chapter two

1662 Words
Idinilat ko ang mga mata ko saka mabilis bumangon sabay hawi sa kumot. Iginala ko ang aking paningin sa paligid. Kumunot ang noo ko dahil napagtanto kong nasa kama na ako na dapat ay harap pa ako ng drafting table... Wait, ang blueprint na ginagawa ko! Nagmamadali akong umalis sa ibabaw ng kama at dinaluhan ang mesa. Natigilan ako nang makita ko na tapos na ito. Pinagmasdan ko itong mabuti. Sa pagkakatanda ko, hindi ko pa tapos ito buhat nang dumating si Vaughn dito sa sa unit ko. At saka, ito nga ang plano na sinasabi sa akin ng client ko! Speaking of the devil, narito pa ba ang isang iyon?! Tiniklop ko parolyo ang blueprint saka itinabi ko muna ito. Lumabas ako sa kuwarto nang may naririnig akong nagluluto na dahilan para matigilan ako ng ilang saglit. Pagkatapos ay nagpakawala ako ng hakbang palapit sa kusina. Umawang ang bibig ko nang makita ko ang likod ng isang lalaki na mukhang abala sa pagluluto at kilalang kilala ko kung sino 'yon! Anong ginagawa niya dito!? I thought he already left! "Gising ka na pala. Tamang tama, kakatapos ko lang magluto ng almusal." biglang sabi niya sa akin. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang kaniyang kabuuan. He's wearing faded blue jeans at wala siyang damit pang itaas kaya litaw na litaw ang eigh-packs-abs niya! Like, what the hell?! Tapos 'yung V-line pa niya! Shete! "Done watching?" nakangisi niyang tanong. Umiwas agad ako ng tingin. Tumikhim ako't nilapitan ang isa sa mga upuan doon. Hinatak ko at umupo. "Why are you still here?" Inilapag niya sa harap ko ang plato. "Alam kong magpapalipas ka na naman ng gutom dahil sa pagmamadali mo." aniya. Tiningnan ko ang inihanda niyang breakfast sa plato. Hindi mapigilang mapaletra-O ang bibig ko nang makita ko ang almusal na ginawa niya ngayon. It's frittata! It's an Italian food! Alam ko noon pa man namahilig na siya sa pagluluto pero hindi ko sukat akalain na mas gumagaling na siya sa mga ganito! "Dig in," sabi niya nang nakaupo na din siya sa dining chair na katapat ko lang. Malapad ang kaniyang ngiti. Napalunok ako. Mukhang masarap kasi ang pagkaluto lalo na ang texture ng pagkain. I grab a fork and dig in. Nang maisubo ko iyon ay tumango ako. Ibinalik ko ang aking tingin sa kaniya na ngayon ay nakaabangan sa magiging reaksyon ko. "Masarap," kaswal kong kumento. "I'm glad you like it." Hindi na ako nagsalita pa. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain habang siya naman ay nag-umpisa nang kainin ang niluto niya. "Nagustuhan mo ba ang blueprint?" tanong niya bigla. Doon ay natigilan ako. "W-what?" "Hindi ako umuwi kagabi, actually. Nang puntahan kita sa kuwarto mo para magpaalam, nadatnan na kitang nakatulog sa drafting table mo." aniya. "Kaya ako ang tumapos habang tulog ka." Napabitaw ako sa tinidor. Ibig sabihin, tama ang hinala ko? Na hindi ko talaga natapos ang blueprint na iyon? "How dare you, Vaughn? Bakit nakikialam ka sa trabaho ko?!" angil ko sa kaniya. Tumaas ang isang kilay niya. "Kung hindi ko tinapos, eh di mapapagalitan ka ng client mo?" "And how did you know na iyon nga ang design na gagawin ko? Wala akong natatandaan na may sinabi ako tungkol sa detalyeng iyon especially, muli lang nagkrus ang mga landas natin kahapon lang simulang lumipas ang limang taon!" hindi ko na siya mapigilang masigawan. Humalukipkip siyang tumingin sa akin. Prenteng niyang isinandal ang kaniyang likod sa upuan. So hindi pa pala nagbabago sa kaniya ang ganitong ugali. Sa tuwing nahehesterikal ako, kalmado siya. Hindi niya magawang sumabay sa galit ko. "Because I read all the sticky notes in your wall which is gives me some details to do it." Natameme ako saglit. Sinisink in ko pa ang paliwanag niya. Napasinghap ako kasabay na lumaylay ang magkabilang balikat ko. Tama siya, naglagay nga ako ng sticky notes para hindi ko makalimutan ang mga detalye na gagawin ko sa desenyo ng bahay. "Also, I saw the crampled papers in the trashcan which gives me more ideas." dagdag pa niya. I scoffed. Napasapo ako sa aking noo. Bigla ako nakaramdam ng hiya sa mga ipinakita ko sa kaniya ngayon. My goodness! Ako na nga ang may kailangan sa kaniya sa sitwasyon ko ngayon, ako pa ang may ganang magalit. Ang tanga mo din, Shakki! I heard him sighs. "Hindi ako nagbago, Shakki. Kung ano ako noong iniwan mo, ganito pa rin ako nang balikan mo." nanatili pa rin kalmado sa kaniyang boses. Lihim ko kinagat ang aking labi. Yumuko ako. "I'm sorry..." nanghihina kong sabi. "It's alright. You just need to finish your food. Mauuna na din akong umalis dahil bubuksan ko pa ang talyer at may lakad din ako mamaya pagkatapos." Kusa akong tumango bilang tugon. "O...kay..." Tama kayo nang pagkabasa. Vaughn and I we're ex-lovers. Masasabi ko na almost perfect din ang relasyon namin noong college kami. I'm taking Architecture while he is taking up Engineering. Sa mata ng mga makakakilala sa amin, pang habambuhay na kami pero ang hindi nila alam, nag-aaway din kami. May mga bagay na hindi nagkakasundo pero hindi ibig sabihin n'on ay nababawasan ang pagmamahalan namin sa isa't isa. Legal siya sa parents ko. Kilalang kilala siya. Ang maganda pa doon ay malaki ang tiwala nina mama at papa sa kaniya. Maituturing pa nga na mas anak pa nga si Vaughn kaysa sa akin. Sa tuwing nalalaman nilang nag-aaway kami at ako ang may kasalanan, ako pa ang napapagalitan. Huminga ako ng malalim kasabay na humigpit ang pagkakapit ko sa manibela. Dumilat ako't tumingin sa restaurant kung saan ko kikitain ang kliyente. Panay kabog ng aking dibdib dahil sa kaba. Oh s**t, dapat hindi na. Dapat ay sanay na ako dahil ilang beses ko na nararanasan ito. Binuksan ko ang mga palad ko at gumuhit ng bilog sa isang palad ko sa pamamagitan ng hintuturo kong daliri, pampaswerte sa akin iyon. Mismong si Vaughn ang nagturo sa akin n'on. Sabi niya noon, magiging maayos daw ang lahat lalo na ang mga pinoproblema ko. "I can do this!" sabi ko sa sarili ko at lumabas na ng sasakyan na dala ko na din ang mga gamit ko para sa presentation na isasagawa ko. Pagpasok ko sa naturang restaurant na iyon ay doon ko napagtanto na mamahalin pala ito. Good thing is kaunti lang ang mga guest dito. "Table reserved by Mr. Montague." sabi ko sa receptionist. May lumapit na waiter at hinatid niya ako kung nasaan ang mesa na tinutukoy ko. VIP room pala ito. Nang matagpuan na namin iyon ay nagthank you ako at nagpakuha nalang muna ako ng tubig habang inaasikaso ko ang presentation ko. Habang nagrereview ako ng slides at blueprint ay tumigil iyon nang biglang may umupo sa upuan na nasa harap ko. Napaawang ang bibig ko nang makita ko ang hindi inaasahang tao dito. "A-anong ginagawa mo dito?" naguguluhan kong tanong. Tumaas ang mga kilay niya. "I'm here for a meeting." aniya. "Umalis ka d'yan, baka dumating na ang kliyente ko." naiirita kong sabi. Mahina siyang tumawa. "You're so cute, Shakki." Kumunot ang noo ko. "Wala akong panahon sa mga biro mo, Vaughn. Umalis ka d'yan. Nakakahiya sa kikitain kong client." He shrugged. "Pinapalayas mo na pala ngayon ang client mo. How heartless." Tumititig ako sa kaniya. "Si Mr. Montague ang kikitain mo, hindi ba? Hindi naman talaga siya ang client mo dahil ako mismo ang client. He's my secretary, by the way." pacool niyang dagdag. "Whaat?" hindi ko mapigilang tumaas ang boses ko sabay na napatayo ako. Buti nalang ay soundproof ang VIP room! Ngumisi siya. "Yeah, he's my secretary for three years. I told him about the details and materials should use for this project." he lean himself in the table. "So, shall we start, mi amor?" Dahan-dahan akong umiling. "Tell me you're kidding, Vaughn. This is a bad joke." Kaya ba nagawa niyang tapusin ang blueprint? Kaya tumugma ang ideya ko kasi ideya niya talaga iyon?! Damn it!  "Bakit pa ako magbibiro sa mga oras na ito, hm? Gagastos ako para magpagawa ng bahay. Remember what I've told you last night. I want you to be my architect." "You're an engineer for Pete's sake!" "I know. And you're the architect which is my perfect pair." saka may dinukot siya sa kaniyang bulsa. "Isunod mo ang mga gamit niya sa bahay." aniya sa kausap niya saka ibinaba din niya iyon. Ibinalik niya sa akin ang tingin niya at tumayo saka lumapit sa akin. "A-anong—" hindi ko na maituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong binuhat na parang isang sako ng bigas! "What the hell are you doing, Vaughn? Ibaba mo ako!" pinagsusuntok ko ang kaniyang likod pero wala akong narinig na daing mula sa kaniya. Tila bingi siya sa mga reklamo ko. Tuloy-tuloy ang paglalakad niya, ni wala siyang pakialam kung makikita man kami ng ibang guest dito hanggang sa nakalabas kami ng restaurant! Natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa loob na ako ng kotse niya! Agad ko siyang binalingan. "Anong ibig sabihin nito?!" "Tinutupad ko lang ang mga hiling mo. That's it." sagot niya. "Ano?!" I hissed. "You want to marry me because of my name, right? Ngayon palang papakasalan na kita. Kakilala ko ang mayor na magkakasal sa atin. Nakahanda na din ang dress na isusuot mo, ipipick up na din natin sa flower shop ang wedding bouquet mo." he said as he wearing his seatbelts. Nakaawang ang bibig ko ng ilang saglit. "Seriously? And how about the visitors, huh?" "It's just a civil wedding, mi amor. Nanghila na ako ng dalawang witness. Si Aling Concha na labandera sa talyer at yung isa naman hinila ko na nagbebenta ng mga kakanin." Namilog ang mga mata ko. Really?! Siraulo ba ang isang ito?! "You want my name, right? Ibibigay ko agad." "Hindi ito ang kasal na pinopropose ko, Vaughn—" hindi ko naituloy ang sasabihin ko na bigla niyang inilapit ang mukha niya sa akin na dahilan para maatras ako, kasabay na bumilis ang kabog ng aking dibdib. "I know. Saka ko na ibibigay ang engrandeng kasal na hinihingi mo..." bumaba ang tingin niya, nakatitig siya sa mga labi ko. Para akong tuod sa posisyon ko! s**t. "Kapag nakuha ko na ulit ang puso mo." then he smiled. "It's sweeter the second time around, huh? Let's see..." Nanatiling nanlalaki ang mga mata ko. Anytime, pwede na akong magcardiac arrest!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD