Chapter 1

2355 Words
Chapter One Bjourne's glass of champagne was halfway empty when he heard Lord Matthew finally introduce his daughter. Sumandal siya sa isang poste at pinagmasdan ang anak ng pinuno ng Wales habang bumababa ito ng hagdan suot ang pulang gown. His brows furrowed when he saw the slit of her dress. Those slim, porcelain legs should never be in display. He told himself. Para itong paing nagtatawag ng tigre para umatake sa suot niya. Hindi niya gusto iyon. He cannot afford to see others drooling over her because he knew, he'll just end up doing a killing spree once that happens. Napatungga siya sa baso ng alak habang pinagmamasdan ang itsura ni Marifer. That face... She really got the exact look. But behind those fierce-looking eyes, is the innocence he admired once. This time he's planning to keep it. Nang tuluyan nakababa ang dalaga, pinasadahan nito ng tingin ang mga bisita. Hindi akalain ni Bjourne na mababaling sa direksyon niya ang tingin ni Marifer. Namirmi ang mga mata nito sa kanya kaya sigurado siyang kitang-kita nito ngayon ang kurbang nakaguhit sa mga labi niya. Nang tawagin ni Lord Matthew ang anak ay lumawak ang ngisi ni Bjourne. Binulsa niya ang isa niyang palad saka niya inubos ang laman ng baso habang humahakbang paalis sa pwesto niya kanina. Nilapag niya sa tray ng waiter ang baso saka siya dumiretso sa labas kung nasaan ang kanyang kanang kamay na si Magnus. Nakasandal ito sa motor niya at mukhang hinihintay siyang bumalik. "How's the plan?" Tanong ni Bjourne sa seryosong tinig. Umayos si Magnus ng tindig saka tumingin sa relos niya. "Mayamaya lang nandito na sila." "Good." Pinasadahan ni Bjourne ng mga daliri niya ang kanyang buhok. "That Lord Matthew will pay for breaking the deal." "Pero King, paano ang security personnels sa paligid? Masyadong marami." Tila nangangambang tanong ni Magnus. Umismid si Bjourne at tila natatawang pinasadahan ng tingin ang ilang bantay. "Marami na ba 'yan, Magnus? I can take them down myself." "Kung sabagay, hindi naman ako dapat magduda sa bagay na 'yan pero si Lady Marifer, paano kung hindi siya sumama? Paano kung--" "Maulit ang nakaraan?" Bjourne cut him off. His tone shifted into a more serious one. Naglaho rin ang kurba sa kanyang mga labi dahil sa nagiging takbo ng kanilang usapan. Bumuntong hininga si Magnus. "Oo." "One way or another, she will always end up with me. Pinalampas ko ang ginawa ni Lord Matthew noong hindi pagtupad sa pangakong siya mismo ang maghahatid kay Marifer sa Remorse. That was three years ago, Magnus. Napaghandaan ko na ang bagay na 'to. I won't let history repeat itself. Not this time." Sagot niya saka niya tinalikuran si Magnus. "You know the drill. Kung hindi nila kayang patayin lahat ng personnel, tawagin mo lang ako. I'll do the job myself. I'll just go back inside. She's wearing a freaking gown with a slit and sexy back." Bahagyang umigting ang panga niya habang sinasabi ang itsura ng damit ng dalaga. Iniisip pa lamang niyang ilang lalake na ang naglalaway kay Marifer ngayon habang narito siya sa labas ay kumukulo na kaagad ang dugo niya. Mahinang natawa si Magnus. "Those designs are normal nowadays, King." Bjourne looked at Magnus over his shoulder with fury. "Nobody can stare at that body but me." his jaw clenched. "Not even you." When Marifer was young, her father used to tell her how important their roles are in this society. Their values, their decisions, their principles, their dispositions in life, all of it must involve the whole place that they are ruling. She grew up trying to prepare herself for that kind of responsibility. And just when she thought she's already old enough to face it, she can't even take a glimpse at her past preparations to remind herself what to do. Alam niya namang darating ang araw na kailangan niyang isakripisyo ang sarili niyang kaligayahan at pag-asang piliin ang taong gusto niyang makasama habambuhay sa oras na magdesisyon na ang kanyang ama na ipasa ang trono. But it never came into her mind, not even in her wildest imagination, that she's going to end up with someone who's barely human. She heard tales about them...not knowing that they really exist. At kung siniswerte nga naman siya, isa pa sa mga ito ang narito para impormal na hingiin ang kamay niya sa kanyang ama. Nang makita niya ang pagsulyap sa kanya ng kanyang ama ay tuluyan siyang ginapangan ng kaba. Mukhang may nais nang ipahiwatig ang titig na iyon at hindi niya iyon nagugustuhan. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ng kanyang ama bago muling ibinaling ang tingin kay Bjourne. Halos hindi na maipinta ang kanyang mukha at gumuhit ang awa at lungkot sa kanyang mga mata. "Just promise me you'll take care of her," he asked in a shaking tone. Pakiramdam ni Marifer ay nanlambot ang mga tuhod niya. Her Dad always puts their people first in his every decision. He always picks the greater good no matter what option's on the table. She should have seen this coming...Pero tila hirap niyang tanggapin ito ngayon. Tila napakadali sa kanyang ama na ibigay siya sa halimaw na nasa kanilang harapan. Nabaling ang tingin ni Marifer kay Bjourne. Nakaguhit ang isang makahulugang ngisi sa mga labi nito ngunit nang makita ng binata ang reaksyon niya ay bigla itong naglaho. Tila biglang nagdilim ang kanyang ekspresyon at umigting ang kanyang panga. Nakakatakot. Para bang handa siyang patayin ang sinumang mahagip ng kanyang mga kamay. Mayamaya ay ibinato niya sa sahig ang espadang hawak niya. Umalingawngaw ang pagtama ng matalim na bagay sa marmol na sahig at nagdala iyon ng matinding takot kay Marifer. He unbottoned his tux then let it slid off of his shoulders. Bumagsak ang kanyang tux jacket sa sahig na may bahid ng dugo. Kaagad kumapit ang mapulang likido sa puting tela pero mukhang wala siyang pakialam sa bagay na iyon. Nagsimulang magsilapit sa kanya ang ilang kalaban ngunit hindi alam ni Marifer kung paanong sa isang kurap ng mata ay bumabagsak na ang mga ito sa sahig--pare-parehong wala nang mga buhay. May ilan pang bali na ang leeg o nakalabas na ang puso. Parang babaliktad ang sikmura niya dahil sa mga ito. Muli niyang binalik ang tingin kay Bjourne. Nakaigting pa rin ang panga nito nang salatin niya ang butones ng kanyang long sleeves. He started unbottoning his shirt without breaking his intense gaze at Marifer. Para bang may nais sabihin ang mga tinging ipinupukol nito sa kanya. Lalo tuloy siyang nakaramdam ng takot. Ang kaninang paghanga na naramdaman niya para kay Bjourne ay tuluyang naglaho. Nangibabaw ang takot niya para sa uri nito at sa kung ano ang kaya nitong gawin. Nagpatuloy ang pag-atake ng mga kalaban kay Bjourne ngunit ni hindi man lang siya nadadaplisan ng mga ito. Masyadong mabilis ang mga nangyayari. He's not human. Iyon ang sigurado na ni Marifer lalo na ngayong muling nagbalik sa pagiging ginto ang kulay ng mga mata ni Bjourne. Tuluyang narating ng binata ang huling butones. Napalunok tuloy si Marifer nang maalis na ito ni Bjourne hanggang sa lumantad na ng buo ang kanyang napakagandang dibdib at tiyang animo'y ilang oras ang naigugugol para sa mga ito na manatiling perpekto ang pagkakahulma. Maging ang kanyang matipunong mga braso na tila kapag hawak ka ng mga ito ay alam mong ligtas ka. Naiiling ni Marifer ang kanyang ulo dahil sa naisip. Hindi ito ang tamang oras para purihin niya ang mga bagay-bagay. Iniwas na lang niya ang tingin at tahimik na lamang na pinanood si Bjourne habang mag-isang pinapabagsak ang mga kalaban. Napabuntong hininga siya nang makita sa bungad ng great hall ang ilan sa pinakamagagaling na kawal ng kanilang kastilyo. Did we become too reckless? Too confident that nobody would try to declare war against our family? She asked herself. Hindi na niya alam. Siguro nga ay ganoon ang nangyari. Masyado silang naging kampante at pati ang guards sa paligid ay naubos ng mga kalaban nang hindi man lang nila namamalayan. Abala silang lahat na magsaya iyon pala ay pinapatay na ang mga taong dapat sana ay silang poprotekta sa pamilya Thompson at mga bisita ngayong gabi. Mga taong nagsisilbi sa kanila para sa mga pamilya nila. Ngayon paano na sila? There goes the soft side of Marifer Thompson again. The side she keeps on concealing because she was too afraid that people will just take advantage of her once they found out she has that side. She hid it and covered it with her terrible attitude that even her thought it was already gone. Not until tonight, when she thought of their slaughtered servants and their families. And this Bjourne guy, hindi siya normal at mukhang alam ni Dad kung ano talaga siya, bakit hindi niya tinulungan ang mga taong pinatay kanina? Inis niyang tanong sa kanyang isip. Killing every enemy left was too easy for him. Kung papanoorin nga siya ay para lamang siyang naglalaro. Wala siyang pakialam sa matamaan ng bawat pag-unday ng kanyang mga braso. Lahat ng mahagip niya, wala nang buhay kapag bumabagsak sa sahig. Napangisi pa siya nang ang pinuno na lamang ng mga sumugod ang natira. Gumapang ang nagkahalong takot at galit sa mga mata nito. Mayamaya ay bigla nitong binato sa sahig ang kanyang espada saka siya lumuhod at yumuko. "Malugod kong tinatanggap ang aming pagkatalo sa araw na ito," ani Conrad. Sandaling namayani ang katahimikan. Nagkatinginan si Marifer at kanyang ama ngunit bago pa man sila tuluyang nakahakbang palapit sa isa't-isa ay tuluyang dinukot ni Bjourne ang puso ni Conrad. Napatili nang napakalakas si Marifer dahil sa matinding takot dahilan para mabitiwan ni Bjourne ang puso na kanyang hawak. Nanlambot ang mga tuhod ni Marifer nang mabaling sa kanya ang nanlilisik na mga mata ni Bjourne. Umigting ang panga nito at kumuyom ang kanyang mga kamao naa tila hindi niya nagustuhan ang paraan kung paano siyang tignan ngayon ng dalagang pakay niya. His eyes narrowed at her with fury. Naglakad siya palapit sa dalaga dahilan para mapaatras ito hanggang sa tuluyang tumama ang likod sa malamig na poste. Napahawak siya nang mahigpit sa hem ng kanyang damit habang pigil ang kanyang paghinga. Nabibingi na siya sa t***k ng kanyang sariling puso. Pakiramdam niya anumang oras, bigla na lamang siyang hihimatayin. Ngayon lamang siya naramdaman ang ganito. Para bang gusto nang bumigay ng mga tuhod niya habang pinapanood si Bjourne na lumapit sa kanya. Nalaglag ang panga ni Marifer nang tuluyang nakain ng malalaking mga hakbang ni Bjoune ang distansyang mayroon sila kanina. Kaagad na dumausdos ang isa nitong kamay sa kanyang leeg patungo sa likod ng kanyang ulo. His hand fisted on her hair and tried to keep her head still while gazing at her with so much intensity and fury. Tumaas ang isang kilay ng gwapong nilalang. "Scared, sweetheart?" Tila mapanghamon nitong tanong. Napalunok si Marifer sa narinig. Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa tela ng kanyang damit. Pilit niyang pinakalma ang sarili kanyang sarili saka niya kinagat ang ibaba niyang labi bago siya umiling. Hindi siya pwedeng magpakita ng kahit na anong pagkatalo kung hindi ay kakayan-kayanin niya lang siya nito at iyon ang hindi niya hahayaang mangyari. Unti-unting lumandas makahulugang ngisi sa mga labi ni Bjourne. Lumapit ang kanyang mukha sa nakalantad na balikat ni Marifer dahilan upang lalong magwala ang dibdib ng dalaga. Nang maramdaman niya ang pagkiskis ng dulo ng ilong ni Bjourne sa kanyang balat ay halos tumalon palabas ng kanyang dibdib ang kanyang puso. "Pretending you aren't scared won't work on me. I can tell if you're telling the truth or not," he whispered. His warm breath sent chills down her spine. "I hate lies..." Napasinghap siya nang hawakan ni Bjourne ang magkabila niyang balikat saka nito idiniin ang likod niya sa poste. Nanlilisik ang mga mata ng binata habang nakatitig sa kanyang takot na mga mata. Parang gusto na lamang niyang lamunin ng lupa keysa salubungin ang nakakatakot na titig na ipinupukol nito sa kanya. "Do you know what I did to those who lied to me?" He asked in a teasing manner. Napalunok si Marifer. "Y-You killed them?" Halos pumiyok pa ang kanyang boses. Unti-unting kumurba ang gilid ng mga labi ni Bjourne. Lalo tuloy nagwala ang dibdib ni Marifer nang hawiin ng lalake ang ilang hibla ng kanyang buhok na tumabing sa kanya mukha saka nito hinawakan ang kanyang pisngi para pawiin ang basa rito dala ng kanyang pag-iyak kanina. "Smart guess..." He whispered. Bumaba ang tingin nito sa bahagyang nakaawang niyang mga labi. "You're quite right." Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Nangatog lalo ang mga tuhod niya at muling bumalot ang matinding takot sa kanyang nagwawalang dibdib. "A-Are you gonna kill me, too?" Nanghihina niyang tanong. Mahinang humalakhak ang binata dahilan para lumitaw ang perpekto nitong mga ngipin. "Of course..." He murmured before leaning closer until his face is only an inch away from her's. "If you'll keep on lying to me." Pagkasabing iyon ni Bjourne ay tuluyan nitong inangkin ang kanyang mga labi. Nanlaki ang mga mata niya at tila naestatwa ang buo niyang katawan dahil sa ginawa ng lalake. Masyadong mabilis ang nangyari at hindi niya alam kung anong dapat na gawin. He was trying to make her respond but when she didn't do anything, he bit her lower lip then suck it as if he was punishing her for not giving him what he asked for. A low groan of pain escaped her lips but it just made Bjourne smirk while kissing her. She's pretty sure he tasted her blood. Gumuhit din sa lalamunan niya ang lasang kalawang na likidong nagmula sa kinagat ng binata. Nang tuluyang lumayo ang mukha ni Bjourne ay muling kumurba ang mga labi nito. He licked his lower lip in the sexiest way Marifer could possibly imagine. Para bang nang-aakit ang paraan nito ng pagbasa sa kanyang labi. Wala tuloy siyang ibang nagawa kun'di titigan ang binata habang ginagawa iyon. Mayamaya ay binitiwan siya nito't humakbang paatras hanggang sa tuluyan siya nitong tinalikuran. "In two weeks time, babalik ako. Make sure at that time, you're already prepared to go home with me," seryosong sabi ng lalake habang nakatalikod sa kanya. Nang malapit na siyang makalabas ay sandali itong huminto. He looked at her over his shoulder with a smirk written on his face. "Dahil sa ayaw mo o sa gusto, iuuwi kita sa Remorse."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD