Chapter 3

2760 Words
Kanina pa napapansin ni Lander ang itim na kotse na pabalik-balik ito sa harap ng apartment ni Samina Herrera. Hindi naman nakatiis si Lander at bumaba siya sa taxi na kanyang minamaneho at pinuntahan yong itim na kotse. Masama kasi ang kutob niya rito. Kinatok niya ang tinted na bintana sa gawi ng driver at pinagbuksan naman siya nito kaagad. Ang angas ng itsura ng driver. Kaya't agad niyang binunot ang baril at itinutok ito sa leeg ng lalaki. Tas tinanong niya ito sa lenggwaheng portuges kung sino ito at sino ang minamanmanan nito sa apartment. Nagmamakaawa pa nga sa kanya ang driver ngunit hindi pa rin nito sinasagot ang mga katanungan niya. Through his earpiece, he monitored the bug Jenan had planted in Herrera's apartment that afternoon. Simula palang kasi nang lumabas ito sa pinagtatrabahuan nitong bangko, sinusundan na nila ito ng team niya. At napapansin nga niyang parang nahahalata sila ng babae sa pagsunod nila rito. Samantala nang makita niya sa personal si Miss Herrera para siyang isang fan boy na nabato-balani sa isang sikat na artista. Mas maganda kasi ito sa personal kaysa don sa surveillance photo na pinapakita sa kanila. Ngunit naramdaman niyang hindi lang naman sila ang nakasunod dito. Lalo na't kanina pa niyang nahahalata ang itim na kotse na nakaaligid sa apartment ng dalaga. Kukontakin na sana niya si Jenan sa pamamagitan ng earpiece nang biglang may sumigaw na babae. At yong naririnig niyang sigaw hindi normal yon sa isang babaeng nakakita lang ng daga o ipis, kundi sigaw talaga iyon sa babaeng nakaramdam ng matinding takot. Ngunit hindi na ito muli pang nasundan ng sigaw. Napamura nalang si Lander saka hindi na siya nagdalawang isip pa na paluin sa hawak na baril ang ulo ng driver. Kaagad naman itong nawalan ng malay. At humakbang na siya papunta sa likod ng apartment. "Dragon Ball," tawag niya kay Jazz gamit ang call name nito. "Narinig niyo ba ang narinig ko?" "Papunta na ako diyan." Nilibot naman ni Lander ang likod ng apartment at naghahanap siya ng maaakyatan. Saka napatingala siya sa bukas na bintana ni Miss Herrera na nasa ikalawang palapag. "Cover her front door. Aakyat naman ako rito sa likod na bintana. Rough Rider, Trailblazer, do you copy?" "Copy." sabay na sagot nina Jarred at Royet. Kailangan niyang magmadali baka nanganganib na ang buhay ng kanilang asset. "Hold your positions. Dragon Ball, kung nakita mo na kahina-hinalang tao ang kasama ni Miss Herrera paglabas ng apartment nito, itumba mo kaagad. Pandora, ikaw naman ang bahala sa driver ng itim na kotse na naka park sa di kalayuan lang sa apartment ni Miss Herrera. Hinimatay lang kasi iyon nang paluin ko siya ng baril." "Roger that." sagot naman ni Jenan. Then the wire tap had gone dead-silent. Tiningala niya ulit ang bintana. Nag-iisip pa siya ng paraan kung paano siya makaakyat don na hindi siya mahahalata. Sigurado kasi siya na kung sinuman man ang nagtangka ngayon sa buhay ni Miss Herrera ay highly trained professionals ang mga iyon. "We're going balls to the wall, guys. Dahil pag nagkataon, itong pag escort lang sana natin ni Miss Herrera ay baka magiging hostage rescue na." Kinuha naman niya ang nakasukbit na animo baril sa kanyang likod, aimed the window and pulled the trigger. Isang napakatibay na lubid ang lumabas doon at umangkla sa may bintana. Pressured air from the pneumatic gun cracked the silence, pero hindi naman iyon masyadong nagdulot ng matinding ingay. Ginamit niya ang lubid na iyon upang makaakyat siya sa bintana ni Miss Herrera. Ngunit nang tuluyan na siyang makapasok sa bintana, ni isang tao sa unit na iyon ay wala siyang nakita. Dahan-dahan naman niyang binuksan ang nag-iisang kwarto roon pero wala pa ring tao. Kinuha niya ang handheld radio mula sa kanyang thigh holster at tinawag si Jazz. "Dragon Ball, nariyan ka ba sa harap ng apartment?" "Affirmative." "Any movement or sound? Wala kasing tao rito sa unit ni Miss Herrera." "Wala rin dito. Kung nakalabas man sila sa apartment, hindi dumaan ang mga ito sa harap." Tiningala niya ang kisame. Maaring doon sila dumaan. Napatingin siya sa kama nito, maayos lang naman ang pagkakaayos nito at walang gusot. Inilagay niya ulit ang handheld radio sa pinaglagyan nito at si Jenan naman ang kinontak niya. Ngunit wala sa kabilang linya ang pinsan. Nasaan ka ba Jenan? Tiningnan niya rin ang banyo nito at nakita nalang niya na nagkalat sa sahig ang mga gamit sa panligo nito. Naroon din ang pares ng heels nito. Pano ito napunta dito? Tama nga siguro ang hinala niya na may tumangay kay Miss Herrera. Lumabas na siya sa banyo at nag-ikot pa sa buong unit, ngunit napansin nalang niya na nakasiwang ang pintuan ng cabinet nito sa sala. Dahan-dahan niya itong linapitan at hinay-hinay na binuksan. Ngunit laking gulat nalang niya nang makita niya ang isang malaking butas sa likod ng mga naka hanger na damit. "Dragon Ball, pumunta ka rito sa unit ni Miss Herrera ngayon na." tawag niya kay Jazz. Few minutes later, a crash sounded, then Jazz was behind him. On a hunch, Lander cleared the hanger rods, dumping clothes to the floor. Bingo. Isa ngang lagusan ang nakikita niya papunta sa tabing unit. It was a three-foot square hole had been opened through the drywall into the closet of the adjoining apartment. But the vacant unit beyond was bare. Sinenyasan naman niya si Jazz na e-cover siya. Akmang papasok na sana siya sa butas na iyon nang biglang lumitaw ang isang lalaki at papalapit ito sa parehong butas. Yumuko ito at nang saktong mag-abot ang mga titig nila, agad niya itong sinuntok sa mukha. Nang agad makabawi ang lalaki, mabilis na hinugot nito ang baril sa kanyang beywang at papuputokan sana siya kung hindi niya lang naunahan sa pagsipa ang kamay nito. Bigla namang sumugod si Jazz at lumipad ang dalawang magkasunod na sipa nito sa dibdib ng lalaki na nagpabagsak sa huli. Tumunog ang kanyang handheld radio at boses ni Royet ang naririnig niya sa kabilang linya. "May nakahinto ngayong van sa tapat ng apartment ni Miss Herrera. Parang may hinihintay ito...Ayan na bumukas na ang pintuan ng van." Kaagad niyang sinilip sa bintana ang sinasabing sasakyan ni Royet at nakita nga niya sa baba ng apartment ang asul na van. "Binilang ko ang mga nakasakay sa van. Apat lahat sila." boses naman ni Jarred ang naririnig niya. "I have a clear shot at the driver." "Gawin mo na ang dapat mong gawin. At barilin mo pati ang mga gulong nila." "Roger that." Sunod-sunod na putok ang umalingawngaw ngayon sa paligid. Pagsilip niyang muli sa bintana, isang tagos ng bala ang tumama sa windshield. Walang duda patay na ang driver nito. Tinaguriang sharpshooter kasi iyan si Jarred kahit noong nasa training palang. Hindi agad nakasukli sa kanila ng paputok ang mga nakasakay sa van. Hanggang sa bumukas ang isang bintana at iniumang doon ang dulo ng baril saka pinapaputokan ang direksyon nila Jarred. Binuksan naman ng isang lalaki ang sliding door ng van at dali-daling pumasok doon ang lalaking tangay-tangay ang isang babae. Samina Herrera. "Rough Rider, trailblazer, hold your fire. Nasa loob ng van ang asset natin." Once she was inside the van, nagpakawala na naman ng sunod-sunod na putok ang mga lalaking nakasakay sa van sa direksyon nina Jarred at Royet. Lander chose the perfect moment when both men's hands were busy shooting at his comrades. Siya naman ngayon ang gumanti sa pagbaril sa mga lalaking nagpaputok sa mga kasamahan niya. Ngunit hangga't kasama ng mga ito ang kanilang asset, hindi siya pwedeng magkamali sa pagbaril. Sinuklian naman siya ng mga ito ng paputok sa direksyon niya. Buti nalang at agad siyang nakadapa sa sahig. Nilingon niya si Jazz at nakita niyang abala pa rin ito sa pagtali sa mga kamay at paa ng kanilang bihag. "Trailblazer, ano na ang sitwasyon diyan?" tanong niya sa pamamagitan ng handheld radio. Huminto na rin ang putukan galing sa kanilang mga kalaban. "Yong lalaking bumaril sayo ay kakalipat lang sa driver's seat at ito na ngayon ang nagmamaneho." pagbigay alam ni Royet. "Bwisit!" aniya saka umakyat siya sa window sill. "Pandora, kailangang maharangan ang van bago sila tuluyang makaalis sa lugar na to. Dragon Ball, e-cover mo ko. Bababa ako." Jazz appeared next to him, his rifle at ready. Naghahanda naman si Lander na dumaan ang van sa gitna niya saka siya lulundag sa bubong ng sasakyan. At pagkadaan nga sa van. Tumalon agad si Lander mula sa bintana sa ikalawang palapag. Blag! Nang matagumpay siyang nakalapag sa bubong ng van. Bigla namang tumulin ang takbo ng sasakyan. Mabilis siyang dumapa sa bubong habang hawak-hawak ang isang smoke grenade. And that moment, yong itim na kotse kanina ay nakaharang na ngayon sa exit. Nakita naman niyang si Jenan ang nagmamaneho niyon. Dahil sa alisto ang mga lalaking nakasakay sa van kaya't pinaulanan nila ng mga bala si Jenan na agad namang nakatalon ang dalaga mula sa kotse. Lander pulled the pin from the smoke grenade with his teeth and chucked it through the open passenger window. Rinapido naman siya ng mga bala sa itaas ng bubong hanggang sa tuluyang bumalot ang usok sa loob ng van. Gumiwang-giwang ang takbo nito hanggang sa mabangga ito sa isang barikada. Bahagyang nayanig ang kanyang mundo ng mabangga ang van. Ngunit agad rin naman siyang nakabawi mula sa impact lalo na nang makita niya ang dalawang lalaki na tumatakbo papalayo sa van, at buhat-buhat ng isa si Samina na parang isang sako. Kailangan niyang habulin ang mga ito hangga't hindi pa nakakalayo ang mga ungas. Tumakbo siya ng mabilis sa abot ng kanyang makakaya hanggang sa lumiit ang distansya niya sa pagitan ng mga ito. Napaangat naman ng mukha si Samina at nag-abot ang mga mata nila. Pusang-gala naman oh, di na tuloy siya makapagpokus sa paghabol sa mga ungas dahil sa mga titig sa kanya ng babae. The fear and hope for rescue in her expression hit him straight in the gut. Pinagtuonan niya ulit ng pansin ang ulo ng ungas na tumangay kay Samina kung papaluin niya ba ito kung sakaling maabotan na niya ito. Though his earpiece had dislodged and he had no idea where his handheld radio ended up, he could feel the presence of his team around him. Batid niyang hindi siya pababayaan ng mga ito. Nagkahiwalay din kasi sila ni Jazz. Ngunit naisip niyang tumigil nalang sa paghahabol sa mga ungas at mas mabuting hahamunin na lamang niya ang mga ito. "Hey!" Tawag niya sa mga ito na ikinalingon naman ng dalawa. "The one with the asset. I'll challenge you." Huminto na ang mga ito sa pagtakbo at ibinaba na rin ng isa si Samina. Nagpupumiglas naman ang babae pagkababa nito. Medyo nagulat nalang siya nang biglang lumitaw si Jazz sa likod ng mga kidnapper. Inangat nito ang baril sa ere at...Boom! Bagsak ang isa sa aspaltong kalsada. Sapul siguro ito sa ulo. Napalingon naman kay Jazz ang kidnapper na may hawak kay Samina, at mukhang desperado na nga ito kung kaya't mabilis niyang itinutok sa leeg ni Samina ang hawak nitong baril. At ang isang kamay nito ay parang may hawak na detonator. Nanigas tuloy si Lander sa kinatayuan niya habang nakahanda naman si Jazz na bumaril. Tinitigan niya ang katawan ni Samina, mukhang walang nakalagay na bomba roon. Sakto lang kasi sa katawan nito ang kanyang office uniform at kung may bomba nga sa katawan nito siguradong mahahalata niya. Pero hindi kaya suicide bomber ang ungas, at nasa katawan nito ang bomba? Hinuha rin niya kung wala sa katawan ng ungas baka doon nila inilagay sa apartment ni Samina o baka sa sinasakyan nilang van. Hindi rin niya maaring barilin ito dahil isang kalabit lang sa detonator, sasabog ang kinaroroonan ngayon ng bomba kung nasaan man iyon. Pilit pa ring nagpupumiglas si Samina sa pagkakahawak sa kanya ng ungas. Tinitigan siya ulit nito, but this time, konting pag-asa nalang ang nakikita niya sa mga mata nito dahil sa tingin niya mas nangingibabaw ang takot nito. Nakapokus na ngayon ang paningin niya sa daliri ng ungas na may hawak ng gatilyo at pabalik sa mukha nito. Alam niyang medyo na te-tense rin ito. Minandoan pa nga sila ni Jazz sa lenggwaheng portuges na ibaba ang mga baril nila, ngunit wala sa kanilang dalawa ni Jazz ang nagbaba ng baril. Patience was the name of the game now. Any second, something was going to change the balance of the situation. Either biglang dumating si Jenan at tulungan sila, o baka sa kapupumiglas ni Samina ay makawala ito sa pagkakahawak ng ungas. All Lander needed was the slightest hairline fracture in the tension to give him the perfect opportunity to strike. Ngunit napansin niya na tumigil na sa pagpupumiglas si Samina. He watched her bare feet plant more firmly on the ground. The muscles of her calves stiffened, like she was bracing for something. Sana lang masabi niya sa babae na sila nalang ang bahala sa sitwasyon at ibalato nalang sa kanila ang ungas na kidnapper. Pero sa tingin niya may niluluto ngang plano ito. With a shriek that nearly made Lander flinch, she shoved her elbow back, straight into the man's stomach. Whoa! Ninja moves for a civilian. Stupid as hell, but impressive nonetheless. Panandalian namang namilipit sa sakit ang ungas. "Get down!" sigaw ni Lander kay Samina. Hindi naman ito nag-aalinlangan sa pagdapa. Kaya napapahanga siya sa pagkamasunurin nito. The instant she was clear, Lander shot the kidnapper through the neck. Hinding-hindi niya ito maaring bigyan ng kahit konting tsansa na makapanakit kay Samina Herrera. The man crumpled to the ground, raising the detonator above his head. Buti nalang at mabilis ang mga galaw ni Jazz at binaril nito ang kamay ng lalaki na may hawak na detonator bago paman ito mapindot. Agad naman na tumakbo si Lander sa kinaroroonan ni Samina at kino-cover niya ang katawan nito hanggang sa marinig nila ang isang malakas na pagsabog. The shock wave smacked him hard, pero buti nalang buo pa rin naman ang mga katawan nila. Ngunit alam niyang nasa malapitan lang ang pagsabog na iyon. Pagkaangat niya ng ulo bumungad sa kanya ang matinding usok at kung hindi siya nagkakamali, ang usok na iyon ay nanggaling sa apartment ni Samina Herrera. Sirens sounded in the distance. At baka ilang minuto lang ay dadating na rin ang mga pulis. Kaya't hindi maaring manatili pa rito si Samina. "I'm getting her out of her." sabi niya kay Jazz habang abala ito sa pagligpit sa dalawang napatumba nila na kidnapper. Tumayo na siya ngunit nanatili pa rin sa kanyang posisyon si Samina. At dahil wala na siyang oras na magpaliwanag o maghintay pa rito kaya bigla niya itong binuhat papunta sa taxi na inarkila nila. At sa wakas nakasakay na sila sa taxi na minamaneho ni Lander habang nakatutok pa rin ang mga mata ni Samina sa nasusunog nitong apartment. Nasa backseat ito nakaupo at kinuha na rin nito ang duct tape na nakatakip sa bibig nito. Humugot ito ng malalim na hininga saka nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa kanya na may halong takot. Still, irrational though it was, ngunit kailangan pa ring mapanatag ang loob nito sa kanya, kaya sinabi niya ang bagay na unang pumasok sa isipan niya. "Nice jab to the guy back there." "What?" she breathed. Sablay yang damoves mo, Lander. Sabi na nga bang tumahimik na lamang siya. Hinugot nalang niya ang pocket knife mula sa kanyang binti at kinalagan ang dalaga sa tali nito sa mga kamay. Bahagya namang napaatras ang dalaga sa kinaupoan nito na parang takot itong masaksak niya. Hindi ba nito na realized na siya ang nagligtas sa buhay nito? Kung makatingin kasi ito sa kanya para siyang serial killer. "Miss, calm down. If I wanted to hurt you, I wouldn't need this knife to do it." Napasinghap ito saka palihim pa rin itong napapaatras sa kinaupoan. Hindi naman niya maintindihan ang sarili kung naiirita ba siya sa dalaga dahil sa kawalan ng tiwala nito sa kanya. Napamura na lamang siya sa sarili at hinablot ang mga kamay nito. "Stop squirming. We need to get out of here." Napatango-tango ito. Thank God at nag cooperate ito. "Who are you?" "Doesn't matter. I'm only the driver." Sagot niya. She started to ask something else, ngunit pinili na lamang niyang ignorahin ito. At nang maalala niya na nasa compartment lang pala ng kotse ang ekstra na radyo, kinuha niya ito at tinawag si Jenan. "Pandora, you copy?" "Copy, Daredevil." sagot nito. "Pulling away. You and Dragon Ball ready to roll?" "Right behind you, bro." He twisted to look over his shoulder at Samina. She was acting scared again - breathing swallow, eyes wide, jaw tight. He hated that it had to be like this for her. Pero wala na siyang magagawa, nangyari na to. Programa rin kasi nito ang pinaghahabol ng mga masasamang loob. Best he could do for her was keep her unharmed until he delivered her to the safe house. Sana lang mahigpit na proteksyon ang ibibigay ng mga ito kay Samina Herrera gaya ng pagprotekta niya rito. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD