KABANATA 3:

1303 Words
KABANATA 3: HINDI KO ALAM KUNG BAKIT PUMAYAG AKONG UMANGKAS sa motorsiklo niya. Basta ang alam ko lang, kinausap niya ako nang mahinahon at nakangiti pagkatapos ay nagpadala naman ako sa mga ngiti niya. Ganoon na ba talaga siya kagwapo para mahipnotismo ako sa ngiti at mahinahon niyang pagsasalita? At ang nakakainis pa, pumayag akong magtanghalian kasama siya. Naiilang ako habang naghihintay sa sala niya dahil siya ngayon ang nagluluto ng paksiw. Kung lalasunin man ako ng lalaking 'to, wala pa akong kaalam-alam. Tanga lang kasi ang peg ko, sumama sa lalaking ngayon lang nakilala dahil mahinahon siya kung magsalita at mukhang inosente. Sakto lang ang laki ng bahay niya, maaliwalas dahil sa kulay beigh na pintura ng bahay at kulay puti naman ang mga kurtina. Malaki pa ang bintana sa tabi ng sala niya at kung titingin ka sa labas, mayroong maliit na hardin ng mga halaman. Medyo napaisip nga ako kung mayroon ba siyang kasama sa bahay kasi mukhang kasya ang isang maliit na pamilya rito. Nang matapos siyang magluto, kaagad niyang inihain ang paksiw na tulingan sa harap ko. Teka nga, wala ba siyang pambili ng ulam kaya niyaya niya akong dito kumain sa bahay niya at siya na rin ang magluto? Ngumiti siya at saka naupo na rin sa katapat kong upuan matapos niya akong ipaghain. "Pasensya na kung niyaya kitang kumain dito, namiss ko kasing kumain ng may kasama," aniya. Umawang ang labi ko at pilit sinubukang basahin ang ekspresyon niya. Nakangiti siya pero ewan, may kakaiba talaga! "Ibig bang sabihin `non wala kang kasama sa bahay na `to?" takang tanong ko sa kaniya. Umiling siya habang nakangiti pa rin, "Wala, e. Wala na rito ang mga magulang ko.” Marahan akong tumango, wala na akong maisip na itanong dahil hindi naman ako ganoon kainteresado sa mala-MMK man niyang buhay. Ewan ko ba, wala kasi siyang vibe na gugustuhin mo siyang maging kaibigan. O ako lang siguro `yon kasi sa mga ngiti niya parang marami namang may gusto sa kaniya. "Una ka nang sumubo," sagot ko. Mas lalo siyang napangiti at saka sumandok ng sabaw sa paksiw. Una niyang sinabawan ang kanin ko. Nangunot ang noo ko sa ginawa niya, magtatanong pa sana ako kung anong ginagawa niya pero sumandok na siya sa kanin ko at saka sumubo. Matapos 'non, iyong kaniya naman ang nilagyan niya ng sabaw. "Anong ginawa mo? Bakit mo binawasan ang kanin ko?" takang tanong ko. Ngumiti siya at saka napailing. "Alam ko kasing nag-iisip ka kung may lason ba 'yang ipapakain ko sa 'yo, ngayong alam mo ng wala, kumain ka na." Ngumuso ako at saka yumuko dahil pakiramdam ko ay bahagya akong napahiya. Nakakahiya naman talaga na pinag-isipan ko siya nang masama. Pero kasi, siguro iyong mga malalanding babae lang ang hindi mag-iisip nang masama sa gwapong lalaki, 'no! Ang totoo, baka nga maglaway pa ang mga `yon habang sumusubo ito ng kanin, e. Tahimik kaming kumain nang sabay. Hindi kami nag-uusap kaya mas lalong nakakailang. Hindi ko nga alam kung ako lang ba o naiilang din siya kasi mukha namang hindi siya naiilang, kumportableng kumakain lang siya ng ulam na niluto niya na in all fairness, masarap. Gusto ko sanang makipag-usap habang kumakain pero wala kasi akong mai-topic at isa pa, hindi rin naman siya nagsasalita. Matapos kumain, nagpaalam na akong uuwi kasi ano pa nga ba ang gagawin ko sa bahay niya? "Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya sa akin habang naglalakad kami palabas ng bahay. Medyo nakakahalata na ako sa lalaking ito, na-love at first sight ba `to sa akin? Sabagay kung ganoon na nga, ayos lang na may magkagusto sa akin, ang sarap ding magkaroon ng gwapong admirer! Pero sa kabilang banda, ayoko rin namang maging assumera. "Rix," sagot ko. Ngumiti na naman siya, isang ngiting hindi ko alam kung totoo ba o ano. Napakausisera ko talaga sa mga ganitong bagay, kainis! "Denzel ang pangalan ko," aniya nang makalabas ako nang tuluyan sa bahay. - Ilang beses akong napapatulala habang naglilinis ng lamesa. Nakakainis kasi, hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako nang dahil lang sa nalaman kong pangalan ng flower shop owner na iyon. Kasi parang narinig ko na iyong pangalang Denzel noon! I mean, syempre baka isa sa mga naging kaklase ko noon o mga nakasalubong ko sa buhay ang may kapangalang Denzel pero kasi hindi, e. Mayroon talagang bumabagabag sa utak ko. . . Hindi naman ako magkakaganito kung wala lang `to. "Hoy Rix! Ano bang tawag d'yan? Night dreaming kahit gising?" tanong ni Nena. Kung hindi pa ako tinawag ni Nena, hindi pa ako makakabalik sa katinuan. At saka, ang pangit na naman ng banat niyang hindi naman nakakatawa kundi parang tanga lang. "Hindi, ganito kasi `yan." Nilingon ko siya. Si Nena ay kaklase ko noong elementary, masasabi kong kaibigan ko na rin siya pero hindi katulad ni Joah na naging matalik kong kaibigan. May iba kasing ugali si Nena na hindi ko gusto. . . "Ano?" Ang chismosa kasi nitong si Nena. "E, `di ba lumipat nga ako ng bahay? Ayun na nga, mayroong may-ari ng flower-shop doon na nakilala ko lang din pagkalipat ko. Medyo may kakaiba kasi akong nararamdaman sa kaniya. Tapos `nong nalaman ko `yong pangalan niya, mas lalo akong naconfused." Napakamot siya sa ulo, "E, ano ba kasing pangalan niya?" "Denzel daw." Nanlaki ang mga mata ni Nena sabay hampas sa balikat ko. "OMG! Saan ka nga ulit nakatira, Rix?" "Hindi ba sa may De Vega St. nga!" sagot ko na medyo naiinis na dahil palagi niyang tinatanong sa akin. Mabuti pa ang chismis natatandaan samantalang ang mga mahahalagang bagay laging nakakalimutan. Napaturo siya bigla sa akin habang nanlalaking ang mga mata. "Oo! `Yan yung nabalita noon sa school natin noong elementary. `Yong mga magulang niya, pinatay tapos nakita mismo ng mga mata niya!" Natigilan ako sa sinabi niya, napalunok ako at nanlamig ang mukha. Kumabog ang puso ko nang maalala ko `yon. Naalala ko na naman ang tungkol `don. Sinasabi ko na nga ba at hindi ito basta lang. Hindi ako makapaniwala na makikita ko pa ulit siya. . . "Naalala mo na ba? Si Denzel na palaging nakangiti at masiyahin. Tapos panay ang dikit sa `yo kahit hindi naman natin ka-section! Ni ayaw mo nga siyang pansinin pero noong hindi na siya nangungulit sa `yo, bigla mo namang na-miss!" Napanganga ako sa sinabi niya. "Hoy! Hindi, a!” "Naku, kumusta na kaya siya ano? Paano kaya siya lumaking walang mga magulang? At saka, hindi ko inakala na magkikita pa kayo ulit. . ." Humaba nang humaba ang pagdadaldal ni Nena pero hinayaan ko na lang. Ayaw ko nang pakinggan ang mga sinasabi niya dahil unti-unti nang nagsi-sink in sa akin kung bakit ganoon na lang ang mga tingin sa akin ni Denzel. Ibig bang sabihin `non, nakilala niya ako? Halos magkamali pa ako sa trabaho ko dahil sa kaiisip kay Denzel. Hindi kasi ako makapaniwala na darating ang panahon na magkikita pa kami dahil sa totoo lang, binaon ko na sa limot ang nangyari noon. Pero ngayon, nilalamon na naman ako ng konsensya. Nakokonsensya pa rin talaga ako sa nagawa ko. . . Lakas-loob na kumatok ako sa pinto ng bahay ni Denzel. Pinili kong dumiretao rito pagkatapos ng trabaho ko. May tyansa akong magpanggap na hindi ko siya kilala, na sabihin kong hindi ko na maalala iyong mga nangyari noon dahil syempre, bata pa naman ako. Pero hindi ko na siguro `yon kaya. Ayaw ko nang maulit ang nangyari noon. Nang buksan niya ang pinto, nagtaka siya nang makita ako. Syempre, sino ba namang hindi magtataka na ang aga-aga, alas-singko pa lang ng umaga at mukhang kagigising lang niya, tapos kakatok ako. "Bakit—" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. "Sorry, sorry dahil noong panahong kailangan mo ako, hindi kita pinaniwalaan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD