BLACK MAJESTY

1545 Words
"You're unique. You're the only one who makes me laugh like this, without a reason." He said while smiling. Tumayo na siya sa kinauupuan niya at lumapit sakin. "See you around, miss?" "Nathalia." Sabi ko. Umalis na siya at nagsimula ng maglakad paalis. He's mysterious. -- Napagdesisyunan kong pumasok nalang sa last subject ko dahil baka makakita nanaman ako ng mga lalaking kung ano ano ang sinasabi. Ganto ba talaga sa school na to? Parang nababaliw na ata ang mga lalaki rito, tsk. I focused myself. Kakalimutan ko lahat ng nangyari ngayon at muling magsisimula ng bukas. Bukas ko na sisimulan ang misyon ko. But then, wrong move pala dahil napakaboring ng subject na 'to. "Hi, are you bored?" Kinalabit ako ng katabi ko at kinausap ako. I looked at her coldly to let her know that I'm not interested sa kung ano mang iooffer niya. "Laro tayo, sige na." She said while pouting. The fck? Mali ba ang napasukan kong room at napunta ako sa elementary rooms? "f**k off." I coldly told her, at halata namang nabigla siya. Ngunit pagkatapos niya makarecover ay kinalabit nanaman niya ako. "S.O.S lang sige na. " pamimilit niya sakin. "What the hell is S.O.S?" -  asar na tanong ko sakanya. "I'll teach you." Bulong niya sakin at halatang nabuhayan siya sa tanong ko. "Nah, shut up. I'm not interested." I coldly told her. -- "WHAT THE f**k, CHEATER!!" Inis na sigaw ko sakanya at padabog na binaba ang ballpen. "MISS FROST GO OUT!!!" Napatigil ako ng marinig ang sigaw na iyon. Uh oh, nilibot ko ang mga mata ko at nakitang lahat sila ay nakatingin sakin. I just rolled my eyes and walked out. That girl is pissing me off. Pumayag na nga akong makipaglaro sakanya tapos dadayain niya ako? Don't get me wrong ha? Ayoko talaga makipaglaro naawa lang ako sakanya. Tsk. "Huy sorry na." Napatingin ako sa likod ko ng makitang nakasunod pala siya sakin. "Yeah, whatever." i started walking again and went to the cafeteria. Nakakagutom ang araw na ito. I bought Oreo cheesecake, Chocolate bar and pineapple juice. I love sweets. Naghanap na ako ng upuan at nagsimulang kumain. "Sorry na kasi." Napatingin ako sa harap ko ng makita ang makulit na babaeng ito. Hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy sa pag kain. "What's your name?" I asked her. Mukha namang nabuhayan siya at ngumiti na siya ng malapad. "I'm Celistine Sy. Just call me Tin. Can we be frie--" "NO." I cut her off and coldly told her. "Ah hehe. Okay" Ngumiti na rin siya sakin at kumain na ng binili rin niyang pagkain. "By the way, kaninang umaga nakita kong naka-bangga mo si Vanessa. Naku, kung ako sayo wag na wag kang lalapit dun!" She caught my attention. "Why? Who is she?" I curiously asked. "Girlfriend daw ni Spade. Pero never ko namang nakita si Spade na naging sweet sakanya. Siya lang yung talagang clingy." nakatingin lang ako sakanya at naghihintay ng mga susunod niyang sasabihin. "At yung table na yun.." She pointed at the empty tables. Ibang iba kumpara sa mga lamesa rito na puti, dahil yun ay itim at may anim na upuan. "Yan ang table ng Black Majesty. Lima silang lahat." Saktong pagkasabi niya nun ay dumating ang tinatawag niyang Black Majesty. "Yung blonde na buhok? Yun si Kenji Crest. Siya yung pinakamabait sa kanilang lahat. Gentleman, palangiti, at president siya ng Supreme Student Government." Yeah. Siya yung kanina. So kaya pala pinipilit niya akong ilibot sa buong school ay dahil SSG President siya. "At yung may kaakbay naman na babae, siya si Andrei Auxfield. One word, playboy. Malandi, flirt at wala pang sineryosong babae. Lumayo ka jan, pag nahawakan ka niyan? Goodbye virginity." Muntikan na akong matawa sa huling sinabi niya. Tsk, as if he can do that to me. "At yung nakasalamin na yun, siya yung crush ko." Nakita ko naman pano nagningning ang mga mata niya. "Siya si Hero Clyde. I won't tell infos about him because baka agawin mo siya sakin, mahirap na!" I rolled my eyes. As if I'm interested. "At yung pinakatahimik na yun, si Drevon Rockford. Tahimik, masungit at misteryoso. Ni hindi ko pa nakitang tumawa o ngumiti manlang yan. At wala pa ni isa nakakakita nun, except nalang siguro sa Black Majesty. Siya yung isa sa mga kinatatakutan sa kanila." Really? should I be amazed to myself kasi nakita ko syang ngumiti at tumawa? "And last but not the least. The most powerful, the most cruel, and the most handsome Spade Knight. His father owns this school and siya ang successor nito. Siya ang leader ng Black Majesty." Sumipsip muna siya ng inumin niya at nagpatuloy. "As I said, sila ang Black Majesty. Ang number 1 gang dito sa Pilipinas, wala ni isang sumubok na kalabanin  sila. Kaya kung ako sayo, lumayo layo ka sa mga yan teh. Trouble maker ka pa naman, at ayaw nila ng gulo dahil sila lang may karapatang gumawa nun." Naiiling na sabi niya. Napasandal ako sa kinauupuan ko. I thought this school only has weak highschool gangsters. But seing him leading a group of gangsters, I know, they're not ordinary. Nakatingin lang ako sa gawi nila, but something caught my attention. May isang lalaking naglalakad papunta sa lamesa nila, mukhang wala ito sa sarili niya. Naglalakad siya dahan-dahan habang nakatungo, ibinaba ko ang tingin ko sa kamay niya and--- f**k. He's holding a knife. Hindi naman napansin ng Black Majesty yun dahil busy sila mag-usap usap. I immediately stood up and ran towards their direction. Fck don't you dare lay a finger on him. But things happened too fast, bigla rin siyang tumakbo sa gawi nila at akma na niyang isasaksak ang kutsilyo sa likod nito ngunit mas mabilis si Spade at agad na nahawakan sa kamay ang lalaki. My heart was beating so fast, if it wasn't for his fast reflexes, malamang nasaksak na niya si Spade. "Any last wish?" Malamig na sabi nito sa lalaki. Halata ang pamumutla sa lalaki dahil sa takot. Agad namang naagaw nito ang atensyon ng lahat ng mga tao sa cafeteria. "A-akala mo ba matatakot ako sainyo!" Halata mo ang takot sa boses niya ngunit sumisigaw parin siya. "K-kayo ang dahilan kung bakit nagpakamatay ang kapatid ko! Magbabayad kayo!!" pagpapatuloy niya. Ngunit mababakas ang takot at sakit sa mga boses niya. Naawa ako para sa kanya kung totoo man yun, ngunit kailangan kong gawin ang misyon ko. Agad akong lumapit sa direksyon nila at hinawakan ang isa pang kamay ng lalaking may hawak ng kutsilyo. Napunta naman sakin lahat ng atensyon nila. "Pagpasensyahan niyo na ang k-kaibigan ko." Halata namang nagulat ang lalaki sa sinabi ko. "P-please spare him, just this once."  sabi ko at tumingin sa mata ni Spade. f**k, why am I stuttering when I'm talking to him. I saw him smirked, at binitawan ang pagkakahawak sa kamay ng lalaki na may kutsilyo at bumaling sakin. "He's your friend?" Nakangising tanong nito sakin. "Do you know what is the punishment if someone attempts to hurt the leader of Black Majesty?" Tumingin ako sa nagsalita, si Kenji. "Yes I know, jerk." Halata namang nabigla siya sa sinabi ko. Duh, this guy is getting into my nerves. Kala niya sakin bobo? Ngunit nakabawi rin siya at biglang tumawa ng malakas. "HAHAHAHA I like your guts, lady." Natatawang sabi niya sakin. "Spade, why don't we just let this slide? We're wasting our time." Napatingin naman ako sa nagsalita, si Drevon. Walang mababakas na emosyon sa pagkakasabi niya. Tumango naman si Spade at namalayan ko nalang na naglalakad na sila paalis sa pwesto namin kanina. "See you around, miss." Paalam ni Andrei the playboy. Tsk. I immediately dragged the guy out of the canteen dahil nakatingin parin ang mga tao sa amin. I brought him here, at the mini forest. "S-salamat kanina." Pagsisimula niya. Halatang kabado parin siya hanggang ngayon. "I should've killed him! Sayang! By the way thanks for saving me." Pahabol niya at tila nawala na lahat ng kaba sa katawan niya. "Sit." I coldly told him at pinaupo siya sa isa sa mga benches dun habang ako ay umupo sa lamesa na katapat ng upuan. Agad naman siyang ngumiti at umupo agad. "What's your na--" I cut him off. "I didn't save you tho." Natigilan siya sa sinabi ko at kumunot ang noo niya. I smirked at him and stood up. Kinuha ko ang pocket knife ko sa bulsa ko at bakas ang gulat sa mukha niya. I lowered myself hanggang magkapantay na kami and grabbed his collar palapit sa mukha ko. "At first I pitied you, but seeing how you want to do it again, give me urges to kill you right here, right now." Tinatapat ko ang kutsilyo sa leeg niya. "I will never let anyone lay a finger on him even it cost my life." Diniinan ko pa ang kutsilyo sa kanyang leeg at nakita ko ang pagtulo ng mga dugo mula doon. How I love blood. "Do you want to play a game?" Nakangising tanong ko sakanya. "S-sorry, p-please s-pare me." Nauutal na sabi niya. Mahina akong tumawa sa sinabi niya. "I'll count 1 to 10. Run as far and as fast as you can, make sure to hide well. Make sure I won't find you, cause I will never think twice to kill you." Binitawan ko siya at wala pang ilang segundo at wala na siya sa harapan ko. Napailing ako ng makita kung ganu siya madapa dapa sa bilis ng takbo niya. "As if you can hide from me." Bulong ko habang tinitignan siya tumakbo paalis. I was about to run after him when I felt a presence behind me. "Who are you?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD