DATE

1171 Words
"Who are you?" I froze when I heard him talk. s**t kanina pa kaya siya anjan? Bakit hindi ko manlang naramdaman? I tried to maintain my composure bago humarap sakanya.  "I'm Nathalia." Sabi ko habang nakangiti. Makuha ka sa ngiti. "I know." Sabi niya at medyo humiga sa isang bench. "Narinig mo ba lahat?" Tanong ko sakanya. "May dapat ba akong marinig?"  bored na sagot niya. "Wala. Gotta go." Wala naman kwentang kausap 'to kaya napagdesisyunan ko na umalis na. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ng magsalita ulit siya. "Okay. Goodluck, Reaper." Fck paano niya nalaman? Tinignan ko ulit siya at nakita kong nakaupo na siya at nakangisi sa akin. "What are you saying?" Hindi niya pwedeng malaman. Hindi pa man ako naguumpisa ay matatapos agad ang misyon ko. "Isn't it weird that you'll gonna kill for someone whom you met for the first time? Its either you knew he is a mafia boss and you're his reaper or..."  He paused for a while and walked towards me. Nilapit niya ang mukha niya sa tenga ko at bumulong. "...or you fell inlove at first sight." Whaaaat? Tumawa pa siya ng mahina pagkasabi niya nun. "Shup up, Drevon." I tried to compose myself para hindi niya mahalatang nacorner niya ako sa tanong niya. "Why am I even talking to you?" I rolled my eyes and decided to walk away when he grabs my arms and pushed me in the nearest tree.  He looked straight into my eyes. "You can't just leave without answering me, lady." He said while smirking. He gives me creeps.  "What if I don't answer you?" I asked him. "Simple. I'll let him know what you did, and let him find the answer to my question. Or you could answer me and I'll forgot everything." f**k. Bakit ba kasi siya nandito?  "Hahahaha seeing how you react means you're his rea---" I cut him off. "I a-actually fell inlove at first sight." I said while stuttering. I can't believe I'm saying I'm inlove with someone. Agad naman nawala ang ngiti sa mga labi niya at naging seryoso. Binitiwan na rin niya ako at tumalikod na siya. "Too bad, he doesn't know what love is." He said and left me. After about few minutes I decided to leave the place. Kailangan ko nang umuwi. Sobrang nakakapagod ng araw na 'to. I checked my phone at nakitang 6:30 pm na pala, andaming nangyari ngayon. Considering na first day pa lamang to, how much more sa mga susunod na araw? Ugh. --- I opened the door of my house, ngunit tanging malalamig na hangin ang sumalubong sakin. I entered my house and realized how empty it was. My heart brokes remembering how this house that was once a home of laughter and joy become a place worse than a haunted house. A haunted house, where no ghost can be seen, but those memories, those painful memories that haunts me and would still haunt me, forever. And here I was, being left alone. Alone in this cold, dark place. Ang sakit, ang sakit sakit nung maiwan ka na hindi mo alam kung bakit at ano ang dahilan. Yung hindi mo alam kung bakit sila pinatay at kung sino ang pumatay sa kanila. Pinunasan ko ang mga luha sa mata ko ng marealize na nagiging emotional na pala ako. Dala lang siguro to ng pagod, kaya napagdesisyunan kong humiga sa muna sa sofa. -- Isang nakakasilaw na liwanag ang gumising sakin. Panibagong araw nanaman para sa misyon ko. Nasa sofa pa pala ako nakatulog sa sobrang pagod. Kinapa ko ang phone ko sa bulsa ko at tinignan ang oras. 10Am palang pala. Tinakpan ko ng unan ang mukha ko at matutulog muna ulit ako. Napabalikwas ako ng marealize ko ang bagay bagay. f**k, 10AM na! Late na ko!  Agad akong naligo at nagbihis. Hindi na ako nag abala pa na kumain ng almusal, sa cafeteria nalang siguro ako kakain. I drive as fast as I can and after 15 minutes andito na ako sa school. Agad kong tinignan ang registration form ko at narealize ko na patapos na pala ang first subject ko, ang susunod na subject ko ay 12:30 Pm pa. Dumiretso muna ako sa cafeteria at umorder ng spaghetti at chocolate cake. Habang kumakain ay inilibot ko ang mata ko, baka sakaling makita ko si Spade. Alam ko namang kaya niya sarili niya pero iba parin pag ako ang proprotekta sakanya. Nang wala akong makitang bakas niya ay kumain na lamang ulit ako at tinignan ang cellphone ko. 1 message received. Agad kong binuksan ang message. FR: Skyes Call me if you read this :) I immediately rolled my eyes. Pwede naman niyang sabihin na yung sasabihin niya sa text diba? By the way, Skyes is my partner in missions. Sa lahat ng mission ko, ay lagi ko siya kasama. But not this time around. Kahit naiinis ako ay tinawagan ko siya, at pagkatapos ng dalawang ring ay sinagot na niya agad. "...." [Hey girl!] Masayang bati niya sa kabilang linya. "What do you need?" i coldly told her. [Okay okay. Hahahaha, Chill. Mamaya may masquerade party--] Hindi ko na siya pinatapos dahil alam ko na san patungo ang usapan nato, mag aaya nanaman siyang pumarty. "Hindi ako interested sa party na yan. I'm hanging--"  [Spade is going at that party, sounds interesting isn't it?] Natigilan ako sa sinabi niya at unti unting napangisi. "May silbi ka rin pala? So tell me more." Mapang asar na sabi ko sakanya. [Nah, this info is not for free.] Narinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. Alam na alam talaga niya paano ako inisin. "Let's talk about the conditions later. So give me infos now." Inis na sabi ko. [Sure. May magaganap na masquerade party mamaya but its not just a masquerade party. May magaganap rin na transaction between Knight Mafia and Zephyr Corp, the number one illegal supplier ng guns and ammunitions. And Spade will do the transaction.] "Is that a safe transaction?" Tanong ko sakanya. [Of course not.] Mahina siyang tumawa at saka siya nagpatuloy. [It's just a trap. I know alam na ni Spade yun, pero hindi ko alam kung bakit gusto parin niyang ituloy, tsk tsk.]  [So what you need is an invitation and a date, of course. I'll provide your invitation for two, and find your date, goodluck!] Date?! Ni wala nga akong kaclose na lalaki, fck. "Hindi ko na kailangan ng date." I plainly told her. [You can't enter alone, darling.] Pang aasar niya sakin. Pagkatapos niyang sabihin yun ay agad niya ng binaba ang tawag. Sino naman kaya ang idadate ko at isasama ko sa delikadong lugar na yun? Tsk. -- Naisip ko hindi na pumasok sa klase at maghahanda nalang ako para sa party.  Naglalakad ako papunta sa lugar kung saan makikita ang taong hinahanap ko. And there he was. As usual, he was lying at the benches. I was standing at almost 10 steps away from him. f**k, how am I gonna start this? "What do you want?" Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.  "H-ha? Wala. Napadaan lang" Fck, why am i stuttering? Tumalikod na ako at nagsimula nang maglakad palayo ngunit napatigil ako. Yea, its now or never. Humarap akong muli sakanya at nakitang nakaupo na siya nakatingin sakin. Lumapit ako sa kanya, he's staring at me emotionless.  "Do you want to be my date?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD