One

1519 Words
"Again." Marco rubbed his temple pagkatapos ay muling kinuha mula sa stand ang limited edition na electric guitar. Kanya-kanya namang kuha ang mga kasama ng instrumento. Pumwesto na si Ulysses sa gitna para kumanta. "And I never thought that I'd see the sun again, after the storm, after my darkest days..." Ulysses brushed his hair with his fingers and paused for a second, looking at the crowd. Kung meron lang mga tao doon, siguradong napuno ng hiyawan ang bar-restaurant. Fan girls love it when he does his signature hair fix. "But the sun made me see, that things have changed. You're no longer here, baby. You're no longer here..." ‌Pumikit si Ulysses bago matapos ang kanta, as if he's feeling the music. It's his way to pass his emotion to the crowd. So far, it's working. Mga doseng marriage proposals lang naman ang natanggap niya simula nang mabuo ulit ang banda at tumugtog sila sa Celestial bar and resto. "I love you, papa Ule!" Dumilat si Ulysses at nakita ang nakangising kaibigan sa labas ng pinto. Natatawang naupo si Wesley sa isang bakanteng upuan. Nagtawanan naman ang mga kasama. Napapailing na ibinalik ni Ulysses ang gitara sa stand at lumapit kay Wesley. "Naligaw ka yata." Wesley and his brother own an island resort kaya hindi na nila masyadong nakakasama dahil sa isla na ito naninirahan kasama ang pamilya. "Miss ko na kayo e." Lumapit din ang grupo at kanya-kanyang hila ng upuan. Umalis naman saglit si Otap at pagbalik nito ay may dala ng inumin para sa kanila. "Kailan balik mo sa isla Malubay?" tanong ni Phoenix. "May performance kami sa The Palm club. Nood ka ha." "Sige ba," pangako ni Wesley. "Bili ka na rin ng album namin," biro ni Otap. Natawa si Wesley, "Meron nga? Patingin." "Next week pa rin ang launching. Isasabay namin sa concert sa The Palm." "Big time," tudyo ni Wesley. "Dadami na naman chicks ni Marco." Isang masamang tingin ang ibinigay ni Phoenix sa kaibigan. Naghiyawan ang grupo. "Huwag ka nang umuwi, Wes," sabi ni Marco. "Thirty minutes na lang magbubukas na kami." Tumango ang lalaki. Dumating na ang mga tauhan ng bar para maghanda kaya pumasok sila sa opisina ni Otap. Si Otap ang may-ari ng Celestial Bar and restaurant. Makalipas ang ilang minuto ay isa-isa na ngang dumating ang mga tao. Naghanda na rin ang banda para sa pagtugtog. May iba ring tumutugtog na banda roon depende sa araw. Wesley smiled as he watched his friends performed. Bawat liriko ng kanta ay tugma sa nangyari sa kanila. Hindi niya akalain na pagkatapos ng nangyaring trahedya sa buhay nilang magkakaibigan ay makikita niya ulit tumugtog ang mga ito. And finally, they found the success they deserved. Unti-unti nang nakikilala ang grupo hindi lang sa underground kung hindi maging sa mainstream at magkaka album na nga. Naaalala niya ang kwento ni Marco noon na limang daang piso lang ang pinaghahatian ng grupo sa isang gig. At nang nagkaroon nang pagkakataong sumikat ay niloko pa ng recording company. Tila malupit ang tadhana dahil namatay pa ang mga magulang nila, maliban kay Otap, sa nangyaring m******e sa hacienda kasama ni Greg, ang dating bassist ng banda. Nang magkagulo sa lugar nila, nagpasyang lumuwas ng Maynila ang pamilya ni Otap kaya nawalan ng komunikasyon ang magkakaibigan. Otap never lost his dream na balang-araw tutugtog ulit silang magkakasama. He saved money to start a bar and restaurant katulad ng pangarap nila at nang maging successful ay hinanap ulit nito ang mga kaibigan. Nagkataon namang nanalo ang kaso ng grupo laban sa mga salarin sa nangyari sa hacienda kaya payapa na ulit ang buhay nila. At muling nabuo ang Red Ticket band. "Ulysses, marry me!" mula sa kung saan ay may sumigaw. "Otap, I love you!" sigaw ng isang dalagita. Lihim na natawa si Wesley. Kahit nasa late twenties na ang mga kaibigan ay iba pa rin ang charisma ng mga ito sa mga teenagers. Iba siguro talaga ang dating kapag myembro ng banda. Bakit ba hindi siya nag-aral tumugtog noon? "Matanda na yan!" sigaw ni Wesley. Napatingin ang lahat sa kanya at nagtawanan ang iba pati na rin ang mga kaibigan. "Age doesn't matter!" Nakita niyang hindi na makahinga sa kakatawa ang banda. Tinapik pa ni Marco sa balikat si Otap. "Sumbong kita sa tatay mo," sigaw ulit ni Wesley. "Wala kang pake. Supot!" Muling napuno ng tawanan ang buong bar. Excited si Ulysses sa launching ng album nila. Pinaghandaan kasi nila iyon at bawat myembro ng grupo ay may ambag na kanta. Self-produced iyon at kahit ilang recording companies din ang lumapit sa kanila ay nagdesisyon sila na mas mabuting sila na lang mismo ang mag managed ng sariling banda. Hindi na sila magpapaloko ulit. Masayang sinalubong ng banda ang mga kaibigan na naghihintay sa backstage. "Papirma naman ng album, idol," biro ni Rosalie. Kababata rin nila ito sa Davao at bestfriend ni Phoenix. "Congrats, guys," sabi naman ni Edel, manager ni Marco at Phoenix sa security agency kung saan agent ang mga ito at naging kaibigan na rin nila. "Sold-out ang album niyo. Muntik na kaming maubusan." "Salamat sa pagpunta," nakangiting sabi ni Phoenix kay Edel at Rosalie pagkatapos yakapin ang dalawang kapatid na nagpunta rin para sumuporta. Malalim na napabuntong-hininga si Ulysses. It was overwhelming. Hindi siya makapaniwala na ganoong karaming tao ang pupunta. Hindi niya akalain na ganoon na sila kasikat. "Bumalik na kayo sa labas," sabi ni Eros. "Uuwi na kami. Maraming gustong magpapicture at autograph sa inyo." Muling nagpasalamat ang grupo bago lumabas para estimahin ang mga fans. Mayroon na rin silang fans club at may dala pang mga lightstick. Halos isang oras din ang ginugol nila sa autograph signing at picture taking. Madaling araw na nang umalis ang lahat at magsasarado na rin ang club. Rosalie, Wesley at ang isa pa nilang kababatang si Zach were still there dahil hinihintay sila. Sasama kasi ang tatlo sa victory party. Pasakay na si Ulysses sa 10 seater na van nang maramdamang may nagmamasid sa kanya. Napatingin siya sa dalawang teenager na halatang pinapanood siya kanina habang inilalagay ang mga instrumento sa likod ng van. The girl was holding an album at halatang gustong magpapirma while the guy was staring at him na tila may ginawa siyang kasalanan. Inilabas ni Ulysses ang fountain pen at ngumiti, "Akin na. Pipirmahan ko." Lumapit naman sa kanila ang mga kaibigan na kalalabas lang ng sarado nang club. Bago makalapit ang babae ay sarkastikong ngumisi ang kasama nitong binatilyo. "I hope you're happy dahil natupad mo na ang pangarap mo. Hindi ka na talaga maabot." Nawala ang ngiti ni Ulysses. Tumalikod na ito at naglakad palayo. Naguguluhan naman itong sinundan ng tingin ni Ulysses. "Ivan, wait..." pigil ng kasama nito. Kinabahan si Ulysses. Ivan? Pero hindi pinansin ng binatilyo ang kasama. Hindi naman alam ng dalagita ang gagawin. Halatang gusto nitong papirmahan ang album pero sa huli ay nagpasyang sundan ang kasama. "Miss, wait," pigil ni Ulysses. Alanganing bumalik ang dalagita. "Yung kasama mo, Ivan ba ang pangalan niya?" Nahihiya itong tumango. "Anong surname niya?" "Claveria," nagtatakang sagot nito. "I have to leave..." Kinuha ni Ulysses ang isang calling card mula sa bulsa at iniabot iyon sa dalagita. "Give it to him kapag nagkita ulit kayo. Sabihin mo gusto ko siyang makausap." Tumango ang dalagita. Maya-maya ay napatingin ito sa hawak na album. Naunawaan naman ni Ulysses na gusto nitong magpapirma at kinuha ang album mula rito. "Anong pangalan mo?" "Trisha." Pagkatapos sumulat ng maikling dedication at pirmahan ay pinasa ni Ulysses iyon sa iba pang myembro ng banda. Tuwang-tuwa naman si Trisha, "Salamat po." "Sino 'yon?" tanong ni Marco. "Kakilala ko," paiwas na sagot ni Ulysses. "Tara na," sigaw ni Otap mula sa bintana ng kotse. "Party, party na!" Hindi nawala sa isip ni Ulysses ang nangyari. Mukhang galit sa kanya si Ivan. Siguro dahil hindi siya nakapagpaalam dito. Hindi maiwasang sumagi sa isip ni Ulysses ang isang ala-ala. "You're too young to be a step father," sabi ni Dianne na tinawanan lang niya. They were inside her car at nagtatago sa mga kabanda. Although aware ang mga ito na nagpapahangin siya sa manager ay hindi alam ng mga ito kung gaano siya kaseryoso. "Nineteen na ako," katwiran ni Ulysses. "Yung iba nga kinse lang may asawa na." Napailing ang babae. Ulysses buried his face on her shoulder, "Sagutin mo na ako." Sarkastikong natawa ang babae, "huwag kang makulit, Ule. Ngayon pa lang nakikita ko nang magiging sakit ka ng ulo sa'kin." Napatingin siya rito. "Labas na. I need to go back to the office." "Hindi ka talaga naniniwala sa'kin no?" seryoso na si Ulysses. Umiling ang babae. "Challenge lang ako para sa'yo dahil hindi mo matanggap na sa dami ng nagkakagusto sa'yo, nabasted ka ng halos nanay mo na." "Nanay? Twenty six ka lang ha. Pwede ka pang girlfriend ko," nag beautiful eyes pa si Ulysses. "Get out," utos ni Dianne. Imbes na lumabas ay isinandal niya ang babae sa bintana ng tinted na kotse. Nakita niya ang kaba sa mga mata ng babae. "I'll grow up one day. Hindi naman ako habang-buhay na nineteen," seryosong sabi ni Ulysses. "And I swear, ikaw naman maghahabol sa'kin." Tinawid niya ang distansya sa pagitan nila at sa unang pagkakataon ay tinugon ni Dianne ang halik niya. Buong linggong inisip ni Ulysses ang muli nilang pagkikita ni Ivan. Kahit hindi niya aminin ay alam niya sa sariling hinihintay niya ang tawag nito. Two weeks have past when finally, someone called. Pero hindi iyon si Ivan. "Sir Ulysses..." "Sino ito?" "Si Trisha po. Yung girlfriend ni Ivan." Kinabahan si Ulysses. "Hi, napatawag ka?" "Si Ivan po kasi nawawala. Lumayas po sa kanila."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD