MIGUELITO ( Ikalawang Yugto )

1859 Words
By: Ritmo Y Syggrafeas Matagumpay na natapos ni MiGUELITO Ang walong taon sa pag-aaral ng bokasyon. Siya ay nakakuha ng A+ na panghuling marka o katumbas ng 99+. Pero bago siya hirangin na Pari kailangan niya munang bunuin ang dalawang taon na pagninilay nilay para lubosang kilalanin Ang sarili. Hindi lahat bumabalik sa bokasyon Ang iba nag-aasawa at Ang iba naman nahahanap Ang kanilang Tadhana sa ibang misyon at ito tinatanggap naman ng Simbahan. Linggo ng Umaga sinadya ni MiGUELITO ang umuwi ng maaga para makasama sa ginaganap na Misa ng amain na Pari. Gustuhin man nito na samahan ang mga dating kasamahan na sakristan hindi na pwede sapagka't natapos na niya ang kursong Theolohiya at kasalukuyang nasa proseso para maging ganap na Pari. Pagkatapos ng ebanghelyo at repleksyon ni Father Gabriel buong puso niyang binati Ang anak sa ipinagkaloob sa kanyang biyaya ng panginoon na matapos Ang bokasyon sa seminaryo. Inimbitahan niya ito sa harapan para siya ang tumupad sa ikalawang pagbasa. Naging madamdamin ang kanyang pag-ganap, halos lahat naging emosyonal dahil sa kanyang pagbalik tanaw sa kanyang naging Buhay at papaano siya nagdesisyon na pumasok sa seminaryo. Lahat ay pagpupugay sa nakagisnang ama na Pari. Ayon pa sa kanya. " Wala man dugong dumadaloy sa aking Lupang katawan na galing Kay Father Gabriel De Fuego, dumaloy naman Ang kanyang kaluwalhatian sa Espiritual Na Aspeto. Salamat Tatay Gabriel, Sister Fatima na aking naging Ina dito Kasama ang lahat ng Madre na naging saksi kung paano ako lumaki. Sa aking Lolo't Lola na nagpadama sa akin na kompleto Ang aking pagkatao. Lahat kayo aking binabati dahil nagtagumpay kayo para igiya ang ulilang sanggol na maging MiGUELITO De Fuego na ngayon nagpupunyagi para maging ganap na maging Isa sa inyo. Pagpalain tayong lahat. Lahat nagpalakpakan Habang hilam sa Luha Ang kanilang mga mata. Agad lumapit ito Kay Father Gabriel at humalik sa kamay ng Pari. Bumalik na ito sa upuan at yumakap sa nga Madre na nagsilbing kanyang mga Ina. Batid ni Father Gabriel ang panganib na naka kabit sa Pasya ni Miguelito pero napapanahon na para harapin ang takot na pilit nilang iniiwasan mahigit dalawang dekada na Ang nakaraan. Habang nagkakape Ang mag-ama kanina, inilahad ni Miguelito na Plano niyang tuklasin Ang Misteryo ng Kanyang pagkatao. Ang dahilan na nag-udyok sa kanyang pamilya para siya iiwan sa Simbahan. Gagamitin niya Ang dalawang taon para mabuo ang puwang sa kanyang Buhay.... Ang katotohanan!.... Para sa kanya hindi kulang Ang kanyang pagkatao. Sobra sobrang biyaya Ang ipinagkaloob sa kanya dahil may Tatay Gabriel sa kanyang Buhay. Nagpaalam si MIGUELITO sa ama na susubukan ang Buhay sa labas ng seminaryo. May pag-alinlangan man buong puso parin iginawad ng Pari Ang pahintulot sa anak na gustong hanapan ng sagot Ang Misteryo sa kanyang pagkatao. Bago lumisan ang anak, isinalaysay ng Pari Ang lahat lahat ng bagay simula ng Iwan siya ng Isang Babae ng gabing yon. " ipinapabaon ko sayo anak ko Ang basbas ng panginoon na ipinagkatiwala sa Akin. Dalangin ko na mahanap mo Ang sagot sa iyong mga pag-alinlangan. Humayo ka at tuklasin Ang iyong pinagmulan, palagi mong isabuhay Ang mga aral ng ating panginoon gawin mo itong liwanag para Hindi sakupin ng kadiliman Ang iyong puso. Saad ng Paring Amain. Humayo Ang Binatang seminarista na tanging lakas ng loob Ang bitbit. Hindi niya alam Kung saan magsisimula dahil kahit kunti Wala siyang pagkakilanlan sa Babaeng nag Iwan sa kanya sa Simbahan. Pero buo Ang kanyang paniniwala na ginagabayan siya ng Diyos at siya mismo Ang gagabay sa kanya sa mga taong maging instrumento para malaman niya Ang kanyang pinagmulan. Una niyang naging hakbang Ang humanap ng trabaho para mapunan niya Ang pang araw araw na pangangailangan. Sa Isang hotel napadpad si MIGUELITO nagkataon na nangangailan Sila ng Isang Pianista. Bihasa ang binata pumitik ng piyesa nito dahil Isa ito sa mga natutunan niya sa seminaryo at kanya na Rin kinahumalingan. Agad niyang tinanong Ang sa bulwagan Kung bukas pa Ang naturang posisyon agad naman ito tinugunan Ang binata at sinamahan pa sa tagapamahala. Agad pinatugtug si MIGUELITO at labis Ang paghanga ng Babaeng nasa kalagitnaan na ang edad. " Bueno, magaling kang Pianista at Ang katulad mo Ang hanap ko. May ka aya ayang mukha at malakas Ang dating. Pwede kana magsimula bukas ng Gabi at Ang bayad ay pagkatapos mismo ng pagtatanghal. Lahat ng Pera na makukuha mo sa mga bisita na direkta na binibigay sa iyo tanggapin mo Wala na kaming paki alam o hati doon. Agad nagpasalamat si MIGUELITO at agad lumisan para humanap naman ng matutuluyan. Sinuwerte Ang Binatang Seminarista na paglabas niya ng bulwagan tinawag siya ng lalaking pinagtanungan niya kanina. Tinanong siya kung natanggap siya at agad naman siya nitong binati dahil magiging magkatrabaho na Sila. Inilahad ng Binatang Seminarista na Wala pa itong matutuluyan sapagka't Bago lng itong salta sa lugar at sa malayong bayan pa ito galing. Hindi naman nagdalawang isip Ang kausap na ialok Ang tirahan nito. Kahit Hindi pa lubosang kilala ni MiGUELITO Ang kausap, naramdaman naman niya na magaan Ang damdamin niya dito. Agad siyang nagpakilala dito. Kaibigan Ako si MIGUELITO De Fuego Isang seminarista nandito ako dahil binigyan kami ng dalawang taon para maranasan mamuhay sa labas ng seminaryo. Para kilalanin pa Ang aking sarili Kung buo ba talaga Ang aking pasya na maging alagad ng Diyos. Labis Ang tuwa naman ng kausap sapagka't Isang Aktibo na sumampalataya ng Romanong Katoliko na relihiyon Ang Ina. Matutuwa ito na kupkupin Ang seminarista na tinutupad Ang huling pagsubok sa pagka Pari. Kaibigan ako naman si Juan Paulo Del Prado kami na Lang ng Ina ko Ang magkasama sa Bahay at matutuwa iyon pag nagkaharap na kayo. Pero mamaya pa Ang labas ko, mahihintay mo pa ba Ako? Agad naman nagpasalamat Ang Seminarista dahil tinutugon talaga ng panginoon Ang kanyang pangangailangan. Halos dalawang Oras din Ang kanyang hinintay Bago matapos Ang trabaho ni Paulo dinaanan muna Nila Ang Isang kapilya na pinakausapan ni MiGUELITO na iwanan muna ng kanyang mga gamit dahil nga maghahanap pa ito ng pansamantalang Masisilungan. Agad binaybay ng dalawa Ang Isang Eskinita at sa dulo tumambad sa kanya Ang Isang Bahay na halatang pinaglumaan na ng panahon pero bakas pa Rin dito Ang ma detalye na istraktura nito. Pumasok Ang dalawa at kanilang nadatnan Ang Isang Matandang Babae na sa kanyang tantiya nasa sitenta anyos na ito. Agad naman inilahad ni Paulo bakit andun sa kanilang bayan Ang Binata. Lubos naman Ang galak ng ginang at kanyang ipinahayag na bukas Ang kanilang tahanan para sa kanya. Ayon na rin sa Ginang Isang biyaya sa panginoon Ang kupkupin siya Habang tinatapos nito Ang huling pagsubok para maging ganap na Pari. Agad inayos ng ginang Ang silid ng Seminarista at tinulungan pa siya nito na maisaayos Ang kanyang mga gamit. Agad silang dumolug sa hapag kainan para makapahinga na Ang lahat dahil may mga pasok pa ito bukas sa trabaho. Habang kumakain nagpakilala Ang ginang na siya ay si Dolores o Dolor. Dati siyang kumadrona pero dahil sa Isang pangyayari, tumigil siya at napapad sa lugar na ito. Dito niya na rin nakilala Ang Ama ni Paulo na kalaunan binawi ng maaga ng panginoon. Magmula noon binuhos na niya Ang kanyang Oras para magsilbi sa Simbahan bilang Religionary. Magkasundong magkasundo Sila ng Binatang Seminarista at pina-alahanan pa ito na sa kanyang taglay na mukha madaming magtatangkang tuksuhin siya, sana buo ang kanyang loob para matupad niya Ang pangarap na bokasyon. Kasalukuyang abala ang mga Tagasilbi sa mansion ng mga Monte Cielo, aalis Ang kanilang mga amo para sa Isang Gabi ng Parangal na igagawad sa mga negosyante na Malaki Ang ambag sa ekonomiya ng kanilang bayan. Ito ay idadaos sa natatanging 5 star hotel sa kanilang bayan. Napaka gwapo ni Heinrich Monte Cielo sa suot na tuxedo gaya sa inaasahan Isa siya sa mga business tycon na tatanggap ng parangal ng gabing iyon. Agad Bumaba Ang mga kalalakihan at pinagbuksan Ang matandang Monte Cielo si Donya Sigrid Monte Cielo. Siya ay Lola ni Heinrich Monte Cielo na Isang binatang business tycon. Kilala si Sigrid Monte Cielo sa kumonidad sapagka't mas napalago niya Ang negosyo ng biglaang mamatay Ang Anak na lalaki si Bernard halos kasabayan niya mamatay Ang kabiyak nitong si Cassandra na balitang balita na namatay sa panganganak sa kanilang panganay na anak, Kung saan napunta Ang Anak ng mag-asawa naging palaisipan at Isang Misteryo. Sa kasalukuyan naisalin na Ang pamamahala sa apo nito na lalaki c Heinrich Monte Cielo. Napakagara ng lugar na pinag dausan ng Gabi ng Parangal. Nakaka relax Ang himig na galing sa pianista sa TaaS ng entablado. Lahat ay tumayo ng pumasok na Ang matandang Monte Cielo dahil binigyan diin ng host Ang natatanging ambag nito sa kanilang bayan. Ganoon din Ang Apo nito na halos naging sentro ng atraksyon ng gabing iyon Lalo na at nanatili itong Binata sa likod ng tagumpay nito sa Mundo ng pagnenegosyo. Agad nagsimula Ang Gabi ng Parangal Isa Isa ng tinawag Ang mga tatanggap ng parangal. Sa Isang Banda madilim Ang kinarorounan ng seminaristang binata halos Hindi inaalis Ang tingin nito sa bawat piyesang pinipindot ng kanyang daliri. Ayaw niyang magkamali sa unang Gabi ng kanyang pagtatanghal. Halos patapos na ang huling piyesang nakalatag sa kanyang harapan. Pagkatapos niyang mag tanghal nanatili siya sa harap ng piano baka may idagdag pang piyesa. Agad tinawag Ang sentro ng Parangal ng gabing iyon si Heinrich Del Cielo. Nagimbal si MIGUELITO ng matunghayan Ang mukha ng business tycon, hinagod hagod pa niya Ang kanyang mga mata.... baka namamalik mata lang siya sa kanyang nakikita. Halos nanalamin siya sa sariling repleksyon sa salamin. Halos kopyang kopya niya Ang imahe lng lalaking negosyante. 'Nagsimula na magbigay ng talumpati Ang binatang Monte Cielo at pinasalamatan Ang lahat Sa matagumpay na Gabi ng Parangal. Ganoon ang batang Monte Cielo marunong magbigay pagkilala sa mga mumunting tao sa lipunan. Pati Ang mga waiter sa gabing iyon kanyang pinasalamatan. Binigyan niya naman ng papuri Ang pianistang nagtanghal dahil napakagaling nito sa pagtugtug. Agad natuon Ang spotlight dito at hiniling na tumayo. Nang humarap ito, halos nabigla Ang lahat ng bisita sa gabing iyon. Nabigla din c Heinrich Monte Cielo sa nasaksihan. Malito Ang sinuman pag nagtabi Ang dalawa. Pareho Ang tangkad pati Ang beloy nilo sa mukha ay kopyang kopya. Agad pinalapit ni Heinrich Ang pianista at tinanong ang pangalan nito at agad naman itong sumagot' ' Magandang Gabi po sa inyong lahat ako si MIGUELITO De Fuego galing sa kabilang bayan ako po Isang seminarista na kasalukuyang nasa labas para sa dalawang taong pagninilay nilay. Sana napasaya ko Ang inyong Gabi sa aking mumunting talento . Kahit naguguluhan tinapos ng Binata Ang pagtutulumpati at agad sinabihan Ang seminarista na mag-uusap pa silang muli. Dahil sa pagkagulat sa pangyayari, agad sinabi ng matandang Monte Cielo na masama Ang pakiramdam nito.... Maraming katanungan sa kanyang isipan, Agam-agam na minumulto siya ng nakaraan. Abangan po Ang ikatlong Yugto? Sino kaya si Dolores sa Buhay ni Miguelito? Ano Ang ugnayan ni Heinrich Monte Cielo Kay Miguelito? Ano ang magiging papel ni Sigrid Monte Cielo sa Buhay ni Miguelito? Abangan po natin ito sa patuloy na kabanata ng Miguelito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD