KABANATA 1

1961 Words
Masama ang loob at walang gana na tinatanaw ni Prince ang daan patungo sa lugar kung saan ipinatapon siya ng kaniyang ama ngayong bakasiyon. It was his punishment. Pagkatapos na pagkatapos ng pasukan nila ay sinabi ng kaniyang ama ang desisyon na ito. Ofcourse, Prince highly objected. Kaso nang makita na maging ang ina niya ay sang-ayon, wala na siyang nagawa. Mas sumama lang ang loob niya sa kaniyang mga magulang. “Para naman sa iyo ang ginagawa ng mga magulang mo, senyorito. Ipakita mo na lamang sa kanila na umayos ka para makabalik ka sa inyo kaagad,” sambit ng driver ng mga magulang niya na matagal nang naninilbihan sa kanila. Umirap si Prince ngunit hindi pa rin ito binabalingan ng tingin. He received messages from his friends earlier at hindi niya maiwasang sisihin sila. Nanghingi naman ng despensa ang mga ito, kaso nang marinig ang pagsiwalat ng mga ito ng tunay na nangyari noong gabi sa club na iyon ay mas nagalit siya sa kaniyang sarili. “Nakasasama lang ng loob na wala sila buong buhay ko tapos nakagawa lang ako ng isang kamalian, ako pa ang kinamuhian,” makahulugan niyang bulong dahilan para mapabuntonghininga na lamang ang kanilang driver. “It’s unfair. Ni hindi nga nila ako kinumusta kung ayos pa ba ako. Ni hindi nga nila natanong minsan kung ano ang gusto kong gawin sa buhay ko.” “Senyorito…” Mukhang wala nang masabi ang driver para pagaanin ang loob niya kaya nanahimik na lamang sila. Bukod sa sama ng loob sa mga magulang, naiisip din ni Prince ang patutunguhan nila ngayon. Matagal na panahon na mula nang makapunta siya sa hacienda nila kung nasaan ang kaniyang Lolo at Lola. His memories of the place were not that clear anymore, but he could remember the calm and peace from that place. Kung may malinaw man siyang naaalala ay iyong kalambingan ng lola niya at kastriktuhan naman ng lolo niya na bahagya niyang kinakaba. “Narito na po tayo, senyorito,” anunsiyo ng driver sa tabi niya kung kaya napaayos siya nang upo. Napalunok at kinabahan si Prince nang pagbuksan sila ng malaking gate sa harap at kaagad niyang nakita ang malawak nilang hacienda. A classic but big house was situated in the middle. Parang gusto kaagad bumalik ni Prince sa mga magulang niya at magmamakaawa na magbabago na dahil natanawan niya kaagad ang dalawang matanda na nag-aabang sa kaniya sa terasa. Oo at sisiga-siga siya, ngunit may mga bagay rin siyang kinakatakutan kagaya na lamang ng lolo niya. Sa mga paningin ni Prince ay para itong tigre na anumang oras ay kaya siyang lapain. “B-Bumalik na lang kaya tayo?” alinlangan niyang sabi sa driver na nagpaparke na. Tumawa ito. “Kaya mo iyan, senyorito.” Pinaulanan ng mura ni Prince ang driver sa utak niya ngunit wala na siyang nagawa nang umikot na ito at pagbuksan siya ng pinto. Bumaba siya habang inaayos ang backpack niyang itim sa kaniyang likod habang ang driver naman ang nagdala ng kaniyang maleta. “Prince, apo! Naku, binatang-binata na ang prinsipe namin at ang pogi-pogi pa!” bati ng lola niya pagkalapit niya sa mga ito. Pinugpog kaagad siya ng mga halik ng matanda. “Lola, mano po,” magalang niyang ani, nagpapa-goodshot. Nang dumako ang tingin niya sa kaniyang Lolo na mukhang kalmado ngunit mariin ang titig sa kaniya ay bahagya siyang napaatras. Napalunok siya ng ilang ulit dala ng kaba. Naisip niya kung magmamano ba siya rito o yayakap? “Narinig ko ang mga pinagagawa mo sa inyo, Prince Justin,” ani Lolo niya sa malalim na boses. “Patitinuin ko iyan dito. Graduating ka na sa susunod na pasukan at magmamana ng negosyo. Narinig mo na siguro sa mga magulang mo ang parusa kapag hindi ka tumino?” Parang tuta siyang tumango. “O-Opo…” “Mabuti.” Saka lang ito ngumiti ng tipid. “Kinagagalak kitang makita ulit, apo.” Hindi alam ni Prince kong makahihinga siya nang maluwag sa ngiti nito na iyon, ngunit hindi niya itatago na bahagya siyang nabunutan ng tinik. Pinapasok na siya ng mga ito sa bahay at namangha siya dahil marami nang nagbago sa loob hindi kagaya noong huli niya iyong makita. Ang lola niya kasama ang isang kasambahay ang naghatid sa kaniya sa magiging kwarto niya sa pananatili niya roon. “Ayos na ba itong kwarto mo sa iyo, apo?” tanong ng lola niya pagkapasok nila roon. “If you want some changes or something, don’t hesitate to tell Lola.” Mabilisan lang niyang tinignan ang paligid bago linapag ang backpack niya sa katamtamang laki na kama roon. Hinatak niya rin ang kaniyang maleta bago nakangiting ibinalik ang paningin sa kaniyang Lola. “La, ayos na po ‘to.” He gave his Lola a thumbs-up. Mukhang nasiyahan naman ito at pumalakpak. “Great! Magpahinga ka na bago bumaba mamaya. Naghanda kami ng salo-salo para i-celebrate ang pagdating mo.” Hindi na ito napigilan ni Prince dahil mukhang excited na excited ito. Gusto niya sanang sabihin na kahit huwag na, kaso baka maipit kaagad siya sa unang araw niya rito kung magrerebelde kaagad siya. Kailangan niyang magpa-good boy sa mga matanda para makauwi kaagad siya. Nagpahinga lamang siya ng kaunti sa higaan bago napagpasiyahang maligo. Papalubog na ang araw noong nagbibihis siya. Hindi pa niya alam kung ano ang susuotin noong una hanggang sa napagpasiyahan na lamang niyang magsuot ng itim na jacket at maong na shorts. May kalamigan sa lugar ng lolo at lola niya dahil sa mga puno sa paligid kaya tiyak niyang hindi naman siya pagpapawisan. Hinayaan niyang nakababa ang buhok niya na usually ay naka-gel at nagsuot na lamang ng pares ng tsinelas sa mga paa. Nag-pogi sign pa siya sa salamin doon bago napagpasiyahang lumabas na at bumaba. Kaagad na napakunot ang noo ni Prince nang makita na nagkakagulo ang mga kasambahay sa may kusina. Nakaririnig na rin siya ng ingay sa bakuran nila at nang sumilip mula sa sala ay nakita niya na halos buong baranggay yata ay naroon. “Ay, pucha. Bakit naging piyesta naman bigla?” bulong niya at lumapit sa isang kasambahay. “Si Lola?” “Senyorito!” gulat nitong untag. “A-Ah, nasa labas po at binabati ang mga tao. Hinihintay ka na rin po roon.” Tipid na tumango si Prince at napaiiling na lumabas para ipakita ang kaniyang presensiya. Prince licked his lower lip dahil hindi niya ito nagugustuhan, kaso ayaw naman niyang sirain ang mood ng lola niya. He was used of partying and clubbing, kaso puro matatanda lang naman ang nakikita niya ngayon. How would he enjoy this welcome party kung halatang mauumay siya kaagad? “Prince, apo!” matinis na sigaw ng lola niya nang mamataan siya sa dagat ng mga bisita. Halos napalingon ang lahat sa direksiyon niya at nakaramdam naman siya ng hiya dahil doon. May ibang tinitigan siya nang matagal at may iba namang namamangha sa kaniya. Gusto na lamang niyang lumubog sa lupa ng mga oras na iyon. Wala siyang nagawa nang hatak-hatakin na siya ng lola niya at ipakilala sa lahat. “Siya ang aking poging apo. Prince Justin Torrifiel is his name,” pagpapakilala ng lola niya sa kaniya. Pinilit ni Prince na ngumiti at makipagkamay sa mga lumapit sa kaniya. Hindi nga niya alam kung ngiti o ngiwi na ang nilalabas niya. Para siyang artista kung palibutan nila at manghang-mangha sa kaniya. “La, si Lolo po?” tanong niya sa Lola niya nang magsimula na ang kainan. “Nasa library. Susunduin ko lang at nang makakain na tayo.” Tumango si Prince ngunit may pahabol pa siyang tanong. His Lola became attentive. “Wala bang… ibang kaedaran ko na bisita, La? Para naman may maging kaibigan ako rito kahit papano.” “Ay, oo! Darating sila, apo. Teka nga at ipagtatanong ko.” Bigla itong luminga at may tinawag. “Mytha! Sila Junjun mo ba nasaan na? Para naman maging kaibigan nila itong apo ko.” Muntik nang masamid si Prince sa sarili niyang laway nang marinig ang palayaw ng hinahanap nito. Tang-inang palayaw ‘yan, ang sagwa. Natatawa niyang turan sa kaniyang utak. “Ay parating na po iyon, senyora. Naku, natagalan na naman siguro sa palayan – ay! Ayan na pala at kasama sina LJ.” May tinuro ang matandang babae sa may entrance ng hacienda at kaagad na nakita ni Prince mula sa kinaroroonan niya ang kumpol ng mga binata at dalaga. May iba na mukhang mas matanda ng ilang taon sa kaniya at may iba ring mukhang halos kaedaran niya lamang din. Nakaramdam siya ng kaunting tuwa. Makatatakas na siya sa mga matanda. Well, adjusting and making new friends was a hassle, ngunit mabuti na iyon kaysa mabagot lang siya sa buong durasiyon niya sa hacienda dahil wala manlang siyang kaibigan. “Junjun, anak! Halikayo rito dali at narito ang senyorito,” tawag noong Mytha na sa isip ni Prince ay ina noong Junjun. Lumapit sa harap niya ang mga kabaataan. He already expected that they would look simple. Typical na mga probinsiyana at probinsiyano, ngunit may nakakuha ng kaniyang atensiyon. He was the one in the middle at sa nakikita ni Prince, halos lahat ng kabataan na kasama nito at ibang matatanda na tumatawag rito ay kilala ito. He would greet them back at ngingitian naman ng tipid ang iba. Mukha itong leader ng lahat dahil ito ang nangungunang maglakad sa grupo. Sa tantiya ni Prince, ito rin ang pinakamatanda sa mga kabataan, even older than him, too. Mukhang nasa 23-24 na. Simple lamang ang suot nitong kupas na pantalon at kulay puti na t-shirt. Nakatsinelas lang din ito ngunit hindi iyon ang nakakuha ng atensiyon ni Prince. Nang nasa harap na niya ang mga bagong dating, iniwas niya ang tingin sa lalaki at tinignan isa-isa ang ibang kabataan. Kagaya ng mga matanda kanina, mangha rin ang mga ito sa kaniya. Ang ibang mga babae ay nagbulung-bulungan at naghagikhikan pa. Prince pursed his lips. They were obviously gawking at him. Ang lola niya ang nagpakilala sa kaniya isa-isa ng mga naroon, but his anticipation was already at the man in the middle. Prince waited patiently until it was the man’s turn to get introduced. “At heto naman ang anak ni Mytha,” his Lola trailed-off. “Siya ang pinakamasipag na binata rito sa buong probinsiya, apo. You’ll learn a lot from him, he’s a responsible son.” “Masyado niyo naman po akong pinupuri, senyora,” the one called Junjun commented. Nagulat si Prince dahil sa diretso nitong tagalog! Heto ang nakakuha ng atensiyon niya kanina pa at hinihintay niya because the man looked so foreign! Hindi nga siya makapaniwala na anak ito noong Mytha. Prince stared a lot to him earlier because of his features. Iyon ang nakakuha ng atensiyon niya hindi ang kasimplehan nito. He was tall, taller than anyone else around. His body was fit at halata ngang sanay sa trabaho. His complexion was fair, iyong uri na kapag naaarawan ay tila namumula lang. Thin, reddish lips. He had this brownish hair na malinis ang pagkapuputol. But what made Prince uneasy were the man’s eyes. He had those pair of deep, blue eyes. May lahi ito! Tumikhim siya. “Prince,” pagpapakilala niya and offered his hand. The man gave him a friendly smile. Inabot nito ang kamay niya at sobrang liit ng kamay niya kumpara sa kamay nito. Magaspang iyon, ngunit hindi iyon ininda ni Prince. His grip was actually gentle. “Miguel po pala, senyorito. Kinagagalak ko pong makilala ka.” Hindi alam ni Prince but he felt excitement! His lips rose to the side dahilan para mapatingin din doon ang kaniyang kaharap. “Kinagagalak ko ring makilala ka, Junjun.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD