Chapter two

1711 Words
Chapter two Nandito na ako ngayon sa restaurant na pinagtatrabahuan ko, syempre pagtapos ng school deretso dito sa resto. Nagpalit na ako ng uniform namin at nag umpisa nang magtrabaho “Andy table 2 sa taas “ “okay nandyan na!” Pagkakuha ko ng order dun sa second floor ng resto ay bumaba na uli ako, nakakapagod ang ganitong buhay, pero sanay na ako, para sa akin din naman to eh. “GOOD MORNING SIR!” bati nung isang staff sa kapapasok pa lang na lalake.Ako naman busy ako kakukuha ng mga pinagkainan ng mga customers at nagpupunas na rin ng mesa, nang papunta na ako sa kitchen ng resto para ilagay yung mga pinagkainan, hindi ko nakita yung nakalagay sa sahig na “WET FLOOR” kaya naman… *BOGHH* *ASDSWGFVHBGJHYFVG S* Awwwww! Aray ko po ang sakit ng balakang ko, hindi tuloy ako makatayo, napansin ko rin na nabasag lahat ng hawak kong baso at plato at nagkalat silang lahat sa sahig, May nabunggo din akong isang lalake, lagot, mukang nadumihan yung damit,puti pa naman, lagot talaga ako neto “sir sorry” pinunasan ko yung damit niya nang makatayo ako, hindi ako nakatingin sa muka niya, kase hindi ko alam ang uunahin ko, naku! bibilang ako ng tatlo sigurado may sisigaw na sa akin.. “1” “2” “3” “ANDY!!!! ANONG GINAGAWA MO” napapikit ako ng mata dahil na rin sa sigaw ni ng manager ng resto, sabi na eh, ang sungit sungit kaya nito  “sir sorry po” nakayuko ako dun sa manager ng resto “PANO MO PAPALITAN YAN HA?” “sir ibawas niyo na lang po sa sweldo ko” “ANO PANG IBABAWAS KO! PANAY ADVANCE NA NGA YANG GINAGAWA MO! ANO PA IBABAWAS KO!” naku! patay ako.. “YOUR FIRED! UMALIS KA NA DITO SA RESTO NA TO! NAKAKAHIYA KA NADUMIHAN MO PA YUNG DAMIT NANG CUSTOMER NATIN” naku naman oh, aksidente naman yun eh,niligpit ko na lang yung mga bubog na nagkalat, wala na talaga akong magagawa fired na ko, ang malas ko naman. Habang nagpupulot ako ng bubog may umupo ring lalake sa gilid ko at tinulungan akong magpulot ng bubog. “Naku! sir ako nalang po” pero hindi niya ako iniimik at patuloy parin sya sa pagpupulot “Sir wag na po kayong mag abalang magpulot niyan, si Andy na po bahala dyan” hindi niya pinansin yung manager Napatitig ako sa muka nung lalake, at sakto naman ang pagtingin niya sa akin, grabe ang gwapo niya, kulay blond ang buhok at ang kinis nang muka, napakainosente nang muka niya >///_“ako rin ang may kasalanan, hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko” sabi nung lalake, kinuha niya yung wallet niya at naglabas nang pera “bayad sa nasira” lumabas na sya sa restaurant na ito, hindi ko alam kung magkano yung binigay, pero alam ko malaking halaga yun Hindi sya mayabang magsalita, pero yun ang nagpapagwapo lalo sa kanya, sino kaya sya? Bakit parang pakiramdam ko ang bait bait niya, nakatingin lang ako doon sa lalake habang papalayo dito sa restaurant “HOY IKAW!” sigaw nung manager Nagulat ako dahil parang wala ako sa sarili kanina, tsk, heto nanaman at sesermonan nanaman ako “Lumayas ka na dito, alis na bilis..” oo na alam ko Naglakad ako papuntang staff room para kunin ang gamit ko, naririnig ko pa rin ang mga sinasabi nung manager ko, salita nang salita, hindi parin makamove on sa nangyare Lumabas na ako sa staff room, hindi ko na napansin yung manager, naglakad ako palayo doon sa restao, bakit pag naaalala ko ang itsura nung lalakeng yun ay hindi ko maiwasang ngumiti parang ang lakas nang impak nang kagwapuhan niya sa akin? Ang inosente naman kase nang mukha, Aish Andy, inlababo ka ba? *GRUUUU*                                                     Heto nanaman ang tyan ko, tumutunog nanaman, yung lunch pa lang ang kinakain ko eh hindi pa ako nag didinner, balak ko sana iuwi yung ibang left over sa resto para maging dinner ko, kaso wala eh. Naglakad lakad lang ako sa daan at may nadaanan akong nagtitinda ng goto at mami sa gilid, tinignan ko yung laman ng wallet ko, kasya pa naman yung pera ko, baka kase mamatay ako sa gutom kapag di ako kumain, kawawa naman ang magiging soul mate ko, haha Umupo na lang ako at umorder ng isang mami, gutom na ko, naaakit ako sa amoy ng mami kaya dito na lang ako kakain, at eto lang naman ang kaya ng budget ko eh. Nung binigay na yung order ko, napalingon ako sa gilid ko, at parang namumukhaan ko tong lalaking kumakain din ng mami, pero parang iba, hindi ata sya yun, pero para eh. “isang order pa nga” nang pagkasabi niya nun ay napalingon sya sa akin, siguro dahil napansin niyang tinititigan ko sya  “may dumi ba sa muka ko?” napailing lang ako, at nag umpisa na uli syang kumain Sya yung lalake kanina, bakit dito sya kumakain, mukang mayaman naman sya “thank you pala ah” Napalingon naman sya sa akin nang may pagtataka “wag kang mag thank you” sambit niya “wala naman akong ginawa para sayo” oo nga naman Andy ano ba tong pinagsasabi mo Sabi niya kanina aykasalanan niya rin kaya natapunan sya, kase hindi sya tumitingin sa dinadaanan niya, eh bakit nga ba ako nag thank you? Feeling ko naman T^T  “bat dito ka kumakain?” eto nanaman ang bibig ko, hindi mapigilang magsalita, eh kase, muka kase syang mayaman, tapos dito lang sya kumakain “bawal ba?” medyo masungit sya, pero hindi naman halata sa itsura dahil ang amo nang muka niya, kahit ang straight niya sumagot ay parang balewala lang sa akin, mas napapangiti pa nga ako eh >_“ah.. eh.. hindi naman” nag umpisa uli akong kumain  sabagay, bawal nga naman bang kumain dito? hindi naman haha, ako rin ang sumagot nang tanong ko, pero sa isang tulad niya, Kakain sa ganitong klaseng lugar? Nakakamangha, mas lalo ata akong humahanga sa kanya, ano ba to, pinaalis na nga ako sa resto, masaya parin ako, aish! Andy tigil na. matapos syang kumain ay umalis na rin sya sa lugar na iyon, ang cool niya, naglakad sya palayo, sinilip ko kung saan sya papunta, nasa malapit lang pala naka park yung kotse niya parang naalala ko na, alam ko na kung saan ko sya nakita. Isa sya sa doon sa apat na lalake kanina na nakasakay sa mamahaling kotse, sila yung tinitilian nang mga estudyante nang Milton, ngayon ko lang napagtanto, ngayon ko lang naalala. ****** Gulay naman, late na akong nagising! Kelan ba ako magigising ng maaga, wala rin akong alarm clock, wala akong pambili eh, buti nga may relo pa ko, pamana pa to sa akin ng magulang ko,oha! Buhay pa hanggang ngayon tong relo. Ngmadali na akong gumalaw para makapasok na sa school *cling*cling* Haha testing lang kung gumagana pa yung busina ng bike ko wahaha, halos lahat ng makasabay ko sa daan papuntang school naka kotse at nakaeroplano, haha joke lang walang eroplano, panay magagarang sasakyan lahat ng nakikita ko. “manong guard, pabantay po ulit” kahit ayaw mo manong guard iiwan ko parin dito to. Habang naglalakad ako ay nag iisip na rin ako nang trabahong pwde kong pasukan, iba na ang may ari nang resto at terror pa daw yungmay ari parang yung isa kong professor. Sa hinaba haba ng nilakad ko ay nakarating na rin ako sa room ko, ano pa ba ieexpect kong mangyayare, syempre loner ako wala akong kausap dito sa room, ang hirap maging loner, pero ok na din para hindi nila ako pinapakealaman at parang hangin lang ako na dumaan sa gilid nila. kung hindi niyo natatanong mga sikat tong mga classmates ko mga model, at endorser ng kung ano anong mga products, nakikita ko kase sila kapag may na dadaanan akong billboard tapos may mga nakikita din akong nagmomodel sa mga magazines na nag aaral din sa Milton oh diba?  ang sisikat ng mga tao dito sa Milton ako lang ang hindi hahaha pero wala akong pake, basta ang habol ko lang ngayon ay makapagtapos sa pag aaral, at mag abroad haha pangarap kong pumunta sa Paris at makita ang Eiffel tower. Hindi naman masamang mangarap eh, basta yan ang gusto kong mangyari sa buhay ko, wag na kayong kumontra, ang kumontra panget! “Guys may nakatanggap nanaman nang black letter” “halla may bumangga nanaman ba sa SYKOS?” “tara tignan natin” Ayan nanaman ang pangalang naririnig ko ,SYKOS sino ba yang SYKOS na yan, bakit sila ang nagleleader leaderan sa eskwelahang ito May kinakawawa nanaman? Sumusobra na sila ah >__“good morning class” bati niya kaagad “tara na doon bilis” may sumilip na isa kong classmate dito sa room at inaaya yung iba kong classmate At ang nakakagulat pa, sumunod naman ang mga estudyante sa kanya kahit may teacher na kami sa harapan, alam ko ang tinutukoy niya, yung kinakawawa nanamang estudyante, pagrarambolan nanaman nila Nagsusulat sa white board yung teacher namin, hindi niya namamalayan, ako na lang ang estudyante niya dito, sulat parin nang sulat, tsk, anong klaseng eskwelahan to, pati teacher hindi ginagalang “the true father of economi—“ napahinto yung professor namin nanng humarap sya at makita niyang ako lang ang estudyante niya “eto ang mahirap dito eh” napakamot nang ulo yung professor namin nang economics “sir may estudyante ka pa” pagtutukoy ko sa sarili ko “hindi ka ba makikirambol doon?” tukoy niya doon sa nangyayare sa labas Tae, teacher? Inuutusan ang estudyanteng makirambol doon? Takteng eskwelahan to ah “bakit hinahayaan niyo ang mga estudyanteng manakit nang kapwa nila estudyante” “hija, kung hindi mo alam ang patakaran nang eskwelahang ito, mas mabuting mag drop ka na lang” dag dag niya Nice, nice professor, talagang sya pa ang nagmomotivate sa estudyanteng magdrop nang eskwelahan? Diba dapat sila ang magmotivate na wag umalis ang estudyante? “nakakaasar na ah, namumuro na ang SYKOS nay an” bulong ko sa sarili ko habang nakatingin sa labas ***deep sigh*** “mababawasan nanaman ang populasyon anng Milton” sabay labas nang kwartong to, tsk. Grabe, hindi ko na makayanan dito. nasaan ba yang mga teletubbies na yan! Mas bagay ang teletubbies sa kanila, kesa SYKOS, mga isip bata, mga walang magawa sa mundo! Pati ba naman mga professor dito takot sa kanila, jusko naman !
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD