Chapter 2

1780 Words
Rio de Janeiro, Brazil Noong pitong taong gulang pa lamang si Samina ay pumupuslit talaga siyang kumain ng candy kahit pa pinagbabawalan siya ng mga magulang niya. Makakasira raw kasi ito sa ngipin niya. Ngunit gusto talaga niyang ma thrill eh, sa murang edad gusto niyang maranasan kung pano suwayin ang mga ipinagbabawal sa kanya. Katulad din ito ngayon, gusto na naman niyang maranasan ang thrill sa buhay kaya gumawa siya ng specialized program laban sa money laundering. Makakatulong din naman ito sa pag detect sa ilegal na transaksyon ng pera. Ngunit alam niyang mapanganib ito dahil ilegal din itong ginagawa niya. Nagawa lang naman niya ang programang ito para lang may mapaglibangan siya sa tuwing wala siyang pasok sa trabaho. Magastos kasi ang maglakwatsa kaya minabuti niyang magpermi sa kanyang apartment at bigla nalang niyang naisipan ang paggawa ng programa. Tuloy naging paranoid siya lately, para kasing may mga matang laging nakasunod sa kanya kahit nasa bangko man siya o sa kanyang apartment. At sa tuwing magbabyahe siya pauwi galing sa trabaho, para talagang may sumusunod sa kanya. Naibsan lang ng konti ang kanyang takot dahil maliwanag pa naman sa tuwing uuwi siya sa kanyang apartment. Pero hindi talaga niya maiwasan na hindi mag-alala kasi dala-dala niya araw-araw ang flash drive. Ayan na ang napala mo Samina, pakialamera ka kasi. Aish! Nagtatalo na naman si ID at si SUPEREGO sa loob ng kanyang braincells. Ang nilalaman kasi sa kontrobersyal niyang flash drive ay mga personal account ito sa mga kliyente nila sa bangko na hindi niya dapat kinokopya kasi bawal nga. At sa ginawa niya, marami siyang nilalabag na polisiya sa bangko at tiyak na mawawalan pa siya ng hanapbuhay. But she had to get the data results from the algorithm straight in her head. Hindi pa rin niya uurungan ang natuklasan niya hangga't maresolba niya ang misteryong nakabalot nito. Buti nalang at hindi siya nilaglag ng kanyang bossing nang sabihin niya rito ang tungkol sa programa niya. Close rin kasi sila nito. Ang gusto lang nitong mangyari na ibigay rito ang kopya ng programang ginawa niya para daw matingnan nito ang kahalagahan niyon. Ngunit ang sabi ng kanyang instinct na huwag daw niya itong basta-basta nalang ibigay kanino man. Kaya tuloy nagugulohan na siya. May karapatan din kasing malaman ito ng bossing niya. Napukaw lamang siya mula sa malalim na pag-iisip ng bugahan siya ng usok mula sa papaalis lang na bus. Naubo tuloy siya. Bwiset! Narito kasi siya sa bus station kung saan naghihintay siya ng masasakyan pauwi. Ngunit nararamdaman na naman niyang may mga matang nakatitig sa kanya. Kaya palihim niyang inoobserbahan ang paligid, pero wala siyang kahina-hinalang nakita. Ayan kasi eh, ito rin ang napapala niya sa kakapanood ng horror movies. All-time favorite kasi niya ang mga iyon. Gusto talaga niya ang makapigil-hininga na thrill pag manonood siya non. Simula pagkabata iyon na talaga ang nakahiligan nilang panoorin ng mga kaibigan niya. At pagkatapos nilang manood, maglalaro naman sila ng multo-multohan. Habang nakasakay na siya ng bus, hindi pa rin mawaglit sa kanyang sistema ang kakaibang pakiramdam. Kaya't palihim siyang napapasulyap sa mga nakasabay niyang pasahero. Normal lang naman ang nakikita niyang pang araw-araw na pasahero. Gaya ng isang ina na may dalawang maliit na bulilit na katabi nito. Mga naka uniporme na studyante at trabahante. At mga binatilyo't dalagita na abalang-abala sa kakatipa sa kanilang cellphone. Wag ka ngang masyadong paranoid, Samina. At para ma divert ang lahat ng iniisip niya, kinuha niya ang phone mula sa kanyang bag at dinayal ang numero ni Clarkson. Si Clarkson lang naman ang bestfriend at kababata niya since gradeschool. Magaling din ito sa math. Ito rin ang tumulong sa kanya kung bakit naririto siya ngayon sa Brazil. Ngunit hindi na niya ito gaanong nakakausap simula ng mag-asawa ito at magka-anak. Pero paminsan-minsan naman dinadalaw niya ang mga cute na mga chikiting nito.  "Hey, Clarkie. Tuloy pa rin ba ang dinner natin bukas?" "Tuloy na tuloy na. Sana makarating din noh ang iba pa nating ka batchmate na naririto rin ngayon sa Brazil." O-M-G. Sa sinabi pa lang ni Clarkie, napi-picture out na niya kaagad ang mga nagwagwapuhan nilang batchmate noon na mga engineer na ngayon sa Brazil. "Oi Clarkie, single pa ba ang iba sa kanila?" Natahimik bigla ang kaibigan sa kabilang linya. Saksi kasi ito sa kabiguan niya noon. "I'm sorry Samina, hindi na kita muling irereto pa sa mga klasmet ko." "Ano ka ba, hindi naman ako naghahanap ng jowa noh. Kuntento na ako kay Carlo, I mean Carla." tukoy niya sa beki na kaibigan. "Samina Mariah Herrera, kailangan mo pa ring magkakaroon ng boyfriend dahil hindi ka na bumabata. You need a man you can talk to and fondle." "Tama ka. Pero sa tamang panahon, Clarkie." aniya rito. "Hopeless rin namang magkakaroon ako ng jowa dito. Hindi ko kasi tipo ang mga Brazilian." Napatawa lang si Clarkson. "Oi sweetie, balang araw makikita mo rin ang lalaking kasing bait at gwapo ko. At magmamahal sayo ng tunay." "Naku Clarkie, fantasy boyfriend yang sinasabi mo." Medyo hininaan naman ni Samina ang boses dahil nahalata niyang nakatingin na ang ibang pasahero sa kanya, baka hindi niya namalayan na napalakas na pala ang boses niya. Anyway, wala naman sigurong makaintindi sa kanya sa bus na iyon, maliban nalang kung may nakasakay na pinoy. "Ang gusto ko lang ipahiwatig na dapat may standard ka sa pagpili ng boyfriend." "Saglit lang Clarkie ha, kasi bababa na ako." aniya saka pinara niya ang bus na sinasakyan. The bus reached Samina's stop, three blocks from her apartmet building. Hindi na siya mukhang paranoid ngayon na nakausap na niya ang bestfriend. Ngunit napalinga-linga pa rin siya sa pagbaba niya sa bus. "Alam mo ba sa horror movies, kung maglalakad mag-isa ang isang babae, kadalasan may masamang mangyari sa babaeng iyon." Pananakot pa sa kanya ni Clarkson. "Hindi naman ganon sa lahat ng horror movies na napanood ko noh." Napatawa ito. "Kasi kinakain mo ang takot sa lahat ng horror movies na napanood mo na." "Gusto ko nga ang mga extreme horror movies eh, Katulad nalang sa pelikulang Nightmare, aba sa tuwing mapapanaginipan ng babae si Freddie Krueger, talagang ma e-excite ako." "Classic na movie yan, di ba?" untag ni Clarkson. "Mukhang isa yan sa top 10 kung napanood na horror movies dahil sa kagagawan mo." "Ay naku, apir tayo. Matapos nga nating manood nong nightmare, eh nagtagu-taguan pa nga tayo sa dilim. Naalala mo pa ba yon?" Napahalakhak naman si Clarkson nang maalala iyon. "Yeah, ang saya-saya non. Hindi talaga mababayaran ang sandaling iyon." Samina was smiling now, too. "Ngayon hahamunin kita Clarkie, buksan mo ang iyong mga bintana sa pagtulog mo sa gabi. Pero alam ko namang hindi mo gagawin yon, takot ka kasi pag nakabukas ang bintana mo sa pagtulog." "Tumigil ka na nga sa pangangantyaw sakin niyan, Samina. Noon yon." defensive nitong sagot. Magsasalita pa sana ulit si Samina nang mamataan niya ang itim na kotse na tinted rin ang mga bintana, at nakapark ito sa di kalayuan. Tuloy bumalik ang pagiging paranoid niya. Kaya mas binilisan pa niya ang mga hakbang papunta sa kanyang apartment. "Hello, Samina? Nariyan ka pa ba?" "I'm here. Nag-iisip lang ako ng panggulat sa sarili ko." "Huh! Gusto mo palang magulat ah." "Normally, yeah." Pero sa totoo lang, hindi sa ngayon na marami pa siyang inaalala. Napansin naman niyang dahan-dahang umusad ang itim na kotse patungo sa direksyon niya. Saglit na naman siyang nanahimik. "What's up, Sam? Gusto mo bang manood nalang tayo ng horror movie bukas? Exciting yon. At yong last full show ang panonoorin natin. Tiyak na mas exciting yon." "Mukhang maganda nga yang naisip mo. Oh siya sige na, ibababa ko na itong phone baka masagasaan pa ako dito. Malapit na rin ako sa apartment ko. E te-text nalang kita pagdating ko." With a promise to text Clarkson the minute she got to her apartment, she stuffed the phone inside her bag and kept her eyes on the car's approach. Anyway, malapit na siya sa tinitirahang apartment, tantiya niya mga isang block nalang siguro. Mas binilisan pa nga niya ang paglalakad at pilit niyang iwinaksi ang anumang takot sa isipan. Nagbibilang na lamang siya sa kanyang isip, dahil ang mga numero lang ang tanging magpapakalma sa kanya. "Fifty-eight, Fifty-nine," this time she said it aloud, counting her steps. At sa kanyang paglingon, nasa malapitan na ang kotse. Kaya mas nakikita na niya ngayon ang nagmamaneho ngunit nakasuot lang ito ng sunglasses. Sumilay naman ang asong-ngiti sa labi nito. O baka namalik-mata lang siya nang ngitian siya nito. Naku! Saan na naman napadpad yang imahinasyon mo, Samina. As soon as she was home, doon pa lamang siya nakahinga ng maluwag. Sa tatlong taon na niyang paninirahan sa Brazil ngayon lang yata siya nakaramdam ng sobrang tensyon. "Seventy-two." saktong nasa tapat na siya ng kanyang pintuan. Liningon niya muli ang itim na kotse. Wala na ito. Ngunit masama naman ang kutob niya sa abandonadong bodega na nasa tapat lang ng apartment niya. Gumana na naman ang imahinasyon niya na baka yong nakasakay sa kotse ay nagmamanman sa kanya at doon siya patuloy na minamanmanan sa katapat na bodega. Naku pag nagkataon na may magtangka sa buhay niya, wala talaga siyang kalaban-laban. Hindi katulad sa pinapanood niyang horror movies na ililigtas ng mala-anghel na machong lalaki ang mga bidang babae. With her apartment building in view, dali-dali niyang kinuha ang susi mula sa kanyang bag at agad na binuksan ang pinto. Talagang iba ang kabang naramdaman niya sa mga oras na yon. Kaya't dinoble niya ang pag lock ng kanyang pinto. Pumwesto naman siya sa may bintana at bahagyang sinilip ang labas. Tahimik lang ang paligid at walang katao-tao. Saka biglang sumagi sa kanyang isip ang ginawa niyang algorithm. Pano kaya kung sisirain nalang niya ito? Hayan tapos na ang problema niya. Agad niyang kinuha ang flash drive mula sa kanyang bag at sinira nga niya ito. Tapos. Ano pa nga ba ang poproblemahin niya? Eh back to normal na. Subalit ang kakaibang kaba na nararamdaman niya ay hindi pa rin humupa. Masama pa rin ang kutob niya. Na parang may hindi magandang mangyari. Sinilip niya ulit ang bintana. Wala talaga ni isang tao. Sa sampung unit kasi sa ikalawang palapag kung saan ang unit niya naroroon. Dalawang unit lang ang okupado at nasa pinakadulo pa ang mga naninirahang mag-asawang senior citizen. Tumaas kasi nong isang buwan ang renta nila kaya bihira nalang ang nag renta sa apartment na iyon. Kung meron talagang mapangahas na gawan siya ng masama, wala talaga siya ni isang witness. Ang saklap kaya non. Erase! Erase! Erase! Heto na nga ang epekto sa kakapanood niya ng mga horror movie mag-isa. Hindi! Imahinasyon lang niya ang lahat ng ito. Etinext na lamang niya ang kaibigang si Clarkson na nakarating na siya sa bahay. Saka dumiretso siya sa banyo para maghilamos. Binuksan niya ang ilaw, ngunit laking gulat nalang niya nang mabungaran niya ang isang tao. At bago paman siya makasigaw, natakpan na nito ang bibig niya. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD