Chapter three

1600 Words
Chapter three Lumabass ako ng room sinundan ko na lang yung mga classmates ko kung saan sila papunta, napahinto sila sa gitna ng ground ng school, pinipilit kong sumilip, kaso sa liit kong to hindi ko kayang makita kung ano yung pinag kakaguluhan nila, talon ako ng talon hanggang may nakita akong isang lalaking tumakbo palayo sa mga tao, pero nakita kong binabato sya ng kamatis at itlog ng mga estudyante dito. Anong klaseng eskwelahan to, bakit hinahayaan lang nila ang mga estudyante na gawin ang mga bagay na yan. Tumakbo ako para sundan yung lalake, nakakaawa naman, wala silang karapatan para gawin yun sa kanya noh! Ang sasama naman ng mga tao dito, nakakabanas! Lalong lalo na yang teletubbies na yan Naghanap ako ng pwedeng daanan kase ang daming mga estudyante ang kumuyog sa kanya, nakahanap ako ng maliit na iskinita, ang hirap naman lumusot dito. Umakyat pa ako ng bakod para makarating dito, at yun nga sakto naman ang daan nung lalake sa kinatatayuan ko, at hinila ko sya at tinakpan yung bibig niya para wag syang umingay. “HHHHMMMMMPP” “Shhh! Wag ka ngang maingay!” Nakatakip parin ng kamay ko yung bibig niya, habang pinagmamasdan namin yung mga tao na tumatakbo, hindi naman nila kami nakikita dahil nakayuko kami at nasa iskinita kami. Nung makalampas na sa amin yung mga estudyante inalis ko na yung pagkakatakip ng kamay ko sa bibig niya. “pwe! Ang baho nang kamay mo” “aba! aba! Hoy nag hugas ako ng kamay ko noh!” sya na nga tinulungan, nagreklamo pa, inamoy amoy ko yung kamay ko, hindi naman mabaho ah, baka yung hininga niya naamoy niya “kung ayaw mong madamay layuan mo ko!” “anong madamay? Tinulungan na nga kita idadamay mo pa ko” “tanga ka ba? Hindi mo ba kilala ang Sykos?” “tae sino ba yang Sykos na yan ng maiprito ko, nakakain ba yan oh ano?” Syempre joke lang alam kong mga tao yan. “ang Sykos ang pinakatatakutang grupo dito sa school!” “eh ano naman ngayon? Takot ka? Ka lalake mong tao” napakamot sya ng ulo niya na para bang may kuto hahaha  “aish! ang hirap naman magpaliwanag sayo oh!” “oh sige na ipaliwanag mo na ng mabuti ng maintindihan ko naman” “makinig ka ah, ang Sykos ang namumuno dito sa school” “namumuno? Diba principal or mga teachers ang dapat mamuno ng school, bakit mga estudyanteng katuladnila?” “makinig ka nga! di pa ko tapos” “oh chilax makikinig na” “binubuo ng mga affluent at popular students ang Sykos, mga tagapagmana ang myembro ng Sykos, ang pamilya nila Kai ang totoong may ari nang eskwelahang ito, may mga shares lang ang pamilya nila Lloyd, Enzo, at Ayer dito kaya pati sila ay may karapatan na ring mamuno dito" “oh tapos?” “oras na mabangga mo ang isa sa kanila at nakatanggap ka nang black letter,katapusan mo na, kukuyugin ka ng mga fans ng mga yan, mapa lalake fans nila eh” “yayks mga bakla ba lahat ng lalake dito?” “alam mo ba ang ibig sabihin ng fan?” “teka, hanapin ko sa library” “ang hirap mo naman makagets” “oo na naiintindihan ko naman ituloy mo lang kwento mo” “sabi ko nga sayo, para silang mga prisipe dito, na oras na may magtangkang kalabanin sila,o kahit gawan lang sila ng masama, kahit maliit na bagay lang yung mga estudyante dito ang, magtatanggol sa kanila, kukuyugin ng mga estudyante dito, kung sino man ang magtangkang saktan ang Sykos ” “ganun ba sila ka “adik” sa Sykos na yan?” “hinahangaan kase sila ng mga estudyante dito, kaya ganun na lang sila ka sikat sa school na to” “ aba, teka lang, eh ikaw anong nagawa mo bat ganun ka na lang nila pagtripan?” “ natapunan ko ng cappuccino si Kai kanina hahaha” “eh? Bat tuwang tuwa ka? At para yun lang?” “natawa lang ako sa muka niya kanina hahaha, sinabi ko naman sayo diba kahit maliit na bagay lang katulad ng nangyare na ganun ay walang pinapatawad ang mga fans nila” “sinadya mo siguro noh?” “hindi ko sinadya noh! Talagang natapon lang, kaso kahit ilang beses akong mag sorry, alam kong kukuyugin pa rin ako ng mga estudyante dito, hanggang sa mapatalsik ka sa eskwelahang ito” “ang lala naman, ang sarap naman pag uuntugin ng grupong yun, at talagang hinahayaan lang nila yung mga “fans” nila kuno na manakit ng estudyante!” “kaya ikaw! Wag kang lalapit sa akin, baka madamay ka” “wala akong pakealam sa mga yan! Tao rin naman sila ah, umuutot din sila!” Aish! asar naman yung grupong yun, wala pa rin silang karapan! At kahit hindi sila yung nantritrip sa ibang estudyante, aba, dapat na pigilan nila yung mga fans nila, naku! naku! isawsaw ko sila sa suka eh, teka bat eto nanaman ang naiisip ko, pagkain nanaman, nagugutom nanaman ako “osya, salamat, aalis na ako” “sigurado ka bang wala ng humahabol sayo?” “wala na siguro, sige” umalis na sya at nagwave ng kamay,*sigh* kawawa naman ang mga estudyanteng nabibiktima ****** Naghahanap nanaman ako nang trabaho, kailangan ko talaga ito para may pambayad ako sa apartment ko, nagtitingin tingin ako sa mga stall or mga fastfood kaso, wala nang vacant Bayaran nanaman nang mga utang eh, kaso wala akong maipambabayad kase ginagamit ko rin, wala pa man din akong mapagkukuhanan, kailangan ko talaga nang pera!!! Umulan sana anng pera!!! *sigh* , Naglakad lakad na lang ako hanggang matapat nanaman ako sa may mamihan Dali dali akong pumunta dun, para bumili, doon na lang ako kakain sa apartment, habang naghihintay nang order napapatingin ako sa mga kumakain, teka, bakit hinahanap ko sya. Pagkarating ko sa apartment ko, kumain na ako agad, araw araw na lang lagi akong hindi kumain sa tamang oras, sa umaga pag alis ko bibili lang ako ng energen tapos yung lunch ko kwek kwek o fishball ang ulam ko, sa gabihan naman, eto panay mami, wala na bang daddy haha. *click* Woah! Bakit nawala yung ilaw, ano ba yan, kumakain pa lang ako eh, nawalan na ng ilaw, ano bang nangyare? May nagspark bang linya ng kuryente, matignan nga baka ako lang nawalan ng ilaw. Pag labas ko nakita ko yung ibang bahay may kuryente naman, teka bat ako wala? Tinanong ko yung landlady kung bat ako lang ang walang kuryente “manang bat wala pong kuryente yung room ko?” “at nagtanong ka pa talaga? HOY! Andy, nung isang araw pa yung deadline nang kuryente, hindi ka nagbayad kaya yan, wala kang kuryente” “akala ko po ba kasama nay un sa renta ng apartment ko?” “tanga! Hindi pa kasama yun pati na rin yung tubig hindi pa kasama, kaya magbayad ka na rin ng tubig mo kung ayaw mong maputulan din ng tubig!” Halla naman, iba pa pala yung bayad ng kuryente at tubig, akala ko kase kasama na sa apartment eh, hindi ko naman na itinanong sa landlady noon yung tungkol dun, at hindi niya rin sinabi sa akin yung tungkol dun, tsk! Ang sama naman! Umakyat na lang uli ako sa apartment ko, para kumuha ng pera pambili ng kandila, magkakandila na lang ako, hindi pa kase ako tapos kumain eh, alangan naman kumain ako ng walang ilaw, hindi naman glow in the dark yung pagkain ko eh, pagkarating ko agad sa tindahan sinalubong ako agad nung may ari ng sari sari store “HOY! ANDY magbayad kana ng utang mo!” aber aber,utang? “hoy manang nagbayad na po ako sa anak niyo, wala na po akong listahan ng utang dito” nagbayad na kaya ako ng utang ko, tumatanda na kase kaya, alam na. “ah oo nga, pasensya naman, hindi sinabi nang anak ko” “manang bibili po ako nang kandila” Umalis na lang ako agad matapos iabot sa akin ni manang yung kandila, pagdating ko sa apartment ko, parang naluluha naman ako *sigh* ang hirap naman mabuhay sa mundo, bakit kaya pinagkaitan ako ng kayamanan, hindi man lang ako nakasalo nung umulan ng kayamanan sa mundo, kamalasan ata ang nasalo ko eh. Matapos kong kumain, ay nag palit na ako ng pantulog ko at humiga na,nakatingin lang ako sa kisame . “buti pa yung butiki may kasama” “nanay niya siguro yun?”nababaliw na ako kinakausap ko na sarili ko “ay hindi baka asawa niya, mukang may nangyayaring kababalaghan sa dalawang butiking to eh” “hoy ikwarto niyo naman yan, may nakakakita sa inyo” malapit na siguro ako mamental, pati butiki kinakausap ko. *sigh* Pano ko naman mababayaran yung kuryente at tubig kung wala na akong pagkukuhanan nang pera, buti nga ay may konting ipon pa ako pangkain? magpa ukay ukay kaya ako ng damit ko pero wala rin bibili ng mga to, at hello? Wala na akong isusuot kung ipapa ukay ukay ko to, kokonti lang yung mga damit ko eh. Hindi tuloy ako makatulog kaiisip sa pambayad ko, AAIIISSSHH!!! Pasan ko ang daigdig, pwede na akong maging si Atlas, sana may mag ayang magpakasal sa akin na isang royal blood haha para naman kahit papaano guminhawa na buhay ko hahaha  Ang sama kase ng author na to, ginawa niya akong ganito kahirap, masama ka author! Masama ka! Dapat ginawa mo na lang akong mayaman, tapos may magandang bahay, tapos may maraming alalay. Haha  Pinatay ko na lang yung kandila, sayang naman eh, gagamitin ko pa to bukas, at nilagay ko na lang yung unan ko sa muka ko para makatulog na ako, matutulog na ako, kase sa dream land mayaman ako, kailangan ko nang umuwi sa mansion ko kaya matutulog na ako! Kinabukasan.. “bakit ngayon pa nasira yung gulong nang bike ko” Naman oh! May sumabutahe ata sa akin ah, nabutas yung gulong nang bike ko, hindi ako pwedeng umabsent dahil lang dito, maglalakad na lang ako, medyo malapit lang naman mula dito yung school ko. Tinamaan nanaman anng kamalasan ang lola niyo, kahapon pa, ay hindi pala, since birth malas na ako, kelan ako bibiyayaan nang swerte aber? Walang trabaho. Walang pera. Walang magulang Malapit nang mawalan nang bahay Dahil malapit nang hindi makabayad nang tubig at kuryente Jusko, ano bang kasalanan ko sa mundo at ganito ako kamalas? Mabait naman ako ah, siguro, hindi pa oras, napospone lang yung blessing, siguro na traffic kaya hindi ko pa nakukuha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD