bc

Tayong Dalawa

book_age16+
296
FOLLOW
1K
READ
CEO
humorous
small town
enimies to lovers
reckless
mxm
like
intro-logo
Blurb

Tayong Dalawa

Yuna Hime (BxB)

BLURB:

Langit at lupa. Ganoon kung ihalintulad ang buhay na mayroon silang dalawa. Isang lumaki na halos abot-kamay ang lahat at ang isa na marurumihan muna ang mga kamay bago makuha ang lahat. Sa pagkakaiba ng kanilang mundo, pilit nilang ipaglalaban na silang dalawa ay para sa isa’t isa.

Dahil sa pagiging rebeliyoso, napilitan ang mga magulang ni Prince Justin Torrifiel na pauwiin siya sa probinsiya kung saan lumaki ang kaniyang ama. Sa kanilang hacienda – sa isang tahimik at masaganang barrio – mananatili si Prince ng buong bakasiyon mula sa paaralan. Doon ipararanas at ipamumulat sa kaniya ng kaniyang lolo at lola – mga magulang ng kaniyang ama – ang realidad ng buhay. Kapag hindi niya mapagtagumpayan ang hamon sa kaniya, matutuloy ang banta ng ama na roon na niya sa probinsiya tatapusin ang pag-aaral at mamumuhay na ayaw niyang mangyari sa lahat.

Sa kaniyang pananatili sa hacienda, magsasalubong ang kaniyang landas sa isa sa mga magsasaka roon na si Miguel Valencia Jr. Buong buhay ni Prince ay walang kumukontra sa kaniya, kahit sa kanilang paaralan ay kinatatakutan siya dahil isa siya sa tinuturing na siga, ngunit nang makilala si Miguel ay may kaya palang under-in ang isang Prince Justin Torrifel. Isang salita lamang nito ay taob ang lahat ng kaniyang tapang.

Sa paglapit ng langit sa lupa, anong koneksiyon nga ba ang mabubuo? Posible kayang umusbong ang kakaibang relasiyon na kailanman ay hindi nila inaasahan? Mahuhulog kaya ang rebeliyosong prinsipe sa isang salat sa yaman? Ang langit at lupa, para nga ba talaga sa isa’t isa?

chap-preview
Free preview
SIMULA
Napaungot si Prince nang magising siya mula sa kaniyang pagkahihimbing. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at nang klaro na makita ang paligid, kaagad siyang napabalikwas nang bangon. Ang kumot na nakatakip sa kaniyang katawan ay nalaglag, revealing his naked glory. Mabilis siyang napayakap sa kaniyang sarili at tinignan ang pwesto sa kaniyang tabi. Nang makakita siya roon ng babaeng hubad ay malakas siyang napamura. Taranta siyang lumundag paalis ng kama at hinahanap sa sahig ang kaniyang mga damit. Prince found his phone and when he saw that it was already 6AM in the morning, malakas siyang napamura. Nagdasal na lamang siya na sana ay sobrang pagod ang mga magulang niya kagabi mula sa trabaho at late nang nagising kahit sobrang imposible. Dagli siyang nagbihis at hindi na inalala ang babae na katabi niya kanina sa kama. Wala na siyang oras para usisain kung sino iyon, nasaang hotel siya, o kung ano ang nangyari sa kanila kagabi matapos magsaya at mag-inuman sa isang club. Ang tanging inaalala na lamang noon ni Prince ay ang makauwi kaagad siya at sana hindi mabugahan ng daddy niya dahil inumaga siya ng uwi. Amoy alak pa siya! “Tang-ina, yari ka na talaga kapag nagkataon, Prince Justin,” bulong niya sa kaniyang sarili habang nagda-drive ng sarili niyang kotse. Halos paliparin niya ang sarili niyang sasakiyan at mabuti na lamang, pagkatapos ng halos isang-oras ay nakarating na siya sa kanilang bahay. Napabalikwas nang tayo ang guard na nakabantay sa gate nila nang makitang papasok ang kaniyang sasakiyan. Taranta itong nagbukas ng gate dahil mukhang hindi rin ito makapaniwala na ngayon lang siya nakauwi. Hindi na niya binuksan ang bintana ng kotse niya para batiin ito kagaya ng nakasanayan dahil ang nasa isip na lamang niya ngayon ay kung paano siya makapapasok sa bahay nila nang hindi nakikita. “Punyeta, lagot talaga ang mga ungas na iyon sa akin mamaya. Hindi manlang nila ako pinigilan na mauwi ng babae na iyon kagabi,” inis niyang bulong sa sarili pagkababa niya sa kaniyang kotse. Bago niya naisipang dumaan sa likod ng kanilang bahay kung saan kusina nila ang mabubungaran, sumilip muna si Prince sa may balcony nila sa second floor kung saan nagkakape ang mga magulang niya palagi kapag umaga. Nang makita na walang tao roon, halos mapasuntok siya sa ere dahil mukhang nadinig ng langit ang dasal niya. Mukhang malakas pa rin siya sa langit kahit tarantado siya, ah. Natawa siya sa sarili. Pasipol-sipol pa siya noong naglakad na para makapasok sa likod ng kanilang bahay. Kung tulog pa ang mga magulang niya, makaaakyat pa siya sa kwarto niya at makapagkukunwari na tulog. Siguro late na rin talagang nauwi ang mga ito kagabi at hindi na rin nag-abalang tignan kung nasa bahay na ba siya o wala. Prince knew his parents. Kapag hectic ang workloads ng mga ito sa kumpaniya nila ay halos makalimutan na nilang may anak sila minsan. Halos sa mga kasambahay na nga siya lumaki. Well, kung noon iniiyakan pa niya iyon, ngayong malaki na siya ay nasanay na siya. “Kingina, sana safe-s*x ang nangyari sa amin ng babae na iyon kagabi kung may nangyari man,” kabado niyang bulong bigla habang binubuksan na ang pinto sa likod ng kanilang bahay. Puno ng ingat at walang ingay ang ginawa niya. Kung mga katulong man ang makakikita sa kaniya ngayon, babalaan niya na lang kung hindi malalagot sila sa kaniya. They knew what he was capable of. Ngunit ang akala niyang dininig na panalangin ay malayo pala sa katotohanan. Imbes na katulong, ang pinakaayaw pa niya sa lahat ang nakakita sa kaniya at nag-aabang na pala roon sa kusina. Halos mapasubsob si Prince sa sahig dala ng gulat nang ang lumiliyab na mga mata ng kaniyang ama sumalubong sa kaniya. Nakapamewang ito at halos manlaki na ang mga butas ng ilong sa inis. Napalunok si Prince at isang nanghihinang mura ang pinakawalan sa kaniyang utak. Patay na talaga siya sa pagkakataong ito dahil alam niyang ngayon na naputol ang manipis na pisi ng pagtitimpi ng kaniyang ama sa kaniyang pagrerebelde. Wala siyang nagawa kung hindi ngumiti ng alanganin sa harap nito. “Uh… Good morning, Dad?” “PRINCE JUSTIN TORRIFIEL, YOU’LL REALLY GET PUNISHED THIS TIME… IN A HARD WAY,” pinal at malinaw na sigaw ng ama niya sa kaniyang harap. Yep, he was really done for.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

NINONG II

read
619.9K
bc

NINONG III

read
365.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook