SIMULA

186 Words
Umuulan ng malakas habang tumatakbo ang isang lalaki patungo sa isang kotseng kulay puti. Hindi niya mawari kung ano ang dapat gawin. Nanginginig ang kanyang mga kamay nang mabitawan ang susi ng kanyang sasakyan. Nakarinig siya ng malakas na sigaw na nagmumula sa isang abandonadong hospital. Lumingon siya agad rito at napansin ang isang babaeng nakasuot ng puting bestida. Tumutulo ang dugo nito mula sa noo habang hawak ang kutsilyong nakabaon sa kanyang dibdib. Pilit naglalakad ang babae papalapit sa lalaki kaya mas lalong nakaramdam ng takot ang lalaki.  Dali-daling pinulot ng lalaki ang susing nahulog at nagmadali sa pagpasok sa loob ng sasakyan. Binuhay agad niya ang makina ng sasakyan ngunit nabigla siya nang may tumama sa likod ng kanyang sasakyan. Nakita niya ang babae na nakahawak sa salamin ng sasakyan habang umiiyak. Pinagsawalang bahala niya ito at nagpasyang umalis. Pinaandar nang lalaki ang sasakyan paalis sa abandonadong hospital. Tinignan niya ang kinaroroonan ng babae gamit ang side mirror. Nagulat na lamang siya nang wala ang babae roon. Ipagpapatuloy na niya sana ang pag-alis nang biglang may magsalita sa kanyang tabi.  " Hi love. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD