Chapter 3

3597 Words
Hindi makapaniwala si Jazz na nakasabay nga sa kanya si Althea sa mabilisang pagbaba ng hagdan kahit pa nakatakong ng mataas ang dalaga. "OMG. Tayo ba yong binaril?" madaldal na saad nito simula ng bumaba sila sa hagdan. Nang ilang baitang nalang sila pababa sa basement, nagulantang na lamang sila sa malakas na kalabog. Blag! Napaurong tuloy sila imbis na magpatuloy pa sana sila sa pagbaba. Wala ng oras pa kaya binuhat niya si Althea na parang sako at hindi rin naman pumalag ang dalaga. Hindi pa kasi siya tapos dito. Kailangang mapaamin niya ito kung sino-sino pa ang mga kasabwat nito. Binunot niya ang baril at nagpatuloy siya sa pagbaba buhat-buhat si Althea. Kung double agent man ang dalaga, pwes hindi na ito makakalaya pa sa mga kamay niya. Baka armado rin kasi ito at nagpapanggap lang na chicka babes ngunit amasona pala. Pero kung may baril pa ito saan naman nito pwedeng ilagay? Di bale na, basta hindi niya ito pakakawalan. Torn between protecting her from Mayute's men and protecting himself from her, he decided to go with his gut. Ililigtas nalang muna niya ang mga sarili nila dahil may kailangan pa siya sa dalaga. Ngunit bigla nalang silang hinarang ng dalawang armadong lalaki sa pintuang palabas ng basement. Hindi pamilyar ni Jazz ang mga ito, malamang bagong recruit na mga tauhan ni Amal Mayute. Hindi pa nga siya nakahuma ay pinaputokan na siya ng mga ito dahilan sa pagkalaglag nila ni Althea sa hagdan. Tumilapon si Althea sa kung saan habang nadaganan naman niya ang dalawang lalaki. Close combat was his only viable option for that moment. Nagsimula nang bumangon ang kanyang mga kalaban at mukhang nag-unahan lang sila kung sino ang matirang matibay. Jazz felt the rush of adrenaline through his veins. And this happen to be his favorite feeling in the world. Sa mga ganitong sitwasyon kasi siya lalong lumalakas. Nang makita niyang akmang pupulutin na sana ng katunggali niya ang baril nito ay mabilis niya itong tinadyakan sa mukha dahilan sa pagkatumba ulit nito. Nakita naman niyang hinugot ng isa pa niyang katunggali ang isa pa nitong baril mula sa beywang nito kaya maagap siyang nakipag-agawan ng baril nito. Hanggang sa isa sa kanila ang unang kumalabit sa gatilyo. ----- Mabilis na tumayo si Althea mula sa pagkalaglag nila sa hagdan. At nakita nalang niyang nakipag-agawan ng baril si Jazz sa kalaban. Sa tuwing pumuputok ang baril na pinag-agawan nila ay mapapaigtad siya sa gulat. Dalawang beses na kasi itong pumutok at hindi niya kayang manuod lang. Kaya nang akmang lalapit na sana siya sa mga ito, biglang umalingawngaw na naman ang isa pang putok at nakita nalang niyang bumulagta sa lupa ang duguang katunggali ni Jazz. Sa tanang buhay niya hindi pa siya nakakakita ng taong nabaril kaya panandaliang natulala siya sa nakita. Napabalik lang siya sa presensya nang biglang sinakyan si Jazz sa maskuladong mama sa kanyang likod at pilit na inagaw ang kanyang baril. Tadtad ng tattoo ang mama at ang pangangatawan nito ay pang body builder. Juice colored! But then, Jazz slammed Mr. Muscle against the wall over and over until the gun dropped to the ground near their feet. Nakakita naman ng pagkakataon si Mr. Muscle na mapabagsak si Jazz sa lupa nang sikohin nito ang batok ng agent. Nalamangan tuloy si Jazz ni Mr. Muscle dahil ito ang pumaibabaw sa lalaki at pinagsusuntok ang gwapo nitong mukha. Pero nang si Jazz naman ang nakakuha ng advantage mula sa katunggali, he grabbed Mr. Muscle's arm and twisted it around his back. He punched the man's face making something c***k. At talagang dumudugo ang ilong nito nang matamaan ito sa kamao ni Jazz. But Mr. Muscle took again his control and threw a punched at Jazz face as well. At dahil sa nakapokus lang siya sa mukha ni Jazz, hindi niya nakita ang pagtuhod ng kalaban sa balls ni Jazz kaya nakita na lamang niya ang agent na bumaluktot at namimilipit sa sakit. Jusko po! With a guttural sound of pain, nakita nalang niya na parang nanghina si Jazz at nakakuha naman ng oportunidad si Mr. Muscle to counter-attack. Tinadyakan nito si Jazz sa mukha. At bagsak ang huli sa lupa. Pumaibabaw ulit ito ni Jazz at mariing sinakal ang lalaki sa leeg. Mukhang kinakaposan na ang lalaking agent sa kanyang hininga dahil napaubo na ito ng sunod-sunod. Nanggagalaiti naman siya sa galit sa nakikita. How dare those bastards threaten her and her crush. At sa mismong araw pa ng mga puso sila naghasik ng lagim. She was supposed to be partying with her friends to celebrate V-day. At ang pinaka hate niya sa lahat ay ang pag bangas nila sa mukha ng kanyang Valentino bukas. My Goodness! Hindi siya pwedeng tatanga-tanga lang. Trembling with rage, she rose to her full height. Hindi pa siya pwedeng mamatay dahil hindi pa niya nakukumpleto ang kanyang bucket list, at lalong hindi rin pwedeng mamatay si Agent Dimatinag dahil kasali ito sa kanyang bucket list. She reached back and grabbed hold of the paper clip chain. Tuluyang bumuka ang kanyang damit sa likod ngunit wala na siyang pakialam pa. Rushing forward, she wrapped the chain around her palms and held it taut between her hands. Nang nasa likuran na siya ni Mr. Muscle at ni hindi siya nito namamalayan dahil nakasakal pa rin ito kay Jazz. She dropped the chain of paper clips around his throat and pulled the chain with all her strength. Kasabay nang mahina nitong pagibik ay nagpupumiglas itong makawala sa pagtali niya sa leeg nito...hanggang sa tuluyan na ngang bumigay ang mga pinagtumpi-tumpi niyang paper clips. Hilaw siyang napapangisi ni Mr. Muscle at nag sign pa siya ng peace rito habang pinanlilisikan siya ng mga mata nito sa galit. He was ready for his next assault, pero bago paman ito makalapit sa kanya ay malakas niyang tinadyakan ang balls nito sa pamatay niyang takong. Napahiyaw ito at napatalon-talon habang nakahawak ito sa kanyang balls at namimilipit sa sakit. Buti nga sa kanya, eh ang laki-laki ba naman ng katawan tas natibag lang sa takong niya. Talagang deadly weapon itong napili niyang heels. At dahil nataranta siguro ito sa pinaghalong sakit na nararamdaman kaya ito umibis ng takbo palayo. "Huh! Dapat lang kayong mag-ingat ni Althea Steel dahil bakal yata itong apelyido ko at hindi matitinag ninoman." sigaw pa niya bitbit ang ilang paper clips. Ngunit biglang nalang tinakpan ang bibig niya. At nang mapalingon siya sa kung sino ang tumakip sa bibig niya ay nakahinga siya ng maluwag. Si Agent Dimatinag pala. "Pwede ba Althea, mag huhunos-dili ka, hindi na kailangang ipangkalandakan mo pa na bakal yang apelyido mo." "Huh?" "Ang sabi ko yang laway mo tumutulo." anito sabay sara nito sa bibig niya na literal nga na nakanganga. Nagugulohan naman siyang nakipagtitigan sa mga mata ni Agent Dimatinag. "Hindi kaya tumutulo ang laway ko. Hindi ka naman isang Adonis na pagtutuluan ko ng laway noh. Hmmp...Felingero." Irap niya kunwari dito. Umangat ang isang sulok ng labi nito, at unang beses niya itong nakita sa gabing iyon na walang bahid ng akusasyon ang mukha nito. "Tsk, my bad. Isa ka palang amasona." Pinagpagan niya ang damit at namalayan nalang niya na kay ginaw ng likuran niya. Wala na kasi ang improvise niyang zipper. Pero okay lang, nakatulong naman sa kanilang kagipitan ang mga paper clips. Tiningnan niya ang lalaking nabaril ni Jazz, nakabulagta ito sa lupa at talagang nakakatakot tingnan ang itsura nito. "Sino kaya ang mga lalaking umataki satin?" "Siguro mga guns for hire lang sila. Anyways, salamat sa pagligtas mo sakin." "OMG. Ako nga ba talaga ang nagligtas sayo?" di makapaniwalang tanong niya. "Wow ha." Pinulot naman ni Jazz ang nalaglag na baril ni Mr. Muscle at isinuksok nito iyon sa beywang nito. "Hindi man ako makapaniwala na nagawa mo nga yon, but yeah, you saved my bacon." "I saved your bacon?" pag-ulit niya sa sinabi nito. "Oo nga, kulit mo. Kaya huminahon ka na, okay? Hingang malalim." "Trying. But not working." napapailing na saad niya. Tas bigla nalang siyang parang na silya-eletrika nang dumampi ang mga kamay ni Jazz sa balikat niya. "Your adrenaline's crashing. Totally normal. Mawawala rin yan mamaya." Napatingin naman siya sa dibdib ng lalaki at mukhang malaman iyon. Nanggigigil tuloy siya, pandesal kasi ang na iimagine niya. Pero sa totoo lang, inilihis lang naman niya ang utak sa nangyari kanina. Oo, gusto niya noon maging pulis, sundalo o agent, pero ngayon lang niya napatanto na kay hirap pala lalo na pag kinailangan mo ng pumatay ng tao para protektahan ang sarili mo. Naalala pa nga niya ang palaging sinasabi ng mom niya na walang taong nararapat na maging biktima ng karahasan dahil ang lahat ay may due process, at hindi ang pagpatay sa masasamang tao ang solusyon non. Siguro kung naging Chairman pa ng Commission on Human Rights ang mommy niya, naku wala siguro itong sinasanto. Pero lang magkaiba sila ng pananaw ng mommy niya eh, kung ito against violence dahil ang tanging hangad nito ay kapayapaan sa buong mundo. Pwes siya hindi yon ang pinaniniwalaan niya. She knew, logically, that her mom was wrong, na may likas talagang masasamang tao sa mundo at kailangan nilang mapigilan upang hindi sila dumami. But growing up as a child of two pacifist parents, unti-unti niyang naintindihan na may punto rin naman ang ipinaglalaban ng mga magulang niya. Ngunit para sa kanya case to case ang basehan eh, tulad nalang sa sitwasyon na naranasan nila ngayon. Kailangan din kasi nilang lumaban upang mabuhay. Watching Agent Dimatinag fight against those bad guys had certainly frightened and shocked her. Pero nang tulongan niya itong kalabanin si Mr. Muscle, iba pala ang pakiramdam pag nananaig ka sa kasamaan. "Alam mo kahit na gustong-gusto ko na maging isang agent, but maybe I should stick to being a secretary." Naramdaman naman niyang nagpipigil lang ng tawa ang lalaki. So she pulled back, annoyed. "Are you mocking me?" Napalis ang kaninang ngiti sa mga labi nito. "No. Hindi kaya ako ganon na tipo." napapailing na saad nito. "Tatapusin ko na nga lang muna ang trabaho ko dito at pagkatapos sabay na tayong aalis dito. Basta ba huwag ka lang mababagot sa paghihintay sakin." "I won't. Thanks, Agent Dimatinag." Napakunot-noo ito sa kanya. "Pwede bang Jazz nalang, okay?" Napatango siya rito saka tiningnan muli ang nakabulagtang lalaki. Linapitan naman ni Jazz ang napatumba nitong lalaki saka kinapkapan ang mga bulsa nito. Tapos pinadapa niya ang lalaki at nagpatuloy ito sa pagkapkap sa katawan nito. "Ano bang hinahanap mo sa kanya, ID?" tanong niya. Napakibit-balikat ito saka nakita nalang niyang may nahugot itong baril mula sa leather jacket ng lalaki. "Wala rin naman tayong makikitang identification ng mga ito." Isinuksok ni Jazz ang nakuha nitong baril sa kabilang beywang nito, tas lumalapit ito sa kanya. "Althea, hope you don't mind." sambit pa nito. "Dito kasi ako magpapalit ng mga panibagong magazine, kung okay lang sayo?" Tinirikan niya ito ng mga mata. "Oh please. Hindi naman ako takot makakita ng kahit anong klaseng baril noh. Palagi kaya akong makakita ng mga baril sa office." Echos lang, hindi naman talaga dini-display ng mga agent ang mga baril nila sa opisina kasi bawal nga yon sa kanila. Inayos muna nito ang kanyang kurbata saka kinuha nito ang isang baby armalite sa ilalim ng suit nito. Despite her words to the contrary, Althea drew a sharp breath and her heart skipped a beat. Fan na fan kasi siya sa mga James Bond movie kaya para sa kanya hindi naiiba si Jazz kanila. Close up and personal pa. Idagdag pa ang suot nitong suit at baril, James Bond na James Bond talaga ang dating. Pero in fairness, mas gwapo nga lang siya sa mga James Bond sa movie. Mas mukha kasi siyang modelo kaysa sa isang action star. Sa tingin nga niya hindi ito full blooded na pinoy, gaya niya mixed breed din ito na parang aso lang ang peg. Eh di, bongga. Ngunit napukaw lamang siya mula sa malalim na pag-iisip nang magsalita si Jazz. "Tara na, pero ako ang mauuna sayo." Tumalima siya rito at nakasunod lang siya kay Jazz. "Sisiguraduhin mo lang di ba, na wala na yong masasamang tao?" "Definitely." Mula sa parking garage, binuksan na nito ang pinto papuntang lobby. Hindi muna ito pumasok dahil nakiramdam muna ang binata sa paligid habang iniumang nito ang dulo ng kanyang baril sa may pinto. Then he opened the door wider and stuck his head and gun through. "The door's at a bad angle, hindi ako gaanong makakita sa loob, pero sa tingin ko hindi na matao ang lobby dahil sa katahimikan nito." "Imposible. Valentines Day ngayon kaya sigurado akong hindi mawawalan ng tao ang hotel." aniya pa. "Tingnan mo ang parking lot dito sa basement, ang daming naka parked na sasakyan. Hindi ba pwedeng hihingi nalang tayo ng tulong mula rito? Pwede nating tawagan si director Taha o di kaya si Agent Miggle." "Hindi." "Pero--" "Thea, pagkatiwalaan mo lang ako sa bagay na to. Bigyan mo muna ako ng konting oras na makapag-isip kung pano tayo makalabas mula rito. May kopya kasi ako sa blueprint nitong hotel kaya alalahanin ko muna yon." Ah yon lang pala ha. Pwes, ako na ang mag-isip dahil may kopya rin ako non. Pinikit na ni Althea ang mga mata, visualizing the hotel blueprint. "May exit doon malapit sa employee's locker." aniya habang nakapikit pa rin ang mga mata. "At ang tanging car exit dito sa basement ay pakanan mula dito sa kinatayuan natin, approximately mga fifty yards away. It exits on Fifth and J street. May apat ding emergency exit mula dito sa basement. Ang malapit sa atin ay sa west side. Diretso na tayong makakalabas don sa kalsada." Nang buksan na niya ang mga mata nakita niyang titig na titig naman sa kanya si Jazz. "Na memorize mo ba ang blueprint?" Napakibit-balikat siya. "Di ba ang sabi ko sayo may photographic memory ako." Napapailing lang si Jazz at magsasalita pa sana ito nang marinig nila ang pababang mga yabag mula sa hagdan ng lobby. Mabilis naman siyang hinila ni Jazz pabalik sa parking garage. Ngunit hahakbang pa sana sila nang tutukan sila ng apat na lalaki sa dalang armalite ng mga ito. Jazz expression was unreadable as he raised his hands. "Drop the gun! On your knees or we will kill the girl." sabi nong dayuhan na may European accent. Kusa na ring napataas ng mga kamay si Althea. At mas lalo tuloy umikli ang suot niyang bestida. Tumalima naman si Jazz at inilabas nga nito ang mga baril at inilagay ito sa ground. Behind them, the stairwell door opened again, but Althea didn't dare to look. Pero si Jazz nakuha pa nitong lumingon. Sana lang mga savior nila ang dumating. Ngunit mabilis naman kinapkapan si Jazz sa isa sa apat na lalaki at nakuha nga mula rito ang kanyang baby armalite at ang kanyang patalim at cellphone. Naalerto naman ang tatlong lalaki nang may mamataan silang naligaw na tao sa basement. Bahagyang lumingon si Althea sa likod para tingnan kung sino nga yong naligaw doon. Ngunit isang bellboy pala at tinutukan na ito ngayon sa isa pang goons. Jusko! Huwag sana nilang idamay ang mga inosenteng sibilyan, pero sa nakikita niya sa mga goons na bumihag sa kanila ay mukha ang mga ito na mamamatay-tao talaga. "Kid, where's the locker room?" Nakuha pang magtanong ni Jazz sa bellboy. "Shut up!" angil ng isa pang goons at hinampas si Jazz sa armalite nito saka tinadyakan ito sa sikmura ng ubod lakas. Napaubo si Jazz at napadura ito ng dugo. Napatutop lamang siya sa bibig dahil wala rin siyang magagawa laban sa mga ito. Pero siguro mahihimatay na siya kung sasaktan pa nila ulit si Jazz. Hindi na niya kayang panoorin yon. "Kid, where?" pangungulit pa rin ni Jazz sa bellboy. Dahan-dahan namang dumikit si Althea sa tabi ni Jazz kahit pa nanginginig na talaga siya sa takot. Saka lihim niyang binulongan ang lalaki. "Nasa likod ng reception desk." Pero pano naman sila makapunta ron kung na trapped sila ngayon ng mga kalaban? "Back on your feet!" sigaw pa sa kanila ng isang goons. "Move it!" Grabe naman ang mga goons na ito walang patawad. Pinayuko ba naman sila at pinatuwad. Tuloy mas lalong bumuka ang likuran ng damit niya at litaw na litaw na ang kabuuang likod niya. Ngunit may biglang mainit na balat na dumampi sa likuran niya. Ipinatong pala ni Jazz ang isang kamay nito sa naka expose niyang likod. Nasilya-eletrika na naman siya pero hindi yong nakakamatay kundi yong nakakakilig. Subalit bigla nalang napalitan ng pangininig ang kanyang likuran nang dumampi sa balat ng likod niya ang isang bakal. Na para bang...para bang....Putcha! baril yong nasa likod ko ah. Holy cow! Napalingon naman siya ng bahagya kung sino ang walanghiyang tumutok sa kanya, eh moment na nga nilang dalawa ni Jazz yon. Ngunit laking gulat nalang niya sa kanyang paglingon dahil isang babae pala ang tumutok sa kanya ng baril at naka uniporme pa ito sa hotel. s**t na malagkit. Mukhang nadagdagan pa nga ang bilang ng goons na tumutok sa kanila ng baril. If she and Jazz made it out of this night without being shot, then that's a miracle. At siguro isang milagro nalang talaga ang makakaligtas sa kanila. Binuksan naman ng mga goons ang dalawang trunk ng kotse at mukhang doon sila ipapasok ng mga ito. No way! Hindi ako papasok diyan noh. Hinihila naman niya ang damit ni Jazz. "Ano na ang gagawin natin?" "Chill. Masyado kang nerbyosa." bulong nito. "Chill?" angil niya rito. Nasisiraan ba ito ng ulo? Papayag lang ba ito na ipasok sila sa mabahong trunk na iyon? Nang hilahin na sila ng mga ito papunta sa trunk ng kotse. Natigilan bigla ang mga goons nang may ibinulong ang isa sa kasamahan nila at sabay na ang mga ito na pumunta sa nakaparada na limousine. Kaya naiwan sila na ang dalawang goons lang at yong isang babae ang nagbabantay sa kanila ni Jazz. Hinatak naman ng dalawang goons ang bellboy ng hotel at pinagtulakan ang binatilyo papunta sa nakaparadang limousine. Nakita niyang binaba ng driver ng limousine ang bintana sa gawi nito at kitang-kita niya na balbas sarado ito. Tinanong ng driver ang bellboy at tanging tango lang naman ang isinagot ng bellboy. Napaigtad na lamang siya nang dumapo na naman ang kamay ni Jazz sa likuran niya. Mainit kasi iyon at nakakakuryente. Napansin naman niya na wala na sa atensyon nila nakabaling ang nagbabantay sa kanila na babae at isang goon. At alam ni Althea na ito na nga ang tamang oras para umeskapo sila ni Jazz. Ngunit nababahag na ngayon ang buntot niya eh, mukhang di biro kasi ang mga goons na bumihag sa kanila hindi kagaya sa unang mga goons na nakaengkwentro nila kanina. But in one fluid motion, naagaw ni Jazz mula sa mga kamay ng babae ang hawak na baril nito at mabilis naman siyang itinulak nito sa ground. Pinapaputokan si Jazz sa bantay nilang goon at buti nalang nailagan ito ng lalaki. Ang babae naman ngayon ang sunod-sunod na nagpaputok kay Jazz at dahil sadyang mabilis ang galaw ng agent kaya nakapagtago agad ito sa likod ng pader. Gumanti naman ng sunod-sunod na putok si Jazz kaya nag-unahan sa pagtago ang bantay nilang goon at yong babae sa likod ng mga sasakyang naka parked. Samantalang si Althea ay nanatili lang nakadapa at nag obserba sa mga nangyayari sa paligid. Tas bigla nalang nag dived si Jazz sa ground malapit sa tabi niya. "Tara na." cool nitong sabi. Agad silang tumayo saka hinubad ni Althea ang suot niyang stilleto para lang makatakbo siya ng mabilis. Hinabol sila ngayon ng mga bala at dali-dali naman silang napapasandal sa sasakyan na madaanan nila sa tuwing umuulan na ng bala. Althea ran as quickly as she could. Gutay-gutay na nga ang laylayan ng damit niya dahil palagi nalang siyang nasasagi sa bumper ng sasakyan o di kaya sa plate number ng mga ito sa kanyang pagtakbo. Si Jazz naman ay minsan-minsang napapahinto para gumanti ng pagputok. Ngunit akmang hahakbang na sana sila sa pagtakbo nang masagi ulit ang damit niya sa plate number at tuluyan na nga iyong napunit kaya't umupo na lamang siya dahil hindi na niya makuhang gumalaw. Alam kasi siya na kung tatayo siya ay siguradong nakaburles siya. "Ano ng gagawin natin? Ni hindi na nga ako makatakbo sa itsura kong ito." Jazz glanced at the stairwell door, then lifted his pant leg, exposing an ankle holster where an extra magazine rested against the inside of his calf. Sabi na nga bang may ekstra na baril pa ito at itinago lang nito sa waistband ng kanyang brief, pilyang naiisip niya kahit gaano pa kadelikado ang kanilang sitwasyon. As she caught her breath, he exchanged the empty magazine for the new one. "E co-cover kita habang tatakbo ka papunta don sa stairwell door." sabi nito sa kanya at pinakita sa kanya ang set of keys. "Nakuha ko ito mula sa kasamahan nilang babae. Sana lang gumana ang mga susi na to sa mga pinto rito." "Ano? Gusto mo akong patakbuhin na nakahubad?" "Yes. Ready ka na ba?" Letsugas! Mga fifteen feet kaya ang layo sa sinasabi nitong pinto. Mukhang hindi yata niya kakayanin na tumakbong nakahubad at sa open space pa. Pano kung bigla nalang siyang paulanan ng bala? Eh di tsugi siya, tapos. "Ayoko." mariin siyang napatanggi. Ngunit nakita nalang niya na umangat ang isang sulok ng labi ni Jazz na parang nanunudyo. "Ayoko rin sana gawin sayo yan, pero iyan nalang ang tanging opsyon natin." anito at may inilabas ito mula sa kanyang utility belt na itinago lang pala niya sa ilalim ng undershirt. "Ano ba ang mga yan?" "A decoy grenade and a smoke screen." Whoa! Wais na ideya. Pero sapat na kaya yan para makalabas sila dito sa basement? "Hindi ko akalain ha na may nakatagong granada pala sa ilalim ng iyong suit." Di mapigilang saad niya. She swooned a little anyway. Mr. Drop dead-gorgeous, Delicioso, and Mr. Droolworthy just got even more interesting. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD