bc

Black Blood (TAGALOG)

book_age16+
216
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
aloof
queen
bxg
kicking
campus
city
self discover
discipline
like
intro-logo
Blurb

Anger. Sadness. Joy. Fear. Disgust. Surprise. Trust. Shyness. Guilt. What are other emotions that you felt? Love, sympathy, awe, every normal person felt that kind of emotions. Thus, you can consider Raven Angeles not normal.

Mula pa noong bata pa lang si Raven hangang lumaki, wala siyang nararamdamang kahit na anong emosyon. She was like a robot, she did feel pain, but her brain is not reacting to it. All her life she didn't understand emotions at all, not until Dash Gregorio happened.

"Why does my heart keeps beating when you're around? Hmm. I must keep you by my side until I'll know the answer." Raven Angeles declared.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Gusto mo bang hindi makaramdam ng emosyon? Iyong wala kang mararamdaman kahit sakit, pighati at kalungkutan. Pagod ka na bang mabuhay kaya gusto mo nalang tapusin ang paghihirap mo? Lahat naman siguro ng tao nagaasam ng maganda at mapayapang kinabukasan. Pero balanse ang mundo. Lahat tayo makakaranas ng paghihirap sa iba't ibang paraan. Isa sa mga naiisip ng iba ay ang mawalan sana sila ng pakiramdam. Siguro ang saya nun. Iyong wala kang iisipin kasi wala ka namang nararamdaman. Iyong hindi ka masasaktan kasi hindi ka naman naaapektohan. Siguro ang payapa ng buhay kapag ganyan nga. Pero... Para kay Raven ay ang hirap. She was diagnosed with Alexithymia, isang uri ng sakit sa pag iisip kung saan wala kang mararamdaman na kahit anong emosyon. Ang parte ng utak na responsable sa emosyon, social skill at ang kakayahang makaramdam ng emosyon ng iba ay hindi gumagana o kaya ay may humaharang dito. Bata pa lang si Raven ay napansin na ng mga magulang niya ang kakaiba sa kanya. Katulad rin naman siya sa ibang bata na umiyak noong ipinanganak, ngunit habang lumalaki siya ay maynapapansin ang mga magulang niya. She's not a talkative baby, hindi siya tumatawa kahit pa magmukhang unggoy ka sa harap niya. She only plays with her toys or rather just holds it. Umiiyak lang siya kapag humihingi ng pagkain. Mas lumala ang hinala ng mga magulang niya noong aksidente siyang mahulog mula sa kama. Hindi man lang siya umiyak kahit nasaktan na. Nakatitig lang siya sa mga magulang niya habang hindi gumagalaw. Marami pang mga aksidente ang nagpapatunay na may mali sa kanya. Six years old siya noon at namamasyal sila sa park. Mag isang naglalaro si Raven habang ang mga magulang niya ay binabantayan siya. Biglang may lumapit na aso sa kanya at tinahol siya. Her parents did not come to her rescue, they want to see what will be the young Raven's reaction. She didn't even bulged. She just stared at the dog while it's barking furiously at her. Nagkatinginan ang mga magulang niya at noon ay nakapagdesisyon na ipapatingin siya sa doktor. Their family are not that rich. Maraming iba't ibang business ang papa niya, housewife naman ang mama niya kahit graduate ito ng accounting.  They were able to provide what Raven needs. She took medication, therapy and check ups but nothing changed in her. When she was ten, for the first time, she finally asked her parents for a favor. She asked to stop her medication. Alam niya kung anong mali sa kanya. Alam niya kung anong kulang. But because of what she lack, wala na rin siyang pakealam. Wala siyang pakealam kasi wala naman siyang nararamdaman kaya hindi niya alam kung gaano ito ka importante. And so they stopped her medications even though her parents were against it. Wala silang nagawa kasi ito ang gusto niya. She stopped going to hospital. She stopped taking medicines. She stopped the therapy. But her life is not easy. She suffered bullying from elementary to highschool. They called her names. They pulled a pranks on her. Her response were always the same. Blank face, lifeless eyes, she didn't even shed a tear. She just starred at them. Dahil may sira siya sa utak kakaiba din ang pagiiisip niya kaysa mga normal na tao. She took several martial art class. Tumatakas siya sa bahay sa tuwing sumasapit ang gabi at tulog na ang lahat.  In an underground society, she found her refuge. She found satisfaction when she's on action. Despise her illness, she can't believe she found something she learned to enjoy. And that is to fight. But it didn't last long. When she entered college her parents discovered what she has been doing every night. Umiyak ang mama niya, hindi niya alam kung anong mali sa ginagawa niya pero nakiusap itong itigil na ang kung ano mang ginagawa niya. Hindi niya naiintindihan ang magulang niya pero nakinig siya sa mga ito. She stopped her activities and tried to focus on college. Raven was invisible. Walang bullies na nangugulo. She sat at the very corner of the room. She had no friends to accompany her. She's totally ok with her life. She's contented kahit na may sakit siya. Second year college came, sa kalagitnaan ng first sem may student na nag transfer. And then Dash Gregorio happened. MADILIM ang paligid. Tanging sinag ng buwan lang ang nagbibigay liwanag sa tahimik na alley. Mag isang naglalakad ang isang taong nakasuot ng itim na coat habang natatabunan ng hood ang mukha nito. Nakapamulsa at kampante ang bawat hakbang nito na sinasabayan ng tunog ng suot nitong boots. Ang kalyeng ito ay abandunado. Sa umaga ay walang nagtatangkang dumaan o pumasok man lang dito dahil sa mga sabi sabing maraming namatay sa lugar na ito at nagmumulto ang kanilang kaluluwa.  Maraming nakakalat na basura, mga daga na pinagpye-pyestahan ang mga dumi, ang kanal ay natambakan na ng mabahong likido. Sa umaga ay tila normal na abandunadong kalye lamang ito, pero sa gabi ay maraming aktibidad ang nangyayari dito. Iniiwasan ng mga tao ang lugar na ito. Hindi dahil sa mga sabi sabing may multong gumagala dito kundi dahil totoong marami nang buhay ang nawala sa kalyeng ito. Tak. Tok. Tak. Tak. Tok. Tanging tunog lang ng kanyang boots ang maririnig sa tahimik na lugar. Ang mga daga ay nagtatago kapag siya ay mapapadaan. Dinadala ng hangin ang mahaba niyang coat at noong siyay huminto upang tignan ang buwan ay tumambad ang kanyang mukha. May makinis siyang balat, katamtamang kapal ng kilay at matangos na ilong. Ang kanyang labi ay manipis at nababahiran ng itim na kulay. Nakatingala siya sa buwan at nakatitig na tila may nakikita siya doong nilalang. "Nandito ka na pala." Bumaba ang tingin niya sa may ari ng boses. Nakatayo ito hindi kalayuan sa kanya at sa likuran nito ay may mataas na bakod.  "Bilisan mo, malapit ng magsimula ang tournament." saad muli nito. Tumango siya. Inakyat niya ng walang ka hirap hirap ang bakod at tumalon sa kabilang side. Naiwan namang nakatayo ang lalaking nagbabantay sa lugar na iyon habang may iisang tumatakbo sa kanyang isipan. "Hindi ko talaga maiwasang hindi kilabutan kapag titignan ako ng mga mata niyang blanko. Para siyang robot." umiiling na kausap niya sa sarili. "GOOD morning class!" Napaayos ang mga estudyante at pumunta sa kanya kanyang sariling upuan. Dumating na ang prof nila para sa oras na iyon. Tumahimik na silang lahat at binigay ang atensyon sa may katandaan nang babae sa harapan ng kanilang klase. "Siguro alam na ninyong may bago kayong magiging kaklase."  Tumango ang ilan. Nagtataka naman ang iba. Sa kalagitnaan ng unang semester ay may transferee na dumating. Pwede ba iyon? Hindi nila alam. Magpapaliwanag na sana ang ginang nang biglang bumukas ang pintuan ng kanilang classroom. Napalingon ang lahat sa babaeng dumating. Naka maong na pantalon itong puti habang naka loose t-shirt na kulay gray. Ang bag nito ay nakasukbit sa balikat. Walang kahit na anong kulerete sa mukha ngunit angat na angat pa rin ang angking ganda. "Sorry, I'm late." saad nito. Kung titignan mo ang para itong nakasimangot. Pero sanay na ang lahat sa kanya dahil ganyan talaga ang normal na eskpresyon ng dalaga. Hindi siya nakasimangot, hindi rin nakangiti, malumanay ang kanyang mata na kapag iyong tinititigan ay tila ka hinihigop sa ibang dimensyon. "Umupo ka, Miss Angeles. Saan ka ba galing? Magkasunod lang ang oras namin ni Mr. Fahmir. Nag cut ka ba ng klase?" sunod sunod na tanong ng kanilang prof habang paupo ang dalaga sa kanyang upuan na nasa pinakaharap. "Kumain ako sa cafeteria." walang laman na sagot nito. Napabuntong hininga na lang ang matandang babae. "As I was saying, may bago kayong kaklase. Mr. Gregorio pumasok ka na." Lumingon ang lahat sa pintuan maliban sa isang babae na pinatong ang kanyang ulo sa mesa. Muli itong bumukas at tumambad sa kanila ang lalaking may maayos na pananamit. Nakasuot ito ng salamin, magulo ang buhok na tila kakagising lang mula sa pagtulog.  "Magandang umaga. Ako si Dash, nice meeting you all."  Pati ang boses ay tila kakagising lang. Ngumiti ito at lumabas ang maputi at pantay nitong mga ngipin. Tahimik ang klase. Ngunit sa loob loob ng mga kababaihan ay tumitili na sila. Napakagwapo ng bagong dating. Makapal ang kilay at matangos ang ilong. May mapulang labi at ang mga mata nitong natatakpan ng salamin ay sumisingkit sa tuwing siyay ngumiti. Maputi rin ang kutis nito, halatang laki sa luho. Ang damit nito ay tuwid na tuwid na parang ilang beses pinadaanan ng plantsa. Nilibot ng kanilang prof ang tingin sa mga upuan, naghahanap ng bakante para sa bagohan. Lihim namang nagdadasal ang mga kababaihan na sana ay sa kanilang tabi paupuin ang gwapong kaklase. Ngunit bagsak ang balikat ng lahat nang bangitin nito ang isang pangalan. "Umopo ka sa tabi ni Miss Angeles. Itaas mo ang kamay mo, Angeles!" napailing ito dahil sa nakikitang ginagawa ng studyante. Tamad nitong itinaas ang kamay habang nakasubsub sa mesa ang kanyang mukha. Alanganin namang umopo si Dash sa tabi nito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Dr. Lance Steford (Forbidden Love)

read
609.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.7K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
51.4K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.5K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook