One

1845 Words
"Welcome back, Miguel," nakangiting bati ng isang matanda na kahit may puti ng buhok ay matikas pa rin ang pangangatawan. "And congratulations for graduating with honors." "Thank you, sir," tinanggap niya ang pakikipagkamay ng lalaki. Inutusan nito ang mga kasama na kunin ang maleta mula sa kanya. Pagkatapos ay inaya na siya ng lalaki sa malaking itim na van na naghihintay sa labas ng airport. Dahil abala ang comgressman, hindi na ito nakadalo sa graduation niya at tanging ang assistant nito ang nagpunta. Kahit nakaramdam siya ng lungkot dahil parang ama na rin ang turing niya rito, nagpapasalamat pa rin siya dahil sa suportang ibinigay nito at ngayon nga ay may naghihintay agad na trabaho sa kanya. "I'm so proud of you, Miguel," nakangiting sabi ni Congressman Posadas habang sakay sila ng kotse. "I'm sure, masayang-masaya ang mga magulang mo kung makikita ka nila ngayon." Nakaramdam ng kalungkutan ang binata. "Next month na rin ang graduation ni Monique," pagbabalita ng matanda. "I heard graduating with honors din ang batang iyon." "She's very smart," papuri niya sa dalaga. Graduating ng bachelor si Monique samantalang siya ay tapos na ng masters. Hindi niya lang sinasabi sa matanda pero madalas silang magkita noong nasa U.S. pa siya. Close na kais sila bago pa siya tumira sa bahay ng mga ito dahil ex ito ng bestfriend niyang si Marco. "Mana sa ama," biro ni Congressman na sinabayan ng malakas na tawa kaya natawa na rin siya. "Huwag kang mag-alala, Miguel. Walang makakapanakit sa'yo habang nasa poder kita. Ang balita ko, patay na karamihan ng mga kagrupo mo. Wesley is still out there at pinapahanap ko na rin pero Devon is already dead, at least iyon ang alam nila. Hindi ka na nila magugulo." "Salamat po," seryosong sagot niya. Hindi na siya inabala ng matanda at nakita niyang saglit itong umidlip. Tahimik namang pinagmasdan ni Devon ang dinaraanan. Hindi niya alam na naglalakbay na pala ang isip niya sa nakaraan. Pagkatapos ihatid sa kwartong tutuluyan ay nagpaalam si Congressman Posadas dahil aattend pa ito ng meeting. Hindi akalain ni Devon na patutuluyin siya ng matanda sa bahay nito mismo. Nahihiya tuloy siya dahil hindi naman siya kaanu-ano nito. Saglit siyang nakatulog at madaling araw na nang magising. Dahil sa gutom, napilitan siyang bumangon para maghanap ng makakain. Hindi naman siguro magagalit ang congressman dahil sabi naman nito, feel at home. Papunta siya ng kusina nang makitang may ilaw sa bahagi ng pool kaya nagpasiya siyang silipin kung may tao. Natigilan si Devon nang makitang may babaeng nakatalikod habang tila wala sa sariling nilalaro ang tubig. Aalis na sana siya nang makilala kung sino iyon. Wala naman siyang balak kausapin ang babae pero nakita na siya nito. "Who's there?" napatayo ito mula sa pagkakasalampak sa gilid ng pool. Huli na para makatakas. "H-Hi," alanganing bati ni Devon. "Devon?" halata ang excitement sa boses ni Julianne nang lumapit sa kanya. "Kailan ka pa dumating?" "Kanina lang." "Welcome back," seryosong sabi nito. "Salamat." Tipid na ngumiti si Julianne, "Matutulog na ako. Feel at home." Iyon lang at tinalikuran na siya ni Julianne. Nasundan na lang ni Devon ng tingin ang babae pero lihim siyang napangiti nang maalala ang nakaraan. Nasa loob ng puting kwarto si Devon nang magkamalay. Walang tao sa paligid nang imulat niya ang mga mata. Muli siyang pumikit at inaalala ang mga pangyayari. "Gising na siya." Narinig ni Devon na may nagsalita kaya muli niyang iminulat ang mga mata. "Iwan mo na kami," utos ng isang lalaki sa nurse. Agad naman itong tumalima. "N-nasaan ako?" "Ako si Conrad," pakilala ng isa sa mga lalaki. "Dinala ka namin sa hospital dahil natagpuan ka naming may tama ng bala." "S-si Rosalie?" Nagkatinginan ang mga kausap. "Kailangan ko nang umalis..." akmang tatayo si Devon nang pigilan siya ng mga ito. "Hindi ka pwedeng umalis. Wanted ka sa mga pulis." Natigilan si Devon. "You need us, Devon. Wala ka ng babalikan. Everyone knows you're dead." Matagal din bago natanggap ni Devon ang sinapit ng buhay at ipinangako niya sa sarili na gaganti sa mga hayop na gumawa noon sa inosente niyang pamilya at mga kaibigan. Nang maayos na ang kalagayan niya ay dumalaw si Congressman Posadas at ipinaliwanag nito sa kanya ang lahat. Saglit rin siyang tumira sa bahay ng mga ito habang hinihintay ang pag-aayos niya ng papel. Nagulat ang dalawang anak na babae ni Congressman Posadas nang makita ang binatang kasabay nilang kakain. Hindi makapaniwala si Julianne na ang lalaking dinalaw niya pa sa libingan ay kasama nilang kumain ngayon. "D-devon..." hindi napigilang tawagin ni Julianne ang lalaki. "Si Miguel pala, bago kong scholar," pakilala ni Congressman. "Miguel, these are my daughters, Julianne and Monique." "Hi," magalang na bati ni Miguel. "But, dad, si Devon yan..." Napatigil sa pagsasalita ang dalaga nang ibagsak ng congressman ang kubyertos. "Stop asking stupid questions, Julianne. Kumain ka na lang." "S-sorry..." napapahiyang kumain si Julianne. Nakita niyang hinaplos sa likod ng matandang babae si Julianne. Ito siguro ang asawa ni Congressman. Matutulog na sana si Devon nang makita niya mula sa bukas na bintana ang dumaang anino. Kinakabahan siyang bumangon pero ganoon na lang ang pagkagulat nang makita ang isang babae na sumisilip sa kabilang bahagi ng bakod. Kunot-noo siyang bumangon at nagsuot ng jacket. Ano kayang tinitingnan ng anak ni Congressman Posadas sa kabilang bakod? Muntik nang mapasigaw si Julianne nang sumulpot si Devon sa likod. Mabuti na lang at mabilis na natakpan ng binata ang bibig nito. "Shhh. Ako ito." Binitawan ni Devon ang babae nang medyo kumalma ito. "M-miguel, ikaw pala. Akala ko kung sino." "Sino bang sinisilip mo dyan?" curious na tanong ni Devon. "Wala," mabilis na tanggi nito. "Nagpapahangin lang." "Pumasok ka na, baka mamaya may nag-aabang sa'yo makidnap ka dyan." Hindi makatingin nang deretso sa kanya si Julianne. Lalo tuloy lumakas ang kutob niya. "May hinihintay ka 'no?" "W-wala nga. Pumasok ka na nga." Bahagyang natawa si Devon pero napalis iyon nang makitang nalungkot ang babae. "Julianne..." "I'm waiting for Nick. Magtatanan kami." Doon lang napansin ni Devon ang dalang bag ng babae. "Nahihibang ka na ba?" tumaas ang boses ni Devon. "Mahiya ka nga sa mga magulang mo." Napabuntong-hininga si Julianne, "Dad will be happier kung mawawala ako sa buhay niya. Puro kahihiyan lang naman ang dinadala ko sa bahay na ito." "And your mom?" hindi napigilan ni Devon ang sariling magalit sa babae. Ganito ba talaga ang mga anak mayaman? Sarili lang ang iniisip? "My mom is dead." "Sino yung kasama natin kanina?" "Si Tita Monica iyon. Mommy iyon ni Monique." Hindi nakapagsalita si Devon. Mukhang desidido na talaga itong sumama sa lalaki. "Pumasok ka na sa loob," utos ni Julianne. "Look, pwede bang bukas ka na lang makipagtanan? Paano kapag nalaman ng daddy mo na nakita kita at wala akong ginawa?" Tumingin lang sa kanya ang babae. Akmang aakyatin na nito ang pader kaya mabilis itong hinila ni Devon pababa dahilan para bumagsak sila sa damuhan. "Ano ba?" galit na sigaw ni Julianne. Tumahimik lang ito nang marinig ang kaluskos sa loob ng bahay. "Sisigaw ako kapag umalis ka," banta ni Devon. "Hindi mo kasi naiintindihan kung gaano ako kamiserable sa bahay na ito e," tuluyan nang napaiyak si Julianne. Nakaramdam naman ng awa si Devon sa babae. Naalala niya ang insidente kung paano pinalo sa ulo ni Congressman si Julianne nang hindi nito nagawa nang maayos ang campaign speech. "Fine," wala nang nagawa si Devon. "Leave pero hindi kita papayagang umalis hangga't hindi dumarating 'yung Nick na iyon." Nagpunas na ng luha si Julianne, "Pumasok ka na kasi sa loob. Pakialamero." "Take it or leave it." seryoso na si Devon. Walang nagawa si Julianne kung hindi pumayag sa kondisyon niya. Sinamahan niya na lang itong maghintay sa lalaki habang nagkukubli sa matataas na halaman. "M-miguel," basag ni Julianne sa katahimikan. Nahuli niyang mataman siya nitong pinagmamasdan. "Ano?" naiilang na tanong ni Devon. "Miguel ba talaga pangalan mo?" Ngumiti lang si Devon. Hindi sumipot si Nick nung gabing iyon at ganoon na lang ang hinagpis ni Julianne nang makatanggap ng sulat galing sa kaibigan ng lalaki na nakikipagkalas na ito. Hindi nagpahalata ang dalaga na may pinagdaraanan at tanging si Devon lang ang nakakaalam. Naging malapit si Devon sa babae dahil siya lagi ang nilalapitan nito sa tuwing may problema at napapagalitan ng ama. Sa huli ay inamin niya ang totoo sa babae na siya talaga si Devon at nangako naman itong itatago ang lihim. Julianne is a serious type of person at hindi masyadong malapit sa mga kasama sa bahay. Bihira lang itong tumawa pero nakita ni Devon ang softer side ng babae dahil naging komportable ito sa kanya. Ramdam niyang may gusto na sa kanya si Julianne. Mabuti na lang at paalis na siya paputang America para mag-aral dahil hindi niya alam kung kaya niyang gantihan ang pagmamahal nito. Isa lang ang babaeng nasa puso niya and it was Rosalie. Alam rin ni Julianne iyon kaya siguro hindi ito nagtatapat. Ayaw niyang saktan ang babae at dumagdag sa pasakit nito sa buhay. Gusto niya rin naman si Julianne. Iyon nga lang, alam niyang dahil lang iyon sa pangungulila niya kay Rosalie at alam niyang walang pwedeng pumalit kay Rosalie sa puso niya. "Mag-iingat ka doon," malungkot na paalam ni Julianne nung huling gabi niya sa bahay ng mga ito. "Mag-aral kang mabuti." "Salamat. Ikaw din." Bakas ang lungkot sa mga mata ni Julianne. Maiiwan kasi ito at sila lang ni Monique ang pupunta sa America dahil sa maynila lang ito mag-aaral. "Babalik naman kami agad," hinawakan ni Devon sa balikat ang babae. "huwag ka nang malungkot." "I-I'll miss you," nakatungong sabi ni Julianne na tila ba isang libong beses pinag-isipan kung sasabihin ba ang mga katagang iyon. "See you after four years. Baka hindi rin kasi ako makapagbakasyon." "Devon..." pigil ni Julianne nang akmang tatalikod na siya. "I-I love you." Hindi nakapagsalita si Devon. Sabi na nga ba. Tila nadismaya naman ang babae nang hindi siya sumagot agad. Napabuntong-hininga si Devon at nilapitan ang nalungkot na babae. "Matulog ka na. Don't worry, kapag bumalik ako at gusto mo pa rin ako, liligawan kita." Katatapos lang ni Devon basahin ang mga papeles na ibinigay ni Congressman para pag-aralan niya nang magpasiya siyang bumaba para kumain. Hindi niya alam na may naghihintay pala sa kanyang surpresa. Gulat na gulat siya nang makita ang babaeng bagong dating. "Surprise?" natatawang tanong nito. "A-akala ko ba next month pa ang balik mo? Nakabook na ng ticket si Congressman para umattend ng graduation mo ha," napailing si Devon at ginantihan ang pagyakap ng babae. "Ang lungkot doon kapag wala ka," pabulong na sabi ni Monique at inilibot ang mata sa paligid. Wala namang cctv sa loob ng bahay kaya panatag ang babae. "Sasabay na lang ako sa inyong bumalik para sa graduation." Napangiti si Devon, "Nagsasayang ka lang ng pera. Alalahanin mong pera ng bayan yang ginagamit mo." "Hoy," natawa si Devon nang pabiro siyang duruin nito. "May business din ang pamilya ko 'no." Maya-maya ay sumeryoso si Monique at mahigpit siyang niyakap. "I miss you." "B-baka makita tayo ng daddy mo." "Kailan ba natin sasabihin?" malungkot na tanong ng babae. "Hahanap lang tayo ng tyempo. Hindi ba mas mabuting magtrabaho muna tayo?" "Tama ka," bagsak ang balikat na sabi ni Monique. "Isa pa,ayoko ring masaktan si Ate. Lagi ka kaya niyang tinatanong sa'kin." Hindi nakakibo si Devon. Lumapit si Monique at binigyan siya ng damping halik sa labi, "I love you." Bago makalayo ang babae ay napigilan na ito ni Devon. Siya naman ang humalik dito. Tumigil lang ang dalawa nang maramdamang may nanonood sa kanila. "A-ate..." kinakabahang tawag ni Monique. Julianne was staring blankly at them pero kitang-kita sa mga mata nito ang sakit na nararamdaman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD