Chapter 4

2352 Words
Namangha nalang si Jazz nang hawakan ni Althea ang grenade canisters na para lang itong nanggigil sa isang laruan. At tinawag pa nito ang mga iyon na gadgets lang? Pero di bale kung ito naman ang makapagpaengganyo sa dalaga na tumakbo. "So ngayon, tatakbo ka na ba?" Althea gave a thumbs-up and crouched into a sprint starting position. Napahanga naman siya sa katapangan nito at sinimulan na niyang tanggalin ang pin ng granada at itinapon ito sa garage entrance. Hindi kalakasan ang pagsabog niyon ngunit gumawa ito ng matinding usok. Tumigil na ang pagpapaputok ng mga kalaban dahil nang ihagis niya ang granada, isa-isa ang mga ito na dumapa at nagtago. Siya naman ngayon ang nagpapaputok sa mga kalaban habang minanduan niya si Althea na tumakbo. "Move!" Tumakbo na si Althea at sumunod agad siya rito, nagpapaulan pa rin siya ng mga bala habang tumatakbo sila sa kalagitnaan ng matinding usok. Gumanti naman ng sunod-sunod na putok ang mga kalaban. Ngunit hindi iyon naging balakid sa kanila sa pagpapatuloy nila sa pagtakbo hanggang sa marating nila ang pintuang patungo sa employee's locker. Sinusian agad ni Althea ang pintuan na yon at mga tatlong beses siguro nitong sinubukang buksan iyon hanggang sa mahanap nito ang tamang susi. "Got it," wika ni Althea. Jazz sidestepped her way, habang naka asinta pa rin ang hawak niyang baril sa mga kalaban. Nang tuluyan na silang makalabas sa pintuang iyon, agad din naman nilang isinara iyon at narinig nalang nila na pinagbabaril ng mga kalaban ang bakal na pintuang nilabasan nila. Kung meron ding susi ang mga kalaban nila sa mga pintuan sa basement malamang masusundan agad sila ng mga ito. Pero kung wala man, hayan aabot pa siguro ng ilang minuto upang makalabas ang mga ito sa basement. Subalit gumulantang sa kanila ang malakas na pagsabog marahil ay pinasabog ng mga kalaban ang pintuan doon. "Let's move." mando niya kay Althea. Tumakbo sila ng mabilis baybay ang employee's locker dahil pinagbabaril na naman sila ng mga kalaban. Wais din mag-isip ang mga hinayupak, masundan lang sila. Bwisit! "Pano ba tayo makakalabas dito?" tanong niya kay Althea. "Dumiretso lang tayo hanggang sa makita natin ang hagdang palabas." Halfway down the row of lockers stood a young man, shirtless, his eyes and mouth wide-open as he stared at Jazz gun. Napamulagat ang binatilyo pagkakita nito ni Jazz na armado at parang nanigas nga ito sa kanyang kinatayuan. "Hey Mister, take off your shoes. Now!" mabilisang wika ni Althea sa binatilyo. Nakapaa nalang kasi ito dahil hinubad nito ang kanyang stilleto sa pagtakbo nito. Ngunit hindi man lang gumalaw ang binatilyong empleyado ng hotel. Wala ng oras si Jazz kaya tinutukan na lamang niya ng baril ang pobreng empleyado. "You heard the lady. Get those shoes off." Mas lalo tuloy nahintakutan ang empleyado. "Don't kill me." Pinaikot naman ni Althea ang mga mata nito. "That is why give me your shoes, so you won't get hurt." Nakita niyang nanginginig na ang labi ng empleyado at sa wakas tumalima din ito. Once Althea had slipped into the black sneakers, Jazz gestured his head toward a staircase along the wall that led to the ground level. "Lead us the way." aniya at itinutok pa rin sa empleyado ang hawak niyang baril. "Count to one hundred - then call 911. Got it?" dagdag niyang sabi rito. Napatango-tango naman sa kanya ang empleyado. Nang matapos isuot ni Althea ang sapatos ng lalaki kaagad na silang umakyat sa hagdan. Naawa naman siya rito dahil sa tiniis nitong isuot ang malaking sapatos ng lalaki kahit nagmumukha pa itong Pido-Dido. Napagtanto nalang niya na mali pala ang hinala niya sa dalaga, na kusang loob talaga itong tumulong sa kanya. Ngunit narinig nalang nila ang pagkalabog sa pintuan ng locker room, malamang nasundan na sila ng mga kalaban. Ikinasa niya ang kanyang baril. "s**t! Wala na akong bala." aniya at sunod-sunod pang napamura. Tinapik naman ni Althea ang balikat niya. "Pero may natitirang gadgets ka pa, di ba?" nakangiting saad nito at ang malambing nitong boses ang nagpapatatag sa kanyang loob. Siguro kong malalampasan nila ito at makakalabas sila sa hotel ng buhay. Mahahalikan talaga niya ito. "Yes, meron pa." pero gagamitin lang niya ito kung magkagipitan na. Reaching past her, he opened the door and they went inside the lobby area. Wala rin namang nagbago roon. "Ito ang nabuo kong plano, Althea. Sabay tayong lalabas dito sa hotel at dapat magkahawak-kamay tayo. Sa tingin mo ba kaya mong umakto na magkasintahan tayo?" Umaasa naman siyang umayon sana ang dalaga sa plano niya. Napabuntong-hininga ito. "Okay, but there's one critical issue." Nalilito siya sa ibig ipahiwatig nito. "Tingnan mo nga itong damit ko, gutay na gutay na at malapit na talaga akong magburles nito. Tas heto pa ang sapatos ko, ang laki-laki." Anito habang nakatingin sa damit at sapatos nito. Napatitig na rin siya dito mula ulo hanggang paa. At nakita niyang tama nga ang sinabi nito. "Pero isipin mo nalang na sexy ka pa rin kahit nagkaganyan ang suot mo." "Talaga?" At sa walang pag-aalinlangan hinubad niya ang kanyang suit jacket at ipinatong ito sa balikat ng dalaga. "Parang ganon nga." Given their height difference, the suit jacket was long enough to cover Althea's body from her neck to an inch or so above her knees. Makikita pa rin naman na gutay-gutay na yong laylayan ng damit nito, but at least matatakpan ang ilang bahagi ng katawan nitong naka expose sa pamamagitan ng suit jacket niya. Hinawakan naman niya ang maliit na beywang ni Althea, and it felt damn good. If only they weren't fighting for their lives against one of the deadliest men in the world. Yumuko naman siya para bulongan si Althea. "It's showtime, baby." Lumingon ito sa kanya at gadangkal nalang ang pagitan sa mga mukha nila. Nag-abot ang mga titig nila ngunit iginiya na niya ito sa may lobby. As they moved through the crowd, may bigla siyang naalala. "Saan na yong sulat na pinatago ko sayo?" "Nasa kotse ko." Nakahinga siya ng maluwag, akala niya kasi dala-dala pa rin ito ng dalaga at naiwan ito sa basement. "Nasaan ba yong kotse mo ngayon?" "Nasa Interpol parking garage." Problema nga yon. Baka masundan pa sila don. For all he knew, they'd been hunting him as surely as he'd been hunting them. Hindi siya fully loaded ngayon kaya delikado para sa kanila ni Althea na pumunta don. Saka nalang siguro niya iisipin ang sulat na yon. Sinalubong agad sila ng bellboy pagkapasok nila sa lobby, pero bago paman sila makahakbang umalingawngaw na naman ang putok ng baril sa kapaligiran at nagdulot iyon sa pagkabasag ng mga salamin na dingding. Jazz reaction was immediate and visceral. Kino-cover niya ang katawan ni Althea sa katawan niya upang hindi ito matamaan sa mga umuulan na basag na salamin. Naghiyawan at nagsitakbuhan naman palabas ang mga guest ng hotel. Sumabay na rin sila sa papalabas na crowd. Good timing. Sa di kalayuan narinig na niya ang sirena ng patrol car. Agad naman niyang hinila si Althea sa pinakamalapit na restaurant doon. Though malalim na ang gabi pero marami pa ring mga tao na kumakain doon. Patakbo silang pumasok doon kaya nagka ideya agad ang mga taong kumakain doon na may kagulohan nga sa labas. Outside the restaurant, more gunfire rang out. Pagkalingon ni Jazz, nakita naman niya ang mga armadong lalaki na papasok sa restaurant kaya itinulak niya si Althea para tumakbo pa ito ng mabilis. At bago paman sila makalabas sa back door sa naturang restaurant, nag tapon na naman siya ng smoke grenade. Finally they burst out into a dark alley. Hoping it was another back entrance to a nightclub or restaurant. Binunot niya ulit ang baril kahit pa wala na itong bala, pang takot lang kasi niya iyon sa mga taong haharang-harang sa kanila. Pinauna na niya si Althea sa pagtakbo dahil maghahagis na naman siya ng granada. May nakasunod kasi sa kanila na mga kalaban. "Ano pang hinihintay mo diyan?" tawag ni Althea habang papasok na ito sa isang bar. "Sandali lang." Nang makita na niya ang tatlong goons na nakasunod sa kanila, agad niya itong hinagisan ng granada at tumakbo siya papunta sa bar na pinasukan ng dalaga. Panandaliang nayanig ang kapaligiran ngunit agad na siyang nakapasok sa maingay na bar. Tinapik naman siya ni Althea sa balikat pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng bar. "Ayos ka lang?" "Better than dead." Iyon talaga ang sinasabi nilang magkakaibigan noon kahit nong nasa NBI palang siya. Naalala niya tuloy ang mga ulol niyang kaibigan sa Pinas. Kailan pa kaya sila magkikitang muli? He really missed them all. "Let's jam. You lead the way." Sinundan lang niya si Althea dahil mukhang kabisado ng dalaga ang bar na yon, hanggang sa makarating sila sa main area ng bar. Talagang nakakabingi ang musika roon, kaya pala wala man lang nakapansin dito na may sumabog na granada sa labas. Madilim ang lugar at crowded, perpekto talaga para sa dalawang tao na pinagtataguan ang mga humahabol sa kanila. Hinila naman siya ni Althea sa dance floor saka binulongan siya. "Alam ko ang lugar na to." sigaw nito. "Kaya kung masundan man tayo sa mga goons dito, madali lang tayong makakalabas dito." "Great." "Pero may konting problema tayo." Napakunot-noo siya sa pahayag nito. "Dito rin kasi ang venue ng party naming magkakaibigan ngayong gabi." "Seryoso ka?" "Hindi nila tayo pwedeng makita rito na ganito ang ayos ko. Mapanuri ang mga iyon at wala tayong oras na magpaliwanag. Baka masundan kasi tayo dito ng mga goons at ayoko silang madamay." Tama nga si Althea. "Sige, huwag ka lang magpahalata. Yumuko ka lang at--" "Thea!" Napakislot ang mukha ng dalaga sabay pikit ng mga mata nito. "Lagot na." Napapamura naman siya nang makita niya ang tatlong pares-pares na couple na papalapit sa kanila. Sexy rin ang tatlong babae at chicks na chicks din tulad ni Althea. Maiksi rin ang suot ng mga nito na halos wala ng itinatago sa katawan. Ang mga lalaki naman na partner ng mga ito ay nagwagwapohan din. Puro ang mga ito naka corporate attire at disenteng-disente tingnan. Tuloy nagmumukha siyang si Shrek kumpara sa mga ito. Formal na formal kasi ang mga ito at mukhang mga CEO ang dating. "You made it, Thea." one of the women said. Naka angkla ito sa lalaking partner pero titig na titig naman ito sa kanya na para siyang specimen. At tama nga si Althea, pareho kasi ang tatlong babae na mapanuring tinitigan siya mula ulo hanggang paa. "I see you found already your Valentines date, kaya hindi mo na pala kailangan ang tulong namin." Anito at may ibinulong ito kay Althea. Jazz wasn't a lipreading expert or a mind reader, pero alams na niya ang ikinikilos ng mga kaibigan ni Althea. "He's chili hot. Good job, bff." "Sorry dahil late na late talaga akong nakapunta rito, pero kita niyo may magandang rason naman ako, di ba?" sabi nito at ipinagsalikop ni Althea ang mga kamay nila ni Jazz na para bang mga showbiz personality silang na blind item. Ngunit nakaramdam ng kakaiba si Jazz sa aktong paghawak ni Althea sa kamay niya. He loved the way it felt in his. Kaya mas hinigpitan pa niya ang pagkakahawak dito. "I hate to do this to you, but we're on our way to, uh...you know...to have a little privacy of our own." Privacy pala ha. Ngunit sinuri ulit siya sa tatlong dilag mula ulo hanggang paa at mukhang ilang beses nilang ginawa iyon. Mukhang nababagot na tuloy ang mukha ng mga lalaking ka date ng mga ito. Hanggang sa isa sa mga ito ang nakipagkamay kay Jazz. Palihim naman siyang hinila ni Althea. "Okay, so aalis na muna kami dito." Nag waved muna si Jazz sa mga kaibigan ni Althea bago siya tuluyang hinatak nito palayo sa mga kaibigan. "Hoy Thea! Hindi mo pa sinabi samin ang pangalan ng boylet mo." pahabol tawag sa blondy nitong kaibigan. "James!" balik na sigaw ni Althea sa mga ito. Tas pumunta sila ron sa mas maraming pares na nagsasayawan. Hinila naman niya si Althea papalapit sa katawan niya saka binulongan ito. "James?" tudyo niya rito. "Pangit ba yong pangalan ko?" Sweeping her chin over her shoulder to regard him from below her thick, long lashes, she smiled. "Pasensya na, si James Bond kasi ang unang pumasok sa isip ko eh." Hindi naman niya mapigiling mapatawa sa sinabi ni Althea. Saka hinila na lamang niya ito palabas ng bar. The emergency exit came into view down the restroom hallway behind a mass of people. In a few moments, they'd be out on the street. Tila nakiayon naman sa kanila ang gabi dahil walang ni isang kaibigan ni Althea ang nagtaka o nagtanong sa kanilang mga itsura. Siya kasi may mga pasa sa mukha at si Althea naman ay gutay-gutay ang damit. Napahinto nalang siya sa paglalakad saka hinawakan niya ang kamay ni Althea, spinning her to face him. She bumped up against his chest, looking confused. "Bakit tayo huminto?" Ikinulong niya sa kanyang mga palad ang magkabilang pisngi ng dalaga saka niya siniil ng halik ang mga labi nito. Naramdaman niyang nanigas ito, then her mouth went soft. Kusa namang ipinulupot nito ang mga kamay sa batok niya at ginantihan siya ng halik nito. Her kiss was luscious as her body, full of passion and heat and supple softness. Ilang buwan na ring wala siyang nahalikan na babae kaya nang makita niya ang mapupulang hugis puso na labi nito ay hindi na niya napigilan pa ang sarili. He touched the tip of his tounge to her lip, and the moment her tounge found it, flicking against it, a jolt of arousal ripped through him. Oh yeah, may kapalit pa rin naman ang hirap na sinuong nila ngayong gabi. Kung wala lang sanang naghahabol sa kanila, eh di sana papayag siyang manatili nalang silang ganon buong magdamag. Ngunit pinutol na niya ang halikan nila, tas tinitigan niyang mabuti ang magandang mukha ng dalaga. "Happy Valentine's Day, Althea." Napakurap-kurap ito na parang naalimpungatan mula sa malalim na pagtulog. "H-happy Valentine's Day, Jazz." Hinagod naman niya ang likuran nito, natukso kasi siyang mahawakan ulit ang balat nito na ngayon ay natatakpan na sa kanyang suit jacket. "So, I'm back to being Jazz again? Akala ko kasi si James Bond na naman ang na iimagine mo." "It's a lady's prerogative, ya know." He caressed her lower lip with his thumb, tas napangiti siya rito. "Tara na, let's get out of here." *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD