bc

Reckless Once

book_age18+
994
FOLLOW
8.8K
READ
forbidden
age gap
friends to lovers
band
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Pagkatapos ng mga pinagdaanan ni Ulysses, hindi niya inaasahang matutupad pa ang matagal niyang pinapangarap. Ang mabuo ulit ang banda.

Iyon ang ipinangako niya sa puntod ni Greg at iyon din ang ipinangako niya sa mga magulang.

Someday, the band will make it.

And that someday is today.

Pero isang araw, bigla na lang nagpakita ang isang binatilyo at ipinaalala sa kanya ang nakaraan.

Ivan reminded him of the hopeless musician na nawalan ng kinabukasan at nagkakasya sa one hundred fifty na kita para lang mabuhay. Those times when he wanted to give up.

But for this young boy, he's his hero.

Siya lang ang kinilalang ama ni Ivan sa kabila ng maraming step-father na dumaan sa buhay nito.

Ulysses did consider him as his own son too at ayaw niyang ipagtabuyan ito but going back to his life means seeing her again.

The ambitious woman who convinced him to betray his band members para sa pangarap.

The heartless woman who treated him like a trash pagkatapos siyang pakibangan, who took advantage of his innocence para mapaikot sa mga kamay nito.

The one who made him experience the wrong kind of love.

chap-preview
Free preview
Prologue
Nervous. Iyon ang nararamdaman ni Ulysses nung mga oras na iyon. Sanay na siyang kumanta sa harap ng maraming tao pero iba ngayon. Nasa harap kasi sila ng music producers na naghahanap ng bagong talents para mag-audition. Pangalawang piece na nila iyon at ang pangatlo ay ang self-composed song na ginawa niya. "And even in my darkest days, I'd still smile..." Napangiti ang lalaking may edad na at ang isa pang lalaking naka ponytail. Poker face  naman ang katabi nitong babae na eleganteng kumilos at halatang mayaman. "I like them," tumatangong sabi ng long-haired guy. Tumingin ito kay Pete na may-ari ng bar kung saan sila madalas tumugtog at siya ring naghikayat sa kanilang mag-audition. Tumango ang matandang lalaki bago tumayo mula sa upuan. "We'll have a formal meeting. I'll ask my team to prepare the contract." Masayang nagyakap ang grupo. Sa wakas. Matutupad na rin ang pangarap nila. "Congrats," nakangiting lumapit ang lalaking mahaba ang buhok. Nauna nang umalis ang kasama nitong matanda. Ang babae naman ay kausap ni Pete. "S-salamat po," nanginginig ang boses na sagot ni Otap. Hindi pa rin siya makapaniwala na napansin nga sila ng isang sikat na music company. "Dustin," pakilala nito. "I'm the creative director of Fish Island music. I'm looking forward to work with you, guys." Isa-isa silang kinamayan nito. Lumapit naman si Pete at ang babaeng kasama nito. Masaya silang niyakap ng dating amo isa-isa. "Anong sabi ko?" tudyo nito. "Ayaw niyong maniwala sa tatay niyo e." "It's settled then," ngumiti ang babae. "I'm Dianne, by the way. Vice president of the recording company. Sino nga pala ang manager niyo?" Sabay-sabay silang tumingin kay Pete. "Huwag niyo akong tingnan nang ganyan," sabi nito. "Hindi ko pwedeng iwan ang bar ko." "You know, they need a manager na may tiwala sila," sabi ni Dianne. Alanganing tumingin sa grupo si Pete, "Alam mo naman kung gaano ko kamahal yung resto-bar ko. Tsaka ang titigas ng ulo ng mga yan, hindi rin makikinig sa'kin." Nagtawanan ang grupo pati na rin si Pete. "Sige na, boss," hiling ni Greg. "Magpapakabait kami." "Ano bang alam ko sa pag-mamanage ng professional na banda? Baka hindi umangat ang career niyo." "I can be your manager for the meantime. Kung gusto niyo lang naman," mungkahi ni Dianne. "Habang wala pa kayong nahahanap." Nagkatinginan ang grupo. "Okay sa akin yan," sabi ni Otap. "Sa'kin din," sang-ayon ni Phoenix. Tango lang ang isinagot ni Marco. "Payag ako," sabi ni Greg. "Okay," sa huli ay pumayag din si Ulysses. "Salamat, sis," sabi ni Pete at bumaling sa banda. "Talaga naman itong mga ito. Big time na." Nagtawanan ang lahat. "Anyway, mauna na kami," paalam ni Dustin. "After ng contract signing, we'll invite you in the studio for music lessons then recording na." Masayang tumango sila Ulysses. "Salamat talaga, bossing," sabi ni Ulysses nang nasa byahe na sila pauwi. "Utang na loob namin sa'yo itong opportunity na ito." "Wala iyon. Deserved niyo yan," sabi naman ni Pete. "Mamimiss ko nga lang kayo sa bar ko. Siguradong mababawasan ako ng customer." "Syempre, dadalawin ka pa rin namin," pangako ni Otap. "Mabait ba si Ms. Dianne, bossing?" tanong naman ni Greg. "Mukhang istrikta e." "Huwag kang matakot doon," napahalakhak na sabi ni Pete. "Mas loko pa sa akin iyon." "Baka naman may past kayo," sabat ni Phoenix. "Susumbong kita sa asawa mo." Lalong natawa si Pete. "Loka ka, wala. Kinakapatid ko iyon. Yung matanda kanina, tatay niya iyon, si ninong Dante tapos si Dustin, kapatid niya." "Kaya pala kami natanggap e," sabi naman ni Marco. "Hindi naman. Napanood din kasi kayo ni Dustin minsan. Hindi niyo lang siguro naalala dahil madilim din sa table nila. Mababait yung mga iyon basta wag lang kayong magloloko." Nahigit ni Ulysses ang paghinga, "nanginginig na nga boses ko kanina e." "Easy ka lang brad," payo ni Pete. "Tsaka okay na rin na si Dianne kinuha niyong manager. At least, may malasakit talaga sa mga talent niya. Siguro dahil hindi rin natupad yung pangarap niyang maging singer. Maaga rin kasing nagkaanak." "Pwede naman siyang maging singer kahit may anak na siya," sabi ni Phoenix. "Ano ka ba? Hindi sapat na magaling kang musician para sumikat. Kailangan marketable ka rin. Kaya kayo, unahin niyo career bago love life. Lalo ka na, Phoenix." "Ano na naman?" ungos ni Phoenix. "Bakit ako na naman nakita mo?" Natawa si Pete, "Pinag-iingat ko lang kayo ni Ulysses." "Huli ka na sa balita. Wala na sila ni Ulysses. Si Marco na bago nyan," sabi ni Greg. Naghiyawan ang grupo. "Pucha, kailan pa? Baka naman magkagulo pa kayong dalawa," napapailing na sabi ni Pete kay Ulysses at Marco. "Wala na sa akin iyon, boss," sabi ni Ulysses. "Friends kaming tatlo." Lalong natawa ang lahat. Of course, hindi okay ang lahat para kay Ulysses. Kung hindi lang niya mahal ang musika, aalis na siya sa banda. First love niya yata si Phoenix kaya nasaktan siya nang sobra sa break up nila. Pero kahit masakit, ayaw niya itong mawala kaya tatanggapin niya kahit kaibigan na lang ang turing nito sa kanya. Siguro, may pag-asa pang magkabalikan sila kapag lagi silang nagkikita. Hindi niya lang maamin sa banda pero halos lahat ng kantang gawa niya ay para rito. Pauwi na si Ulysses galing sa practice nang makatanggap ng tawag mula sa isang hindi kilalang numero. "Hello," bungad niya sa cellphone. "Ulysses?" tanong ng nasa kabilang linya. Malamyos ang boses nito na parang lektor sa simbahan. "Sino ito?" "This is Dianne." "H-hi," kinabahan si Ulysses. Last week ay napirmahan na nila ang kontrata at opisyal na silang talent ng Fish Island records. Naghihintay na lang sila ng tawag. "Nasa bar kami ni Pete. Birthday celebration kasi ni Dustin. I invited the guys for a dinner para naman makilala rin namin kayo nang mabuti. Pwede ka ba?" "Ha? Sige, ma'am. Papunta na ako." "Okay. See you." Nagmamadaling nagbihis si Ulysses. Siguradong nandoon si Phoenix kaya  kailangan niyang pumorma. Pero syempre, hindi siya magpapahalata. "I don't date kids," bahagyang itinulak ni Dianne si Ulysses nang magtangka itong yakapin ang babae. "Umalis ka na, Ulysses." Kasalukuyan silang nasa studio at nauna nang umalis ang mga kasama. Ang meeting nila para pag-usapan ang tungkol sa nalalapit na debut ng grupo ay nauwi sa komprontasyon. "Hindi na ako bata," naiinis na sabi ni Ulysses. Hinila niya pabalik ang babae nang akmang lalayasan siya nito. "Okay lang kung ayaw mong maniwala sa akin na gusto kita. Pero huwag kang magpakatanga sa lalaking 'yon." "Tatay siya ng anak ko," katwiran ni Dianne. "Just concentrate on your job. Nag-uumpisa ka pa lang sisirain mo na agad ang career mo. Nagsayang lang yata ang pamilya ko ng investment sa'yo e. Huwag mong sayangin ang effort ng grupo." "So, iyon lang ang tingin mo sa'kin?" galit na tanong ni Ulysses. "Tauhan niyo?" Frustrated na napasabunot sa buhok si Ulysses. "Ulysses..." "One year," seryosong tumingin si Ulysses sa babae. "Bigyan mo ako ng isang taon at ipapakita ko sa'yo na kaya kong magtagumpay. Hindi kayo nagkamali sa pagkuha sa banda." He kissed her at hindi na nakatutol si Dianne. Aaminin niya na attracted siya rito sa kabila ng agwat ng edad nila. Being with Ulysses reminded her of her rebellious past. Her ex- Matthew was also a vocalist at kahit tutol ang mga magulang ay nakipagrelasyon pa rin siya rito. Isang bagay na kahit gusto niyang pagsisihan ay nagbigay sa kanya ng isang regalong hindi niya ipagpapalit kahit sa pangarap. But Ulysses is different from Matthew. He's carefree and innocent unlike Matthew na bata pa lang sila ay may kalokohan na. She likes Ulysses at kahit hindi niya aminin ay nagkaroon na ng puwang ang lalaki sa puso niya. Kaya tinutulungan niya itong matupad ang mga pangarap. Nararamdaman naman niyang nagiging seryoso ito sa kanya sa pagdaan ng mga araw. Pero may anak na siya na halos kapatid lang ng lalaki. She needed to set as a good example. "Ule..." "Gusto kita," pagtatapat ni Ulysses. "Promise, hindi ito makaka apekto sa trabaho ko." Hindi  na nagulat si Dianne. Kahit alam niyang ginagamit lang siya ng lalaki para maging priority ng company ang banda, pakiramdaman niya ay may katotohanan ang sinasabi nito. Maybe, he really has fallen for her sa tagal ng pagiging mag fling nila. Pero hindi siya pwedeng madapa ulit. "No commitment," sabi ni Dianne. Hindi agad nakasagot si Ulysses. "Hindi dapat malaman ng kahit na sino na may relasyon tayo. Lalo na ni Papa." "Gusto naman ako ng papa mo." "Bilang tauhan. As my boyfriend, I don't think so." Bahagyang nanlumo ang lalaki. "Naiintindihan ko." "And we're free to break up kung kailan natin gusto." Walang nagawa si Ulysses kung hindi ang pumayag sa kagustuhan niya. Tinawid ni Dianne ang pagitan nila at sabik na gumanti ang lalaki. Ihiniga siya nito sa makintab na sahig at mabilis na hinubad ang suot niyang blusa. "You can't tell anyone about this," babala ni Dianne. Tumango si Ulysses pero halatang wala na sa sarili. Kahit natatakot ay hindi niya na ito magawang pigilan sa balak gawin. "I love you," narinig niyang bulong ni Ulysses. "I love you, Dianne."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
259.1K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.3K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
27.6K
bc

OSCAR

read
227.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook