MIGUELITO (Ikatlong Yugto)

2070 Words
By: Ritmo Y Syggrafeas Naging Isang matinding palaisipan sa Matandang Monte Cielo ang katauhan ng isang pianista sa naturang hotel. May nabubuong konklusyon sa kanyang isipan pero pilit niya itong iwinawaksi. Madaming katanungan na gustong mabigyan ng kasagutan sa isipan ni Heinrich pero isinantabi na muna niya ito. Hindi ito Ang tamang pagkakataon para kulitin Ang matandang Monte Cielo. Magkamukha Sila ng pianistang nangangalang Miguelito, Hindi maikakaila na mayroon silang ugnayan. Kailangan niyang balikan Ang naturang hotel para muling makausap Ang naturang seminarista. Masaya naman si MIGUELITO sa laki ng naipong Pera ng gabing iyon. Marami ang nagbigay sa kanya bilang gantimpala sa kanyang magaling na pagtatanghal. Ang hotel mismo dinagdagan ang kanyang sahod dahil sa papuri na binigay sa kanilang Pamunuan. Plano niyang ibigay ang bahagi ng kanyang Kita Kay Aling Dolor. Para masuklian ang kanilang kabaitan sa pagkupkup sa kanya. Ang iba ay kanyang itatabi para sa Hinaharap. Agad naman niyang naisip Kung sino si Heinrich Monte Cielo, siya na ba Ang susi para matuklasan Ang kanyang nakaraan. Maagang nakatulog si Miguelito, sa kalagitnaan ng kanyang pamamahinga Isang panaginip Ang dumalaw sa kanya. Isang Nilalang Ang nagpakita sa kanya nagmula ito sa kailaliman ng kadiliman. May mababagsik itong mga mata at nang tuluyang matunghayan niya ang mukha ito ay may dalawang pangil na tumutulo pa Ang mga sariwang dugo galing sa kanyang bibig. Agad napabalikwas si Miguelito at nagising. Doon niya lang na naisip na panaginip, Isang masamang panaginip. Agad siyang nagdasal ng taimtim sa Diyos at muling Bumalik sa pagtulog. Inakala niya na Lang na bunga iyon ng kanyang pagod sa trabaho. Maagang nagising si Dolor para handaan ng almusal Ang dalawang binata. Halos nahihiya na si Dolor sa kinupkup na seminarista. Halos siya na ang bumibili ng kanilang pangunahing pangangailangan. Mas Malaki pa iniabot nito kaysa sa kanyang Anak na si Paulo. Parang anak na rin ang Turing niya sa seminaristang binata. Lalo pa itong naging guwapo dahil hindi na nagbababad sa araw. Ayon na rin Kay Paulo na napakatatag ng binata sa kaliwa't kanan na mga kababaihan na nagpapahiwatig sa kanya ng paghanga. Tanging magandang pakikitungo Ang kanyang maiukol sa mga ito May sumubok na siya akitin pero nahiya ito sapagka't pangangaral ang nakuhang kasagutan sa binatang seminarista. Walang pagtatanghal si Miguelito ng araw na iyon, ginagawa siyang pambungad na kawani para tumulong sa mga turistang namamalagi sa hotel. Laging may pakimkim Ang mga turistang kanyang natutulungan. Malumanay ito magsalita at may respeto sa bawat nakakaharap, higit sa lahat napaka gwapong Nilalang na kinagigiliwan ng lahat. Marami naman ang nagpahayag ng kanilang interes sa binata pero agad niyang ipinapahayag na siya ay seminarista na nakatakdang maging Pari. Lalo pa siyang kinagigiliwan ng mga ito sa kanyang napiling bokasyon. Ipinatawag si Miguelito ng Pamunuan, agad naman siyang nangamba baka may nagawa siyang pagkakamali. Pero agad siyang nabigla ng Makita si Heinrich Monte Cielo. Ipinaalam ng tagapamahala na gusto siyang makausap ng Binatang Monte Ceilo. Hindi nakatiis ang babaeng may ka edaran na, nagtanong ito kay Miguelito Kung may ugnayan ba Sila ng Negosyanting Monte Ceilo, agad naman siyang tumugon na Wala. Nag iling na Lang Ang babae na Hindi kubinsido sa isinaad ng Binata. Mas iisipin ng matandang boss na kakambal niya ito. Agad silang iniwan ng boss para makapag-usap. Deritsahan naman siyang itinanong ng Binata Kung saan siya galing at ano Ang estorya ng kanyang Buhay. Inilahad naman ng seminaristang Binata ang estorya ng kanyang Buhay. Kahit naguguluhan ang binatang negosyante sa totoong nakaraan Kung bakit naka-abot siya sa Simbahan at lumaki ito sa mga Pari. Mahigpit niyang niyakap ang seminaristang binata dahil kahit papaano nailahad ng kanyang Ina na may na buntis ang kanyang Ama pero dahil sa nakatali na ito sa kanyang Ina Hindi na nagawang panagutan pa ito. Isang malaking sakripisyo ang ginawa ng nakababatang kapatid nito na lalaki. Inako niya ang responsibilidad para mailigtas sa kahihiyan ang babae. Pinapahalagahan ng panahon na iyon Ang puri ng Isang Babae, napakababa ng Isang Babae kapag nanganak ito na walang ama. Malapit ang pamilya ng babae sa aking angkan at lingid sa kaalaman ng lahat lihim na tinatangi ni Tiyo Bernard si Cassandra kaya niya ito iniligtas sa kahihiyan. Bago niya ito ma isilang sa mundo pinakasalan si Cassandra ni Tiyo Bernard. Pero sa kamalasan binawian ng Buhay si Cassandra habang nanganganak, hindi kinaya ni Tiyo Bernard ang biglaang pagkawala ng Asawa kaya inatake ito sa puso. Nanatiling tikom bibig naman ang aking ama Kung nasaan ang Bata kahit si Lola Sigrid ganoon din. Naging isang misteryo sa aming Mag-ina kung nasaan ang aking kapatid. Ngayon may ideya na ako kung nasaan ang aking kapatid. Dahil sa lukso ng dugo, niyakap ni Heinrich ang binatang seminarista. Sabay sabi' Oh' aking kapatid, Labis ang aking kasiyahan na Ikaw ay aking nakadaupang palad. Matagal kitang hinanap kahit konting impormasyon Wala akong pinaghahawakan. Pero alam ng Diyos na hinanap Kita pero sadyang ipinagkait Nila sa akin Ang ano Mang impormasyon para ikaw matagpuan. Tumulo din ang mga Luha ni Miguelito sa Oras na yon dahil sa wakas may kaunting linaw na ang kanyang nakaraan. Buo ang kanyang tiwala sa kapatid na tutulungan siya nito na tuklasin Ang Misteryo ng nakaraan. Bago ito umalis mahigpit siyang ipinaalahanan ng kapatid na ilihis muna sa mga darating na magiimbistiga ang kanilang natuklasan hangga't hindi Nila batid Ang katotohanan sa nakaraan. Kung kaligtasan ba o panganib ang hatid ng kapalaran sa seminaristang kapatid, walang nakakaalam. Kung hindi niya kayang magsinungaling mas maigi muna na mag-iwas na Lang Habang gumagawa pa ng hakbang Ang kapatid sa ama. Nang makauwi Ang Binata agad niyang ibinalita Kay Aling Dolor ang natuklasan pati ang kanyang nakaraan ay nahalungkat sa kanilang paguusap. Umagos ang masaganang likido sa gilid ng pisngi ng ginang. Nagbalik tanaw ang Ginang sa nakaraan at isinalaysay Ang kwento ng Isang Bata na Iniligtas ng Isang Kumadrona dahil sa Isang Paniniwala na Wala naman makapatotoo Kung talagang lehitimo. Buong pagtataka naman ang Binatang si Paulo pagka't parehong hilam sa luha ang mata ng kaibigang seminarista at ng Inang si Dolores. " Agad naman nakuha ni Paulo ang pagkatagpi tagpi ng kaganapan. ' ikaw ang batang yon meg? Oo... Kaibigan ako Ang batang yon. Bale ikaw Ang kumadronang nagpaanak sa Akin Aling Dolor? Ikaw ang nagligtas sa aking Buhay? Umiling ang kumadrona na agad naman itong napahagulgul ng iyak. " Hindi ako Miguelito, Galing kami sa pamilya ng mga kumadrona... Ang aming Ina, ako at Ang aking nakababatang kapatid si Dominica. Bago mangyari ang trahedya na kwento ni Dominica ang bawat detalye sa gabing nagpaanak siya sa Mansion ng mga Monte Cielo. Pati ang paguusap nila na ipasunog Ang batang Monte Cielo pero hindi niya inilahad Kung saan niya ito ipinagkatiwala para na rin sa kaligtasan ng sanggol. Minabuti niyang Wala akong alam para magkagipitan man Wala akong mailahad sa kanila. Tanging salaysay lang niya na Ang bata nasa pangalaga ng Alagad ng Diyos. Nasaan na po Aling Dolor ang Anghel na nagligtas sa aking Buhay? Ipinaglaban ka niya Miguelito Hanggang sa kanyang huling hininga. Nagpakalayo layo si Dominica para mapalayo sa amin. Ayaw niyang madamay kami sa kinasasangkutang krimen. Mabuti man Ang kanyang hangarin, nagnakaw pa Rin siya ng sanggol. Hindi tumigil si Sigrid na hanapin si Dominica, isinuplong niya Ang aking kapatid sa otoridad. Naging makitid ang kanyang daan hanggang sa mahuli siya. Minsan binisita ko siya sa kulungan, puro pasa Ang katawan. Pinilit siyang mapaamin Kung saan niya iniwan ang Bata. Labis labis na torture ang kanyang naranasan. Hanggang sa bumigay na ang kanyang katawan, Hindi na niya kinaya at tuluyan na siyang pumanaw. Binaon niya Miguelito ang katotohanan para ma protektahan ka. 'Nagtagumpay ang aking kapatid, Hindi nasayang ang kanyang buhay.' Ngayon alam ko masaya na siya dahil mayroon na siyang anak na alagad ng Diyos. Ipagdasal mo siya Miguelito dahil mahigit pa sa Isang Ina Ang sakripisyo niya sa iyo. Salamat sa Diyos dahil matagal ko dinasal sa kanya na ikaw gabayan para maging makahulugan ang Buhay ng aking kapatid. Salamat sa Diyos dahil dinala ka niya sa akin, nasa dapit hapon na ako ng aking Buhay. Ngayon natupad na ang aking dinadasal at handa na ako lumisan Kung sakali man. Lubos kong ikakasaya kung Tawagin mo akong Nanay Dolores. Agad yumakap si Miguelito sa Matandang ginang. ' Salamat sa biyayang Buhay na ibinigay ng Diyos Kay Nanay Dominica. Salamat sa iyo Nanay Dolores dahil hindi ka nagpunla ng galit sa akin. Napayakap na rin si Paulo sa dalawa. ' May maniniwala Kaya Nay na kapatid ko ang poging seminarista na ito? Na agad naman nagpatawa sa tatlo. Taimtim na pagdarasal ng pasasalamat Ang inalay ni Miguelito ng gabing iyon. Napakabait ng Diyos sa kanyang Buhay at Hanggang Ngayon kusang ginagabayan siya ng Diyos sa katotohanan na kanyang inaasam sa kanyang totoong pagkatao. Isang Babae ang nakangiti Kay Miguelito, lumapit ito sa kanya at yumakap ng mahigpit. Ako si Nanay mo Dominica, lubos kong ikinararangal na maging bahagi ng iyong "Walang Hanggang Buhay". Saan kaman dadalhin ng kapalaran palagi mong piliin ang kabutihan. Maraming susubok sa iyong katatagan, palagi mo lang isabuhay ang mga aral ng Diyos. Ngayon matatahimik na ako. 'Salamat Nanay Dominica sa iyong Buhay, utang ko sayo Ang lahat lahat. Agad itong ngumiti at lumisan papasok sa puting liwanag. 'Nagising ang binatang seminarista na magaan ang puso, sa wakas kanyang nasilayan ang mukha ng kanyang Bayani. Napasalamatan ng personal sa biyaya ng kanyang Buhay. Pero na hiwagaan siya sa tinuran ni Nanay Dominica " Walang Hanggang Buhay". Nahiwagaan siya pero isinantabi niya muna ito at nagpahinga. Sa dami ng natuklasan niya ngayong araw, napagod Ang kanyang utak na ma proseso ang lahat. Nasa kalagitnaan ng pagsasanay si Miguelito sa kanyang itatanghal na piyesa ng pumasok ang Isang Ginang. Agad siya nagbigay galang sa ginang. Halatang mayaman ito dahil may Kasama pa itong dalawang Body Guard. Sinenyasan niya Ang mga ito na lumabas. Pinaupo niya Ang ginang, sinuyod siya ng tingin mula ulo Hanggang paa. Agad ito umiling iling. Sino ka ba? Bakit kamukhang ka mukha mo ang aking apo? Agad na man napagtanto ng Binatang Seminarista na ito na ang kanyang Lola Sigrid na nagbalak siyang ipasunog. " Agad pinakalma ni Miguelito Ang sarili at parang narinig niya Ang pangaral ng kanyang Tatay Gabriel. " Inaangat ng panginoon Ang mga taong kayang magpatawad sa kanilang kapwa". Mahinahon niyang sinagot ang Ginang " Ako si Miguelito De Fuego Señora, Andito ako sa bayang ito para sa dalawang taong paninilay nilay. Ako ay nakatakda na maging Pari. Isa akong tapat na alagad ng Diyos, Kung nakaabala man po ako sa inyong bayan ipagpatawad mo po. Saad ni Miguelito' 'Bueno! Sino ang iyong magulang? Ang aking mga magulang nasa kabilang bayan pa, Hindi pa ako pwedeng makauwi hangga't Hindi ko pa natapos ang huling pagsubok ng bokasyon. Ipahintulot mo sana na manatili ako dito ng pansamantala. Isa akong Romano Katoliko na Manampalataya at ginagalang ko Ang mga Pari. Naniniwala ako sa kamalasan na hatid kapag sinuway ko ang kanyang kagustuhan. Naniniwala ako na Ikaw ay nasa bokasyon dahil Ikaw ay may tawag mula sa taas. Kung ano man ang ugnayan mo o Wala man sa aking pamilya sana mananatili na Lang sa nakaraan. Ako'y aalis na at ipagpatuloy mo ang pamamalagi sa bayang ito hanggang matupad mo ang iyong piniling kapalaran. Paalam ni Donya Sigrid. " Pagpalain ka po Señora. Palihim na man nagkikita ang magkapatid at batid na Rin ni Heinrich Ang nakaraan na ni Dominica. Naging malinaw na sa magkapatid kung bakit nawala si Miguelito. Labis na pasasalamat ni Heinrich dahil sa ginawa ni Dominica para manatiling Buhay ang kanyang nag-iisang kapatid sa ama. Sa kabila ng katotohanan na kanilang natuklasan mahigpit na ipinaalaala ni Miguelito sa kapatid na huwag magpunla ng galit sa dibdib, matutung magpatawad at higit sa lahat isabuhay Ang sakripisyo ng Diyos para sa sangkatauhan. Naintindihan naman ito ng kapatid pero Hindi niya pwedeng isugal ang kaligtasan ng kapatid kaya gagawin niya ang lahat para hindi malantad sa kanyang pamilya Ang totoong katauhan ni Miguelito De Fuego na para sa kanya ay kanyang kuya Miguelito Monte Cielo. Hanggang sa susunod na kabanata..... Ano kaya ang magiging hakbang ng Pamilya Monte Cielo kapag lumantad si Miguelito De Fuego na Isang Monte Cielo? Ano kaya Ang hiwaga sa isinaad ni Dominica na "Walang Hanggang Buhay" Kay Miguelito? Sino ang lalaking nagpapakita Kay Miguelito sa kanyang panaginip na mula madilim na parti ng kanyang panaginip? Abangan!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD