II

1216 Words
Maliwanag ang daan na tinatahak ni Grace dahil na rin sa kabilugan ng buwan. Napapahum pa siya habang nagdadrive dahil sa pakikinig sa Korean music habang pauwi galing ng orphanage.. ~Mariah...aveh mariah...~ Napatili siya nang mahina ng mapadaan sa lubak si gang. "Naku naman..." nag-aalala siyang napatingin sa gulong ng scooter. Baka kasi mamaya bigla na lang iyon pumutok at masiraan siya sa gitna ng daan. Binagalan niya ang pagpapatakbo at inayos ang natanggal na earpiece. Bang! "Juskolord!" bulalas niya na napahinto nang tuluyan. Nanghihina siyang napababa sa scooter. Inusisa niya... pero hindi naman na-flat. Kunut-noo siyang napatingin sa paligid, tuluyang inalis ang suot na headset. Saan nanggaling ang tunog pagsabog kung ganoon? Sa di kalayuan ay nakakita siya ng liwanag. Tahimik siyang naglakad patungo doon kahit pa kinakabahan. Bihirang may maligaw na sasakyan sa bahaging iyon. Dead end kasi iyon at tambakan pa nga ng mga lumang sasakyan. "Ang lakas ng loob mong idouble cross kami, gago ka!" Natigilan siya, napahawak sa suot na kwintas, nagdadalawang isip kung tutuloy ba o hindi. Nang makarinig siya ng ungol ay napahakbang siyang bigla. Hindi yata kakayanin ng konsensiya niya kung may mamamatay at wala siyang nagawa. Napapalunok na tinutunton niya ang pinanggagalingan ng ingay. "Hindi mo ba alam o sadyang nagtatanga-tangahan ka lang? Isa akong Lee. At sisiguraduhin kong pagsisisihan mo ang pagsira sa gabi ko." "Huh! Iyon ay kung isa ka ngang Lee." "What do you mean?" "Ibig sabihin, pwede ka naming patayin," sabi ng isa na nasundan ng halakhakan. Napatakip siya ng kamay bibig nang sa wakas ay makita niya ang mga lalaking iyon. Pinagtutulungan lang naman nilang bugbugin ang isang lalaki na pigil-pigil din ng dalawa pang tao sa magkabilang balikat. "May bubuyog kasing umaaligid, hindi mo ba alam? Sinasabi nitong ang nakalinya sa trono ng El Grande Gang ay isang impostor." Napapailing lang ang lalaki, halatang iniinda ang sakit at hindi rin nanlalaban. Maybe he did, masyado lang marami ang kaharap. "Juskolord...ano hong gagawin ko? Baka mapatay nila 'yong ta-" Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makilala ang biktima. Ito lang naman ang lalaking hinalikan niya! Naman, Grace, isang buwan na iyon e... "Well, I suggest you should kill that bee for buzzing around wrong information," ngisi ng lalaki. Napasinghap siya nang makitang may bumunot ng baril, ikinasa at itinutok iyon sa lalaki. "Eh kung ikaw kaya ang tuluyan ko, huh?" Tumunog ang phone niya. Mabuti na lang at naka-silent iyon madalas. "H-hello?" "Grace?" Halata ang pagtataka sa boses ni Richard. "Bakit ka bumubulong?" tanong nito na pabulong din. Gusto niyang matawa. "Richard? Mabuti't napatawag ka? Kumusta ang pagpapari? Hindi ka na ba tutuloy? Good news kung ganoon." He laughed. "Na-miss mo ako, no? Huwag kang mag-alala, magkikita na tayo soon. Actually, I'm on my way sa orphanage. May one year kasi kami para magdecide kung tutuloy o hindi." "Talaga? Malapit ka na ba?" "Oo, bakit? Teka, hindi mo na ako sinagot. Bakit ka bumubulong?" "May trouble sa kinaroroonan ko ngayon. Papatayin nila yong first kiss, este, yung lalaki. Kailangan niya nang tulong. Madadaanan mo 'to kapag papunta ka ng orphanage... dito sa may junkshop banda, kung naaalala mo pa?" "Natatandaan ko. Pero ano pa ang ginagawa mo diyan? Umalis ka na." "Hindi. Hihintayin kita. Kailangan niya ng tulong." "Ang tigas ng ulo mo, Grace. Paano natin ililigtas iyan?" "I prayed and you're coming with help?" He snickered. "Stay wherever you're hiding, okay? Tatawag lang ako ng pulis." Ilang minuto pa na paghihintay at panonood sa lalaki na pinagtutulungang bugbugin ay saka dumating ang pulis mobile na sinasabi ni Richard. Nagkatinginan ang mga lalaki. "Paano nagkaroon ng parak dito?" "Baka may nakakita sa'tin, boss?" "Bwisit!" Pinukpok ng tinawag na boss ang ulo ng lalaking pinagtutulungan nila. Tuluyan itong binitawan ng dalawa pa at nalugmok ito sa lupa. Saka nagsipulasan ang mga ito. Nang makalayo na ang lahat ay dali-dali niyang nilapitan ang lalaki. Wala itong malay at umaagos ang dugo sa mukha. Napalunok siya. Naalala ang mukha ng mga mauling noong mangyari ang aksidente. Nanginginig niyang hinawi ang buhok nitong tumabon sa mukha. Walang duda, eto nga ang first kiss niya. "M-mister? Napahinga siya nang maluwag ng magmulat ito ng mga mata. "Shit..." mahinang sabi nito pagkaraan ng ilang saglit na pagkatulala sa harap niya. Minumura ba siya nito? "Mister... tutulungan kita. Dadalhin kita sa ospital." Sinikap niyang maibangon ang lalaki pero masyado itong mabigat. "Come on, makisama ka naman. Hindi kita kayang buhating mag-isa." "Of all places..." sabi nito na halos hindi pa niya marinig. "Gusto mo bang mamatay? Hindi mo ba nakikita ang sitwasyon dito?" galit nitong bulyaw. "Bitiwan mo ko..." sabi sabay tulak sa kanya palayo, pero ito ang natumba. Pinagmasdan niya ang lalaki na muling tumayo at pasuray-suray na naglalakad palayo. "Wala ng gulo. Ang kailangan mo ngayon ay magamot, baka kung mapaano ka." Natigilan ito. "Y-you should've stayed away." Malumanay na sabi nito. "I know," sabi niyang napakunot-noo dahil sa pagka-utal nito. Sumama ba lalo ang pakiramdam niya? "Pero tinawagan ko ang kaibigan ko para makahingi ng tulong sa mga pulis. You're welcome by the way." Hindi ito umimik. "Anytime ay nandito na rin iyon kaya huwag matigas ang ulo mo, tutuloy tayong ospital pagdating niya. Isa pa, nagrereklamo ka pa e kung hindi sa ginawa ko baka paglalamayan ka na bukas. Ano, gusto mo bang mamatay?" "That's my line." Napaingos siya sa sagot nito. "Ok, fine," tila sumusuko na sumilay ang maliit na ngiti sa labi nito, "Gusto mo akong magamot? I'll let you, but no hospitals." Magrereklamo pa sana siya nang akma na namang bibigay ang tuhod ng lalaki. Inalalayan niya ulit ito. "Sige. Sa orphanage na lang kita dadalhin, may first aid naman sila Mother Superior doon. Hintayin mo ko. Ano nga palang pangalan mo?" Nainip siya sa paghihintay ng sagot nito kaya tumalikod siya. "Kukunin ko lang si Gang..." sabi niya saka tinakbo ang pinagtaguan ng scooter. Nang makalapit ay napansin niyang tila natawa ito nang makita ang sasakyan niya. "Huwag kang tumawa, okay? Mabuti na 'to kaysa wala. Angkas na." "Wala naman akong sinabi a.." "Sus, wala nga pero yong itsura mo naman...tss." Hindi na ito umimik. Pagkasampa nito ay pinaandar na niya si Gang pero hindi pa man siya nakakalayo ay dumating na yung pulis mobile. Bumukas iyon at lumabas ang kanyang kababata. "Richard!" sabi niyang itinigil ang motor. "Grace," tumakbo ito palapit but for some reason, natigil ito midway. "Richard, salamat sa pagtawag sa mga pulis, ha? Okay na, dadalhin ko na lang si... ahm, hehe. Hindi ko pa alam ang pangalan niya e. Pero dadalhin ko siya sa orphanage para magamot," sabi niyang sinundan ng tingin ang tinititigan nito- ang angkas niya na kasalukuyan ding nakikipagtagisan ng tingin sa kaibigan niya. Nagtatakang nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa. "Bumaba ka diyan, Grace," mariing sabi ni Richard na ikinagulat niya. "Huh? Pero-" "He's right, Grace. Bumaba ka na. Pahiram muna ng motor mo. I'll return your bike tomorrow." "Pero-" "I'll be fine, don't worry." "Grace, now!" sigaw ni Richard. "Magpapagamot ka? He nodded. "Ibabalik mo ang bike ko?" He nodded again. "Pangako?" He look her in the eyes and nodded once again. "In person?" Tila nag-alangan ito bago sumagot. "Theca's Coffee Shop, tomorrow after lunch." "Ok then," bumaba siya ng motor. "Anong pangalan mo?" pigil niya dito nang akmang aalis. He hesitated again. "Well? Hindi ka makakaalis unless you tell me your name." He chuckled. "Vincent. You can call me Vincent. See you tomorrow, Grace." Iyon lang and he drove away. Tinakbo ni Richard ang pwesto niya at agad siyang niyakap bago sinipat. "Grace, okay ka lang?" Tumango siya. Masaya siya actually. It's weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD