Chapter 2

2007 Words
Dalawang lalaki na ang nahila ni Jazz sa supply room ng hotel at pareho ang mga ito na walang malay. Ngunit umungol na yong unang lalaki na pinatumba niya. Hindi niya ito masyadong napurohan kasi iniuntog lang niya ang ulo nito sa vanity mirror. Mabilis naman niyang binunot ang 9mm na baril mula sa kanyang beywang saka hinampas niya sa ulo ang lalaki gamit ang baril dahilan sa pagkahimatay ulit nito. Tiningnan niya yong pangalawang lalaki na pinatumba niya, mukha itong European at hindi Amerikano. "Hey, what about you? You alive in there? Dahil kung buhay ka pa nga ay tutuluyan kita." banta niya sa lalaki. Pero hindi ito sumagot, ni gumalaw. Bwisit! Wala siyang oras para sa ganito. Ginulo-gulo niya ang buhok sa prustrasyon. Mag sa-sampung taon na siyang ganito. Mag sa-sampung taon na rin niyang hinahanap ang lalaking palaging laman ng kanyang bangungot. At mag sa-sampung taon na rin siyang bigo dahil sa hindi madakip-dakip ang Amal Mayute na yon. Hayun nga dahil sa gigil at pagkairita niya, pinatumba niya yang dalawang lalaki dahil sa mariin na pagtanggi ng mga ito na isa sila sa mga tauhan ni Amal Mayute. Napapailing na lamang siya at muling isinukbit ang baril sa kanyang beywang. "Oh, yan na tuloy ang napala mo Jazz, ang maghintay kung kailan magigising ang mga yan para makuhanan mo ulit ng impormasyon. Padalos-dalos ka kasi diyan sa galit mo." Sermon niya sa sarili. Ang gusto lamang niya malaman sa mga ito ay kung saan niya mahahanap si Amal Mayute. Isang linggo na siyang naka booked sa naturang hotel ngunit hindi pa rin malinaw ang impormasyong nakukuha niya. In other words, he was still at square one, puzzling over the same question he had been for the past five months since the two Mayute brothers was captured. May apat na kasagutan na sana siya para diyan at ngayon nadagdagan na ng isa. Noong isang buwan pa kasi niyang pinagdududahan ang kanilang office secretary dahil nahahalata niyang minamatyagan lang siya nito. Hindi kaya intel ito ni Amal Mayute? At ngayon babaeng pinay naman ang ginagamit nito para alamin ang mga kilos nila? Ito rin kasi ang nag-aasikaso para maka surveillance siya sa naturang hotel. Kaduda-duda lang dahil bigla nalang dumating itong dalawang mama at inataki siya. Buti nga lang at naunahan niya ang mga ito. At isa pa, kanina pa niya hinihintay ang email mula rito pero hanggang ngayon wala pa rin. Hindi kaya...kasabwat nga ang babaeng iyon ni Amal Mayute? Either way, the longer he stayed on the seventh floor of the said hotel, the greater the risk. Kaya kinailangan na niyang umalis sa lugar na yon bago paman may ibang tauhan ng Mayute ang makahalata sa kanya. Pinagpagan na niya ang suot na Americana at inayos niya ang kanyang kurbata. Tiningnan niya ulit ang cellphone, wala pa ring pinadala na email ang sekretarya nila. Kaduda-duda talaga. Binunot niya ulit ang baril saka ini-scan muna niya ang buong pasilyo bago siya tumulak pababa gamit ang hagdan ng fire exit. Alam niya na matao ang hotel sa araw na yon dahil nga Valentines Day. At gaya nga ng inaasahan niya ay marami nga ang gustong mag check in sa hotel na yon at naghihintay lang ang ibang mga guest sa may lobby area. Muli niyang isinukbit ang baril sa kanyang beywang. He did his best to look relaxed and happy as he moved closer to the lobby. At doon naman siya tumulak sa bar counter para makihalubilo sa mga nag inumang lalaki roon. Sa nakikita niya, wala namang mukhang kalaban doon o kahit ang mukha man ng lalaking tinutugis niya ng sampung taon. Bigla namang dumaan sa harap niya ang isang bellboy na tulak-tulak nito ang isang luggage cart patungo sa service elevator. Jazz stepped backward to give him space. Napayukod naman sa kanya ang bellboy sabay sabing, "Good evening, sir." bago pa ito nagtuloy-tuloy sa elevator. As the luggage cart moved past him, a gorgeous, shapely backside in red hot dress caused him a moment of distraction before his eyes flickered back to the crowd. Ngunit wala na siyang oras na tumingin pa sa mga seksing babae roon dahil baka maunahan pa siya kung may mga kalaban man. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang tingnan ang babaeng nakaupo sa high-stool, lalo na't naka crossed ang makinis at mapuputing legs nito. Sana hindi lang katawan ang maganda rito pati rin sana ang mukha. Nang bigyan na ito ng bartender sa inorder nitong martini bigla naman itong napalingon. Laglag ang panga ni Jazz. At napamulagat siya sa nakita. Dali-dali naman niyang kinapkap ang kanyang baril sa beywang. Siguro nagkamali lang siya sa nakita. Marami na kasi siyang magaganda at seksing babae, at auburn ang kulay ng buhok na nakakasalumuha niya simula ng dumating siya sa Washington. Kaya kinusot niya ang mga mata upang makumpirma niya kung ang sekretarya nga nila iyon. Walang duda, the lady in red was Althea Steel. Mukhang hindi siya nito nakikita at parang may hinihintay ito. Hindi kaya...Si Amal ang katagpo nito? Dahil kung concern pa ito sa kanyang safety alam naman nito na hindi secure ang naturang hotel. Then again, kung nasa panig nga siya ng Mayute, maybe safety wasn't a concern. Siguro nga tama siya na ito ang intel sa opisina nila para meron paring mata si Amal sa ahensiya. Kunwari umiinom lang ito pero may katagpo pala ito. Huh! Malalaman ko rin yan. Nang una niyang makita si Althea Steel, nabighani talaga siya sa ganda ng dalaga. Naiiba kasi ito sa mga dayuhan na nakikita niya. Kaya pala may dugong pinoy pala ito. Kaya nong una pala niyang pag report don sa opisina nila kinindatan niya ito at nginitian dahil gusto niya itong maging kaibigan, pero nang mahalata niya na kaduda-duda ang mga ipinakitang kilos nito sa kanya, doon na siya naging mailap dito. Nanghihinayang siya kung totoo man ang hinala niya rito, pero hindi rin naman ibig sabihin na gusto niya ito. Hard to get kaya siya, kaya hanggang ngayon ayaw pa niyang magpapikot kagaya ni Lander at sa iba pang mga kaibigan niya. Tinitigan niyang muli ang seksing sekretarya at napapaisip siya. Huwow, hubog palang ng katawan nakakatakam na. Parang hourglass talaga ang magandang hubog nito. Uh-oh, he smell trouble. Which is hindi niya dapat maramdaman ang paghanga rito. Inayos niyang muli ang kanyang kurbata at napapasuklay siya sa kanyang buhok gamit ang mga daliri. Whatever dirt Althea Steel was mixed up in, it was time for her to come clean. Humakbang na siya papalapit dito at mukhang hindi pa rin siya nito napapansin. So he took advantage the element of surprise to approach her from behind. Mas lalo nga itong sumeksi sa malapitan at hindi nga niya nilubayan ng titig ang legs nito. When he was near enough to see the movement of her teardrop pearl earrings, he double-checked his body language. Kailangang magmukha siyang random guy na nilalapitan ang isang magandang chicks. Hinawakan niya bigla ang balikat ng dalaga at binulongan niya ito sa may tenga. "May hinihintay ka bang date dito?" Startled, she stiffened and sucked in a sharp breath. "Agent Dimatinag, thank goodness. Akala ko hindi na kita makikita rito." Pilit itong lumingon sa kanya pero di nito magawa dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa balikat nito. "Jazz." he corrected. Hindi dapat sinasabi nito na isa siyang agent lalo na sa ganoong klaseng lugar. "Ano bang ginagawa mo rito?" "May iniwan ako sayong voice mail at nag text pa nga ako na pupunta ako rito." "Nakapatay yong phone ko." "What? Why?" She tried to turn again, so he pressed against her back, pinning her between the bar stool and his hips. "Sagutin mo muna ang mga katanungan ko." "Okay. The answer is no." Mabilis na tugon nito kahit hindi pa nga siya nagsisimula sa pagtatanong. Pambihira. "Althea, ano bang ginagawa mo rito?" Bahagya itong napalingon sa kanya at saka ito may binulong na salita. "May problema sa hiningi mong dokumento." Putragis. Mas lalo lang nitong dinagdagan ang pagdududa niya rito. Naniniwala pa naman siya ngayon sa kanyang instinct dahil wala na siyang pinagkakatiwalaan ninoman simula nong traydorin sila ng mga kasamahan niya noon sa Brazil. He shook off his regret and frustration about the past. But there was nothing he could do to change the way things went down with his previous team. "Anong klaseng problema?" He leaned in for a view of her facial expression when she answered. "Hindi na gumagana yong computer mo, kaya hinanap ko nalang ang hard copy, pero pati yon hindi ko makita. Hindi ko na alam ang gagawin kaya pinuntahan nalang kita dito." Scowling, he shook his head. "You expect me to believe that?" "Uh yeah. Bakit hindi nga ba?" Ngunit biglang nagpatugtog ng musika sa may hotel lobby at don palang napantanto ni Jazz na wala pala sila sa tamang lugar para sa interogasyon. From his research on the hotel, he remembered a row of conference rooms on the third level. Madali lang sana silang makarating don gamit ang service elevator pero sa tingin niya baka masyado lang silang mahalata dahil sa sobrang catchy ng suot ni Althea. Matapos niyang bayaran ng twenty-dollar bill ang bar counter ay kaagad niyang hinila si Althea. "Let's walk." Hip to hip, nakipagsiksikan silang sumakay sa glass elevator. Nakita naman ni Jazz ang parking lot na puno ng sasakyan at parang naramdaman niya na naroon lang sa hotel na yon si Amal Mayute. Napalingon sa kanya si Althea at kinuha nito ang kanyang pansin. She tilted her head toward his chin. "Saan tayo pupunta?" "Somewhere to talk." Napatango ito. "Good. Para makatulong ako sayo sa pag transcript sa buong detalye." Her words threw him off-balance. The AM1305 document was a top secret. Walang ibang nakaalam non kundi ang mga naka assign lang sa kaso, maliban nalang siguro kung binasa ito ni Althea. At kahit paman nagsisinungaling sa kanya ang babae sa hindi paggana ng computer niya, hindi parin naman iyon mababasa ng iba dahil naka password ang file ng Mayute sa computer niya. "Alam mo medyo curious lang ako sa pagpunta mo rito, bakit nakapagbihis ka pa ng ganyan kung wala talaga sa plano mo na pumunta rito?" But he felt a twinge of regret for questioning her when she smoothed a hand down her dress in a self-conscious gesture. "Bakit bagay naman ang suot ko dito sa okasyon ngayon ah." tugon nito. Napatiim-bagang siya. Ang totoong isyu kasi ay masyado lang siyang naseseksihan sa babae sa suot nito. Agaw atensyon kasi ng mga lalaki. Nakarating na sila sa ikatlong palapag kung saan rin naroon ang malaking ballroom ng hotel. Pagkababa nila sa elevator bumungad sa kanila ang malawak na entrance ng ballroom. Saka hinila niya ulit si Althea. "Sandali. Where exactly are we going?" "Sa conference room." "What about the hotel room you reserved? Sa tingin ko, mas safe ron kung doon tayo mag-uusap." Uh-oh. Mukhang nagiging tama nga ang hinala niya rito. Kaya siguro gusto nitong don sila mag-uusap sa kwarto niya dahil baka naroon na rin ang mga hit men ng Mayute na papatay sa kanya. Mukhang kailangan na niyang tapatin ang dalaga. "Sa tingin ko hindi na safe roon dahil baka nalaman na ng tauhan ng Mayute na don ako naka stay. Mahirap ng ma ambush." Hihilahin na sana niya ulit si Althea nang bigla itong manigas sa kinatayuan nito. "Hold on - are we in some sort of danger?" napamulagat na tanong nito. "Sa ngayon hindi ko alam kung anong paniniwalaan ko. Kung talaga bang clueless ka sa mga nangyayari o talagang sinungaling ka." Napapitlag ito sa sinabi niya na para itong napaso sa kanyang pagkakahawak. Tuloy parang pinagsisihan niya ang nasabi niya rito. "Hindi kita maintindihan." anito pa. "Akala ko ba nag conduct ka lang ng routine surveillance ngayong gabi, nothing dangerous. Kung alam ko lang, tinawagan ko nalang sana ang--" Hindi nito natapos ang sasabihin dahil biglang umalingawngaw ang isang putok ng baril. Tumilapon naman sa kanila ang maliliit na pira-pirasong kahoy. Sumunod ang isa pang putok at tumama iyon sa pader sa likod ni Althea. Awtomatikong napayuko tuloy ang dalaga. Mabilis niya itong hinila sa pinakamalapit na hagdan ng fire exit. He pushed her ahead of him down the stairs as he retrieved his 9mm caliber. "Change of plans. Gaano ka ba kabilis tumakbo?" *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD