KABANATA 3

2257 Words
WHITE ROSE Maagang gumising si Gio para magdilig ng mga rosas na nakatanim sa hardin. Dati rati ay ang minamahal ang nagdidilig ng halaman habang siya naman ang nag-aalis ng mga tuyot na dahon. Ngayon mag-isa na lamang siyang ginagawa ang lahat. "  Tignan mo love, kahit anong gawin kong pag-aalaga sa mga rosas na 'to ang dami pa ring nalalanta. Paano mo ba kasi sila inaalagaan love?  " Napabuntong-hininga na lang si Gio habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na unti-unting nalalagas ang mga talulot. Katulad lang din naman ng pag-aalaga ng minamahal ang kanyang ginagawa sa mga bulaklak pero hindi niya alam kung bakit lagi na lang nalalanta ang mga bulaklak.  Hindi tuloy maiwasang isipin ni Gio na siguro kung nandito pa ang kasintahan ay malamang buhay na buhay ang mga rosas na nasa hardin. Naaalala pa ni Gio na napagkamalan siyang secret admirer noon ng dalaga dahil may hawak siyang puting rosas habang nakatayo sa tapat ng locker nito.  "  My dudes, sige na kasi. Babayaran ko naman, pagdating mo rito. " pakiusap ni Henric kay Gio habang sila ay magkausap sa cellphone.  Kanina pa nangungulit kay Gio si Henric para sa bulaklak na pinapabili nito na gagamitin sa panliligaw. "  Manliligaw ka tapos hindi ka naman pala handa? Kung hindi ka ba naman isa't kalahating tanga. " naiinis na saad ni Gio.  "  Hindi ko alam na papasok siya ngayon my dudes. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita malay ko bang nandito siya ngayon? " pangangatuwiran naman ni Henric.  "  Alam ba ng liligawan mo na liligawan mo siya? Are you even sure that she doesn't have a boyfriend? " nakakunot-noong tanong ni Gio kay Henric na nasa kabilang linya.  "  My dudes naman ngayon pa nga lang ako magtatanong sa kanya kung pwede akong manligaw at sigurado naman akong walang boyfriend yun, dahil tinanong ko na sa kaibigan niya. Kaya ibili mo na ako ng bulaklak. " patuloy pa rin na pakiusap ni Henric sa binata.  "  Fine. " napipilitang sagot ni Gio.  Pumayag na rin si Gio sa pakiusap ni Henric dahil alam niyang hindi ito titigil sa pangungulit sa kanya.  "  Hintayin ka na lang namin sa cafeteria, ingat my dudes! I love you! " tumatawang saad ni Henric. Narinig rin ni Gio ang mahinang tawa Jared sa background, marahil ay kanina pa magkasama ang dalawa. "  Wait, what kind of flower---? " Hindi na naituloy ni Gio ang itatanong dahil bigla na lamang siyang binabaan ng tawag ni Henric. Problema niya pa tuloy kung anong klaseng bulaklak ang bibilihin para sa liligawan ng kaibigan. "  Damn it! " NAKARATING naman agad si Gio sa isang malapit na flower shop.  Pagbaba niya ng kotse ay natanaw niya ang isang matandang babaeng nag-aayos ng mga bulaklak. Ngumiti ito sa kanya kaya tumango na lamang siya dahil hindi naman niyang ugaling ngumiti.  Nang pumasok ang matanda sa loob ng flower shop ay agad din namang sumunod si Gio.  "  Uhh, can you give me your best-selling flowers? " saad ng binata sa matanda.  "  Saang okasyon mo ba gagamitin ang mga bulaklak hijo? " Nakangiti pa rin sa kanya ang matanda ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at inilibot ang tingin sa loob ng tindahan.  "  Courtship. Maybe red roses will do. " sagot ni Gio sa tanong ng matanda.  Agad namang umiling ang matanda at kumuha ng isang pirasong puting rosas.  "  Sa tingin ko mas mabuting itong puting rosas ang ibigay mo sa kanya. " pagbibigay suhestyon ng matanda sa binata.  "  I'm not the one who will do the courting, and a white rose? Hindi po ba masyado namang patay ang kulay kung iyan ang bibilihin ko? " nagtatakang tanong ni Gio.  Tumawa lamang ang matanda sa sinabi ng binata at umiling. Nilalagyan na ng matanda ng ribbon ang tangkay ng puting rosas ng bigla itong nagsalita.  "  Mas angkop na ibigay sa isang babaeng iyong nililigawan ang puting rosas kaysa pulang rosas. Dahil ang puting rosas ay sumisimbolo ng purity, innocence at young love. " paliwanag ng matanda sa binata habang inaayos ang rosas.  Pagkatapos itong ipaliwanag ng matanda kay Gio ay inabot na ng matanda ang rosas sa binata.  Babayaran na sana ni Gio ang rosas ngunit sabi ng matanda ay huwag na at pagbutihin na raw lamang niya ang panliligaw. Pinagpipilitan pa ring bayaran ni Gio ang rosas ngunit ang sabi ng matanda ay sa susunod na niya lamang ito bayaran kapag bumili ulit siya ng bulaklak sa mismong tindahang iyon.  Napakunot naman ang noo ni Gio dahil alam niya sa sariling hindi na siya babalik dito dahil wala naman siyang nililigawan. Isa pa ay kakatapos lang ng relasyon nila ni Aaliyah, hindi magandang tignan kung bigla na lamang siyang manliligaw ng ibang babae at papasok ulit sa isang relasyon.  Hindi pa siya handang magmahal muli. Bago tuluyang lumabas ng flower shop si Gio ay nilingon niyang muli ang matanda dahil parang may kakaiba sa rosas na kanyang hawak. Napatulala na lamang siya nang napagtantong wala na ang matanda sa loob ng tindahan.  Nabalik lamang sa reyalidad ang binata nang biglang tumunog ang cellphone na nasa kanyang bulsa.  NAGLALAKAD si Gio sa gitna ng hallway habang hawak ang puting rosas na pinibili sa kanya ni Henric.  Habang binabaybay ang daan ay biglang tumunog ang kanyang cellphone at nakitang tumatawag si Henric. Hindi na sana niya ito sasagutin dahil malapit na naman siya sa cafeteria ngunit sadyang makulit ang loko at patuloy pa rin sa pagtawag.  "  Ano?!?! " singhal ni Gio kay Henric.  "  Chill my dudes! Ang hot mo naman masyado, kaya ka nababato ng sapatos eh. " nang-aasar na saad ni Henric sa kanya marahil ay nabalitaan nito ang nangyari noong isang linggo sa hallway. Marami kasi ang nakakita ng insidenteng iyon kaya mabilis na kumalat ang chismis. "  What?!?! Bakit ka ba tawag nang tawag? Can't you wait? Malapit na ako! "  naiinis na sagot ni Gio kay Henric.    "  My dude--- " "  HUH! Sinasabi ko na nga ba at type mo ako ehh! " Napalingon si Gio sa nagsalita at napagtantong ito ang babaeng bumato sa kanya ng sapatos noong nakaraang linggo.  "  What? What did you say? " nagtatakang tanong ni Gio sa dalaga.  "  Stop denying it GEORGIO. Type mo ko, halatang halata naman oh. " Nakataas ang kilay ng dalaga at nakangisi habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa binata at sa hawak nitong bulaklak. Inilahad ng dalaga ang kanyang kamay at nameywang sa harapan ng binata.  Noong tinitigan lamang ni Gio ang dalaga ay pinanlakihan siya nito ng mga mata at ipinadyak ang kanang paa. Naguguluhan ang binata at hindi malaman kung anong gagawin kaya tinitigan niya lamang ang dalaga at tinaasan din ng kilay.  "  Oh come on, nahihiya ka ba? Why? Because I caught you? It's okay, I'll still accept that flower kaya ibigay mo na sakin yan habang maganda pa ang mood ko. "  "  This? "  tanong ni Gio at ginagalaw-galaw sa harapan ang hawak na rosas.  "  Yes! That one, it's for me right? Wow ha, talagang inalam mo pa yata kung ano ang paborito kong bulaklak. "  nakangiti na ngayon ang dalaga at mukhang proud na proud sa sarili dahil makakatanggap ito ng bulaklak.  "  Sorry to burst your bubble, Coffee, but this isn't for you. "  nakangiting paliwanag ni Gio habang inaamoy ang rosas na hawak.  "  HUH! You really have the gut to deny kahit na huling-huli ka na? What? You can't accept the fact that you like me? Kasi even though na kinulang ako sa height at hindi gaanong pinagpala ng hinaharap, I am still likeable! Poor you, you're not my type but I appreciate your effort so I'll accept that flower. "  Bago pa makapagsalita ang binata ay muling nagsalita ang dalaga.  "  And for your information my name is Zeah and not Coffee! " Inirapan ni Zeah si Gio at kulang na lang ay sabihin na ang bobo ng binata para hindi matandaan ang pangalan niya.  " What made you think that this flower is for you? "  nanghahamong tanong ni Gio sa dalaga habang nakangiti.  " Duh! Tanga ka?? Nasa tapat ka ng locker ko at dyan nakatambay. You are just pretending that you are busy with your phone but the truth is you are waiting for me. Style mo talaga bulok, baguhin mo naman ang mga moves mo, masyado kasing halata. " Napalingon si Gio sa kanyang likuran at napansing malapit nga siya sa mga lockers.  " What? Cat got your tongue? Kunwari ka pang hindi mo ko type pero madadatnan kita rito na nag-aabang sakin? HUH! " Nagpupumilit pa rin si Zeah na para sa kanya ang bulaklak na hawak ng binata kaya natawa na lang ang binata. Mukha namang hindi maniniwala ang dalaga sa kahit anong paliwanag ni Gio na hindi para rito ang bulaklak, kaya inabot na lamang ito ng binata sa dalaga.  " Bahala na si Henric maghanap ng bulaklak na ibibigay sa liligawan niya. " bulong ni Gio sa kanyang isipan. " Here. " Inabot ni Gio sa dalaga ang bulaklak at nilapit ang labi sa tenga nito.  " Tsk, tsk. Coffee, stop being assuming, nakakahiya sa ibang mga estudyante. Sayo na iyang bulaklak para naman hindi ka mapahiya. " Lumayo na si Gio habang nakangisi at hindi na napigilan ang sariling tumawa noong napanganga ang dalaga at nanlalaki ang mga mata nang dahil sa kanyang sinabi. Tinapik ng binata ang baba ng dalaga para sumara ang bibig nito. "  You're idling. Am I too handsome? "  nang-aasar na tanong ni Gio sa babae.  Akala ni Gio ay titigil na ang babae at aalis na pero mali siya ng akala. Lumapit ito sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. Napatulala ang binata sa sobrang lapit ng dalaga pero agad ding napasigaw sa sakit matapos ng ginawa nito. "  s**t, s**t! My balls s**t! " Napaluhod si Gio sa sobrang sakit pero tinawanan lamang siya ng dalaga. Tumatawa ito ng sobrang lakas habang nakahawak sa tiyan kaya pinagtitinginan na sila ng mga estudyanteng dumadaan. Hindi pa ito nakuntento dahil yumuko pa talaga ito habang nakaturo sa kanya at ipinagpatuloy ang pagtawa.  Hiyang-hiya si Gio dahil sa nangyari at hindi niya alam kung paano siya tatayo. Kaya ang ginawa niya ay hinila niya ang binti dalaga. Dahil sa ginawa ni Gio ay napatigil sa pagtawa ang dalaga at bumagsak na rin sa sahig. Pinipigilan niyang tawanan ang itsura ng dalaga dahil baka kapag tumawa siya ay gawin na naman nito ang ginawa kanina.  Napansin naman ni Zeah na nagpipigil ng tawa ang binata kaya kinuha niya ang rosas na nahulog na rin sa sahig at hinampas sa mukha ng binata.  "  Hoy teka! Wag yung mukha ko! Hoy! " Umiiwas lamang si Gio sa dalaga kaya di niya namalayan na napahiga na pala sila sa sahig at nasa ibabaw niya ang dalaga. Ilang minuto pa silang nagkatitigan habang nanlalaki ang mga mata.  " My dudes! Ang tagal mo naman--- OHH! p**n! p**n! " Agad namang umalis si Zeah sa ibabaw ni Gio ng marinig ang nag-eeskandalong boses ni Henric. Tumayo na ito agad at pinagpagan ang sarili. Si Jared naman ay napailing na lamang sa gilid.   "  Kaya naman pala ang tagal ni my dudes, busy pala sa hallway. " Natatawang saad ni Henric habang pabirong sinisiko si Jared.  Si Zeah naman ay nakatayo lang at iniwas ang tingin sa tatlong binata.  "  Oo nga pala my dudes, nasan na 'yung pinabili ko sayong bulaklak? " Napalingon si Zeah kay Henric nang dahil sa tanong nito kay Gio.  "  B-bulaklak? " " Yes madam! Bulaklak, as in flower. " nakangiting sagot ni Henric sa dalaga.  Natigilan si Zeah at parang nanigas sa kanyang tinatayuan. Pagkatapos ng ilang segundo ay biglang namula ang mukha nito at pati na rin ang leeg bago tumingin kay Gio. Napailing na lamang ang binata at umayos ng tayo.  "  I told you. " " Y-you! " Iyon lamang ang sinabi ng dalaga at nagmamartsang naglakad palayo sa kinaroroonan ng tatlong binata. Natawa na lang ang dalawang binata samantalang si Gio naman ay napakamot sa noo at napailing.  Naglakad na si Gio palayo ngunit napansin niyang hindi sumusunod ang dalawa at tumigil na rin sa pagtawa. Ngayon ay nakatingin si Jared at Henric kay Zeah kaya napalingon na rin siya sa direksyon ng dalaga. Nagtaka siya nang makitang naglalakad ito palapit sa kanya.  " Ba— " Hindi na naituloy ni Gio ang kanyang sasabihin dahil bigla na lamang inihampas ni Zeah sa dibdib niya ang puting rosas. Hindi naman siya nasaktan ngunit nagulat siya sa ginawa ng dalaga.  Pagkatapos nito ay naglakad na ulit paalis ang dalaga at nagsalita habang nakatalikod.  "  SAYO NA 'YANG BULAKLAK MO! LECHE KA! ISAKSAK MO SA BAGA MO! MANYAK! " Natulala sina Henric at Jared sa nangyari pero agad ding nakabawi at tumawa.  "  My dudes! Don't tell me? "  tanong ni Henric habang nakaturo sa bulaklak.  Umiling na lamang si Gio at nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Tumatawa lang ang dalawa habang nauunang maglakad si Gio papuntang cafeteria.  "  Pustahan tayo may gusto yun sayo my dudes? "  nangungulit pa rin si Henric kay Gio at ngayon ay nakaakbay na ito sa binata.  Hindi ito pinansin ni Gio at inabot na kay Henric ang bulaklak ngunit hindi nito iyon tinanggap.  "  My dudes, sorry pero hindi kita type. "  pagbibiro ni Henric pagkatapos ay tumawa.  Pinagmasdan ni Gio ang bulaklak at napailing sa kanyang naisip.  "  Tsk, that woman. " 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD