DECEPTION

1515 Words
Kabanata 1 (DECEPTION)   GREG   Hindi pwedeng mangyari ito. Hindi pwedeng ako ang may diperensiya. Nanginginig ang aking mga kamay halos malukot at mapunit ang puting papel na aking hawak hawak. Ipinikit ko ng ilang beses ang aking mga mata para masigurado kong hindi nga ako nagkakamali ng basa. Sana, sana lang talaga.. pero hindi---- nanghihinang dahan dahan akong napaupo sa upuan na nasa aking likuran lamang.     Kaya pala.. kaya pala hindi kami magkaanak ni Kristine.. sa loob ng lamang taon na pagiging mag asawa namin hindi kami biniyayaan ng kahit isang supling iyon ay dahil ako ang may kasalanan.. ako may problema..   I am sterile.. sterile.. baog ako..   "K-Kuya ayos ka lang ba? "   " Kuya?"   Nilingon ko ang nagmamay ari ng kamay na yumuyugyog na pala kanina pa sa aking kanang balikat.  Its Diane my youngest sister, kunut na kunot ang noo nito at kakikitaan mo ito ng matinding pag aalala.. para kasi akong tuod na nakatingin sa kanya pero tagus tagusan naman iyon..  hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalamat na siya ang naging doktor ko..  na hinayaan kong magpa test para malaman ko kung sino sa amin ni Kristine ang may problema.. ngayon alam ko na.. alam ko ng AKO. Tang ina!! nakakabawas ng pagkakalaki ehh!! pinangarap kong magkaroon ng tatlo o apat na anak.. gusto ko marami.. yung maingay at magulo ang bahay.. uuwi ako galing sa trabaho at pipila sila papunta sa akin para humalik sa aking pisngi.. pagkatapos sabay sabay kaming kakain ng hapunan.. yung pakiramdam na makita mo lang ang mga anak mo sa gabi mawawala na yung lahat ng pagod mo.. Yung maririnig mo ang mga hagikhikan nila, tawanan.. asaran pati na rin ang mga pag iyak nila---------------------- " T-totoo b-ba ito Diane? b-baka naman nagkamali ka lang.. b-baka n-napalita----------- b-bakit s-sa akin p-pa Diane?! "     " It's true kuya Greg.. tatlong beses kong inulit ulit para makasigurado talaga ako. I-Im sorr---------   " No!! hindi ko matatanggap 'to!! Uulitin natin, nagkamali ka lang!! damn!! damn!! Diane.. lalaki ako.. a-ako ang lalaki!! p-paano ko sasabihin kay ate Kristine mo ito?! Papaano ko sasabihin sa kanya na hindi ko na siya mabibigyan ng anak dahil baog ako!? " nilukot ko ang papel na aking hawak hawak at ibinato ko iyon kung saan na lang. " I-I want to be a father.. k-kahit isa l-lang.. k-kahit isa l-lang Dia---------- nanghihinang napasabunot ako sa aking buhok.. paulit ulit kong ginulo gulo yun habang nakatingala sa kisame.. nag iinit ang sulok ng aking mga mata.. nanginginig ang aking labi at buong katawan.. hanggang sa naramdaman ko na lang na malaya ng kumakawala sa aking mga mata ang mga butil butil na luha doon..   Gusto ko ng anak.. naging mabuting  asawa naman ako.. pero bakit kailangan sa akin mangyari i-ito?   Si Kristine, ang aking asawa.. hindi ako makahinga, ang sikip sikip ng aking dibdib.. naghahalo na ang luha at sipon ko pero wala akong pakialam.. Ano pa ang silbi ko bilang lalaki kung hindi ko naman mabibigyan ng anak ang aking pinakamamahal? Anong silbi ko? anong silbiii koooo!! king ina!! ako ang lalaki ako pa ang may problema!!       " K-Kuya k-kailangan mong h-huminahon. Kung magsasabi kang ng totoo kay ate Kristine a-alam kong maiintindihan ka niya... mahal na mahal ka kaya nun kaya alam kong mauunawaaan niya ang sitwasyon.. a-at saka i-isa pa m-may p-paraan pa naman para magkaanak kayo ehh.. y-you can always a-adopt----------------     Pakiramdam ko sinasaksak ako ng paulit ulit dahil sa mga binibitawan na mga salita ng aking bunsong kapatid.. adoption? f*ck that's not an option kung gugustuhin ko mang magkaanak gusto ko sa akin galing.. sa amin ni Kristine..  dugo at laman naming dalawa!! hell!! ngayon pa nga lang nahihirapan na ako paano pa kaya kapag nalaman na ng aking asawa ang aking kalagayan!! damn!! kahit mahal na mahal niya ako natatakot akong maiwan.. natatakot akong ipagpalit niya ako sa iba dahil hindi ko maibibigay sa kanya ang matagal na niyang pangarap.. ang magkaanak kami..     " Adoption was not an option Diane!! f*ck how can I tell to your ate Kristine that I am sterile?!! do you see where Im coming? kahit mahal na mahal niya ako may posibilidad na iwanan niya ako!! ipagpalit sa iba!! of all people bakit ako pa?!! matino akong tao!! matino!! kahit kailan hindi ako nagbisyo!! kahit alak at sigarilyo hindi ko sinubukan!! pero ako pa ang tinamaan ng lintek na pagkabaog na yan!!"       " Kuya!! calm down!! hindi mo pa nga nasusubukan  na magsabi sa kanya nagkakaganyan ka na? abot hanggang langit pagmamahal sayo ni ate Kristine kaya alam kong maiintindihan ka niya.. at saka hindi basehan ang pagkakaroon ng anak para masabing pamilya kayo.. buo kayo.. madaming option kung palalawakin mo lang ang pang unawa mo.. saka wala ka bang tiwala kay ate? do you really think na iiwan ka niya once you tell her the truth?  damn!! 5 years ka nga niyang pinagtiisan samantalang ako kung ikaw ang kasama ko sa maghapon at magdamag hindi ako makakatagal!! ngayon ka pa magdududa sa pagmamahal niya!! whats wrong  with you!! may karapatan siyang malaman kuya dahil asawa mo siya baka nakakalimutan mo!! "     " Shut up Diane!! just shut up!! wala kang alam!! wala kang alam kung gaano kasakit ang nararamdaman ko!! madaling sabihin yan dahil hindi naman baog ang asawa mo at may dalawa ka ng anak!! samantalang ako !! ako!! damn!! " I am out of line I know it at base sa nakikita kong takot at dissapointment sa mga mata ng aking kapatid alam kong nasaktan ko siya. Tumalikod ako sa kanya at saka ako humugot ng malalim.. maraming beses ko iyong ginawa para pakalmahin ang aking kalooban.. ang sikip sikip ng paligid.. this.. this feeling was suffocating.. niluwagan ko ang aking neck tie na suot suot.. dalawang butones din ang tinanggal ko para mas makahinga ako ng maayos..     Isa lang ang naiisip kong pwede kong gawin.. isasalba ko ang aking dignidad.. kung kinakailangan kong magsinungaling.. kahit sa kanya gagawin ko.. alam kong mali pero ngayon lang.. ngayon lang naman ako magsisinungaling sa kanya.. mas kaya kong tiisin ang mga luha na papatak sa kanyang mga mata.. ang sakit na makikita ko sa kanya dahil kayang kaya ko iyong pawiin sa pamamagitan ng aking yakap at halik.. kaya kong tiisin iyon pero ang iwanan ako.. ang kaawaan at makahanap siya ng iba iyon ang hindi ko kaya... mas mabuti pang mamatay na lang ako kaysa mabuhay ng wala siya.. Sa dami ng pinagdaanan naming dalawa hinding hindi ako makakapayag na ng dahil lang sa pagkukulang ko ay makakawala siya sa akin. I love her so much kaya ako nagkakaganito.     " Diane, can you do me a favor? " tila nabigla pa siya sa sobrang bilis na pagbabago ng mood ko. Kunut noong pinagmasdan niya akong mabuti. Lumambong ang kanyang mga mata at ngumiti ito ng bahagya sa akin.. nagulat pa ako ng pumalibot sa aking baywang ang kanyang dalawang braso at niyakap niya ako ng mahigpit.. at dahil matangkad ako sa kanya umabot lamang siya sa aking balikat.. " You know I will do anything for you Kuya Greg. "     " Reverse the result. Instead of me.. si Kristine ang palabasin mong may proble----------------     pak   " Nababaliw ka na ba Kuya?!! Gusto mong magsinungaling at lokohin ko si ate Kristine!! What do you think of me?!! Hindi pa ako nas-------     Tulig na tulig ako sa malakas na pagkakasampal niya sa akin.  Bumakat yata ang kanyang kamay sa aking pisngi.. ganito niya kamahal ang aking asawa.. they were like sister pero alam kong  kahit anong mangyari nasa akin pa rin ang loyalty niya.. binigla ko siya.. alam kong gagawin niya ito sa akin sa oras na sabihin ko iyon pero itinuloy ko pa rin.. worst come to worst. I am still his brother at alam kong tutulungan niya ako kahit pa nga labag sa kanyang kalooban.. I know I am being cruel.. pasasamain at pasasakitin ang kalooban ni Kristine but hell!! kung ito ang na lang ang paraan para hindi niya ako maiwan at kahit usigin ako ng aking konsensya araw-araw so be it!! I'll face the consequences just to be with her.     " I am your brother. Your loyalty must rely to me.. always to me.. N-Ngayon lang ako hihiling sayo Diane a-after all the things I've done for you.. I-Ito lang ang hihilingin ko sayong kapalit pero hindi mo pa ako mapagbigyan.. What happened to you will do anything for me if--------     " Kuya!! I cant.. h-hindi ko iyon kayang gawin kay ate.. naririnig mo ba yang sinasabi mo sa akin!!? Were practically sisters.. she's my goddamn bestfriend!! my bestfriend and you want me to just lie to her!! sisirain mo ang buhay niya!! nating lahat dahil sa kalokohan mo!! just tell her the truth maiintindihan ka ni-------------------   I kneel in front of her.. this is my last resort.. pinagkatitigan ko ang kanyang mga mata.. damn para akong tangang nagmamakaawa sa kanya at kitang kita ko ang pagkatigalgal niya .. ang pagpapatakan ng kanyang mga luha habang nakatakip sa kanyang bibig ang kanyang kanang kamay para pigilan doon ang mga hikbing pilit na kumakawala pa rin sa kanya.   " P-Please Im b-begging you Diane.. h-help me. "   "K-Kuya.. ---------hindi sa g-ganitong p-paraaan----- K------   "Please----   " K-Kuya.. wag ganito.. mahirap ang p-pinapagawa m------     " Diane.. k-kung h-hindi mo rin lang ako t-tutulungan------- magpapakamatay a-ako. "     " Kuya!! "  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD