KABANATA 1

2066 Words
COFFEE Pagkapasok ng binata sa loob ng tahanan ay agad nitong napansin ang isang hindi inaasahang bisita. Prente itong nakaupo sa sofa na nasa living room at nang makita ang binata ay agad itong tumayo upang batiin ito. " Gio! " bati ng dalagang nagngangalang Aaliyah. Hindi ito pinagtuonan ng pansin ng binata sa halip ay dumiretso ito sa kusina. Ngunit sadyang makulit ang dalaga dahil sumunod pa rin ito sa binata at nanatiling nakangiti.  " Ohh Gio, nakarating ka na pala. Pasensya na at pinapasok ko si Aaliyah, umuulan kasi ng malakas. Naawa naman ako kaya pinapasok ko na. " pagpapaliwanag ng isang matandang babae na si Manang Gresha sa binata. " Sige Manang,  ako na pong bahala. " sagot ni Gio sa matanda. " Doon na muna ako sa aking silid para makapag-usap kayo ng masinsinan. " saad ni Manang Gresha pagkatapos ay iniwan na ang dalawa sa kusina. " San ka galing? Pinuntahan mo na naman ba siya ha? " tanong ni Aaliyah kay Gio. " Ano bang pake mo? " pabalang na tanong ni Gio sa dalaga habang kumukuha ng malamig na tubig sa ref.  " Ang tanga mo Gio! Ang tagal tagal na niyang wala pero ano? Ganyan ka pa rin? Ano bang meron sa babaeng 'yon at nagkakaganyan ka? Unlike her, I will never leave you, I'll stay with you, so please move on Gio. " pagpupumilit pa rin ng dalaga sa binata. Tinangka pa nitong haplusin ang braso ng binata ngunit hindi naman nagtagumpay ang dalaga sapagkat agad itong tinabig ng binata.  " Ano bang pakialam mo sa buhay ko? And please, stop comparing her to you because you are nothing compared to her. " Alam ni Gio na naiinis at nasasaktan na si Aaliyah sa mga pabalang niyang sagot ngunit wala na siyang pake sa nararamdaman nito.  " So galing ka na naman ba roon sa malanding babaeng 'yon? Ha Gio? Ano namang ginawa mo roon? Kinausap siya? Damn Gio! " tumatawang saad ni Aaliyah habang nakatingin kay Gio.  Hindi nagustuhan ni Gio ang sinabi ni Aaliyah kaya hinarap niya ito at binagsak ang hawak na baso sa lamesa. Nakita ng binatang naalarma ang dalaga sa kanyang naging reaksyon kaya umayos ito ng tayo at inalis ang pagkakasandal sa lababo.  " Wala kang karapatang tawagin siyang malandi dahil alam nating ikaw ang malandi at hindi siya! " Nawala ang kaninang ngiti sa mga labi ni Aaliyah nang dahil sa pang-iinsultong binitawan ng binata patungkol sa kanya. Ngunit ilang segundo lamang ang lumipas ay agad nakabawi ang dalaga sa masasakit na salitang binitawan ng binata. " Gio, wala na siya. Can't we just start all over again and forget about her? She's not important. I am here for you Gio kaya kong palitan siya dyan sa puso mo. " saad ni Aaliyah at nagtangkang lumapit kay Gio ngunit agad din namang umiwas ang binata at iniwanan itong mag-isa sa kusina. Naglakad ang binata patungong living room at agad namang umupo sa sofa upang makapagpahinga. " Stop being desperate Aaliyah. I love her and no one can replace her even you. You know that right? " saad ni Gio nang maramdaman ang presensya ni Aaliyah malapit sa kanyang pwesto.  " HINDI NA SIYA BABALIK GIO! HINDI NA!!! " nanggagalaiting saad ng dalaga.  " Do I fvcking need your damn opinion? Do you think I care Aaliyah? Just shut the fvck up and leave. " nakapikit pa ring saad ni Gio ngunit may diin ang bawat salitang binitawan.  " Mahal mo ako Gio diba? Ako yung mahal mo dati! Isang beses lang ako nagkamali Gio, isang beses lang! Pero ano? Hindi mo na ko pinatawad, hiniwalayan mo agad ako Gio! " panunumbat ng dalaga sa binata. " You know what Aaliyah? Again, just leave, okay? I don't need you here. " Pilit kinakalma ni Gio ang sarili dahil unti-unti nang nauubos ang pasensya niya sa dalaga.  Hindi pinansin ni Aaliyah ang sinabi ni Gio sa halip ay pinagpilitan ang kanyang sarili sa binata. " No Gio! We need to talk about us! " " Us? You mean our past? Okay let's talk. Let's talk on how you cheated on me together with my bestfriend.  " Nakita ni Gio na natigilan sandali si Aaliyah at hindi malaman kung anong dapat sabihin. " What? I thought you wanted us to talk? Bakit hindi ka magsalita? Ikwento mo nga sakin kung ilang beses kayong nagsex ng bestfriend ko. Saan ba ang favorite place niyo to have s*x? Sa kotse ko bang pinahiram sa kanya? " nang-iinsultong sambit ni Gio habang nakangising nakatingin kay Aaliyah.  Ang kaninang tapang na mababakas sa mukha ng dalaga ay nawala at napalitan ng mga nagbabadyang luha. " Gio, I'm sorry. I was just--- " Pinutol ni Gio ang kung ano pa mang paliwanag ang sasabihin sa kanya ni Aaliyah dahil ilang beses na niyang narinig ang mga paliwanag nitong walang kwenta.  " Drunk? Lonely? Or just horny? " nakangising tanong ni Gio kay Aaliyah na kulang na lamang ay lumuhod sa kanyang harapan upang humingi ng tawad.  " Ohh come on Aaliyah. Kahit pinsan ko sinabi saking nakita kayo ni Darren na naghahalikan sa cr ng isang sinehan. Hindi lang ako naniwala kasi tanga pa ako noon sayo. Tapos kinabukasan makikita ko kayong almost having s*x sa kotseng pinahiram ko sa kanya? Kaya don't act like you're too innocent because we both know that you're not. " nang-iinsultong pahayag ni Gio.  Nang dahil sa sinabi ni Gio ay tuluyan ng nanghina ang mga tuhod ni Aaliyah. Nawalan ito ng balanse at napaupo sa pinakamalapit na upuan at doon na ito nagsimulang humagulgol. " I'm sorry Gio. Pinigilan ko naman eh. Pinigilan kong huwag ng maulit nung may nangyari samin ng isang beses. "  Tumawa lamang ang binata sa kanyang narinig.  " Just leave Aaliyah and please don't come back here. I don't want to see you anymore. We're not even friends, so please leave. " panapos na salita ni Gio at tumayo na mula sa kinauupuan. Iniwan niyang mag-isa si Aaliyah na umiiyak sa living room. Napailing na lamang ang binata at natawa sa sarili dahil hindi makapaniwalang dati niyang minahal ang dalaga.  Patuloy lamang sa paglalakad ang binata hanggang sa makarating sa sariling silid. Pagkapasok ni Gio sa loob ng kwarto ay isang pabango ng babae ang kanyang unang naamoy. Nakagawian nang binata na sprayan ang buong kwarto ng pabango ng kanyang minamahal. Inilibot ng binata ang paningin sa loob ng silid at napangiti ng mapait nang matuon ang pansin sa ilang mga kagamitang naiwan ng minamahal. Ilan sa mga ito ay ang mga librong hilig nitong basahin noon. Nilapitan ng binata ang kinalalagyan ng mga libro at inayos ang mga pwesto nito, pagkatapos ay nagtungo sa kanyang closet. Kumuha si Gio ng damit na pamalit at habang ginagawa iyon ay inalala niya ang dating nakasanayang gawin ng minamahal. Dati ay ang minamahal ang naghahanda ng kanyang susuotin ngunit ngayon ay wala na ito para gawin ang bagay na iyon. Sa kabilang bahagi ng cabinet ng binata ay makikita ang iilang damit ng minamahal. Hindi iyon inaalis ng binata roon at hinayaan na lamang naroroon. Madalas ay sa silid niya dati nag-aaral ang minamahal kaya may iilan itong mga damit na naiwan. Pagkakuha ni Gio ng damit ay agad na itong dumiretso sa cr upang maligo. Habang naliligo ay muling inalala ng binata ang mga masasayang araw nila ng minamahal. Halos lahat ng bagay ay sabay nilang ginagawa. Mag-aral, kumain, magbasa ng mga paboritong libro ng dalaga, magluto, magdilig ng mga rosas na itinanim ng dalaga sa hardin ng bahay ng binata, mag toothbrush, manood ng tv, at marami pang iba. Napangiti na lamang ng mapait ang binata at tinanong ang sarili.  " Paano ko nga ba naman siya makakalimutan kung bawat bagay na makikita ko, siya ang naaalala ko? Kung bawat gagawin ko, maaalala ko na sabay namin iyong ginagawa dati? " Pagkatapos niyang maligo ay umupo na ito sa sariling kama at tinuyo ang kanyang buhok. Dati ay ang minamahal ang laging nagtutuyo ng buhok ni Gio pagkakatapos niyang maligo pero ngayon wala na ito. Kinuha ni Gio ang litrato ng babaeng minamahal mula sa bedside table.  " Love, I really miss you. I hope you are doing fine and happy. " Pinagmasdan nito ang picture ng dalaga. Ito ay ang litrato ng dalaga na si Gio pa mismo ang naging personal photographer nito.  Naaalala niya pa noon ang pamimilit sa kanya ng dalaga na kuhanan ito ng litrato. Mahilig magpalitrato ang dalaga at iniipon nito iyon sa isang flashdrive. Nang matapos na si Gio sa pagtutuyo ng kanyang buhok ay hinalikan na nito ang litrato ng dalaga at binalik ito sa pagkakapatong sa bedside table. Tumayo na ang binata at pinatay ang ilaw. Nahiga na si Gio sa kama at tumitig sa kisame. Ilang minuto itong nakatitig sa kisame habang inaalala ang mukha ng minamahal. Iginuguhit ng binata sa hangin ang mukha ng dalaga at nang matapos ay ipinikit na ang mga mata upang matulog.  Naglalakad si Gio pabalik sa parking lot ng university dahil naiwan niya ang sapatos na gagamitin dapat para sa training noong oras na iyon.  Pagkakuha niya ng sapatos ay maglalakad na sana ito pabalik ng gymnasium nang mapahinto ito.  Nakita niya si Aaliyah, ang kanyang nobya at si Darren, ang kanyang matalik na kaibigan, na magkaholding hands na naglalakad papunta sa kotseng hiniram sa kanya ng kaibigan noong isang araw. Napatanga na lamang si Gio sa kanyang kinatatayuan nang biglang hinalikan ni Aaliyah si Darren habang papasok sa kotse.  " Tangina. " Hindi napigilan ni Gio ang galit na nagsisimulang mamuo sa kanyang katawan. Mabilis itong naglalakad papalapit sa kinaroroonan ng dalawa. Pagkalapit niya ay agad niyang hinila papalayo si Darren kay Aaliyah.  " TANGINA KANG GAGO KA! ANG KAPAL NG MUKHA MO! " sinuntok ni Gio si Darren sa panga at sa tiyan nito. Inaawat siya ni Aaliyah ngunit tinabig niya lamang ito papalayo.  " ANG KAPAL NG MUKHA NIYO! TALAGANG SA KOTSE KO PA KAYO MAGLALANDIAN HA!?!? " Hindi lumalaban si Darren at hinahayaan lang si Gio na bugbugin siya. Tinatanggap lang niya ang bawat suntok na binibigay ni Gio.  " Gio, please tama na. " Umiiyak na si Aaliyah pero walang pakialam ang binata. Hindi ito titigil hangga't hindi niya nababasag ang mukha ni Darren.  " Ano?!?! Lumaban kang tanginang gago ka! "  " Dude I--- " hindi na pinatapos ni Gio ang pagsasalita ni Darren dahil sinuntok na niya ulit ito sa panga.  May mga dumating na guards upang paglayuin ang dalawang binata. " ANG BABOY NIYO! HUWAG NA HUWAG NA KAYONG MAGPAPAKITA SAKIN KAHIT KAILAN! " Tinabig ni Gio ang kamay ng mga guards at naglakad na papalayo. Humabol sa kanya si Aaliyah upang magpaliwanag. Hinawakan pa nito ang braso ng binata upang pigilan ito sa pag-alis. " Gio, I'm sorry. I love you Gio. Please forgive me. " umiiyak na saad ni Aaliyah.  Hinarap naman ito ng binata at pilit pinapakalma ang sarili na huwag saktan ang dalaga.  " You love me?!?! The fvck Aaliyah! Ganyan ka ba magmahal ha?!? " singhal ni Gio kay Aaliyah. Natahimik naman ito sa kanyang sinabi kaya muli siyang nagsalita. " I'm breaking up with you. Nakakadiri ka! " saad ni Gio at tuluyan ng umalis sa lugar na iyon.  Galit itong naglalakad papuntang gymnasium nang biglang may mabangga itong babae at hindi sinasadyang matapon sa damit ng babae ang hawak nitong kape.  " Omyghaad! " tili ng babae habang nakatitig sa puting uniform na ngayon ay nagkukulay brown na. Related yata sa medicine ang course ng babae dahil naka all white itong uniform. Hindi ito nakasuot ng id kaya hindi matukoy ni Gio kung saang department ito.  " Sorry. " yun lang ang sinabi ng binata at nagpatuloy na muli sa paglalakad. Galit siya at alam niyang wala siyang ibang masasabing maayos sa dalaga kaya pinili na lang niyang umalis. Ngunit hindi pa man siya tuluyang nakakalayo ay hinila ng babae ang kanyang braso.  " Sorry? Yun lang? Sorry lang? Para ngang labas pa sa ilong yang pagsosorry mo ehh! " nakapameywang na saad ng dalaga habang pinupunasan ng panyo ang mga braso.  " Look miss, I don't have time for this, okay? I have to go. " sambit lamang ni Gio at walang-lingong naglakad papaalis sa lugar na iyon. " RUDEE! WALANG MODO! BWISIT!!!! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD