Letter A - Fired!

1188 Words
Letter A - Fired! Kate Isang bell ang umalimpungat sa mahimbing kong pagtulog. Tiningnan ko ang alarm clock na kanina pa putak ng putak. 10:30 na pala. Daglian akong napabangon sa kama ko. Ako si Kate Delos Reyes, I'm 16 years old and an only child. Currently, I'm a 4th year high school student. Honestly, we're not that super rich, and we're not poor. Kami 'yung matatawag na mayaman lang, isang kotse, isang magandang bahay, that's it. Sinimulan lang namin na mag-ipon ng tuition matapos malamang magpapatayo si Lee Gregorio Reyes ng isang unibersidad. Ang T.A.K. university, ito daw kasi ang pinakakilala at tinitingala na eskwelahan dito sa Pilipinas. Halata naman sa 10 Million peso tuition fee e, na ayos na hanggang makagraduate ka ng college. Based on my research: ang eskwelahang Technolohical and Knowledge University ay ang pinaka-latest na tinayong University dito sa Pinas. Tinayo ito limang taon na ang nakakalipas at ngayon lang ako dito makakapasok dahil ngayon lang din namin na-reach 'yung matrikula nila. Sa aking pananaliksik, ten long years bago ito magawa, kaya ang resulta? Isang napakalaki at napakagandang unibersidad. Bali-balita pa nga na kalahating bilyon ang pondo para lang mapatayo ang unibersidad na 'yon, dahil ang naturang unibersidad ay tinatawag nilang soon to be the home of high technologies. Marami na kasi silang p-in-o-ropose na makabagong gadgets and devices. Mayroon ding kumakalat na balita na ang unibersidad na 'yon ay may kakaibang seksyon, seksyon kung saan matatalino at mayayaman lang ang kuwalipikado. Ang may-ari nito ay ang pinakamayaman na tao sa buong Asya, si Lee Gregorio Reyes isang half-Chinese at half-Pinoy. Pagmamay-ari niya ang lahat ng Reyes' mall sa iba't ibang panig ng mundo. Mayroon din siyang ilang restaurants, casino, mining companies, hotels at iba pang pag-aari niya. Dahil sa kasikatan ay nababalita rin sa international medias ang pagpapatayo niya ng unibersidad sa bansa. Based on his history; si Lee Gregorio Reyes ay dating mahirap at isang biktima ng diskriminasyon, namatay kasi ang tatay niya sa kamay ng mga kapulisan. Napagkamalang mangkukulam ang kanyang ama dahil lahat ng nakakaalitan nito ay namamatay sa 'di malamang dahilan, kaya no'ng naganap 'yon ay kinamuhian niya ang mga pulis at nangakong 'di hihingi ng tulong sa mga ito. Kaya ilag ang kapulisan sa kanya, at sa mga pagmamay-ari niya. Pati na ang unibersidad na kaniyang itinayo dito sa Pilipinas ay iniiwasan ng mga kapulisan. Isa akong transferee sa unibersidad na 'yon, at ngayon ang unang pasok ko. Nag-ayos na ako dahil mayamaya'y bababa na ako. Ngayon na pala ang una kong pasukan sa bago kong paaralan. Bagong kaibigan, bagong pakikisama, at bagong matutunan. Agaran na akong bumaba. Unang napukaw ng aking paningin ay ang paghahanda sa 'kin ni mama ng pagkain. Batid kong alam niya na may pasok ako ngayon pero 'di niya ako ginising, sapagkat alam niyang ikagagalit ko lang 'yon. Oo, medyo bad girl ako sa kanya. Pero hindi naman ako masama o masungit. Napunan lang ng poot itong dibdib ko nang magkaroon ng nobyo dati si mama. 32 lang siya kaya pu-puwede pa. Nagtataka nga ako e, ano yun? 17 years old siya noong iniluwal niya ako? Not to offend her huh? Ano yun? Maaga siyang naglandi? About naman doon sa papa ko. Ang sabi niya sa akin namayapa na raw ang ama ko noong sanggol pa lamang ako. Sinabi niya ring mayaman daw ang pamilya ng papa ko, at malaki raw ang pera na nasa bank account nito. Ngunit naghihinala ako kung bakit 'di niya sa akin sinasabi kung saan ito nakalibing at nanahamik naman ito tuwing tinatanong ko kung bakit hindi niya gamitin ang pera na nasa account ni papa. Kinain ko na ang kanyang inihandang pagkain sa 'kin. Matapos nito ay napagdiskitahan kong pagmasdang maigi ang unipormeng suot ko, ang gara kasi ng pagkakagawa. May naka-fix na diamond powder lining ito crossed out with a pure gold lining. Nakalagay naman sa bandang gilid yung school's logo, then black yung whole silk niya, pati sa palda ganoon din. Ilang minuto pa ang lumipas ay minaneho ko na ang kotse ko. Huminto ako sa isang malaking unibersidad, dito kasi nakaturo yung mapa. Unang sumalubong sa mga mata ko ang naglalakihang gate na may pulang badge, ang logo ng school na ito. Napatingala ako sa itaas, sa pinakamataas na floor ng isang building. May taong nakadungaw sa corridor at may hawak na tatlong kutsilyo. Nginitian niya ako, ngiting napakatalim na talaga namang tumagos na sa utak ko. Tanaw ko ang nakakatakot na kislap ng kanyang mga ngipin. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha't kasarian dahil sa pagitan namin. Lagpas ng ilang metro ang layo mula dito papunta sa kinatatayuan niya. Higit sa lahat ay naka suot siya ng isang jacket. A black hooded-jacket. Bumaba na ako sa kotse ko, automatic na bumukas ang gate as the sensor recognized my ID. Wala ng manual scanning, sensor na mismo ang mag-iscan ng ID mo. Nang makapasok ay tiningala ko muli ang naturang building. Ngunit wala na akong nadatnang tao roon. Malamig na simoy ng hangin ang tanging dumadampi sa 'king katawan at lumalagi sa aking pandinig, sa madaling salita at napakatahimik. Katahimikan ang lumalamon sa buong paaralan, tila'y walang nag-aatubiling magsalita at mag-ingay rito. Mukhang walang estudyanteng nasa labas ng room, walang ring nagca-cutting. Kung tutuusin, napakalaki ng unibersidad na ito, na wala pang panama ang mansyon dito. Natigilan ako sa paglalakad nang may babaeng sumalubong sa 'kin, Isang guro. Masama ang titig niya sa akin. 'Di ko na lamang pinansin iyon at sa halip ay nginitian ko pa siya. "Good morning, maam." bati ko sa kanya, ngunit tanging pag-irap lang ang nagmistulang sagot nito. Binasa ko ang kanyang name badge na nakakabit sa uniporme niya. Mrs. Karen Xial. Nagitla na lamang ako nang bigla niyang hinila ng pagka lakas-lakas ang aking kanang kamay. Nagpadala nalang ako sa puwersa. Guro? Walang modo. Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa na animo'y may nagawa akong kasalanan sa kanya. Hanggang sa mapako ang mga mata niya sa aking kwelyo. Pati ako ay napatingin dito. May kulay dyamanteng linya dito. Bigla niya akong binitawan at huminga ng malalim. "Certificate mo?" isang nakakatakot na ngisi ang kaniyang pinakawalan. Agaran ko namang binigay ang certificate sa kanya, nagulat ako ng mapansin 'to, kulay ginto. Napaatras siya ng bahagya at lumakad papalayo sa akin, ngunit isang bulalas ang pumihit sa kanya. "At saan ka pupunta?" panghaharang ng isang babae. Kahit na kakaunti lang ang kanyang mga suot na alahas at Hindi masyadong natatapalan ng ng make-up ang kanyang mukha at mahahalata mo na mayaman siya dahil sa kanyang galaw; napaka-soft, sweet, and gentle. Nakakaagaw pansin din ang pagiging mistisa niya, in short, maganda siya. Napatingin ako sa kanyang kuwelyo, makinang, at may diamond lining din into. Iginala ko naman ang aking paningin sa kanya at daglian kong napansin ang name badge niya. Aira pala ang pangalan niya. "W-wala," natatarantang saad 'nung Ms. Xial, sa kanyang hitsura ay kinakabahan na ito at gamunggo na ang butil ng pawis na inilalabas niya. "Say it, or leave this school?" sabi 'nung Aira sa guro na hindi kumbinsido sa sinasabi nito. "W-wala naman e, 'di ba?" tumingin siya sa 'kin. Tinignan niya ako ng masama na parang may gustong ipahiwatig, palihim din ako nitong pinanlakihan ng mata. "Sinungaling," usal ko, tinignan naman ni Aira ang guro ng madiin, sa kanyang titig ay parang pinapatay niya na ito. "You're fired!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD