KABANATA 2

2300 Words
SHOES " Georgio! Georgio! Wake up! Wake up! Gising! Gising! " Nagising si Gio at pinatay ang alarm ng kanyang cellphone. Recorded voice iyon ng babaeng minamahal. Nirecord ito dati ng dalaga noong natutulog ang binata at sinet ito bilang alarm ringtone. Dahilan ng dalaga sa kanya ay para raw hindi makakalimutan ng binata ang matinis niyang boses. Natawa pa nga si Gio noong nalaman na iyon ang dahilan ng minamahal.  Hindi na rin naman ito pinalitan ng binata kasi gusto niya rin namang boses ng minamahal ang unang naririnig sa paggising sa umaga, kahit na nakakainis dahil buong pangalan niya ang binabanggit ng dalaga sa nakarecord na tunog. Lagi kasi siyang tinatawag ng dalaga sa pangalang Georgio kapag gusto siyang asarin ng minamahal.  Katulad ng nakagawian ay kinuha ni Gio ang litrato ng dalaga sa bedside table at hinalikan.  " Goodmorning love! Napaginipan ko na naman yung unang araw ng pagkikita natin. " nakangiti niyang saad habang tinititigan ang litrato ng dalaga.  " Naaalala ko pa ang itsura mo noong natapon ang hawak mong kape sa uniform mo. Tinawag mo pa akong rude kahit na nagsorry naman ako. " tumawa na lang ang binata at tumayo na mula sa pagkakaupo sa kama.  Pagkadating ni Gio sa gymnasium ay agad nagsilapitan ang mga chismoso niyang teammates. Hindi agad niya pinansin ang mga ito sa halip ay dumiretso siya sa mga bleachers at umupo.  " My dudes! Ang tagal mo ahh. Kanina ka pa namin hinihintay. " sabay hampas ni Henric sa kanyang balikat. Si Henric ang isa sa mga pinakaclose ni Gio sa kanyang mga teammates dahil na rin sa blockmates sila. " I saw Darren, he's bleeding. " seryosong saad ni Jared habang mariing nakatingin kay Gio.  " Legit ba pre? Baka naman fake news ka. " kontra ni Henric kay Jared pagkatapos ay umayos ng upo. Si Jared ay isa rin sa mga teammates ni Gio at ito ay matagal ng kaibigan ni Henric bago niya pa nakilala ang mga ito.  Hindi sumagot si Jared at nanatili pa rin ang tingin kay Gio.  " Ano na? Fake news nga ano? " nangungulit na tanong ni Henric.  " Can you please shut up? I'm not in the mood to listen to your nonsense blabbering! " binato ni Gio ang dalawa ng hawak niyang towel para manahimik ang mga ito. Tumahimik naman si Henric at ibinaling na lamang ang atensyon sa sariling cellphone, ngunit hindi pa nakakalipas ang limang minuto ay muling napasinghap si Henric.  " Oh s**t my dudes! " bulalas nito habang nakatingin sa cellphone at nanlalaki ang mata.  " So you are the reason why he's bleeding. " saad ni Jared  pagkatapos makita ang laman ng cellphone ni Henric at muling ibinaling ang tingin kay Gio. " My dude---" hindi na naituloy ni Henric ang kanyang sasabihin dahil nakita nitong papalapit ang nanggagalaiting si Alondra.  " Totoo ba??!?! " sigaw ni Alondra nang makalapit sa tapat ni Gio.   " Sagutin mo ko Gio! Totoo ba ha?!? "  pagpupumilit na tanong ni Alondra kay Gio nang hindi agad ito sumagot.  " What? " naiinis na tanong pabalik ni Gio kay Alondra.  " Gio naman! Don't tell me pagtatakpan mo iyang gago mong kaibigan ha?!?! " Hindi ito pinansin ni Gio dahil pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya sa lahat ng nangyari kanina. Ayaw na ng binata na madagdagan pa ang mga hindi inaasahang eksenang naganap kanina.  " Damn it, Gio ano ba! Sumagot ka nga! " binato ni Alondra kay Gio ang hawak niyang purse upang mabaling ang atensyon sa kanya ng binata at sagutin ang lahat ng kanyang mga katanungan.  " DAMN IT! YES IT'S FVCKING TRUE! TOTOO LAHAT NG NALAMAN MO! TOTOONG MAY AFFAIR SI AALIYAH AT DARREN! ANO OKAY NA BA HA? " sagot ni Gio upang matigil na ang pagwawala ni Alondra. Natulos sa kinatatayuan si Alondra nang dahil sa kumpirmasyong nalaman sa binata. Nagsimulang tumulo ang mga luha ng dalaga at nanghihinang napaupo sa sahig.  Sina Henric at Jared naman ay napatamik na lamang sa gilid at piniling huwag ng makialam. Halos lahat ng nasa loob ng gym ay napatingin sa kinaroroonan nila at parang hindi makapaniwala sa narinig na impormasyon mula kay Gio. " S-since w-when? "  mahinang tanong ni Alondra kay Gio.  " I don't know, I didn't ask them and I don't want to know. "  Kinuha na ni Gio ang lahat ng kanyang gamit at naglakad na paalis. Hindi na muna siya aattend ng training dahil kailangan niyang magpalipas ng sama ng loob.  Samantalang si Jared at Henric naman ay inalalayan si Alondra para tumayo. Hindi naman tumayo si Alondra sa halip ay tinulak lamang ang dalawa at umiyak nang umiyak habang nakaupo sa sahig. Si Alondra ang girlfriend ni Darren sa loob ng dalawang taon. Tinulungan pa ni Gio si Darren noon sa panliligaw kay Alondra.  Parang kapatid na ang turing ng binata kay Darren kaya hindi nito lubos maisip kung bakit nagawa ni Darren ang bagay na iyon sa kanya. Pinahiram pa ni Gio ng kotse si Darren dahil ang sabi sa kanya ng binata ay nasira raw ang kotse nito.  Habang naglalakad si Gio ay naririnig niya ang bulungan ng mga estudyante. Hindi niya na lamang pinansin ang mga ito at patuloy lamang na naglalakad kahit alam niyang tungkol sa nangyaring gulo kanina sa parking lot ang pinag-uusapan ng mga estudyante. " s**t, I told ya girls! Malandi iyang si Aaliyah! "  " Kawawa naman si Gio. " " Ang gago ni Darren pre, legit! " Ilan lamang iyan sa mga bulungan na naririnig ni Gio. Hindi alam ng binata kung bulungan pa iyong matatawag dahil sa lakas ng mga boses ng mga estudyanteng nalalagpasan niya.  Pagkarating ni Gio sa bahay ay agad itong umakyat sa hagdan at nagtungo sa kwarto para magpahinga.  Nakatitig lamang ang binata sa kisame at inaalala kung saan siya nagkamali at saan siya nagkulang?  Alam niya sa sarili niya na ibinigay naman niya ang lahat ng gusto ni Aaliyah.  Minahal niya ito ng buong-buo kaya hindi niya maisip kung bakit siya nagawang lokohin ng dalaga.  Masyado na siguro talaga siyang nabulag sa pagmamahal niya kay Aaliyah na kahit sinasabi ng mga pinsan niya ay hindi niya pinaniwalaan noon.  May mga litrato na ring ipinakita ang mga ito sa kanya ngunit malabo ito kaya pilit niyang itinatanggi sa mga pinsan na si Aaliyah at Darren ang nasa mga litratong iyon. Pinagpilitan niya sa mga pinsan na mahal siya ni Aaliyah at hindi siya nito magagawang lokohin.  Kahit minsan naaamoy ni Gio ang pabango ni Darren kay Aaliyah ay hindi niya ito kinuwestyon.  May mga pagkakataon ding tuwing pumupunta ang binata sa bahay ng kasintahan ay naaabutan niya si Darren na naroon sa living room at nanonood ng tv, ngunit tinanggap niya pa rin ang paliwanag ng dalawa.  Bakit?  Dahil mahal na mahal niya si Aaliyah at malaki ang tiwala niya sa dalagang hindi siya nito magagawang lokohin. Higit sa lahat ay hindi niya kayang pagdudahan si Darren.  Napatigil lamang siya sa pag iisip nang biglang may kumatok mula sa kabilang bahagi ng pinto.  " Gio? Gising ka pa ba hijo? Handa na ang hapunan. Halika na at kumain na tayo. " saad ni Manang Gresha.  " Susunod na ako Manang, magpapalit lang po ako ng damit. "  Nagmadali si Gio na magpalit ng damit at agad na ring bumaba dahil alam niyang hindi kakain sina Manang hangga't hindi sila nakukumpleto sa hapag.  Nakaugalian na nila na magsabay-sabay kumain tuwing hapunan at umagahan. Kung may pagkakataon din na nasa bahay siya ng tanghali ay sumabasabay din siyang kumain kay Manang Gresha at Mang Ramon.  Si Mang Ramon ay ang matagal ng personal na driver ng binata na noong bata pa lamang siya ay dating driver ng kanyang ama. Si Manang Gresha naman ay ang nag-alaga sa kanya simula ng siya ay sanggol pa lamang sa kadahilanang walang oras ang kanyang mga magulang para alagaan siya.  Masyadong subsob ang mga magulang niya sa pagtatrabaho kaya si Mang Ramon at Manang Gresha ang nakasanayan niyang kasama sa paglaki.  " Ayos ka lang ba hijo? Parang matamlay ka yata. " nag-aalalang tanong ni Manang kay Gio habang nagsasandok ng kanin sa sariling pinggan.  " Oo nga Sir Gio, ayos ka lang ba? " tanong naman ni Mang Ramon habang nakatitig sa binata " Ayos lang ho ako. Napagod lang po ako sa training. Kumain na lang ho tayo. "  walang-ganang sagot ng binata.  KINABUKASAN ay late nang pumasok si Gio dahil ayaw naman talaga nitong pumasok noong araw na iyon. Napilitan lamang ang binata dahil pinuntahan siya ni Manang at ginising. Alam niyang kapag nanatili siya sa bahay ay mapapansin ng dalawang matanda na may mali sa kanya kaya pinili niya na lamang pumasok.  Naglalakad na siya sa gitna ng hallway nang mapatigil siya dahil may bumangga sa kanyang dibdib. Bumangga sa dibdib niya ang isang babae na sa tingin niya ay nagmamadali.  " Ouch! Omyghad! " saad ng babae at hinawakan lamang ang noo. Hindi na nito ininda ang sumasakit na noo sa halip ay dali-dali itong yumuko at pinulot isa-isa ang mga nagkalat na libro sa lapag. Tutulungan na sana ni Gio ang dalaga sa pagpulot ng mga libro ng bigla siyang mapatigil nang mag-angat ito ng tingin sa kanya.  Napakunot ang noo ng binata habang nagtatakang nakatingin sa dalagang nanlilisik ang mga mata. Pagkatayo ng dalaga ay biglang nitong hinampas si Gio sa dibdib gamit ang isang libro.  " Hey miss! Hey hey! Stop! " awat ni Gio sa dalaga habang umiilag sa bawat atakeng ginagawa nito. Yung pinakamakapal pa yatang libro na dala ng dalaga ang pinanghahampas nito sa binata kaya napapangiwi si Gio sa tuwing tinatamaan siya ng librong hawak ng dalaga.  Umiiwas pa rin si Gio sa bawat atake ng dalaga at pilit hinahawakan ang  mga kamay nito upang pigilan sa ginagawang pag-atake.  Tumigil naman ang dalaga matapos ang ilang segundo dahil na rin siguro nakaramdam ito ng pagod sa ginagawa.  " You! It's you again! " panduduro ng babae kay Gio.  " Huh? What are you saying? " nagtatakang tanong ni Gio dahil wala naman siyang kakilalang related sa medicine ang course na nag-aaral dito sa university.  " Oh come on! Hindi mo naaalala? " nakataas ang kilay na tanong ng dalaga sa binata.  " Coffee? " pagpapaalala ng dalaga sa binata nang hindi agad ito nakasagot.  " Coffee? You're asking me for a coffee? " nagtatakang tanong naman ni Gio sa dalagang kaharap.  " Tanga, ka?? Idiot. I meant the coffee incident! "  nakataas ang kilay na tanong ng dalaga sa binata. Napaisip naman ang binata at pilit inaalala kung saan unang nakita ang dalaga.  " Ohh yeah right! Ikaw yung natapunan ng kape last time. "  bulalas ng binata nang maalala ang nangyaring insidente noong nakaraan.  " Yeah that's me! And now, ayan na naman. Another hindi magandang encounter with you. Alam mo bang late na ako at nagmamadali na ako? Tapos paharang-harang ka pa sa daan? Are you stalking me? I know that I am pretty so probably you're really stalking me. "  mahabang pahayag ng dalaga habang inaayos ang mga librong dala.  " Look miss. I'm sorry okay? I'm sorry for what happened the last time and for what happened today. "  hinging-paumanhin ng binata sa dalaga.  " You're like other guys, you know? " nakangising saad ng dalaga sa binata.  " What do you mean by that? "  naguguluhang tanong ni Gio sa dalaga.  " Be honest and tell me. You like me, right? Kaya lagi mo kong binubunggo para malaman mo ang pangalan ko. Kunwari tutulungan mo ko tapos hahawakan mo ang kamay ko at sasabihing hindi mo sinasadya pagkatapos ay tatanungin mo ang pangalan ko. Is that it? " nakataas kilay na saad ng dalaga at tila proud na proud pa ito sa sarili.  " It was just an accident, miss. I do not intend anything. " pagpapaliwanag ni Gio. " Nagmamaang-maangan ka pa. Style mo bulok, uyy! But anyways, I know you! You're Gio right? Aaliyah's recent ex-boyfriend? Balak mo siguro akong gawing rebound ano? "   Napakuyom ang kamao ni Gio dahil naalala na naman niya ang panlolokong ginawa ni Darren at Aaliyah sa kanya. Maglalakad na sana siya paalis pero hinawakan ng babae ang kanyang braso.  " Ohh natahimik ka dyan? Tinatanong ko lang naman. Ahh, oo nga pala, may issue nga palang kumakalat na pinagpalit ka niya sa bestfriend mo. Is that true? "  inosenteng tanong ng dalaga sa binata.  Nang hindi sumagot si Gio ay pinagpatuloy ng babae ang pangungulit.  " Hey! Answer me! " pagpupumilit ng dalaga sa binata.  Humugot ng malalim na hininga si Gio bago nagsalita.  " Why should I? We're not even close. You know what Miss Coffee, maybe you should go 'cause I already said sorry to you. Can't you just let it pass? I didn't mean it and I'm not in the mood to have a chitchat. " tumalikod na ang binata pero agad ding napatigil dahil may nakalimutan itong sabihin.  " By the way, you are not my type, Miss Coffee. Maganda ka nga, kulang ka naman sa height, flatchested pa. " nang-iinsultong saad ng binata.  Natawa na lamang si Gio nang makita niyang kulang na lang ay umusok ang ilong ng dalaga habang pinapadyak-padyak ang mga paa.  Tumalikod na ulit ang binata at maglalakad na sana papuntang classroom para sa second subject nang bigla siyang batuhin ng dalaga ng sapatos. Tumama ito sa ulo ng binata ngunit hindi na niya ito pinatulan. Pinulot niya na lamang ito at ishinoot sa basurahang nakita malapit sa may benches.  Alam ng binatang nakita ng dalaga ang ginawa niya dahil tumili ng malakas ang dalaga.  " YOU JERK! I have a name and that is Zeah not Coffee or whatever! "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD