CHAPTER 1: ARRIVAL

1996 Words
I COUNTED one to ten again and again. Subalit sa tuwing umaabot ako sa pansampu ay muli akong naduduwag. I've never been this coward in my whole life. At hindi ko maipaliwanag ang kaba sa dibdib na lalo lamang nagpapahina ng aking loob. For pete sake, Sonnie, you're wasting your time. Just do this, so you can go back to Manila! Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ko at saka binuksan ang pinto ng kotse. Ngunit sinalubong ako ng malakas na hangin na tila itinutulak ako pabalik sa loob ng sasakyan. Or maybe it's only my imagination. Kung anu-ano na tuloy kawirduhan ang naiisip ko magmula nang tumapak ako ng Dipolog City. "I wouldn't do this if had not for you!" Tumingala ako sa kalangitan na tila mayroon kinakausap. "This is your lucky day, Jella!" Muli kong kinalma ang sarili at humugot ng malalim na paghinga. It's now or never. At bago pa tuluyan magbago ang isip ko ay mabilis akong bumaba ng kotse at tinanaw ang kumpol ng mga tao sa di-kalayuan. This time, wala na ang kaba sa dibdib ko ngunit hindi pa rin ang nawawala ang weird kong pakiramdam na tila mayroon hindi magandang mangyayari. Tahimik ang buong paligid, tanging ang ihip ng malakas na hangin ang ume-echo sa akin pandinig. Subalit habang papalapit ang mga hakbang ko ay unti-unti akong nakakarinig ng mga iyakan at palahaw. Bigla akong huminto. Bumalik sa isipan ko ang nangyari mga limang taon na ang nakakaraan. Same scene, same event. Ang kaibahan nga lang ay magkaibang lugar at tao ang sangkot. So many thoughts and emotions have flooded me at that moment. Subalit hindi ito ang tamang oras para roon. Pinilig ko ang ulo at saka inayos ang suot na sunglasses bago muling nagpatuloy sa paghakbang. "Siya ang panganay na babae ni Celeste, hindi ba?" wika ng isang babae na umagaw sa atensyon ng lahat at halos magkakasabay na lumingon sa akin. May nagulat, namangha at hindi makapaniwala nang makita ako. Ang iba naman ay pagtataka ang nasa kanilang mga mukha. "Dumating na pala siya mula Amerika." "Buong akala ko ay hindi na siya magpapakita." "Bakit ngayon lang niya naisipan umuwi?" "Mabuti na lang at nakahabol pa siya sa libing ng kanyang ina." Taas-noo na nilagpasan ko ang mga ito na tila walang naririnig. Ayokong magpaapekto ngunit unti-unti kong nararamdaman ang panlalamig ng aking mga palad sa kabila ng maalinsangan panahon. "Bakit nandito ka?" tinig iyon ng isang lalaki na hindi ko binigyan pansin. Ang pokus ko ay nasa harapan, kung saan ay nakahimlay ang mga labi ni Celeste. "Hindi ka dapat nagpunta rito!" He grabbed my arm and pulled me back. I stared at him in disbelief. Sa sobrang tangkad niya ay napilitan akong tumingala. He has a strange full facial hairs, as if no intention of shaving. He looks familiar but I couldn't recognize his face. "You're not welcome here!" mahina ngunit mariin niyang wika. Ramdam ko ang paghigpit ng kanyang kamay sa aking braso. "I-ikaw?" Isang may-edad na babae ang umagaw sa aming atensyon. Namimilog ang kanyang mga mata habang titig na titig sa aking mukha. Pagkaraan bigla niya akong sinunggaban at mahigpit na niyakap. I stiffened. Bukod sa nagulat ako ay hindi ko kilala kung sino siya. "Salamat at nagpunta ka." Wala na akong naintindihan sa mga sumunod niyang sinabi dahil tuluyan na siyang humagulgol sa aking balikat. Naguguluhan man ay gumanti ako ng yakap. Wala sa plano ko ang magpanggap pero sa tingin ko ay iyon ang nangyayari. Gustuhin ko man umiwas, pero huli na para roon. Kung ano ang nakikita nila ay iyon ang kanilang paniniwalaan. Walang sinuman sa kanila ang nakakaalam ng tunay kong pagkatao. Kung mayroon man, hindi ako sigurado kung naririto ang taong iyon. "Hija..." Bumitiw ang babaeng nakayakap sa akin at sa aking pagkamangha nang ikulong niya ang mukha ko sa kanyang mga palad. I remember her now. Madalas ko siyang makita sa mga larawan na palaging ibinibida sa akin noon ni Jella. She is Amelia and Celeste's younger sister. "Sabi ko na nga ba at darating ka. Natutuwa akong makita at makilala ka." Kumunot bigla ang noo ko. Ano ang ibig niyang sabihin? "I know..." she whispered. Pilit na ngumiti si Amelia nang haplusin niya ako sa pisngi. "Hindi ikaw siya." Napasinghap ako sa narinig. Alam niya? "Jella, umalis ka na!" Muli akong hinablot ng matangkad na lalaki sa braso bago pa ako makahuma. "Clyde!" "Tita Amelia, hindi natin siya kailangan dito at alam kong hindi rin gugustuhin ni Mama na nandito ang babaing iyan!" "Shame on you!" Ganting asik ni Amelia. "Mahiya ka sa harap ng puntod ng mama mo!" "Hindi ba dapat siya ang mahiya? Wala na si Mama, kaya wala na rin siyang dahilan para magpakita pa rito. Wala na siyang babalikan!" Sa kabila ng suot na sunglasses ng lalaki ay ramdam ko ang matalim niyang tingin sa akin. I was shocked at his anger. He hates me-- No, he hates the person he thought was me. "Get out of here and go back to where you really belong. I don't want to see your face again, ever!" "Stop it, Clyde!" Isang pamilyar na tinig ng lalaki ang biglang nagsalita mula sa aking likuran at hinatak ako palayo sa kanya. "Jace, huwag kang makialam dito!" "Ayoko sanang makialam pero gumagawa ka na ng eksena. Nakakahiya sa mga tao." "The hell I care!" Nakamata lang ako habang nagsusukatan ng tingin ang dalawang lalaki. "Tumigil kayong magpinsan!" Mabilis na pumagitna si Amelia bago pa mapang-abot ang mga ito. "Hindi ba natin maaaring ihatid ng matiwasay sa huling hantungan si Ate Celeste? Clyde, please..." Tumingin sa direksyon ang matangkad na lalaki. He did'nt say anything, but for sure he was silently cursing me. Tumalikod siya at nilapitan ang mga labi ni Celeste na naghihintay na maibaba sa malalim na hukay ng lupa. "Hija, I'm sorry..." Lumapit sa akin si Amelia at banayad na pinisil ang kamay ko. "It's okay," I managed to say even it's not. I didn't expect things to turn out like this and it makes me sick. Iginiya ako ni Amelia na sumama sa kanya subalit mabilis akong tumanggi. "Dito na lang ako." Hindi niya ako mapipilit. Alam ko kung saan ko ilulugar ang sarili. Tumango lang siya bago humakbang patungo sa mga labi ng kanyang kapatid. PAGKATAPOS mailibing si Celeste ay nagsipag-uwian na rin ang mga tao. Hinintay ko na makaalis sina Clyde at Amelia bago ako lumapit sa puntod niya. The last time I saw Celeste was a year ago. At hindi ko akalain na iyon na pala huli. I tried to visit her in the hospital after her heart attack but she refused and didn't allowed me to go. Hindi ko man lang siya nakausap kahit sa huling sandali. "Ang daya mo talaga, Celeste!" Naiyukom ko ang palad sa tinitimping galit. "Nangako ka sa akin at sa mahabang panahon ay pinanghawakan ko ang mga binitiwan mong salita. Pero kung naisahan mo ako noon, hindi na ngayon. Sisiguraduhin ko na mababawi ko ang kinuha mo sa akin!" "Hey, are you alright?" tinig iyon ni Jace na nagpabalik ng isipan ko sa realidad. "I thought you wouldn't come." "I wish I wasn't," I answered in cold and composed voice. "Hindi kita pinilit." Kahit hindi ako lumingon, parang nahuhulaan ko na ang pilyong ngiti sa mga labi ng binata. "Wala akong sinabi." "But I'm glad you came." "I got to go." "You can't!" pigil sa akin ni Jace. "Kailangan mo muna sumama sa akin sa villa." Awtomatikong umangat ang kilay ko at tinignan ang kamay niyang nakahawak sa braso ko, na agad din naman niyang binitiwan. "May kailangan kang malaman." "You can tell it to me now without going in that place." "It's about Danica." Napahinto ako sa paghakbang nang marinig ang pangalang iyon. "Unless you're not interested to know--" "I'll go!" Ang lapad ng ngiti ni Jace na lalo lamang nagpadagdag sa pagkasuya ko sa kanya. "Shall we?" "May dala akong kotse." "Good. Makikisabay na ako." Hindi ko malaman kung mayroon pang itataas ang kilay ko. Pigilan ko man si Jace alam kong hindi rin siya makikinig. LIHIM akong napasinghap nang bumungad sa akin ang malawak na taniman ng mga mangga. Namamangha na iginala ko ang paningin sa buong paligid. Hindi ko akalain na ganito kalaki ang lupaing pag-aari ni Celeste. "Do you like the place?" amused na tanong ni Jace nang lumingon sa akin. Nagkibit-balikat lang ako at nagkunwaring abala sa pagmamaneho. "Mas magugustuhan mo ang lugar na ito kapag harvest season. Sagana sa ani ang bawat punong nakikita mo." "Malayo pa ba tayo?" Sinadya kong langkapan ng pagkainip ang boses para ipakita sa kanya na hindi ako interesado sa sinasabi niya. "Malapit na." "Gaano kalapit ang malapit na? "Ten more minutes." "What?" gilalas na napalingon ako sa kanya. "Magmula sa arkong bakal na nadaanan natin kanina, it's takes more or less fifteen minutes bago makarating sa villa." Nag-init bigla ang ulo ko. Ganon pa man ay nakuha ko pa rin magpigil. Obviously, sinusubukan ni Jace kung gaano kahaba ang pasensya ko. Hindi na ulit siya nagsalita at gusto kong ipagpasalamat ang pananahimik niya. Bagaman wala siyang imik, sa gilid ng mga mata ay alam kong pinagmamasdan niya ako. Parang nahuhulaan ko na ang tumatakbo sa kanyang isipan. "Right now all I can see is her, but I couldn't see her inside of you." Awtomatikong umangat ang sulok ng labi ko. "Magkaiba na magkaiba kayong dalawa. You're like an opposite poles," pagpapatuloy ni Jace habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa akin. "But looks can really deceive." "Your own self deceives you, Mr. De Vera. You already knew it from the very start, pero pilit mo pa rin pinapaniwala ang sarili mo." "I guess you're right. Umasa ako na kahit paano ay makikita ko si Jella sa'yo." "Hindi ako si Jella at kahit kailan hindi ako magiging siya!" "Why are you so stiff?" suddenly he asked. "It's none of your concern!" "I wanted to know." "Then try me!" Jace stared at me for a moment before a grin appeared on his lips. "I'll think about it." Once again, I tried to keep my calm, took a deep breath and swallowed. Kung hindi ko gagawin iyon, malamang baka bigla na lamang siyang tumilapon palabas ng sasakyan. "We're here!" Bumungad sa paningin ko ang hindi kalakihang ancestral house na mayroon dalawang palapag at malalaking bintana. Sa ibaba ay may mahabang veranda na nakaharap sa malawak na hardin. Ngunit ang kumuha ng atensyon ko ay ang maliit na man-made fountain sa gilid na bahagi ng bakuran. Gayundin ang mga nakahilerang swing at seasaw na gawa sa kahoy at nagmistulang playground. Danica... "I said we're here." Bigla na lamang lumitaw si Jace sa bintana at pinagbuksan ako ng pinto. Napilitan akong bumaba ng kotse at saka muling iginala ang paningin sa buong paligid. Ilang sandali pa ay humahangos na lumabas ng villa si Amelia at sinalubong kaming dalawa. "Kanina ko pa kayo hinihintay." "Na-traffic lang kami, Tita," natatawang sabi ni Jace. Nagsalubong ang mga kilay ng matandang babae. "Sa arkong bakal ba kayo dumaan?" "Mayroon pa po bang ibang daan patungo rito?" balik-tanong ko. Duda ako sa klase ng pagkakangiti ng Jace. "Kung sa highway kayo manggagaling, wala pang limang minuto ay narito na kayo." Kung nakakamatay lang ang pinukol kong tingin kay Jace marahil ay tumumba na siya. He's crazy! "Tita Amelia, I'll go first." Walang likod-lingon na humakbang siya papasok ng bahay. Itinaas pa niya ang kamay at kumaway. "See you later, Sonnie." Jerk! "Hija, gusto mo bang kumain? Ipaghahain kita." Kumapit sa braso ko si Amelia at inakay ako sa loob ng kabahayan. "Salamat pero hindi po ako nagugutom." "Sigurado ka?" Tumango lang ako bilang pagsang-ayon habang abala ang mga mata sa pagsuyod sa paligid. Subconciously, umaasa ako na makikita si Danica. "Kung ganoon ay dumiretso na tayo sa study room. Naghihintay na silang lahat doon." Study room? Sila? Bago pa ako makapagprotesta agad akong hinila ni Amelia patungo sa tinutukoy niyang silid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD