisip? Nagtangga ito ng suot na cap, exposing his auburn colored hair at isinuot oyon sa kanya. Dumiin din ang pagkakahawak nito sa baywang niya nang mag-ingay ang mga pinto ng cubicle. Mukhang ini-isa-isa nang humahabol dito kung nandoon ba ang hinahanap  ng mga ito. "I don't want trouble too. So you have to help me, if you want to leave this place as easy as you come. Pumikit ang mga mata niya. Hindi niya kaya ang naiisip niyang ideya. Paano na lang ang pangarap niya? Tatanggapin pa rin naman siguro siya sa kumbento kahit may nakahalik na sa kanya, hindi ba? Tutal, what she'll do will save a lot of strangers life. Including hers. Ipinilig niya ang ulo sa dahilang naisip. Ridiculous.  Pero ano nga ba'ng gagawin niya? Pagmulat niya ng mga mata, sumalubong ang titig nito sa kanya. He then pulled her closer nang bumukas ang katabi ng pinagtataguan nila. His stares, na kanina lang ay tila natutuwa ay biglang naging matalas. Noon lalong kumabog nang bongga ang dibdib niya. Lalo na at iyong isa nitong kamay ay umabot na sa baril na nakasukbit sa baywang nito. Pinigil niya ang kamay nito sa aktong pagbunot ng baril. Sumunod naman ito. Napapalunok na itinaas niya ang mga braso nang makita ang pares nang sapatos sa labas. Iniyakap niya iyon sa lalaki at pinagdikit ang kanilang mga noo. That's it. Siguro naman ay maniniwala na ang humahabol dito na may ginagawa silang milagro. Tuluyang bumukas ang pinto. Siguro dahil sa kaba, she pulled him closer. Tuluyang nagdikit ang labi nila. Kagaya niya, mukhang nasorpresa din ang lalaki. "Cuss them,"  pabulong na utos nito bago isinubsob ang mukha sa kanyang leeg. Hindi naman siya nito hinahalikan doon pero ang mainit nitong hininga ay tila kuryente sa katawan niya. Napapasinghap siya, hindi makapaniwala sa nangyayari. Itinaas niya ang ulo at sinalubong ng masamang tingin ang istorbo. She can act, alright. "W-what the h-ell?" Tila nagulat din ang mama. "F-uck off!" sigaw niya sabay sipa ng pinto pasarado.  Humingi nang paumanhin ang lalaki at nagmamadaling lumabas. "Boss, wala rin dito!" "Tangna! Natakasan na naman tayo. Balik sa kote, bilis at siguradong hindi pa yon nakakalayo!" Ilang saglit pa silang nakiramdam bago siya bumitaw at tinulak ang lalaki palayo. He didn't let her go though. Nagtataka siyang napatingin dito and saw his piercing gaze. "B-bitawan mo na ako. N-nakaaalis na sila. U-umalis ka na rin. H-hindi, a-ako na lang pala ang mauuna." Kandautal siya, nakakahiya. "You shouldn't have done that." "A-ang alin?" hindi makatingin niyang tanong. "You shouldn't have kissed me." She gasped. Hindi ba nito napapansin na ayaw niyang pag-usapan ang nangyari? Ubod lakas niya itong itinulak at lumabas ng cubicle. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang pinto. "Grace-" Natigilan siya. Mabilis niyang nilingon ang lalaki na tila nagulat pa. "A-ano'ng sabi mo?" Posible kasing nabingi lang siya bigla. Imposibleng kilala siya nito. Hindi niya kilala ang lalaki. Sigurado siyang ngayon lang nag-cross ang landas nila. Inilang hakbang nito ang pagitan nila. "I mean, your presence is such a saving grace." Napakunot-noo siya. "Hindi iyan ang sinabi mo. I swear you said my name. Sino ka? Paano mo ako nakilala, ha? Stalker ka ba?" Gusto niyang kilabutan. Lahat ng magandang nakita niya kanina dito ay biglang naglaho at napalitan ng isang salita-stalker. You should ran, Grace. Now. Ngumiti ito. "I'm sure you misheard me. I would love to know your name... but I don't think it's necessary," he said saka lumabas. Naiwan siyang natitigilan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Innocent Wife

read
3.4M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

Tamed to Be Yours

read
385.2K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

Love Donor

read
87.0K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook