bc

Lasing Na Pag-Ibig

book_age16+
2.8K
FOLLOW
9.3K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Namatay sa isang aksidente ang dapat sana ay mapapangasawa ni Candy. Kaya naman lahat ng sama ng loob ay sa alak nya ibinunton. Ngunit di naman nya akalain na ang gabi-gabing paglalasing nya ang magiging daan upang makatagpo nya ang lalaking magiging dahilan ng muling pagtayo ng lugmok nyang puso, si Trevor. Inalagaan sya nito, binantayan at prinotektahan sa tuwing aalipinin sya ng alak. Lahat nang yan nang walang hininging kapalit. Kaya naman hindi sya nahirapang mahalin ang lalaki nang makilala nya ito... at noon lang sya nakaramdam ng tunay na pagmamahal at kaligayahan.

Ngunit paano kung malaman nyang ang taong mahal nya ngayon ay may koneksyon sa pagkamatay ng taong dati nyang minahal? Mapapatawad ba nya si Trevor at mamamayani ang kanilang pagmamahalan o mauuwi na lang ba sya muli sa paglalasing?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Magtra-trabaho, maglalasing at gigisng sa isang hotel, iyan ang halos mag-dadalawang buwan nang gawain ni Candy sa araw-araw magmula nang mamatay ang dapat sana’y asawa na nya ngayon na si Angelo. “Bakla, di ka ba nagtataka kung sino yung abnoy na nagtitiyagang magdala sayo sa hotel gabi-gabi?" turan ng pinsan/BFF nyang si Toyang. “Malamang si Ermen-guard,” sagot ni Candy na humihikab pa. “Gaga. Guard ka dyan. As if naman mayaman yung guard dyan sa club na yan at makaka-afford ng ganun kamahal na hotel, noh.” Nilingon ni Candy ang pinanggalingan nila. Kunsabagay, sino nga kaya ang tangang mag-mamalasakit sa isang lasenggera? “Si Angelo...” sabi ng isang bahagi ng isip nya. “Sad to say, wala na sya.” Tilamsik ng laway ni Toyang ang nagbalik sa kanya mula sa malalim na pag-iisip. “Beks, last na ‘to ha. Di na kita susunduin sa susunod. Bukod sa madalas na ko ma-late sa work ko, sahid pa lagi ang gas ko!” Nababagot na tingin ang ibinaling nya sa kaibigan. Umiiling na lamang nitong pinatakbo ang sasakyan. >>>> Sa kabilang banda... Abot tanaw pa rin ni Trevor ang sasakyang kaaalis lang. Hindi sya makakali hangga’t hindi nya nasisigurong safe at makakauwi nang maayos ang dalagang matagal na nyang pinag-kakaabalahang tulungan. Simula nang makita nya ito na lasing na lasing, nakayuko at hilam ng luha ang mga mata at nagsasalita ng halos di nya maintindihan, hindi na nya maatim na basta na lamang iwan ang babaeng tila hinulog ng langit dahil sa mala-anghel nitong mukha. Naging routine na nya ang pagkagaling sa trabaho ay didiretso na sa club. Hindi para uminom, kung hindi para bantayan ang babae laban sa mga mapagsamantala. Hindi naman ito sumasayaw kapag lasing na at hindi rin naman nagwawala. Sadyang kapag lango na ay iiyak lang nang walang humpay at kapag napagod ay makakatulog na. Itinanim nya na sa kanyang isipan na pro-protektahan ang dalaga magmula nang makita nya itong sinasamantala ng isang lalaking lango na rin sa alak. Pasimple nitong hinihimas ang hita at hinahalikan ang balikat ng dalaga habang nakasubsob sa mesa. Agad niyang nilapitan ang dalawa at di nag-alinlangan na undayan ng makabasag bungong suntok ang gagong lalaki na naging dahilan ng tuluyang pagtulog nito. >>>> Alas-sais na. Kahit anong pagpipigil ay natagpuan na lamang ni Candy ang sarili sa tapat ng club. “Namimihasa, palibhasa’y may nag-aasikaso,” saad ng bahagi ng utak nya. Umismid sya. “Tse! Di ako magpapakalasing para may ulirat pa ko at makauwi mag-isa,” pagkumbinsi nya sa sarili. Papasok pa lamang sya sa club nang makita ang magkasintahang sweet na sweet habang pumapasok. Muntikan na syang mapabulanghit ng iyak sa ala-alang bumaha sa kanyang isipan kasama si Angelo. Dire-diretso sya sa loob, sabay order ng matapang na alak. “Scotch on the rocks. Make it a double, please.” “Eto na naman po sya,” sa isip-isp ni Trevor. Nauna syang dumating sa babae. Ang akala nya ay hihinto na ito sa ginagawa gabi-gabi. Isang bahagi ng isip nya ang medyo nalungkot sa kaalamang di nya na ito masisilayan. Ngunit mabuti na rin iyon dahil hindi naman pwedeng habambuhay ang ganoong setup nila. May kaunting kirot sa kanyang puso sa kaalamang di man lang sya pinagkaabalahang kilalanin ng babae upang pasalamatan. “Magpakilala ka na kasi. Ang tanda mo na torpe ka pa rin,” anas nya sa sarili. “Nandun na, eh. Konting kembot na lang Mrs. Angelo Reyes na dapat ako eh, sabay nang-iwan sa ere ang puta,” sabay hagulgul. Yun ang naabutang mantra ni Trevor nang lapitan nya ang babae. “May anghel palang nagmumura,” bungad ni Trevor sabay upo sa katabing stool. “Anghel? Yan, isa pa yang mga lintik na anghel na yan. Malamang nagdidiwang ang mga yun dun sa langit kasama ang asawa ko!” Sabay lagok ng pangsampu na yatang order ng alak. Sinulyapan ni Trevor ang daliri ng babae. May singsing pero di mukhang wedding ring. “Paano mo naman nasabi na hindi wedding ring yun,” patuyang sabi ng isip nya. Maya-maya pa ay humihilik na nang mahinhin ang babae. “Buhatin mo na, boss. Tulog na, eh. Bagsak na naman si ganda,” biro ng nakangising bartender.   >>>>    Dahan-dahan, inihiga ni Trevor ang babae sa kama. Sa unang pagkakataon ay pinagmasdan nya at dahan-dahan na hinaplos ang mukha ng dalaga. Meron syang makapal ngunit nasa ayos na kilay, mahahabang pilikmata, matangos ngunit maliit na ilong, at pinkish lips. Kung patatayuin lamang ang babae sa mall at bibihisan ng maganda ay mapagkakamalan itong manikin. Tatayo na sana siya nang ikawit ng dalaga ang mga braso sa kanyang leeg, dahilan upang masubsob ang mukha nya sa mabangong leeg nito. “Kiss me...” bulong nito. Inangat nya ang kanyang mukha at tumitig sa bahagyang nakamulat na mga mata nito. Bago pa makapagprotesta ay sinakop na ng dalaga ang kanyang mga labi. The hell, sino sya para tumanggi? Bahala na. Agad syang sumagot ng mas mapusok na halik, dahilan upang mapasinghap ito. Sinamantala nya at ginalugad ng kanyang dila ang matamis nitong bibig. Napakalambot at napakabango ng dalaga. Masyado syang nalulunod sa sensayong kanyang nararamdaman. Tumaas ang suot nitong pencil skirt, hinaplos nya ang mahahaba at makinis nitong hita. Pumisil-pisil at tumaas baba ang kanyang kamay. Dalang-dala na sya at halos gusto nang kumawala ng kanyang sandata.  Oh, hell. Ungol ng dalaga ang nagpabalik sa kanya sa ulirat. Hindi tama ito. Kung di nya aawatin ang sarili ay baka kung saan pa humantong ang halikan na ito. Hindi nya gustong magkaroon ng masamang impresyon sa kanya ang dalaga at maakusahang mapagsamantala. Bago sya humiwalay sa babae ay pinagmasdan muna nya itong mabuti. “Bakit mo ito ginagawa sa sarili mo?” nais nyang itanong sa dalaga kung hindi lang ito lango sa alak. Bago siya lumabas ng pinto ay umabot pa sa pandinig nya ang inusal ng babae, sanhi upang bumigat ang kanyang pakiramdam. “Angelo...”  Ouch. Damn you, Angelo. Kung sino ka man! >>>> “Ano ka ba naman, Candy! Araw-araw na lang ba tayong ganito? Jusmiyo Marimar naman oh,” nababanas na sabi ni Toyang. “Okay, nandun na tayo, sobrang mahal mo si Angelo.  Napakabuti nyang tao at mahal na mahal ka rin nya... pero alam mong bilang kaibigan lang ang pagmamahal nya sa'yo,” papahinang dugtong pa ni Toyang na bakas ang lungkot sa mukha. Oo, alam nya yon. Mag-best friend ang nanay nila ni Angelo at bata pa lamang ay malaki na ang gusto nya sa kababata. Nanay ni Angelo ang humiling rito na siya na lang ang pakasalan ng binata magmula nang mamatay ang mga magulang nya sa aksidente. At dahil nga napakabuting tao ni Angelo, di nagdalawang salita ang nanay nito. Ngunit alam nya sa kaibuturan ng puso nya na si Toyang talaga ang nilalaman ng puso ng binata. “Hinalikan nya ko ka-kagabi...” pautal nyang sambit. “Ni Angelo?!” halos magkandadilat na bulalas ni Toyang. Halos mangudngod ang nguso sa manibela. OA. “Gaga! Hindi. Yung laging naghahatid sakin sa hotel.” Wala sa loob na hinawakan nya ang mga labi. Di man nya nakita ang hitsura ng lalaki ay alam nya sa isip nya na yummy ang kanyang mystery man. Oh, boy. Kahit wala sa tamang wisyo, ramdam nya ang sarap ng halik na yun. Ang pagtama ng tissue paper ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan. “Landi nito! Kaya pala may chikinini ka sa nguso. Ayan oh, may naiwan pang buhok. Ano ‘to bigote o balbas? Bakit kulot? Oh, tissue. Punasan mo yang muta mo. May panis na laway ka pa sa pisngi. Naku bakla huh, alamin mo na kung sino yang mystery man na yan na nag-aabala sayo. Baka mamaya eh matandang panot na malaking tiyan pala yan,” sabay tawa ni Toyang. “O kaya bumbay. Paamoy nga raw ng bibig mo, baka amoy sibuyas. Haha.” Suminghot singhot pa ito na tila aso. Nangasim ang kanyang mukha sa pag-iisip na baka tama ang kaibigan. Pero parang hindi naman. Amoy mint na citrus nga, eh. Di rin naman nangati ang kanyang baba, kaya malamang ay hindi balbas sarado ang estranghero. Hindi nya matandaan, pero ang tila paghaplos nito sa kanyang hita kagabi ay naghatid sa kanya ngayon ng kakaibang kilabot, dahilan upang wala sa loob na pagkiskisin nya ang kanyang mga hita. Habang iniikot ang tissue paper sa kamay ay may nabuo nang plano si Candy. Sana lang ay yummy talaga si “Mr. Good Kisser.”   >>>>    Nasa counter si Candy at sadyang juice lang talaga ang kanyang inorder.  “Nandito na kaya sya? Bakit ayaw pa nya kong lapitan?” “Ma’am, di ba kayo oorder ng alak?” pagtataka ng bartender. “Ah, maya-maya na,” sagot niya, sabay ngiti. Inikot nya ang tingin sa paligid. Ang lahat naman ay abala sa kanya-kanyang gawain. Nagtama ang mata nila ng isang lalaki, ngunit agad rin syang umiwas dahil bukod sa ubod ito ng payat ay may messy long hair pa ito at puno ng tattoo ang mukha at katawan. “Yikes. Kung sya yon, di na talaga ko maglalasing kahit kailan.” Tinubuan na siya’t lahat ng kulaba sa mata ay wala pa ring lumalapit sa kanya, maliban sa pailan-ilang sumubok makipag-flirt.  “Bakit ba? Ano bang problema mo? Bakit ayaw mong magpakilala?” Kailangan nyang makaisip ng ibang paraan. Ting... Tila may bumbilyang umilaw sa kanyang ulunan. Ilang segundo pa ay palabas na sya ng club at sumakay ng taxi pauwi. Siguradong magpapamisa si Toyang nyan dahil magigisnan sya nito sa kanyang kama. >>>> Di malaman ni Trevor ang iisipin sa ginawa ni Candy. Siguro ay natakot ang dalaga sa nangyari nung gabing iyon kaya di na nagpakalango sa alak. Lalapitan na sana nya ang dalaga nang bigla na lamang itong tumayo, diretsong lumabas at tila nagmamadaling sumakay ng taxi. Natakot kaya ito sa kanya? Nasaktan kaya ito sa madiin at mainit nyang paghalik? Bigla nyang nasabunutan ang sarili at nakuntento na lamang tanawin ang halos usok na lamang na taxi. >>>> “s**t. Gising na ang bruha.” Nilapitan siya ni Toyang at pinindot-pindot ang kanyang pisngi. Sa pagka-irita nya ay hinatak nya ang bangs nito at ipinantay sa kilay. “Aray, huh!” Hinampas naman siya nito ng hawak na tuwalya. “Bakit dito ka natulog, hindi sa hotel? Wala na bang budget yung guardian angel mo? Teka, nagpakilala na ba sya sayo at hinatid ka dito? Meron ka bang di sinasabi sakin, huh?” galit-galitan nitong turan sa kanya. “Unang-una, bahay ko 'to. Pangalawa, lumayas ka nga rito!” singhal nya sabay paikot ng mga mata. Alam naman ni Toyang na nagbibiro lang sya. Ang pinsan na ang nakasama niya sa bahay magmula nang pumanaw ang kanyang mga magulang. Higit pa sa sisters ang turingan nilang dalawa dahil di naman sila ngkakalayo ng edad. Madalas pa silang mapagkamalang kambal dahil magkasingtaas sila at parehas na malaporselana ang kutis. Nagkaiba lang sila sa buhok. Hanggang baywang ang kanya, wavy, blondena at may highlights; samantalang kay Toyang ay maigsi na tulad ng kay Rihanna at pulang pula. Iba rin kasi ang trip nito sa buhay eh. “So ano nga? Nagpakilala na ba? Kayo na? Gwapo ba? Teka teh, lalaki nga ba? OMG! Ahahaha.” Nagtatawa na ito na tila sinasaniban. “Tado 'to, ah! Dami mong tanong. Di pa nga nagpakilala.”  “Aaaww, ang cute naman. Torpe si Mystery Man. May ganun pa pala ngayon.” “Sana nga torpe lang. Di bale, hintayin mo na lang. Di magtatagal eh matitimbog ko rin kung sino man yung poncio pilato na yun.” >>>> Kinagabihan ay bumalik sya sa club. Operation: Lasing-lasingan! HA HA. Pagka-upo ay umorder agad sya ng alak. Business as usual. Matapos ang isang oras ay nag-iyak-iyakan ito at nagtulug-tulugan. Maya-maya’y naramdam nyang may umupo sa katabing upuan. OMG! OMG! “Parang ang bilis tinamaan ni ganda ngayon, ah. Buhatin nyo na, sir,” narinig nyang sambit ng bartender. “Ganun ba? Baka nakainom na nang dumating, itinuloy na lang dito,” sagot ng lalaki.  “f**k, sya nga,” bulong ni Candy sa sarili.  Boses pa lang ay kung anu-anong hitsura na ng lalaki ang nai-imagine nya. Buong-buo ang malalim na boses at mahinahon magsalita. Pinilit nyang wag mapasinghap nang buhatin sya ng lalaki. Nasamyo nya ang panlalaking pabango nito, amoy bagong paligo. Dama ng braso nya ang hubog at tigas ng mga dibdib nito. Sa pagkarga pa lamang sa kanya ay alam na nyang matipuno ang mga braso nito.  “Wag lang sanang sumablay sa face.” >>>> Dahan-dahan siyang inilapag nito sa kama. Ngunit bago pa ito makawala ay hinawakan na nya ito sa braso nang mahigpit. Kinakabahang iminulat nya ang kanyang mga mata, dahan-dahan. Tila tumigil ang oras. Ganun na lamang namilog ang mga mata nya nang masilayan ang misteryosong lalaki. Artista o modelo? Yan ang nagtalo sa isip nya. Tamang tama ang terminong ginamit ni Toyang, “Guardian Angel.” Sa wakas ay nasa harapan na nya ang lalaking nag-alaga sa kanya nang walang hininging kapalit. Kailangan nyang magsalita. Ginalugad nya ang isipan. “Si-sino ka?" Itutuloy... Please Like and Follow <3  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married By Mistake

read
171.1K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.1K
bc

Stubborn Love

read
98.9K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.8K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.9K
bc

My Last (Tagalog)

read
487.0K
bc

My Favorite Subject

read
218.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook