chapter three

1742 Words
Habang nasa byahe na kami ni Vaughn, kinailangan kong mag-iwan ng mensahe sa mga magulang ko. I told them I was out of town for a while because of work. He's still the boss, the CEO while I'm a COO kaya walang problema. And thank God, wala naman akong narinig na against siya sa lakad ko ngayon. But, he didn't know that I was with Vaughn, my ex-boyfriend. Hindi ko lang alam kung ano ang magiging reaction nila ni mommy sa oras na nagpakasal na ako sa ex ko! "Narito na tayo," anunsyo niya nang huminto ang sasakyan sa parking lot ng isang beach resort. Teka, bakit dito? Bumaling ako sa kaniya na kunot ang noo. "Ang akala ko didiretso tayo sa bahay mo? Bakit dito?" Tinagilid niya ang kaniyang ulo sa akin na may mapaglarong ngiti sa mga labi. "Since we're newly wed couple, there's nothing wrong about honeymoon, right?" Napasinghap ako't umiwas ng tingin sa kaniya. What the hell?! Anong honeymoon? Siraulo ba siya?! Bakit hindi ko man lang naisip 'yon? Walangya, ang buong akala ko lang naman kasi sa oras na ikinasal na kami, wala nang ganoon-ganoon pa! Pero bakit parang sineseryoso naman niya ang kasal-kasalan na ito?! Rinig ko ang pagsara ng pinto sa driver's seat hanggang sa pinagbuksan na niya ako ng pinto. Nilahad niya ang kaniyang palad sa akin. Napalunok ako. I have no choice, I grab his hand and he gently pull me outta his car. Bumaling ako sa matayog na gusali. It's Henann Resort Alona Beach. They said this is the biggest luxury resort in Panglao Island, Bohol! Gumatos siya ng sobra para sa honeymoon pero sa kasal namin, tinipid ako ng walanghiya! Kahit kailan talaga, hindi ko na makuha ang takbo ng utak niya! Ano pa ba ang maaasahan ko? Vaughn is always Vaughn Walang mintis at dapat ay masanay na ako sa kaniya. Tsk. Ramdam ko nalang ang isang kamay niya sa bewang ko. Tumingin ako sa kaniya. Isang napaglarong ngiti ang iginawad niya sa akin. "Let's go, mi amor." masuyo niyang pag-aaya. Hindi ko magawang magprotesta man lang dahil kusang nadala ang katawan ko sa kaniyang gugustuhin! Ang ending, tahimik lang ako nakasunod sa kaniya. Nang nakapasok na kami sa lobby ng Hotel dumiretso kami sa reception para sa pinabooked niyang suite. Tumaas ang isang kilay ko nang mahuli ko ang isang receptionist na malapad ang ngiti with matching kagat-labi pa! Isinabit pa ang kaniyang buhok sa kaniyang tainga sa harap pa mismo ni Vaughn. Aba, malandi spotted pala ito. "Can you hand us the keys faster?! We're in the honeymoon. I would rather tell the manager to teach you some respect especially when the wife of the guest is around!" iritada kong sabi ko sa receptionist. Napasinghap siya at aligagang inabot niya sa amin ang card ng room kung saan kami mananatili. May pinapirma din siya ng papel kay Vaughn. Hindi ito makatingin sa akin dahil sa kaba. Yes, that's good lady. Show some respect infront of me. Ayusin mo ang trabaho mo kung ayaw mong mawalan ng trabaho. Hinawi ko ang buhok ko with a poise pa. "Let's go." pagsusungit ko sa kasama ko. Nauna akong lumapit sa elevator at humalukipkip. "Hey," masuyo niyang tawag sa akin. "What was that?" "Pagod ako sa byahe. Gusto kong magpahinga." palusot ko pa. "Oh...kay." then he chuckled. "Selosa ka pa rin." "Hindi ako selosa. I'm tired and I don't used somebody flirting before in my eyes. That's all." mahina pero mariin kong tugon. "Palusot.com," he added. Kunot-noo ko siyang tiningnan. "What?" He shrugged. "Nothing." then he drew again a smile. Walang kaabog-abog na bigla niya akong inakbayan. "Mukhang pagod ka nga. Galit ka na, eh." "Whatever." hindi pa rin mawala simangot sa mukha ko. Biglang hinawakan na naman niya ang kamay ko. "Ano na naman ba?" "Mi amor, hindi tayo sa room hotel magsestay. Nagpareserved ako ng pool villa, this is not the right way." sagot niya at marahan niya akong hinila palabas ng hotel. _ So this resort also offers pool villas. I can see that they uses cogon straw as a roof to give an beautiful island feel. I can see this villa has own private plunge pool and veranda! Seriously, Vaughn Hochengco can afford this?! Oh well, ano pa ba ang maaasahan ko? He's a Hochengco. Kahit na sabihin nating tinuturing siyang anak sa labas, pero sa tingin ko ay hindi naman talaga ganoon ang trato sa kaniya ang mga kamag-anakan niya kahit hindi ko pa iyon kilala! Kahit isa akong arkitekto, hindi ko rin mapigilang mamangha sa ganda ng interior ng loob ng villa! I overlooking the beach. It was absolutely amazing. I feel it is a special retreat! Pumasok ako sa loob nang datnan ko si Vaugh na binabasa niya ang blueprint na dala ko. I arched my eyebrows at him. "Vaughn," tawag ko sa kaniya habang papalapit. Tumigil siya sa kaniyang ginagawa. "Yeah?" sabay tingin sa akin. "May problema ba?" Ngumiwi ako. Umupo ako sa gilid ng kama. "Bakit nga pala tayo nandito sa Bohol?" Totoo bang honeymoon ito?! Shocks! Hindi ko magawang idugtong iyon dahil nakakahiya! "It's our honeymoon. Nasabi ko na sa iyo." Napalunok ako. Ginagapangan na ako ng kaba! 'Anak ng tuta naman, Shakki! Feeling virgin ka pa rin kahit hindi naman! Huwag kang ano!' Kahit naman noong may relasyon pa kami ng lalaking ito, hindi ko magawang ideny na may nangyayari nga sa aming dalawa ni Vaughn. Papaano ko ba kasi mapipigilan ang sarili ko kung ang hot boyfriend mo eh nilalandi ka, ha?! Nanumbalik ang ulirat ko nang marinig kong nirorolyo na niya ang blueprint at ipinatong niya iyon sa isang tabi. Tumayo siya at dire-diretso siyang pumunta sa akin! Yumuko siya nang kaunti para magtumapat ang mukha niya sa mukha ko. Kahit ganoon, sobrang lapit niya! Kulang nalang ay mahahalikan niya ako. "Shakki, hanggang ngayon nirerespeto pa rin kita. Ayos lang sa akin kung ayaw mo at hindi ka pa rin komportable sa presensya ko." he said softly. Hinawi niya ang takas kong buhok. Hindi ko magawang magsalita. Parang may nakabara na kung ano sa aking lalamunan. Sa eksena naming ngayon, nanumbalik sa isipan ko ang mga alaala buhat sa nakaraan... Kung gaano namin kamahal ang isa't isa. Kung ano ang puno't dulo nito ng problema... Pero iba naman iyon. Ang sitwasyon namin ngayon ay ibang-iba mula sa nakaraan. At ngayon ay kailangan ko lang ang tulong niya, wala nang lalagpas pa doon. Ibinaon ko na ang lahat sa limot!  "You know, the biggest mistake of my life was letting you go. I feel so lost... Loneliness has taught me everything in this world except one thing, how to forget you... the one who made me miserable... But I failed." Bumaba ang tingin ko. I feel my heart clenched. Marahan kong tinulak si Vaughn at nagmamadali akong dumalo sa banyo at nagkulong muna doon. Isinandal ko ang aking likod sa pinto. Napasapo ako sa aking bibig at mariing pumikit. I know, I hurt the one who love me most. I'm so sorry, Vaughn... I'm sorry for hurting you. I can see the hurt in your eyes, and my heart aches to know that I caused you pain... _ Alas sais na ng gabi nang magising ako. Marahan akong bumangon sa kama at kinusot ang aking mga mata. Namataan ko si Vaughn na nakabihis na, mukhang may lakad. Lumingon siya sa akin na mukhang natunugan niyang gising na ako. Umupo siya sa gilid ng kama at masuyo niyang hinawakan ang isa kong kamay. Parang tumigil ang puso ko sa ginawa niya... Hinalikan niya iyon! "Finally you woke up." aniya. "Huh?" "Habang tulog ka, naisip ko na pwede tayong gumala muna. There's some bar and restos outside of this resort nearby. So... Get up and take some shower. Ako na ang bahala sa susuotin mo para makabihis ka na agad." Kusang sumunod ang katawan ko sa utos niya. Habang papunta ako ng banyo ay nagpahabol pa ako ng lingon sa kaniya. He just smile at me. Ngumuso ako't pinipigilan kong mapangiti habang humalukipkip. _ Black leather pants, beige color crop top and a pair of white stilettos ang ipinasuot sa akin ni Vaughn. Hmm, mukhang nag-upgrade ang sense niya sa fashion, huh? Kahit noon, siya ang naghahanda ng damit para sa akin kapag may date kaming dalawa na dapat nga ay ako ang gumagawa ng mga bagay na 'yon. So, were gonna experience the nightlife here in Alona together. Wait, ibig sabihin, hindi pa rin niya nakakalimutan ang mga gawain ko noon? Just wow. Habang naglalakad kami ay napansin ko na bigla siyang natigilan. Nagtataka akong bumaling sa kaniya. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang laglag ang kaniyang panga, mukhang gulat na gulat siya sa nakikita niya. Sinundan ko iyon ng tingin. Napaletra-O ang bibig ko nang makita ko ang isang malaking grupo sa harap namin. Ang iba sa kanila, may mga kaakbayan na babae na mukhang mga jowa o kaya... asawa? "Ow shet, si Vaughn, mga cous!" sabi ng isang lalaking singkit sa mga kasamahan niya. "Ay, hala! Si kuya Vaughn nga!" tili ng babae na chinita. Isa-isa na silang lumapit sa amin. Napasinghap sila nang makita nila ako. Gulat na gulat sila. Pero iba ang pagkagulat na 'yon. Bakit pakiramdam ko ay kilala nila ako? "Anong ginagawa ninyo dito?" hindi makapaniwalang tanong ni Vaughn sa kanila. "Ikaw nga ang dapat tanungin namin niyan. Nagtataka kasi kami na ayaw mong sumama sa amin dito sa Bohol. Ang akala tuloy namin busy ka sa talyer mo. Iyon pala busy ka... sa ibang bagay" nakangising sabi ng isa pang lalaki. He like a caucasian. Bumaling siya sa akin. "Harris nga pala, Shakki." So kilala nga nila ako! "So answer my question." mariin na sabi ni Vaughn. Lumapit ang isang lalaki at inakbayan niya ang kasama ko. "Pare, celebration natin ito kasi ikakasal na sina Archie at Jaycelle. Remember?" "Tamang-tama narito ka rin naman Vaughn ahia, sumama nalang kayo sa amin!" aya ng babaeng nagsalita kanina. Tumingin siya sa akin. "Fae Hochengco here. Finally, nakilala ka din namin!" "Ayon! Kumpleto na tayo! Double celebration ito!" "Double celebration?" ulit ko pa. "Yep, ikinasal na din kayo ni Vaughn, hindi ba? Hindi nga nang-invite ang tukmol na ito. Pero dahil sa nahuli na namin ito, magpapabaha siya ng alak ngayong gabi." nakangising sabi ng isa pang lalaki. "Kalous Ho nga pala, pinsan namin itong si Vaughn. Kapatid naman siya ni Finlay. And this is my wife, Tarrah." "Tara na! Kailangan maholdap natin ng tuluyan ito bago makawala!" Wika pa ng isa. "Oh, cous, dapat pagapangin mo kami sa kalasingan, ha?" "Oh, fuck." rinig kong mariin na mura ni Vaughn sa gilid ko. "I'm so sorry, mi amor. I'm from in a crazy family. So bear with me." Naiiling ako pero hindi ko mapigilang mapangiti. Finally, nakilala ko din ang pamilya niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD