PAIN

1599 Words
Kabanata  2 (PAIN)   KRISTINE   " Gray sigurado ka bang wala kang ibang pupuntahan? Baka naman nahihiya ka lang magsabi sa akin. Hindi naman kita pipilitin na samahan ako sa clinic ng kakambal mo eh. Baka may date k----------   Napatigil ako sa aking paglalakad ng maramdaman ko ang pagdaop ng kanyang palad sa aking kanang kamay. Nilingon ko siya, napalunok ako ng maraming beses ng makita ko na naman ang napaka intimidating niyang mga mata. Yung kanyang mga mata na napaka itim, tiim at soulful kung tumingin. Sa tinagal tagal ng pagiging mag kaibigan namin.. actually he's one of my bestfriend. Kakambal niya si Diane Grace at kapatid nila ang asawa kong si Greg. Funny it may seems everybody thinks that we were a couple as in we were a couple in college days pero hindi kami umabot sa puntong iyon.. dahil nakuha at nanakaw ng panganay niyang kapatid ang puso ko. But everytime na mapagsosolo kami ni Gray.. nakakaramdam ako ng hindi ko maipaliwanag pagkailang.. na dati dati hindi ko naman nararamdaman. Nagsimula lang ito ng magpakasal ako sa kuya niya. Pasimple kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa aking kamay at iniipit ko sa aking kanang tainga ang ilang hiblang buhok na tumabing na sa aking pisngi. Bumuntong hininga siya at pilit na ngumiti sa akin na hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. " Wala akong ibang lakad at lalong lalo na wala akong babaeng dine-date Tin. I just got this weird feeling that you will need me this day."  Umingos ako sa kanya. " Yeah right. Wala ka ngang dine-date na ibang babae pero halos laman ka ng dyaryo at magazine na kung sinu sino ang kasama. Oh!! nakalimutan ko takot ka nga pala sa salitang commitment. Fling lang ang kaya m---------- " Im not afraid of commitment Tin. I am just enjoying my life being single. And I am waiting for someone that is already taken. Wala eh.. sa katorpehan ko nawala na siya sa akin.. inagawan pa ako. " bumundol ang aking kaba sa aking dibdib. Napayuko ako sa hindi ko maintindihan na dahilan.. bakit ganoon? parang may ibig sabihin ehh at parang patungkol sa aking lagi ang mga tirada niyang sagot. he was waiting for someone whose already taken?   dahil sa katorpehan niya   naagawan pa siya.   Nagtayuan ang aking mga balahibo sa katawan ng umabante siya papalapit sa akin.. umatras ako pero umabante siya ulit. Magkadikit na halos ang aming katawan. Yung hininga niya na damang dama ko sa aking leeg.. natetensyon ako kapag malapit siya sa akin.. nagririgodon ang aking puso sa tuwing nandyan siya .. damn!! Mahal ko ang asawa ko.. mahal na mahal ko siya pero bakit ako nagkakaganito? Naipikit ko ang aking mga mata  pero naimulat ko iyong bigla ng makarinig ako ng---------- click...   " We're here. Ano bang pinag iisip mong gagawin ko sayo at maputla ka pa sa bond paper Tin? "     Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na kami ng clinica ni Diane tapos nasa likuran ko pala ang pintuan.. wala talaga ako sa aking sarili. I composed myself and straightened my whole body. " W-Wala may naisip lang ako at s-saka kinakabahan ako sa result------------ " Okay sabi mo eh. Shall we g-go now?"  tinalikuran niya ako at tuluy tuloy na pumasok siya sa clinica ni Grace.  I walked slowly.. my heart was hammering inside my chest. Yung dalawang kamay ko nanginginig na rin. This is it.. this is what I've been waiting for .. gusto kong malaman kung ano ba ang problema sa akin.. sa amin at hindi kami makabuo ng aking asawa? Napairap ako ng makita ko ang kalandian ng talipandas na Gray na ito. Kaya naman pala sumama sa akin ang hudyo dahil naghahanap naman siya ng bagong biktima at wala iyong iba kundi ang assistant ni Grace na si Lilibeth. Mga walang hiya!! in front of me.. halos lamunin na nila ang isat isa dahil sa halikan?!! Pesteng yawang lalaki ito ang bilis bilis kumilos!!? Sadya kong pinatunog ang aking takong ng sapatos habang naglalakad ako para maawat sila pero pisti!! Oh my gahhd!! Ipinikit ko ang aking mga mata ng makita kong binuhat niya si Lilibeth at pinaupo niya iyon sa lamesa.. nagkandahulug hulog pa nga yung mga gamit at files doon sa sahig.. pero sila.. tuluy lang sa laplapan.. putragis na lalaking ito! " Grayson Rafael!! what the hell do you think your doing?!! Pang anim ko ng assistant yang si Lilibeth sa loob ng isang buwan!! Tapos titirahin mo na naman!!? Damuho kang lalaki ka!! puputulan na talaga kita ng kargada dahil dyan sa kamayakan mong walang kupas!! tanghaling tapat for god sake!!!" Just right in time. Nakapameywang sa aking tagiliran si Diane Grace habang salubong na salubong ang mga kilay. Tila nakakita ng multo si Gray at mabilis niyang naitulak si Lilibeth dahilan para mahulog ito sa lamesa.. Muntikan na akong tumawa ng malakas dahil doon.. Hindi magkamayaw sa pag aayos ng sarili si Gray habang si yung babaeng hitad ehh pulang pula ang pagmumukha ng dahil sa kahihiyan.   " A-Ate. . nagpapalamig lang naman ako. Saka alam ni Lilibeth ang real score e--------     " Nagpapalamig?!! pagpapalamig na pala ang tawag sa kalibugan mong lalaki ka!! Naku!! Gray matanda lang ako sayo ng 5 segundo pero magkaedad pa rin tayo kaya wag mong gawing matanda?!! When will you grow up!?  When will you be responsible for your actions?!! Damn! lagi na lamang ba ako ang aayos ng gusot  na pinapasukan mo?!! Damn!! hinuhuthutan ako ng mga babaeng naikakama mo------------- " Shut up Diane Grace! You damn well know kung bakit ako nagkakaganito. You chose him instead of me. So bear with the consequences! If you just let me have her------   lumipad sa aking direksyon ang kanyang mga mata, saglit lang iyon. His voice was full of anger.. he was livid.. enraged.. they were talking in riddles but I got this weird feeling that  I am involved.  " Wala sana tayo sa ganitong sitwasyon.. Binalaan na kita.. pero ipinagsawalang bahala mo ako dahil sa sobrang mahal na mahal mo siya." " Hindi totoo yan Gray. Mahal kita. Mahal na mahal kita. Kaya lang kinaila--------     " Yeah!! hindi ko ramdam Diane Grace. Dahil sa tuwing nakikita ko sila.. unti unti ako pinapatay ng sakit. Pero balewala iyon sayo dahil as long as masaya siya ayos na ang lahat. Ako ang kakambal mo pero siya ang pinabora----------  Hindi na maganda ang mga nangyayari.. hindi ko na rin gusto ang aking mga naririnig.. para akong nasu-suffocate sa kanilang dalawa.. matatalinhaga ang mga sinasabi nila.  Nilingon ko si Grace na tahimik na umiiyak sa aking tabi habang si Gray naman ay nakakuyom ang dalawang kamao at humihinga ng malalim. " Stop. Both of you stop. Minsan na nga lang kayong magkita nag aaway pa kayo." Nakakabinging katahimikan ang namayani sa aming tatlo. Kunut noong pinagmasdan kong mabuti ang anyo ni Grace mugtong mugto ang kanyang mga mata.. pulang pula ang kanyang leeg dahil sa labis na pag iyak.. pero kaiiyak lang naman niya kanina dahil sa mga sinabi ni Gray. So ang ibig sabihin kanina pa siya lumuluha bago pa kami dumating. " G-Grace may p-problema k------ I asked silently pero natahimik ako ng umiling siya sa akin at hinawakan niya ako sa aking kaliwang braso at hinatak niya ako papasok sa kanyang opisina.  " I-Im s-sorry. I'm r-really really s-sorry f-for this T-Tin. " I dont know what to say. Para bang nakikidalamhati siya sa akin. Napatingin ako sa puting sobre na inilagay niya sa aking mga palad. Hindi kinaya ng aking dalawang tuhod ang tensyon kaya naupo ako sa isa sa mga visitors chairs na nakaharap sa kanyang lamesa. Umupo rin siya sa aking tapat habang umiiyak na nakatingin sa akin. Hindi naman sana totoo ang iniisip ko. Nagumpisang manlabo ang aking mga mata kasabay ng dahan dahan kong pagbubukas ng puting sobreng inabot niya.. hindi ako magkandatuto sa pagbubukas.. wala na akong makita dahil sa aking mga luha.. nalaglag iyon sa aking mga kamay at ng akmang yuyuko ako at dadamputin iyon may mga kamay ng nauna doon. Tiningala ko kung sinu iyon.. its Gray..   kagat labing nagpasalamat ako. Inabot ko ulit iyon sa kanya.. ang akala ko aalis na sa kanyang kinatatayuan pero nanatili siya sa aking tagiliran.  " T-Tin, m-mahal na mahal k-kita t-tandaan m-mo yan. N-nandito lang a-ak--------------- Tanging tango na lang ang tugon ko kay Diane. Binuksan ko na ang aking hawak hawak. Inilabas ko ang papel doon at binasa-------------- Paulit ulit... paulit ulit kong binasa.. I am infertile / sterile in other words.. BAOG ako.. baog ako.. Ako.. ako ang may diperensya sa aming dalawa ng aking asawa.. Sa aking harapan.. unti unting nawawala ang aking mga pangarap na matagal kong binuo sa aking isipan.. Apat na anak.. Gusto ko ng kambal dahil may lahi silang kambal ehh.. kahit anong kasarian basta kambal. Dalawang beses kong gustong magdalantao ng kambal para hindi gaanong mahirap... pero papaano ko iyon gagawin------ sa harapan ko unti unting napupunit ang aking pangarap.. nawawala sa aking paningin ang apat na batang masayang naghahabulan kasama si Greg.. yung hahabulin ko rin sila para pupugin ng mga halik.. pero hindi na mangyayari dahil sa harap ko sinasampal ako ng salitang STERILE ..  " N-no!! D-Diane G-Grace s-sabihin m-mo sa aking h-hindi i-ito totoo!!! S-Sabihin m-mo!! b-baka n-nagkamali k-ka l-an----------- I was weeping like a child.. holding the papers near my heart.. nakaluhod na ako sa kanyang harapan.. sa kanilang harapan.. habang umiiyak at yakap yakap ko ang aking sarili.. ang sakit... ang sakit sakit... I want a baby.. kahit isa lang.. kahit isa lang.. bakit hindi pa niya ako pinagbigyan?!! I want a son or daughter that I will call it Mine..  I want it!! I want it!! But h-how?!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD