Letter B - Sui Generis

941 Words
Letter B - Sui Generis Kate "Are you okay?" may bahid ng pag-aalala na kuwestiyon sa 'kin 'nung Aira. Nginitian ko na lamang ito atsaka tumango bilang sagot. "Hindi mo na dapat ginawa 'yon. I can do it by myself, pasensiya na sa abala." wika ko, maglalakad na sana ako upang hanapin ang aking room nang bigla siyang nagsalita dahilan upang mapahinto ako sa paglalakad at mapalingon sa kanya. "Wala 'yon, ayoko lang na makitang kinakawawa ang isang gaya mong nasa Sui Generis section." mabilis na nagkasalubong ang aking kilay sa sinabi niya, paano niya nalaman ang section ko? "We're special, kaya ayoko lang na makitang kinakawawa ang isang gaya mo, because Sui Generis students are the Principals, so we are powerful!" "And you, are powerful!" sabi niya sabay duro ng kanyang hintuturo bahagya sa mukha ko. Paninibago't pagkagulat ang aking naramdaman sa sinabi niya, siguro 'yung mga ibang estudyantrng narito ay espesyal ang pagtrato sa sinasabi niyang seksyon, despite the fact na mayayaman din sila. Bigla akong may naalala na nakapagpagulo ng utak ko, dahilan upang maitanong ito sa kanya. "How about that teacher? Mukhang kulong-kulo ang dugo niya sa 'kin." hindi maiwasang tanong ko, naguguluhan lang ako kung bakit niya 'yon ginawa gayong isa siyang guro. "Napansin niya yata na makinang 'yang kuwelyo mo, means may diamond sealed 'yan, at 'pag nagkagano'n, you're a Sui Generis student." huminga siya ng malalim. "A special and perfect section here in T. A. K. University. May kakayahan tayong magpa-kick out ng estudyante o kung sino mang nagtatrabaho dito sa university. Siguro nakick-out ang anak 'nung gurong 'yon ng isang Sui Generis student. Kaya galit na galit sa 'yo. And also before I forgot, we're different in forms of attire, tayo lang ang may diamond sa kuwelyo at gold lining sa palda, iba rin ang certificate natin. Kulay gold ito compare sa normal students na papel lang, saka iyon yata ang dahilan kung bakit siya umalis no'ng makita ang certificate mo." paliwanag niya, heto na yata ang bali-balitang kakaibang seksyon sa school na 'to. Biglang may gumapi sa isipan ko, kasama ako? "By the way, I'm Kate delos reyes." sabi ko sabay lahad ng aking kamay, siguro ito na ang tamang pagkakataon para magpakilala or better na magkaroon ng kaibigan sa unibersidad na ito. "And you are?" pagpepeke ko kahit alam ko naman ang kanyang pangalan. "Im Aira Gonzales, nice to meet you!" sabi niya atsaka inabot ang aking kamay, nagawi naman ng kanyang paningin ang suot niyang relo at biglang naging seryoso ang mukha niya, "We need to go." Limang minuto na ang nakakalipas, papalapit na kami sa aming kinaroroonan, naaaninag ko na ang building ng room namin. Napatingala naman ako at nahagilap ng mga mata ko ang corridor. Ang corridor kung saan may nakatayo kanina. 'Yung nakaitim na jacket, 'yung mga kutsilyo. Kasalukuyang umaandar ang elevator papuntang 13th floor. Nasa 13th floor daw kasi ang room namin, the highest floor in this university. Dahil kami raw ang pinakatinitingalang section sa school. Actually, I found it weird, 'di kasi ako sanay na tinitingala ako, despite the fact na honored student ako last year. Biglang bumukas ang steel door ng elevator. Hudyat na nasa 13th floor na kami. Napalinga ako at mukhang iisang room lang ang narito, bagama't ito'y may kalawakan pero iisa lang ang nakikita kong pinto. Nasa dulo ito at kakaiba pa ang kulay, kulay pula. Nang nilapitan ito ni Aira, nakisabay na rin ako. Saka ko lang napansin na wala itong ni isang bintana. At may nakasulat din sa pinto na Sui Generis, at may maliliit pa na nakasulat do'n. 'Where the geniuses and elites are alive.' Nang pihitin ni Aira ang seradura ng pinto, ay iniluwa nito ang isang napakandang room. May mga mamahaling disenyo sa iba't ibang parte ng room at iba rin ang knowledgeable displays nila, tunay na artifacts, paintings at iba pa, airconditoned din ito. Kung titignan parang hango sa sinehan ang style niya. Pumasok na ako sa loob, kasabay ang mahihinang mga bulungan ng kaklase ko. Nakita ko naman ang guro na nasa gilid, nginitian niya lang ako saka tumango. Sinenyasan niya rin ako na pumasok sa loob na siyang ginawa ko. "Can you introduce yourself?" anito saka ngumiti sa 'kin, sa hilatsa ng kanyang mukha ay masasabing mabait ito. Tumango naman ako biglang pagsang-ayon sa sinabi niya. Napalinga ako ng sandali at tinignan ang mga magiging kaklase ko. Gwapo't magaganda sila, halata rin sa kanilang mga galaw na mayayaman sila, mukhang mga perpekto. Naisip ko kasi na isang maling galaw ko lang ay pagtatawanan nila ako. "Hi guys, Im Kate Delos Reyes, 15 years old. My hobby is to read and gather information of knowledgegable books." muli kong inilibot ang aking paningin sa kanila at matamis ko silang nginitian. "Nice to meeting all of you," "Go to that vacant chair," ani ma'am saka tinuro niya ang bakanteng upuan. Tsumamba naman na makakatabi ko si Aira. Halos nanginginig na ang tuhod ko habang pumupunta ako sa bakanteng upuan na in-assign sa 'kin ni maam. Lahat sila ay nakatutok sakin. Ako ang sentro ng kanilang paningin ngayon. Minsan ko lang ito maramdaman pero inaamin kong kinikilabutan ako. Nang makaupo na ako ay tinitigan ako ng isa kong pang katabi, isang lalaki. Mayroon itong singkit na mata, matangos na ilong at malarosas ang labi sa pula. Hindi ko maiwasan ang pagtingin sa name badge niya, Justin. Sa blanko at seryoso niyang mukha at masasabi mong may kakaiba sa kanya. Nagkaroon pa kami ng ilang diskusyon bago marinig ang pag-bell. Bago pa kami umuwi ay pinasulat muna ako sa isang logbook at inilagay ko do'n ang aking address at cellphone number. Dinampot ko na ang aking sling bag at naglakad na ako paalis ng room kasabay ang isang pagbulong sa hangin. Sana'y maging maayos ang pag-aaral ko sa unibersidad na 'to. Sana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD