Chapter 2

3668 Words
Chapter Two "Wala 'yon sa usapan, Coulson! Why the hell did you kill Conrad?!" Nanggagalaiting ani ni Lucas. Umismid si Bjourne saka humithit ng sigarilyo bago niya ibinaba ang nakapatong sa mesa niyang mga paa. Umayos siya ng upo sa sofa saka niya ibinuga ang usok sa harap ni Lucas na halos hindi na maipinta ang mukha sa galit. Lumandas ang mapang-asar na ngisi sa mga labi ni Bjourne nang makita ang pag-ubo ng huklubang manggagantso. "I did Lord Matthew a favor. Isa pa, para ko na ring tinulungan ang Conrad na 'yon. Natigil na ang kahibangan at katangahang taglay niya." Tugon ni Bjourne dahilan para maningkit ang mga mata ng kausap. "Matalinong pinuno si Conrad." Depensa nito. Mahinang natawa si Bjourne. "Seriously? Is trying to fight guns with swords a smart move?" Tumaas ang isang kilay niya, naghahamon. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Lucas. "May prinsipyo siyang tao. Napatay ni Matthew ang asawa at anak niya gamit ang espada. Hindi ko kinumbinsi at sinulsulan si Conrad na gumanti para lang traydorin at patayin mo siya. Ni hindi nga niya alam na kasabwat ka rito." Napailing si Bjourne sa narinig. "May his soul rest in peace. Amen?" Tila nang-aasar pa niyang sagot saka nakakalokong ngumisi. Mas lalong nayamot ang itsura ni Lucas dahil sa sinabi ni Bjourne. Dinampot nito ang tungkod saka niya ito idinuro rito. "Sinasabi ko na sa iyo, Coulson. Baka magsisi ka ring ginawa mo iyon." Dismayado niyang sabi bago tumayo. Dinampot niya ang sobreng pinaglagyan ni Bjourne ng sapat na perang ibinayad para sa pangungumbinsi niya kay Conrad. Isinilid niya ito sa loob ng jacket niya bago niya tinalikuran si Bjourne at sinimulang maglakad paalis. Bumaling naman si Bjourne kay Magnus na nakatayo malapit sa lagayan ng mga alak. Nginuso niya rito ang huklubang ipinagpalit ang matalik na kaibigan para sa perang pangsugal saka niya nakangising ibinigay ang utos. Kill him. He commanded through mind link. Napabuntong hininga na lamang si Magnus. Tinignan niya ang isang deltang malapit sa bungad ng sala saka niya ibinigay roon ang utos ng kanilang pinuno. Sa tuluyang pagtapat sa kanya ni Lucas, agad niya itong inatake habang si Bjourne ay tahimik lamang na pinapanood kung paanong pumalahaw at magmakaawa ang matandang kanina lamang ay walang pakundangan siyang dinuro ng tungkod. Humithit siya ng sigarilyo at siniguradong nakikita niya ang bawat detalye kung paanong nag-aagaw buhay ang dating kasabwat. He's loving the sight in front of him and the smell of a traitor friend's blood is nothing but the aroma that satisfy his furring wolf. Nang tuluyang bumagsak si Lucas sa sahig ay binalingan siya ng delta. Pinunasan nito ang dugo sa kanyang labi saka niya itinango ang ulo niya. Pinatay naman ni Bjourne ang sigarilyo saka niya sinenyasang lumapit ang delta. Mabilis naman itong sumunod na animo'y isang napaka-among tuta. "What's your name again?" Walang ganang tanong ni Bjourne bago uminom ng alak. "Nile, Alpha." Sagot ng delta. Nagsalubong ang mga kilay ni Bjourne sa narinig at pakiramdam niya ay nagpanting ang kanyang tainga. Binalingan niya si Magnus saka niya ito pinaningkitan ng mata. "Bago siya, King. Hindi pa niya alam." Mabilis na depensa nito. "New pup, huh?" Sumimsim siya ng alak saka niya pinasadahan ng tingin ang delta. "Please tell me Pierre didn't send you." Napalunok ang delta sa narinig. Hindi nito nagawang sagutin si Bjourne at tanging pagsulyap lang kay Magnus ang nagawa niya. Napabuntong hininga si Bjourne. Mayamaya'y marahas niyang inilapag ang baso ng alak saka siya tumayo. Dinuro niya ang dalawa pang deltang kasama nila sa loob. "You and you, get out of here! All of you!" Hindi sila kaagad nakagalaw. Nagtinginan silang tila nagtataka sa biglaang pagbabago ng mood ng pinuno. Nang hindi sila nagsikilos ay naikuyom ni Bjourne angmga palad niya. Humakbang siya palapit kay Magnus saka niya ito idinuro. "Sa susunod na tatanggapin mo ang mga donasyong tauhan ni Pierre, ako mismo ang pupugot sa ulo mo. Hindi porke't pamilya niyo ang namahala sa Vourden ng ilang taon may karapatan ka nang magdesisyon para sa pack na 'to. I am not just an alpha, Iversaint. Tell Pierre to mind his own business. Baka nakakalimutan niya kung sino pa rin ang may-ari ng distritong kinatitirikan ng lahat ng meron siya. I am Bjourne Benedict Coulson. The strongest lycan in this land. The king of Remorse. Ipaalala mo 'yan sa kanya." Nagngingitngit ang ngipin sa galit niyang ani bago niya ito tuluyang tinalikuran. "Tell those bastards to get the hell out of my place before I send their heads to their true alpha. Sumunod ka sa akin pagtapos. Oras na para manundo." Utos niya bago tuluyang pumanhik ng hagdan. Hinaplos ni Marifer sa huling pagkakataon ang malambot na kama ng kanyang kwarto. Sa loob ng dalawampu't-isang taon, naging saksi ang kwartong iyon sa mga pinagdaanan niya. From her biggest fears to her greatest downfalls. From her darkest secrets to her loneliest nights. Every part of this room witnessed everything and this place knows more than anyone. The place where she showed the side of her she was too afraid to show to anyone. Not even with Irene nor her Dad. Matapos ang nangyari sa party, hindi niya na iniwan ang silid. Narito lang siya para magmukmok at upang ipaalala sa sarili niyang kailangan niyang lakasan ang kanyang loob. That Bjourne guy might not be human but looks like her Dad has no plans of calling the deal off. Lamang ang kanyang pride at pagmamahal sa ama keysa sa kanyang takot. Hindi niya hahayaang mapamalitang ang bantog na anak ni Lord Matthew ay umatras sa tungkulin niya. She's too afraid of the humiliation she could cause to their family. After all, who would believe her if she'll say that the only reason why she's backing out is because she's about to get married to a monster? People will surely laugh at her. She cannot afford that so she'd rather face what her father had decided to do. Lady Marifer is an epitome of a perfect woman. Isa pa, hindi siya maaaring makitaan ng kahinaan o ano pa mang makasisira sa napakaganda niyang imahe. Nakarinig siya ng katok sa pinto kasunod ay ang boses ng mayordomang si Senior Merly. "Lady Marifer, gusto kayong makausap ni Lord Thomas," malumanay nitong sabi. Napalunok siya dahil sa narinig. She hates to admit it but she can feel the woman smiling while saying those words. Alam naman niyang ang bawat isang nakatira sa palasyong iyon ay labis siyang kinamumuhian. Sino ba namang gustong manatili sa iisang lugar kasama ang katulad niya? Masahol pa nga raw sa lahat ang ugaling ipinakita niya sa kanila. She remembered how she slapped one of the maids with money before. Galit na galit siya noon dahil hindi niya nahanap ang paborito niyang earings na regalo ng namayapa niyang Grandma Pricilla. Akala niya ay ninakaw ito ng maid kaya sinampal niya ito ng pera. Baka raw kulang pa ang natangay niya. Turns out that the girl was actually innocent. Na-miss place lang pala niya ang earings at hinayaan niya ang galit at pangungulila sa kanyang lola na manaig, ngunit dahil sa taas ng pride na mayroon siya, hinayaan niya lamang na palayasin ang maid. She realized it was the best way she could make it up to the poor girl. Ang malayo sa kanya. Hindi niya sinabi ang totoo at pinanood niya lang na kinaladkad ito ng mga gwardiya habang pigil ang kanyang emosyon. She knew, if she'll do anything to stop the guards, her Grandma in heaven wouldn't be pleased. Show your weak side once and people will take advantage for you forever. She remembered her Grandma's favorite line. Para sa kanyang Grandma, kahinaan ang maging mabuti kaya sa ganoong paraan siya nito pinalaki. Upang mapatunayang ginusto niya iyon, sinabi niya sa ibang mga tagasilbing nagsisi rin naman siya kahit paano. Nagsisi siyang lumapat ang malambot niyang palad sa balat ng isang mababang uri ng nilalang. Ininsulto pa niya ito at sinabing hindi nga yata nakakatikim ng may class na sabon ang mukha ng katulong. She even said she wasn't able to sleep for days because her conscience won't let her have peace. Pakiramdam niya raw ay napakalaking kasalanan ang nagawa niya sa kanyang palad. Her statement made her image more terrible to the servants but it made them afraid of her as well. Isang bagay na alam niyang nararapat lamang tulad ng sinabi ng kanyang lola. She had to erase the sweet image she used to have to their maids because that would please her Grandma. She didn't care if Marifer will grow up without friiends. Ang mahalaga, walang sinumang magtatangkang pagsamantalahan ang kanyang apo. Huminga ng malalim si Marifer saka ito pinakawalan. She swore to her Grandma that she'll always be strong with or without her. Alam niyang kung naririto pa ang kanyang Grandma, ang sumama kay Bjourne din ang magiging desisyo niya. Inayos niya ang suot niyang itim na summer hat saka siya tuluyang nagsalita. "I'll be there in a minute." Nang marinig niya na ang mga yapak na papalayo ay doon lamang siya humakbang patungo sa may pinto at sa huling pagkakataon, tinapunan niya ng tingin ang kanyang munting silid. She tried to push on the back of her mind the sting feeling that's starting to resurface once more and before she could even shed a tear, she finally opened the door and walked out the room while holding her breath. Umalingawngaw ang maingay na tunog ng kanyang takong habang binabagtas niya ang hallway. Paintings of their family are hanging on the walls, making the place a museum of their own history. Bumaba siya sa magarbong salas at nakita roon ang kanyang ama na prenteng nakaupo sa single seater sofa na nakaharap sa fire place. He seemed to be reminiscing memories. Mga alaalang hangga't maaari ay hindi na lang gustong maisip ni Marifer. The more she thinks about the past, the more complicated things become for her. Parang ang kanyang ama. He imprisoned himself on her Mom's memories. Wala namang pumipigil sa kanyang mag-asawa ulit pero heto siya, nilulugmok ang sarili sa lungkot ng pag-iisa. Maging ang kanyang Grandma Pricilla noon ay nais na makitang mag-asawa ang anak ngunit ito mismo ang naglayo sa sarili sa posibilidad na umibig muli. Marifer cannot blame him. Kahit pa namayapa ang kanyang ina matapos siyang maipanganak nito, sapat na ang mga kwento ng kanyang ama para mapagtanto niya ang dahilan kung bakit hindi ito magawang palitan ng ama. She's an exceptional woman with a pure heart. Faye was the only girl who caught the heart of the famous Matthew Thompson. Too bad their love story ended the moment she entered their lives. Minsan tuloy ay gusto niyang sisihin ang sarili sa pagkamatay ng ina ngunit hindi na iyon magiging sapat upang maibalik ang nakaraan. "Dad..." Nabaling sa kanya ang atensyon ni Lord Matthew. Gumuhit ang isang mapaklang ngiti sa labi nito ngunit bakas sa mapungay nitong mga mata ang matinding kalungkutan. Iniwas na lamang ni Marifer ang tingin at dumiretso sa sofa malapit sa ama. Ayaw niyang ipakita ritong mahirap para sa kanya ang desisyong ito. She was raised to be prepared for this kind of sacrifice. Dapat ay handa na siya. After all, she is Lady Marifer Thompson. This must be her greatest pleasure 'cause she's finally doing something for their people. If being with Bjourne means restoring the strength of their kingdom, then she'll marry him in every chance possible. Isang marahas na buntong hininga ang pinakawalan ni Lord Matthew. Sa gilid ng mata ni Marifer ay nakita niya kung paanong ihinilamos ng kanyang ama ang palad nito sa kanyang mukha. "Remorse is a far place but I will do my best to visit you always," He said in a gentle, very fatherly manner. Pilit siyang ngumiti saka umiling. "You don't have to, Dad. I'll be fine. King Bjourne seems to be a great guy." She almost threw up on the last part. Nakakatakot ang isang iyon para sa kanya, sa totoo lang. Hanggang ngayon ay iniinda pa rin niya ang lip bite na ibinigay ng damuho. "They are not normal. Lycans--" "I know Dad." She cut him off. "But if this will be the way for Wales to be stronger, then I can live the rest of my life sleeping with a beast..." Hindi nakapagsalita si Lord dahil sa ipinakitang katapangan ng anak. Halatang ikinabigla niya ang sinabi ni Marifer. Or maybe it's my choice of words that shocked him. Hindi nga naman kasi ako nag-ingat. She told herself. Muli napabuntong hininga ang kanyang ama. Tumayo ito at naglakad palapit sa kanya habang nakaguhit pa rin ang pamilyar na ekspresyong ayaw sanang makita ni Marifer. Tumabi ito sa kanya at binigyan siya ng isang mainit na yakap. Humapdi ang gilid ng mga mata ni Marifer dahil sa ginawa ng ama. She really cannot remember the last time he hugged her this way. Hindi na niya maalala. He was too busy ruling his kingdom and grieving for his late queen he almost forgot there's a princess waiting for him in his castle. Napahiwalay si Lord Matthew sa pagkakayakap sa anak nang umalingawngaw ang mga yapak palapit sa kanilang pwesto. Nabaling ang tingin nila sa bungad ng receiving area at nakita si Butler Pete kasama si Bjourne at isa pang lalakeng halos kasingtangkad at kasing tikas nito. Bahagyang magulo ang buhok ng kasama ni Bjourne ngunit hindi maipagkakailang magandang lalake ito...gaya niya. Tumayo sila ni Lord Matthew ngunit nanatiling nakapako ang mga mata ni Marifer sa lalake na matipid naman siyang binigyan ng ngiti. She can't help but smile back at the man. Nararamdaman niyang mas makakasundo pa niya ito kaysa kay Bjourne na kapag kumurba ang labi ay pakiramdam niya'y may hindi magandang gagawin. Mayamaya ay umubo si Bjourne. Nang mabaling dito ang atensyon ni Marifer ay halos tumalon palabas ng dibdib niya ang puso ng dalaga. He's piercing her with his golden yellow eyes as if he's telling her to stop smiling at the other guy. His jaw clenched in a dangerous manner as he c****d an eyebrow at her. Kumunot ang noo ni Marifer dahil sa ginawa ni Bjourne lalo na nang samaan siya nito lalo ng tingin bago nito ibinaling kay Lord Matthew ang naniningkit na mga mata. "Lord Matthew, this is my Beta, Magnus," pakilala niya sa kasama. The guy extended his hand for a shake. Malugod naman itong tinanggap ni Lord Matthew. "Pleased to finally meet you. Wales is a great place." Untag Magnus saka siya tumingin kay Marifer. Lumandas ang isang ngisi sa mga labi nito. "My King was right. Lady Marifer is to die for..." Nanlaki ang mga mata ni Marifer at uminit ang kanyang pisngi dahil sa narinig. Nabaling ang tingin niya kay Bjourne ngunit nagsisi siyang ginawa niya iyon. His playful smirk almost made her heart jump out of her chest as if he really planned to make her feel that way. "I pressume your daughter is all set to go with us?" Tanong ni Bjourne. Tumango naman si Lord Matthew. "Nakaempake na ang mga gamit niya." Umiling si Bjourne. "Sorry, sweetheart but you're not taking anything with you." "What?!" Hindi makapaniwalang bulalas ni Marifer. Itinupi ni Bjourne ang kanyang matitipunong braso sa tapat ng kanyang dibdib. "Don't worry. I'll let you shop for your clothes once we get to Remorse." Pumintig ang ugat ni Marifer sa kanyang sintido nang makitang tila seryoso nga si Bjourne sa sinabi nito. Gusto tuloy niya itong lapitan para sapakin ngunit kasalanan ang magalusan ang balat niya. Kung palabas lamang na pakiramdam niya ay nagkasala siya sa palad niya nang sampalin niya ang katulong noon, puwes, kung kay Bjourne niya iyon gagawin ay siguradong hindi niya na kailangan pang magpanggap dahil ituturing niya talaga iyong kasalanan sa kanyang balat. Ngayon ay puro na lamang tuloy iritasyon ang nadarama niya para sa binata. Kung makangisi ito sa kanya ay animo'y kayang-kaya siya nitong bwisitin wala pa man itong ginagawa. Alam kaya niya kung gaano kamahal ang bawat damit sa closet ko? Baka nga mas mahal pa sa buhay niya ang halaga ng lahat ng iyon. Asik niya sa kanyang isip habang pinupukol si Bjourne ng matalim na titig. Naiinis at halos magmakaawa na niyang tinignan ang ama. "Don't let him do this to me. My clothes, my shoes, my jewelries. Dad, they are my life! Ako lang ang may ganoong mga disenyo." Halos mangilid ang luha niya sa inis. Hindi niya iiyakan ang kahit na ano bukod sa kanyang ama ngunit para sa gamit niya, handa pa siyang makipagpatayan. Well, ofcourse she was kidding on the last part. My life is too precious. Walang halagang kayang pumantay sa buhay ng isang Marifer Thompson pero kahit na. Masyadong mahalaga ang mga gamit ko. She battled internally. Bumaling ang tingin ni Lord Matthew Bjourne. "Can't she take even just ten suitcases?" Kumunot ang noo ni Bjourne. "Why? How many suitcases is she planning to bring?" "Twenty five..." Sandaling namayani ang katahimikan na tila ba ikinabigla nila ang narinig. Ganoon ba talaga nakakagulat kung gaano kakaunti ang gamit ko o mabagal lamang talaga ang pagproseso ng mga utak nila sa mga bagay-bagay? Dear lord, I don't think I will survive with people with slow processors on their brains. Bulong niya sa sarili. Mayamaya pa ay biglang napahagalpak ng tawa si Bjourne. Pati si Magnus ay natawa na rin pero mas malutong ang tawa ni Bjourne na tipong halos maluha na siya sa kakatawa. Kahit na pilitin niyang pakalmahin ang sarili, nang tapunan niya ng tingin ang nakasimangot na si Marifer ay muli lamang na naman siyang humagalpak ng tawa. "I'm sorry, Lady Marifer but I think you misunderstood me. I said I'll take you home to Remorse. I didn't say I'll take your whole kingdom there." Natatawa niyang sabi. Naningkit ang mga mata ni Marifer sa narinig at kumuyom ang mga kamao niya dahil sa inis. Ang kapal niya ring insultuhin ako! "Excuse me? Gamit ko lang iyon. Kapag dinala ko ang kastilyo ko, baka kulangin ang lupaing pag-aari mo." Mataray niyang tugon. There's no way she'll let Bjourne have his fun without putting up a bloody fight. Iniling ni Bjourne ang kanyang ulo habang pilit pinipigilang muling matawa. "Sorry but you can't take anything. No more buts unless you want your Dad to suffer, Lady Marifer." Hindi nagawang sumagot ni Marifer ngunit humigpit ang pagkakakumuyom ng mga kamao niya. At talagang gagamitin niya pa ang taong kapresyo ko bilang pang-blackmail? Great. "Fine! Whatever. Tignan ko lang kung hindi ka mamulubi sa pagbili ng mga bagong gamit ko." Naiinis niyang sabi saka niya ito inirapan. Kumalma na si Bjourne mula sa pagtawa ngunit hindi na niya sinagot pa ang nagtataray na si Marifer. Sumulyap siya sa kanyang wrist watch saka siya muling tumingin kay Lord Matthew. "I'm afraid we have to leave now." Bumaling naman si Lord Matthew sa anak nang marinig ang sinabi ni Bjourne. May bahid ng awa sa kanyang mga mata at hindi iyon matagalang makita ni Marifer. Muli ay niyapos siya nito. "I'm sorry, princess." Nakagat ni Marifer ang ibabang labi niya para pigilan ang kanyang namumuong emosyon. Ayaw niya sa lahat, 'yong nararamdaman ng kanyang ama na kasalanan nito ang mga bagay-bagay. He once blamed himself for the death of his wife eventhough for Marifer, it's clearly her fault because her mom didn't make it during her delivery. Pinahirapan ko na si Mom. Hindi ko na papahirapan si Dad. Kumalas siya sa pagkakayakap sa ama saka siya pilit na ngumiti. "I'll be fine, Dad. I'll be fine..." It was actually herself she was trying to convince. Hindi na niya hinintay pa ang sasabihin ng amang malapit nang maluha. Bumitiw na siya rito saka siya humakbang palapit kay Bjourne. "Let's go." Walang ekspresyon at pigil ang emosyon niyang sabi saka niya ito binangga sa balikat nang lampasan niya ito. Narinig na lamang niya ang pormal na pagpapaalam ng dalawa sa kanyang ama bago tuluyang sumunod ang mga ito sa kanya palabas ng palasyo. Nakakuyom ang mga kamao niya habang humahakbang palabas. Ayaw niyang magpakita ng kahinaan sa kanila. She promised herself that she will walk out of that place with my pride whole and unshakable. Hindi niya hahayaang makitaan nila siya ng pwede nilang ipanlaban sa kanya. Her weakness will be her strength. As long as she knows what could make and break her, she knew she'll be okay. Halos ilang hakbang na lamang bago niya malampasan ang higanteng pinto ng kastilyo nang mapansin niya ang dalawang itim na big bikes na nakaparada sa bungad ng kastilyo. Napahinto siya at kumunot ang kanyang noo. Mayamaya ay naramdaman niya ang pag-akbay sa kanya ng pamilyar na bulto at humalimuyak sa kanyang ilong ang panlalake nitong pabango. Kunot noo niyang tiningala si Bjourne. Nakaguhit na naman ang nakakainis nitong ngisi dahilan para mairita na naman siya/ Hinawakan nito ang kanyang baba saka bahagyang piniga. "Now you know why you can't take your kingdom with you." He chuckled. Naningkit ang mga mata ni Marifer dahil sa narinig. Kumuyom ang mga kamao niya at isusuntok na sana sa mukha ng binata ngunit kaagad nahuli ni Bjourne ang kamay niya. Bigla nitong inilapit ang mukha sa kanya habang nakaguhit ang nakakainis nitong ngisi. "Tough girl," he whispered. Ibinaba nito ang kamay ni Marifer saka niya idinausdos ang palad patungo sa likod ng dalaga dahilan upang magwalang muli ang dibdib nito. Lalong lumapit ang mukha Bjourne. Napalunok tuloy siya nang tumama ang dulo ng ilong ng binata sa kanyang ilong. "Make sure kaya mong panindigan 'yan. I like it when I get things the hard way..." pabulong ngunit mapanghamong ani Bjourne. Halos lumuwa ang mga mata niya nang biglang bumaba ang kamay nito sa kanyang pang upo. He squeezed her butt cheeks then chuckled. "...Especially stuff like this." Humalakhak siya nang bitiwan ang dalaga. Halos mawalan naman si Marifer ng lakas dahil sa ginawang iyon ni Bjourne. Ang kapal na nga ng mukha, manyak pa! Nagsimulang humakbang palapit sa mga big bikes si Bjourne habang siya ay halos pumutok na sa sobrang galit. Mayamaya ay huminto ito at muli siyang nilingon. "And by the way, I hope you don't snore at night. I might cover your mouth with mine if you do..." Muli siyang humalakhak. Nagngitngit ang mga ngipin ni Marifer sa galit. She swears to all the gods that ever existed, she'll find a way to kill this bastard!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD