Two

2301 Words
"M-may nakalimutan pala akong gawin," nauutal na sabi ni Julianne bago tumingin sa kapatid. "Welcome back, sis at congratulations na rin." "Salamat, ate," hindi makatingin nang deretso si Monique nang lumapit si Julianne para halikan siya sa pisngi. "Maiwan ko muna kayo," paalam ni Julianne. "Julianne," tawag ni Devon nang tumalikod ang babae pero hindi na ito lumingon. Kapwa tahimik ang dalawa nang maiwan sa sala. "I'm going to my room," pilit ang ngiti na paalam ni Monique. "See you later." "S-sige." "I love you," muli siyang hinalikan ni Monique bago umalis. Napabuntong-hininga naman si Devon at nagtuloy na sa kusina. Kakain na lang siya para makalimutan ang problema. Sana lang ay huwag masyadong magdamdam si Julianne. Hindi naman kasalanan ni Monique kung napalapit din ang loob niya rito. Mabait si Monique at masayang kasama. Hindi katulad ni Julianne na laging seryoso. Hindi niya naman sinasadyang mapalapit sa babae at makalimutan ang pangako kay Julianne. Monique was there nung nalulungkot siya sa America dahil sa pagkamiss kay Rosalie lalo na nang malaman niyang patay na ito, at siya rin ang naging crying shoulder nito nang nagluluksa ito dahil hindi na nagpakita rito si Marco na bestfriend niya. They were friends bago pa siya kupkupin ng congressman kaya between Julianne and Monique, mas malapit ang loob niya sa huli. Kahit hindi niya naman maramdaman na ganoon niya kamahal ang dalaga ay sinubukan niya pa ring makipag-relasyon rito. Kahit pa alam niyang hindi mapapalitan ng kahit sino si Rosalie. Kasalukuyang nasa library si Devon para ituloy ang pagbabasa ng mga papeles nang pumasok si Julianne. Sa tingin niya ay sinadya nitong puntahan siya para kausapin. Gustong tumakas ni Devon dahil hindi niya rin alam kung anong sasabihin sa babae. "B-busy ka ba?" alanganing tanong ng babae. "Hindi naman," ibinaba ni Devon ang binabasang file. "May kailangan ka ba?" Matagal na hindi nakasagot ang babae. Maya-maya ay mapait itong napangiti. "Kayo na pala ng kapatid ko." Hindi nakasagot si Devon. "Alam ba ni daddy?" "Hindi," mabilis na sagot ni Devon. "Hindi pa namin ipinapaalam." "Seryoso ka ba sa kanya?" bakas ang pag-aalala kay Julianne. Hindi niya lang alam kung para saan ang pag-aalalang iyon. Kung takot ba itong lokohin niya si Monique o kung umaasa ito na hindi siya seryoso sa babae. "Mahal ko ang kapatid mo," pagtatapat ni Devon kahit alam niyang hindi naman iyon totoo. Mabuti nang malaman nito ang totoo kay sa umasa ito sa wala. He saw the hurt in her eyes at agad itong nagbawi ng tingin. "Julianne..." "Don't use my sister, Devon. Alam kong hanggang ngayon mahal mo si Rosalie. You want to avenge her death, hindi ba? Kaya ka nagsusumikap para mapanagot ang may sala." "Hindi ko siya ginagamit. I'm not using her para kalimutan si Rosalie. I will never forget Rosalie. She will always be here," bumigwas ang kamay ng lalaki sa dibdib nito. "Gagawin ko ang lahat para maipaghiganti siya. Alam ni Monique iyon dahil sinabi ko sa kanya ang lahat. Willing siyang tulungan ako para makamit ang hustisya. Pero hindi ko ginagamit ang kapatid mo. Totoong mahal ko siya. Nagkaroon ng kaunting direksyon ang buhay ko at nakaya kong tanggapin kahit papaano ang pagkamatay ni Rosalie." Hindi nakapagsalita si Julianne. "Julianne..." "I've waited for you." natigilan si Devon sa narinig. "Sabi mo kasi kapag balik mo at gusto pa rin kita, liligawan mo ako." "I-I'm sorry..." "Kaya pala hindi mo ako kinausap nung umuwi ka sa libing ni Tita Monica. Kaya pala hindi mo man lang ako binati nung graduation ko. Kahit 'yung mga pasko na sa U.S. nagpapasko si Daddy at mag-isa ako sa bahay, hindi mo man lang ako magawang tawagan." "I-I was busy." Natawa ang babae pero bakas ang pait doon, "Busy or hindi sinasabi sa'yo ni Monique na lagi kitang hinahanap? Nakailang palit ka rin ng number at kahit sa e-mail hindi ka sumasagot." "Dahil ayokong kausapin ka," hindi na napigilan ni Devon ang sarili. "Bakit hindi mo ibinigay kay Rosalie 'yung sulat? Namatay siya nang hindi nalalaman na buhay pa ako." "M-may iba na si Rosalie..." "Kahit na. Nangako kang pupuntahan mo siya sa Maynila para sabihin sa kanya ang totoo. Baka nagkaroon pa kami ng pag-asang magkabalikan. And worse, namatay siya nang hindi ko alam. Kung hindi pa umuwi si Monique at nakibalita, hindi ko pa malalaman. Anong klase kang kaibigan?" Tahimik lang na nakikinig si Julianne. Hindi na rin nito napigilan ang pagtulo ng luha. "I-I was afraid na mawala ka," pag-amin ng babae. "I'm sorry. Naniwala kasi ako sa pangako mo. Devon, bakit kapatid ko pa?" "Kaibigan ko si Monique. Magkaibigan na kami bago pa kita nakilala." "Nasa kanya na ang lahat. Attention ni Daddy, matalino, maganda, mabait na mommy. Bakit pati ikaw? Pwede bang ako na lang piliin mo?" tuluyan nang napaiyak ang babae. Hindi alam ni Devon kung ano ang isasagot. "Kung ibinigay ko ba kay Rosalie 'yung sulat, tutuparin mo 'yung pangako mo? Hindi ka ba maiinlove kay Monique? Ako na ba ang ipapalit mo kay Rosalie?" sunod-sunod na tanong ni Julianne. Hinayaan lang ni Devon na umiyak ang babae. "Julianne, I'm sorry." Kalmado na si Julianne nang muli siyang hinarap. "Mahal pa rin kita. Naghihintay pa rin ako katulad ng pangako ko." Umiling si Devon, "Tama na. You deserve someone else." Natulala si Julianne. "I care about you. Siguro kung hindi ako umalis, mas nagkaroon tayo ng pagkakataong makilala ang isa't-isa. When I first came here, halata kong hindi ka masaya kaya sinubukan kitang damayan. Pero kahit kasama kita, hindi nawawala sa isip ko si Rosalie. Siya lang ang nasa isip ko noon at kahit gusto kong maging masaya ka, hindi ko kayang isakripisyo ang sarili kong kaligayahan. Hindi ko kayang maging tayo kahit alam kong papayag ka namang maging panakip-butas ko. Mas mabuti pang huwag na lang nating ipilit. I will always be here for you kung kailangan mo pero I can't be with you. Sana maintindihan mo iyon." "Devon," hindi nakaiwas ang lalaki nang umiiyak siyang yakapin ni Julianne. "I-ikaw na lang ang masasandalan ko. Ikaw na lang ang natitirang nakakaintindi sa'kin." "Mas kailangan ako ni Monique, Julianne. You have no idea kung gaano na-depressed ang kapatid mo nung mamatay si Tita Monica." "Lahat naman kami nalungkot nung namatay si Tita lalo na si Daddy," masama ang loob na sabi ni Julianne. "She's not my mom but she treated me as her own. Bakit si Monique lang ang iniisip mo?" "You're strong," pinunasan ni Devon ang luha ng babae. "alam kong malalagpasan mo ito. Ayaw ko sanang saktan ka dahil alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo sa buhay pero kailangan kong mamili. Your sister is not as strong as you. Be a good sister. Hayaan mo na ako sa kapatid mo." Dahan-dahang lumayo sa kanya si Julianne at saglit na tumingin sa labas ng bintana na tila naghahanap doon ng sasabihin. "Julianne," untag ni Devon. Pinunasan ni Julianne ang luha at pilit na ngumiti, "I-I'm letting you go. Wala rin naman akong choice. Sana maging masaya kayo. Huwag mo sanang lolokohin ang kapatid ko." Nakatitig lang si Devon sa babae. Mukha kasing masama pa rin ang loob nito. "H-have a nice day." Hindi na pinigilan ni Devon si Julianne. Malungkot din siya dahil nasaktan niya ang dalaga. Naalala niya kung paano siya tinrato nang mabuti nito noong unang dating niya sa bahay ng mga Posadas. Julianne is not a friendly person at madalas nagkukulong lang sa kwarto pero nag-iba ito nang makilala siya. Panahon na lang siguro ang makakapagsabi kung magiging sila in the future. Mas mahal niya si Monique kahit pa hindi kasing tindi iyon ng pagmamahal niya kay Rosalie. Alam niyang si Rosalie pa rin ang laman ng puso niya dahil hanggang ngayon, hindi niya pa rin kayang patawarin ang mga taong naging dahilan ng kalbaryo sa buhay niya. Hindi sumabay si Julianne sa pagkain ng hapunan at tulad ng dati, hindi man lang ito ipinatawag ng ama na tila ba walang pakialam kung nasaan na ang dalaga. Agad namang tinapos ni Monique ang pagkain at nagpaalam. Alam ni Devon na kakausapin nito si Julianne. Sa garden natagpuan ni Monique si Julianne habang wala sa sariling naggugupit ng ligaw na damo sa paso. "Ate." Napalingon ang dalaga nang marinig ang kapatid. "Hindi ka kumain ng tanghalian." Matamlay na ngumiti si Julianne, "busog pa ako." "Galit ka ba sa'kin?" hindi napigilang itanong ni Monique. Umiling ang babae, "hindi. Bakit naman ako magagalit?" "Ate..." Binitawan ni Julianne ang gunting, "I'm not mad." "I'm sorry kung hindi namin sa'yo sinabi ang totoo," sinserong pahayag ni Monique. "Ayaw kong masaktan ka pero, ate... mahal ko si Devon." "We're not together. Malaya naman kayong magdesisyon. Wala ka namang inaagaw sa'kin dahil hindi ko siya pag-aari." "Pero, ate, ayoko ring nasasaktan ka," hindi napigilang yakapin ni Monique si Julianne. "Sabi ni mama, mahalin daw kita dahil wala ka ng ibang pamilya and I don't why dad is treating you this way." Niyakap rin ni Julianne ang kapatid, "It's not your fault, Monique. Kahit naman ako ang tatanungin, ikaw ang pipiliin ko kung ako si Devon. Isa pa, ako ang mas matanda sa'tin. Ako ang dapat umunawa. Masakit para sa'kin dahil hindi niyo agad sinabi. Sana hindi na ako umasa. Si Devon lang ang naging malapit sa'kin bukod sa inyo ni Tita Monica kaya sobrang sakit na ikaw pa ang naging karibal ko. But I love you both. Handa akong magparaya." Hindi napigilan ni Monique ang luha. Lalo siyang nasaktan dahil sa ipinakitang kabaitan ng ate. "Tahan na," alo ni Julianne. "Huwag niyo na akong isipin. Magpanggap ka na lang na walang nangyari." "Mahal na mahal kita, ate." "I love you too. Ngayong wala na si Tita Monica, ako na ang tatayong ina mo. Sana seryoso sa'yo si Devon. Alam nating pareho ang tungkol kay Rosalie." "Seryoso siya, ate," mabilis na sabi ni Monique. "Noong una, puro si Rosalie ang pinag-uusapan namin hanggang sa isang araw, narealized namin na handa na kaming mag-move on. Siya kay Rosalie, ako naman kay Marco. Siguro nga kami talaga ang inilaan para sa isa't-isa." Ngumiti na si Julianne. "Sige na, mauna na ako sa loob, lalabas kasi kami ngayon e," paalam na ni Monique. "aayain sana kita kung gusto mong sumama." "Hindi na. Masama rin ang pakiramdam ko. Mag-iingat ka ha. Alam mo naman ang tungkol sa pagkatao ni Devon. Baka may makakita sa inyo, madamay ka pa." Tumango si Monique, "don't worry, sa kabilang bayan kami pupunta." Sabay nang pumasok ang magkapatid. Natigilan si Julianne nang makitang nanonood pala sa kanila si Devon at halatang kanina pa ito nakatayo sa tabi ng pinto. Tumingin lang si Julianne sa lalaki bago pumasok sa loob ng bahay. "Okay na kayo?" nag-aalalang tanong ni Devon. Nakangiting tumango si Monique, "Mabait si Ate. Alam kong maiintindihan niya ako." Ngumiti lang si Devon, "Tara na. Ipapasyal kita bago ka bumalik sa America." "Hindi ka ba sasama sa graduation ko?" nakalabing tanong nito. "Wala akong pamasahe." "Ililibre ka naman ni Daddy e," nagtatampong sabi ni Monique. "Basta, gusto ko kasama ka." "Sige na, gagawa ako ng paraan," pangako ni Devon. "Start na rin naman ako ng trabaho sa Monday." Natuwa naman si Monique sa narinig "Baka magtagal rin ako sa U.S. dahil natanggap ako sa training na ina-applyan ko. You still have time to think kung paano sasabihin kay Daddy ang lahat." "Magaling ka rin no? Ako lang talaga magsasabi?" Nagkatawanan sila. "Ikaw ang lalaki e." Katwiran ni Monique. "Pero dahil mahal kita, sasamahan kita." Natatawang ginulo ni Devon ang buhok ng babae. Masayang sumakay ng kotse ang dalawa. Alam naman ng congressman na magkaibigan si Monique at Devon kaya hindi ito nagdududa. Hindi na nakita ng dalawa na nagmamasid si Julianne mula sa bintana ng kwarto. Maagang pumasok si Devon sa opisina kung saan siya magsisimulang magtrabaho. May business rin naman ang pamilya Posadas kaya panatag si Devon na hindi totoo ang balitang naririnig niya na corrupt ito. May sariling Shipping and trading company ang pamilya Posadas sa Cebu at narinig niya na may iba pang business ang mga ito bukod doon. Panatag din siyang walang makakakilala sa kanya roon. Sa Cebu na siya titira at binigyan siya ng condo ng congressman para may tutuluyan siya. "Good morning, ma'am," bati ni Devon sa nakatikod na manager. Ganoon na lang ang pagkagulat niya nang makilala kung sino iyon. Hindi niya kasi nakilala dahil nakapusod ang mahaba nitong buhok. "Dito ka magtratrabaho?" tanong ni Julianne. "D-dito ako pinapunta ni Congressman," gustong nang mag-resign ni Devon kahit unang araw niya pa lang. Tumango lang si Julianne at iniabot na sa kanya ang mga papeles. "Kailangan ko ang tulong mo," pormal na sabi ng babae. "Study these contracts for me. I need the report, asap." "Yes, ma'am." Tumalima si Devon at agad na pinasadahan ng tingin ang mga papel. Nagpasalamat naman siya at saglit na umalis si Julianne at nang bumalik ito ay inabala ang sarili sa trabaho. Alas tres na ng hapon pero hindi pa rin nanananghalian si Devon kaya wala siyang nagawa kung hindi magpaalam. "Ma'am, I'm going to take my lunch break. Pwede po ba?" Tumango lang si Julianne without looking at him. "D-do you want anything?" "No, busy ako. Mas gusto kong unahin ang trabaho," tila may halong pasaring na sabi nito. Hindi tuloy alam ni Devon kung kakain ba siya o ipagpapatuloy ang trabaho. Hindi na siya nakatiis dahil sa sobrang gutom kaya nagpasya siyang kumain na. Palabas na siya nang makasalubong si Congressman Posadas. "O, Devon, I'm glad you're here," nakangiting bati nito. "I came here para sa orientation mo. Sorry ha, marami kasing ginagawa sa opisina kaya hindi ako nakapunta agad." "Okay lang po. Nandito naman si Julianne." Ngumiti si Julianne sa ama, "He's doing great, dad. Ako na pong bahala sa kanya." "Good," hindi man lang ginantihan ng congressman ang ngiti ng anak. "I want you to help him learn everything. Simula ngayon, ikaw na ang magiging assistant niya." Napanganga si Devon at hindi naman makapaniwala si Julianne sa narinig. "S-sir, mas matagal pong nagtrabaho si Julianne sa'kin..." tutol ni Devon. "You're more capable than her. Mas may tiwala akong lalago ang negosyo kapag ikaw ang naging manager. Manager pa rin naman si Julianne pero mas gusto kong ikaw ang maging in-charge sa lahat. Maliwanang ba iyon, Julianne?" "Yes, dad," nakatungong sagot ng babae. Walang nang nagawa si Devon nang ayain siya ng matanda at ilibot sa buong building. Siguradong lalong titindi ang galit sa kanya ni Julianne sa nangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD