Chapter 3

2142 Words
Chapter Three Mabigat ang mga paa ni Marifer nang simulan niya ang paghakbang palapit sa big bike ni Bjourne. Nakahanda na roon ang helmet na para sa kanya ngunit mas gusto pa yata niyang ihampas ito sa ulo ng binata kaysa isuot iyon. Hindi tuloy niya maiwasang mapangiwi. That thing will ruin her hair. Siguradong kakapit sa mabango niyang buhok ang amoy nito. That's the least thing I would want to smell from her crowning glory. Only the most expensive shampoo and hair treatments touch her strands anyway. Nang makalapit na siya roon ay sinubukan niyang maupo nang patagilid ngunit kaagad iniling ni Magnus ang ulo nito. "You wouldn't want to ride his bike that way, trust me." He told her with a hint of warning. Pakiramdam niya ay isang pagbabanta ang mga salitang binitiwan ni Magnus. Huminga siya nang malalim saka muling bumaba. This time she tried to ride on it the proper way. Pasalamat siya at high-waist jeans ang kanyang suot ngunit nahirapan pa rin siyang umakyat dahil sa takong ng sapatos niya. Five inches doesn't scare her but not today. Tingin niya ay ang heels niya ang papatay sa kanya...at ang lalakeng magmamaneho ng bike. Muntik siyang malaglag nang dumulas ang sapatos niya sa tapakan. Mabuti na lang at mabilis na nakalapit sa kanya si Magnus. Inalalayan siya ng matipuno nitong mga brasong pakiramdam niya ay matigas pa sa bato. Bahagya pang namula ang pisngi niya nang mahawakan nito ang bewang niya. "Ingat, Lady Marifer." Paalala ni Magnus. Nahihiya siyang tumango. At kailan pa ako nahiya? Hinubad nito ang kanyang summer hat saka nito isinuot sa kanya ang helmet. Habang ginagawa iyon ni Magnus 'yon ay nakatitig lang siya sa mga mata nito. Its blue-green color suits him pretty well. She had seen a lot of men with such eye-color but it wasn't this...beautiful. Para bang may gayuma ang mga mata nito dahilan upang hindi niya magawang itigil ang pagtitig. Bjourne suddenly cleared his throat. Nabaling sa binata ang tingin nila ni Magnus. Tila bigla namang natauhan si Marifer. Napalunok siya nang makita ang masamang titig na ipinupukol ni Bjourne kay Magnus. His jaw clenched as he c****d a brow at his Beta. "Dare to do that again, Iversaint. I always have a space for another addition to my collection." Seryoso nitong sabi kay Magnus bago isinuot ang kanyang helmet. Napabuntong hininga na lamang si Magnus. Halatang ilag siya sa galit ni Bjourne pero kung tutuusin ay mukha namang kayang-kaya niya ito. If I were him, baka hinamon ko ng suntukan si Bjourne. Isa niya...laban sa isang batalyon para siguradong tataob ang damuhong ito. Sumilip ang mapaglarong ngisi sa labi ni Marifer dahi sa naisip. Mayamaya ay bumaba ang tingin ng binata sa suot niyang heels. Bigla na lamang itong yumuko at hinubad ito mula sa paa niya saka ito umikot sa kabila para alisin din ang isa pa. Inabot niya kay Marifer ang mga sapatos pero bigla na lang itong inagaw ni Bjourne saka niya ito initsa sa malayo. Nanlaki ang mga mata ni Marifer at nalaglag ang panga niya sa ginawa ni Bjourne. Hinampas niya ang matigas na likod ng binata. "Bjourne! That's Three hundred thousand!" Singhal niya. He looked at her over his shoulder. Salubong ang kanyang mga kilay. "So?" Parang nagpanting ang tainga ni Marifer sa narinig. Nagngitngit ang mga ngipin niya sa inis at kulang na lamang ay sabunutan niya ito. This guy is really unbelievable! Magsasalita pa sana siya nang bigla nitong binuhay ang makina saka pinaandar ang motor. Napatili siya sa sobrang gulat at napayakap nang mahigpit sa baywang ni Bjourne. Mahina namang humalakhak ang binata saka muling ihininto ang motor. Bigla nitong hinawakan ang mga braso ni Marifer. Para na naman siyang nakuryente nang humaplos sa balat niya ang mga palad ni Bjourne. Inayos at lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap ng mga braso ni Marifer sa kanyang baywang na tila nananadya. Halos nakalapat na ang katawan ng dalaga sa likod niya ngunit wala man lang siyang pakialam at tila iyon pa nga ang nais talaga niyang mangyari. "Comfy, hmm?" He asked in a teasing manner. Biglang uminit ang pisngi ni Marifer dahil sa narinig. Aalisin na na sana niya ang mga braso mula sa pagkakapulupot sa baywang ni Bjourne nang bigla siya nitong pinigil. He looked at her over his shoulder with a playful smirk written on his face. "Kumapit ka kung ayaw mong malaglag," tila nagbabanta nitong sabi. Muli niyang hinigpitan ang pagkakapulupot ng mga braso ni Marifer sa kanyang bewang. "After all, you should get used to it. Dahil kung hindi ikaw ang yayakap sa'kin, ako ang yayakap sayo..." Lalong uminit ang mukha ni Marifer. Pakiramdam niya tuloy pati ang tainga niya ay namumula na rin ngayon. Ang sarap silaban ng buhay ang lalakeng 'to. No'ng nagpaulan ng kayabangan at kapilyuhan, siguro gising na gising siya. Bulong niya sa kanyang isip. Tuluyan nang binitiwan ni Bjourne ang mga braso niya at pinagpatuloy ang pagmamaneho. Noong una ay mabagal lang ang pagmamaneho nito. Nalampasan nila ang higanteng gate ng kastilyo pagkatapos ay binaybay nila ang daan ng sentro ng bayan patungo sa main gate ng city. Nagbigay-pugay naman ang mga kawal na nakakita sa kanila nang madaanan nila ang mga ito. Parang hindi pa rin makapaniwala si Marifer na iniiwan na niya ang Wales. Ni minsan hindi niya inakalang ganito kaaga niya lilisanin ang bayang sobra niyang minahal kahit pa maraming hindi magagandang alaala ang lugar na iyon. She realized that what her father once told her was right. No matter how hard things become, once it's already gone, our hearts will only look for the memories it wants to treasure. Nagpatuloy ang mabagal na takbo ni Bjourne ngunit habang tumatagal na napaplayo sila sa Wales, unti-unti nang nararamdaman ni Marifer ang pagbilis ng kanilang takbo. Nalampasan nila ang karatulang nakalagay ang pangalan ng bayan. Mayamaya pa'y bigla na ngang bumarurot ang motor ni Bjourne. Gumapang ang matinding kaba sa dibdib ni Marifer at wala siyang ibang nagawa kun hindi ang yumakap nang mahigpit sa lalaki habang mariing nakasara ang kanyang mga mata. Ito ang unang pagkakataong nakasakay siya sa motor at isinusumpa niyang ito na rin ang huling beses. Wala na sa sarili niyang ihinilig ang ulo ko sa likod ng binata habang nakapikit. Panay ang paalala niya sa sariling kailangan niyang maging matatag. Kung dito pa lang iiyak na siya, paano na lang daw kapag narating na niya ang Remorse? Beasts walk freely on that place. She will be dealing with real-life flesh-eating monsters. She will live the rest of her days with their king. Kailangan niya ng marami-raming tatag ng loob para malampasan ang lahat ng iyon. Ilang sandali pa ay napansin niya ang biglang pagbagal ng kanilang takbo. Bahagya siyang nilingon ni Bjourne dahilan upang mapaayos siyang muli ng upo. "Are you alright?" Tila nag-aalalang tanong ng binata. Napairap siya dahil sa tanong nito. Natural hindi! Kung makapagmaneho siya parang wala nang bukas! Magkakaroon ako ng sakit sa puso dahil sa kanya. Sabi ko na nga ba. This man is not healthy for me. Asik niya sa kanyang isip. Hindi na lang siya nagsalita. Mabuti na lang at hinayaan na lang din siya ni Bjourne at hindi na ulit nagtanong na mukhang nakahalata. Mabuti iyon para sa kanya dahil kahit paano ay naging tahimik silang dalawa habang nasa byahe. Hindi na niya namalayan kung gaano na katagal ang byahe. Ang alam lang niya ay umaga nang lisanin nila ang Wales. Ngayon ay papalubog na ang araw. Huminto sila sa isang bayan. Ito na ang pangatlong beses na sandali silang tumigil. Ang una ay ang pangalawang bayan matapos ang Wales. Nagkarga sila ng gasolina at binilhan siya ni Magnus ng doll shoes. Ayaw sana niyang isuot dahil mukhang mumurahin pero mas lalong ayaw naman niyang tumapak sa lupa ng naka paa lang. Masyadong mahal ang nagagastos niya sa tuwing nagpapa-footspa at wala siyang balak na sayangin ang lahat ng iyon dahil lang napakacheap ng sapatos na binili ng isang nagmamagandang loob na ginoo. Thou it's still cheap and she hates the manufacturer of those shoes for making such cheap item. Huminto rin sila sa isang hindi na pamilyar na bayan para kumain ng tanghalian. She ordered chef's salad for lunch and that made Bjourne laugh so hard. Seriously, lahat na lang ng ginagawa niya ay tinatawanan ng binata. Kaya naman daw pala ang payat niya. Halaman lang daw pala ang kinakain niya ani Bjourne. Halos kakatapos lang makargahan ng gasolina ang mga motor nila nang hawakan ni Bjourne ang braso niya saka siya hinatak ng binata papasok sa convenience store. His palm was rough. Pakiramdam niya ay nagagasgasan ang balat niya dahil sa higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. I swear, if I will see a scratch on my skin, I'd punch him. Ofcourse I'll wear a gloves. Baka magalusan ang kamay ko. She mentally noted. Wala na siyang nagawa kun'di magpatianod sa malalaking hakbang ni Bjourne. Pagpasok nila roon ay dumiretso ang binata sa section ng mga packed meals. Dinampot niya ang isang tuna sandwich saka tinignan si Marifer. "Do you want this?" Tanong niya. Tumaas ang kilay ni Marifer at itinupi niya ang kanyang mga braso. "Iniinsulto mo ba ko?" Mataray nitong tanong kay Bjourne. Kumunot ang noo ni Bjourne at hindi naiwasan ang mapailing. Mayamaya ay nagpakawala siya ng isang marahas na buntong hininga. Ibinalik niya ang tuna sandwich sa lagayan saka niya nilagay ang mga kamay niya sa kanyang balakang. "Fine," he mumbled. Imwinestra niya ang kamay niya na tila ipinapakita ang mga pagkain sa harap ni Marifer. "Choose what you want then." Umiling naman ang dalaga. "I don't eat cheap foods, Bjourne. My stomach only digests foods with reasonable value." Inis na natawa si Bjourne. Naihilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha at tila pilit na nagtimpi. "The value of foods doesn't matter. After all, mahal o mura, pagkain pa rin naman. This is the reason why I don't want you to take anything with you. You need to leave that attitude there, in Wales. Remorse is different from where you came from and trust me, you won't survive in my world if you won't learn to adapt." Napairap si Marifer. "Ikaw lang ang may gustong dalhin ako ro'n. You decide for my fate. Deal with my attitude or just take me back to Wales." "Hell no." Mariin niyang sabi. Dumilim ang kanyang ekspresyon at umigting ang kanyang panga. Humakbang siya palapit kay Marifer nang hindi pinuputol ang seryoso niyang titig. Napaatras si Marifer dahil sa ginawa ni Bjourne hanggang sa naramdaman na lang niya na tumama na ang likod niya sa pinto ng chiller. Biglang ikinalso ni Bjourne ang mga braso niya sa pagitan ng mga balikat ni Marifer saka niya tinitigan ng masama ang dalaga. "Listen to me, Marifer. That bitchy attitude of yours won't work on me. The moment your father agreed with my terms, you became my property. I am your alpha and you have to learn to submit yourself to me whether you like it or not," mariin niyang sabi. Napalunok si Marifer dahil sa narinig at aaminin niyang nakaramdam siya ng takot pero hindi niya hahayaang makita iyon ni Bjourne. She'll never let him have a glimpse of what he could use against her will. Hinawakan niya ang dibdib ni Bjourne saka iyon tinulak pero para itong pader na walang balak magpatibag. Imbes na umatras ay lalo pa siyang lumapit sa dalaga. He brushed his fingers on Marifer's hair then fisted his hand on the back of her head to keep it still. Lumapit ang kanyang mukha sa leeg ni Marifer. Bumilis naman ang t***k ng puso ni Marifer nang simulan nang dampian ni Bjourne ng mapupusok na mga halik ang kanyang balat. "B-Bjourne." Nauutal niyang tawag sa pangalan ng binata. Nagpapanic niyang hinawakan ang tela ng damit nito at pilit siyang itinulak pero hindi siya nagpaawat dahilan para mangatog nang tuluyan sa takot ang mga tuhod niya. "We can do this the easy way, Marifer..." He whispered right in front of her ear. His heavy and warm breath made her heart skip a beat. Naramdaman niya ang isa nitong kamay na lumandas sa kanyang likod. Idiniin ni Bjourne ang kanyang katawan s sa kanya saka nito inangkin ang mga labi niya. Mapusok at animo'y pinaparusahan siya. He suck her lip in the most seductive way she could possibly imagine. Para na naman tuloy siyang nawawala sa wisyo. She was breathless. Their exchange of heavy breaths made her cheeks stain red. They are sharing the same air...again. Hinawakan nito ang kanyang baba saka iniangat ito para masalubong niya ang seryoso nitong titig. "Or the hard way..." His eyes narrowed at her. "Don't test my temper. You haven't met the real beast yet." Puno ng pagbabanta nitong sabi bago siya binitawan at lumabas ng store. Halos mabuwal naman si Marifer dahil sa matinding panginginig ng kanyang mga tuhod. Hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. She cannot believe that for the first time in her life, she was threatened by someone.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD